You are on page 1of 3

MGA NAGING KASINTAHAN NI RIZAL

JULIA  CELESTE  SMITH

Noon ay buwan ng Abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los Baños,
Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang babae na
nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang nakakintal sa isipan ni
Rizal subali’t tulad ng iba pang kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang
makakilala siya ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas.

SEGUNDA KATIGBAK

Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas.


nakilala ni Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola
noong buwan ng Disyembre 1877, sampung buwan matapos makilala nya si Julia.
Inilarawan ni Rizal si Segunda na may mahabang buhok, matang nangungusap na
maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon, malarosas na
kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang ngipin at may kilos na
malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit niya ang larawan ni Segunda na
kanya namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang
sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid niya na naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel
Luz, subali’t nagpatuloy pa rin siya sa pagdalaw dito. 

JACINTA IBARDO LAZA

Ang sakit na nadama ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang pinawi sa


pagdalaw sa dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag niyang binibining
L. Sinabi ni Rizal na mas matanda ito sa kanya, maputiat nagtataglay ng mga
matang kaakit-akit. Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay ang gurong si Vicenta
Ybardaloza. Madalas na dalawin ni Rizal si binibining L bagamat ang puso niya ay
patuoloy na nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb. L
nang pagbawalan siya ng kanyang ama.

LEONOR “Orang” VALENZUELA

Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala niya si Leonor na kapit-bahay ng may-
ari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Doña Concha Leyva.Si Leonor ay anak
nina Kapitan Juan at ni kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat, at
upang hindi malaman na sila’y may kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor sa
pagsulat na ang tintang ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang
kanilang pag-iibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang
magkaibigan.
LEONOR  “Luntian”  RIVERA

Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal at ni


Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang
tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa isa’t isa ay
naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng mga estudyante
sa UST at ito’y ginamot ni Leonor. Siya ay inilarawan na may maputing balat, alon-
along buhok na mamula-mula, may maliit na bibig, may kalakihan at maitim na
mata at mahahabang pilikmata, iong na may katamtamang tangos, ngiting binabagayan ng dalawang
biloy sa mala-rosas na mga pisng, matamis na tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak.
Matagal nagkawalay ang dalawa nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor
Rivera noong June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina. Namatay sa panganganak si Leonor Rivera
noong Agosto, 28, 1893 ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa kalungkutan.

CONSUELO ORTEGA Y. REY 

Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng maraming


talento kaya’t nagustuhan siya ng magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si
Consuelo. may dalawang dahilan kung bakit umayaw si Rizal sa relasyon nila:

 May kasunduan na sila ni Leonor.


 Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si
Eduardo de Lete ay may gusto din kay Consuelo.

GERTRUDE “Gettie” BECKETTE


 
Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya sa
London. Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok,
asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa London
upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon a Maynila.
 

NELLIE BOUSTEAD

Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad at


totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie na
magpakasal:

 Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal.


 Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong protestantismo na gusto
naman ni Nellie.
SEIKO “O Sei San” USUI

Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27. Nagsimula ang pag-iibigan nila nang lumipat
si Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko kay
Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang
niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay
nagsalita siya ng wikang pranses at ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal
ngunit mas nanaig ang misyon niya na na pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897
matapos mamatay ni rizal ay nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton, isang British guro ng
chemistry.Namatay si Seiko noong May 1, 1947. 

SUZANNE JACOBY

Isa sa dalawang dahilan kung bakit masaya si Rizal nang umalis ng Belgium. Noong
Abril, 1891 pagkatapos isulat ang El Filibusterismo ay bumalik siya sa Belhika na
ikinatuwa naman ni Susanne Jacobe.

PASTORA NECESSARIO CARREON

 nakilala ni Rizal sa Dapitan


 Huling pag-ibig
 anak-anakan ni G. George Toufor
 Silang dalawa lamang ang gumawa ng ritwal na pagpapakasal dahil sa tutol
ang marami sa kanilang dalawa

JOSEPHINE LEOPALDINE BRACKEN

Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang mga magulang ay sina
James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang ina nya sa
panganganak kaya’t inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni Rizal si
Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na
mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni
Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang
dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang iiwan ni Josephine
ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa Hong Kong, bumalik din si Bracken sa
Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit tinanggihan ito ni Padre Obach kaya’t sila’y naghawak
kamay at ikinasal ang kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak
na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago mamatay si rizal, binigay
niya muna ang librong imitation Of Christ ni Padre Thomas Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon
matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.

You might also like