You are on page 1of 16

" Ang Makulay na Buhay

Pag-ibig ni Rizal"
Si Dr. Jose Rizal ay tunay na kahanga-
hangang nilalang. Bukod sa pagiging
optalmolohista, alagad ng sining,
siyentipiko, nobelista, manunulat,
peryodista, at repormista ay isa rin pala
siyang dakilang mangingibig. Sa
katunayan, hindi bababa siyam na
kababaihan ang kanyang napusuan. Ilan
sa kanila ay ang mga sumusunod:
SINO SYA?
Si Segunda ay ang puppy love ni Rizal. Siya ay 14 na taong gulang na

dalagita na kapatid ng kaklase at kaibigan ni Pepe na si Mariano

Katigbak. Kolehiyo ng La Concordia ang kanyang paaralang pinasukan

kung saan rin nag-aral ang kapatid ni Rizal na si Olympia.

PAANO NAGKILALA?
Ayon sa iba, nagkita ang dalawa sa Trozo, Manila kung saan binisita ni

Rizal ang kanyang lola na nakatira mismo sa nasabing lugar. May mga

nagsasabi rin na nagkita sila sa Lipa, Batangas kung saan nanggaling

ang pamilya Katigbak. Malimit na pumupunta noon si Pepe sa Kolehiyo

SEGUNDA KATIGBAK ng La Concordia hindi lang para dalawin ang kanyang kapatid kundi

upang masulyapan ang dalagita na ayon sa kanya ay,

PAANO NAGWAKAS ANG


KANILANG RELASYON?
Nakatakda ang pagpapakasal ni Segunda sa isang taga-

Lipa rin na si Manuel Luz.


SINO SYA?
Si Leonor na kilala rin sa kanyang palayaw na “Orang”. Siya ay katorse

anyos at kapitbahay ni Rizal sa Intramuros nang minsang mag-aral ito

sa Unibersidad ng Santo Tomas. Matangkad ang dalaga, at Pagsanjan

ang kanyang lupang tinubuan.

PAANO NAGKILALA?
Sa kadahilanang magkapitbahay lamang ang dalawa, madalas makitang

nakaistambay si Pepe kasama si Orang. Madalas din ang pagsusulat ni

Rizal ng liham pag-ibig sa dalaga sa pamamagitan ng paggamit tintang

hindi nakikita.

LEONOR VALENZUELA
PAANO NAGWAKAS ANG
KANILANG RELASYON?
May espesyal na pagtingin ang batang Rizal kay Orang, subalit maaaring hindi

parehas ang nararamdaman nila para sa isa’t isa sa pagtanggap niya ng ibang

manliligaw. Ni-hindi man lamang bumuhos ang luha sa kanyang mga mata sa

pag-alis ni Rizal papuntang Espanya.


SINO SYA?
Si Leonor ay anak ng kanyang amain na si Antonio Rivera na siyang pinsan

ng kanyang amang si Francisco. Sa madaling sabi, naging katipan niya ang

kanyang pinsan. Siya ang inspirasyon ni Rizal sa paglikha ng karakter na si

Maria Clara sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

PAANO NAGKILALA?
Nagkakilala ang dalawa noong 13 taong gulang pa lamang si Leonor. Hindi

naputol ang koneksyon ng dalawa kahit nangibang-bayan ni Rizal matapos

ang dalawang taon upang magpakadalubhasa. Sa katunayan, nagtagal pa nga

ng 11 taon ang kanilang relasyon at sa mga panahong yaon naging inspirasyon

ang dalaga sa kanyang pag-aaral.

PAANO NAGWAKAS ANG


LEONOR RIVERA KANILANG RELASYON?
Noon pa man ay tutol na ang ina ni Leonor na isang filibustero sa pag-iibigan ng

dalawa. Sa halip na kay Rizal, gusto nito na maipakasal ang dalaga kay Henry

Charles Kipping, isang Ingles na inhinyero. Ayaw ni Leonor sa Ingles na ito, subalit

pilit siyang kinumbinsi ng matigas niyang ina rito. Nagawa pa nitong itago ang mga

sulat mula kay Pepe at sabihan ang dalaga na ikakasal na diumano si Rizal sa anak

ni Ferdinand Blumentritt. Sa kalaunan ay napaniwala si Leonor sa kasinungalingang

ito at piniling magpakasal kay Kipping.


Sa Pinto Art museum sa Antipolo City, makikita rito Ang taimis project.

Makikita rito Ang Larawan ni Leonor Rivera Kipping at Ang liham na

ginawa ni LEONOR Rivera Kay Rizal. Nagbibigay din Sila ng lektura o

kuwento na nangyare sa buhay ni Dr. Jose Rizal at Leonor.

Ang Pintô Art Museum sa Antipolo City ay naglunsad ng Taimis

Project, sa kaganapan na inspirasyon ng kwento ng pag-ibig, kahit

na nagtatapos sa isang nabigong pakikipag-ugnayan, sa pagitan ng

pambansang bayani na si Jose Rizal at ang kasintahan na si

Leonor Rivera.

Ang "Taimis" ay ang term ng pagmamahal ni Rizal para sa dati


LEONOR RIVERA
niyang fiancee. Ang pakikipag-ugnayan ay sinira ng ina ni

Rivera, na sumalungat sa laban at namagitan sa pamamagitan ng

pag-iingat ng mga liham ni Rizal mula sa kanyang anak na

babae.
SINO SYA?
Si Consuelo ay sinasabing pinakamagandang anak dating alkalde ng

Maynila na si Don Pablo Ortiga sa panahon ng panunungkulan ni

Gobernador-Heneral Carlos Maria dela Torre noong 1869-1871.

Labing walong taong gulang ang dalaga.

PAANO NAGKILALA?
Unang nagkita ang dalawa noong ika-16 ng Setyembre taong 1882. Dahil

nga nag-iisa at malayo sa kanyang pamilya at bayang sinilangan, hindi

maiiwasang tumibok muli ang puso ni Rizal para sa iba. Maraming regalo

ang inihandog niya kay Consuelo: telang gawa sa sinamay, panyong gawa

sa pinya. at tsinelas Bilang paghanga sa dalaga, napasulat pa nga ito ng tula

na pinamagatang A La Senorita C.O. y R.

CONSUELO ORTIGA Y REY PAANO NAGWAKAS ANG



KANILANG RELASYON?
Hindi na pinalalim pa ni Pepe ang relasyong namamagitan sa kanila ni Consuelo.

Ito ay sa kadahilanang nakatali pa siya kay Leonor Rivera noong mga panahon na

iyo. Isa pang dahilan ay ang pagtingin ng kaibigan niyang si Eduardo de Lete,

isang mestizo mula sa Leyte, sa dalaga. Ayaw niyang ipagpalit ang pagkakaibigan

para sa isang babae.


SINO SYA?
Si Seiko Usui, na tinawag ni Rizal na O Sei-San, ay 23 anyos na

Haponesa na anak ng isang samurai. Nagtatrabaho ang dalaga sa

legasyon ng Espanyol sa Tokyo.

PAANO NAGKILALA?
Noong Pebrero 1888, nagtrabaho si Pepe sa legasyon ng Espanyol sa bansang

Hapon at doon nagkakilala ang dalawa. May kakayahang magsalita ng

wikang Ingles at Pranses ang Hapones, kaya madaling nakapagbuo ng

relasyon ang dalawa. Tinuruan rin ng dalaga si Rizal ng wikang Hapon.

Mababasa sa kanyang talaarawan ang sulat niya para kay Seiko na

nagsasabing,

SEIKO USUI PAANO NAGWAKAS ANG



KANILANG RELASYON?
Dahil sa kanyang misyon para sa Inang Bayan, kinailangan

niyang umalis at iwan ang Haponesa papuntang San Francisco

sa Estados Unidos noong April 13, 1888.


SINO SYA?
Si Gertrude ay isa sa anim na anak ni Charles Beckett. Si Charles ay ang Ingles na

nagmamay-ari 37 Chalcot Cresent, isang paupahang bahay sa London, England

kung saan namalagi noon si Rizal noong Mayo taong 1888.

PAANO NAGKILALA?
Dahil minsang tumira si Rizal sa lupa ng mga Beckett, nagkakilala niya si

Gertrude na tinawag niyang Gettie. Hindi naglaon ay nagkagusto na ang

dalaga kay Pepe. Tinutulungan niya si Rizal sa kanyang mga gawang

sining. Kabilang dito ay ang Prometheus Bound, The Triump of Science

over Death at The Triump of Death over Life.

PAANO NAGWAKAS ANG


KANILANG RELASYON?
GERTRUDE BECKETT Umiwas si Rizal sa lalo pang lumalalim na pagtingin ni Gettie.

Bago pumunta ng Paris noong Marso 1889, ibinigay niya ang

eskultura ng magkakapatid na Beckett na mismong kanyang

nililok.
SINO SYA?
Si Suzane ay ang pamangkin ng may-ari ng paupahang bahay na

tinirhan noong ni Rizal sa Brussels noong Pebrero taong 1890.

PAANO NAGKILALA?
Sa mahal ng gastusin sa Paris, naisipan niyang iwan ang lugar

para pumunta sa Brussels at doon mamalagi. Dito niya

nakilala si Suzane. Anim na buwan rin ng sila ay nagkasama.

PAANO NAGWAKAS ANG


KANILANG RELASYON?

Umalis si Rizal papuntang Madrid. Pero bago yaon ay nag-


SUZANE JACOBY
iwan siya ng tsokolate para kay Suzane. Sumulat ang dalaga

sa kanya na bumalik sa Brussels. Bumalik nga siya noong

Abril taong 1891, subalit hindi para kay Suzane kundi para

ipagpatuloy gawin ang kanyang nobelang El Filibusterismo.


SINO SYA?
Si Nellie ay may dugong Pinoy. Ang kanyang ina ay Pilipina samantalang ang

kanyang ama ay isang British nag nagngangalang Eduardo Boustead, isang

negosyante. Manliligaw niya si Antonio, kapatid ng kilalang pintor na si Juan

Luna.

PAANO NAGKILALA?
Noong Pebrero 1891, tumira si Rizal sa Villa Eliada sa Biarritz, French Riviera kung saan

nakatira ang mga Boustead. Naging kaibigan ni Pepe ang pamilyang ito. Sa estudyo ni

Juan Luna ay madalas ding nakikipaglalaro ng fencing si Pepe kay Nellie at sa kapatid

nitong si Adelina. Ito ang panahon kung saan naputol na ang relasyon na namamagitan

sa kanila ni Leonor Rivera, na ikakasal na noon kay Henry Kipping. Kaya maaari na ulit

siyang magkaroon ng panibago at legal na katipan.

PAANO NAGWAKAS ANG


NELLIE BOUSTEAD KANILANG RELASYON?

Naisipang minsan na alukin ng kasal ang dalaga, subalit hindi ito natuloy. Ito ay sa

kadahilanang hindi pinalitan ni Rizal ang kanyang pananampalataya sa relihiyong

Protentantismo, na kagustuhan ni Nellie. Isa pang dahilan ay ang pagtutol ng ina

ni Nellie sa relasyon ng dalawa na nagwikang hindi raw kayang buhayin ni Pepe

ang kanyang anak. Maayos at mapayapang naghiwalay ang naman dalawa.


Nagkaroon ng paghanga si Nellie kay Rizal.

Dahil dito, bigo si Antonio Luna na noo’y

nanliligaw rito. Sa sobrang pagkadismaya,

nagpahayag ang nakainom na Heneral ng

maaanghang na salita laban sa dalaga. Dito na

hinamon si Rizal ang nag-aamok na si Luna sa

isang duelo. Hindi naman natulo’y ang duelong


NELLIE BOUSTEAD

ito sa paghingi ng tawad ni Antonio.
SINO SYA?
Si Josephine ang huling babae ng kanyang buhay. Siya ang

maituturing na legal na asawa ni Rizal. Ang kanyang mga magulang

ay parehong Irish, ngunit siya ay isinilang sa Hong Kong. Dulce

extranjera ang bansag ni Pepe sa kanya.

PAANO NAGKILALA?
Si Bracken, na noo’y 18 anyos, ay naglayag papuntang Dapitan upang

samahan ang kanyang ama-amahan na si George Taufer na

magpatingin ng mata kay Rizal. Nabighani si Pepe sa alindog ng dalaga.

Hindi nagtagal ay nagkamabutihan ang dalawa. Nanirahan sila sa

Barangay Talisay sa Dapitan.

PAANO NAGWAKAS ANG


JOSEPHINE BRACKEN KANILANG RELASYON?

Binitay si Rizal sa Bagumbayan. Pagkatapos nito’y bumalik si Josephine

sa Hong Kong sa kanyang ama. Napangasawa niya si Vicente Abad

noong taong 1900. Nagkaroon siya ng anak dito at pinangalanang

Dolores.
Pagkamatay ni Rizal, agad na sumali si Bracken sa mga

rebolusyonaryong pwersa sa lalawigan ng Cavite, kung saan

pinangalagaan niya ang mga may sakit at nasugatan na mga sundalo,

pinalakas ang kanilang moral, at tinulungan ang pagpapatakbo ng

pag-kakarga para sa mga basyo ng Mauser sa Imus Arsenal sa ilalim

ng rebolusyonaryong pangkalahatang Pantaleón García.

Hanggang kusang bumalik si Bracken sa Hong Kong sa payo ng

American consul sa Maynila. . Pagbalik niya mula sa Hong Kong, muli

siyang nanirahan sa bahay ng kanyang ama. Pagkamatay ng ama

niya, pinakasalan niya si Vicente Abad, isang mestizong Cebuano, na

kumakatawan sa kanyang ama sa kumpanya ng tabacalera sa

teritoryo ng Britanya Isang anak na babae, si Dolores Rizal y Braken,

JOSEPHINE BRACKEN ay ipinanganak sa mag-asawa noong Abril 17, 1900. Isang testimonya


na patotoo ni Dolores ay nagpapatunay na ang kanyang ina "ay

nagdusa sa sakit na tuberculosis ng larynx," sa oras ng kasal. [20]

Namatay si Bracken sa tuberkulosis noong Marso 15, 1902, sa Hong

Kong at inilibing sa Happy Valley Cemetery .


Kahit saan man mapadpad
Sayo pa rin ako babalik,
babalik giliw
Sa halimuyak, sa halimuyak ng
'yong paboritong sampaguita,
sampaguita
Sa halimuyak ng 'yong
paboritong sampaguita
Sa halimuyak ng 'yong
sampaguita
...,mula sa kantang Sampaguita ni Jose RIzal
MGA GUMAWA:

Monique Samonte Golden Magpulong


Kristine Morota Jennifer Gernale

You might also like