You are on page 1of 39

CHAYONG

Ngayon, dumating kayo, tinugon


ang aking paanyaya. Inalaala natin
ang Hibik Namin, ang mga tao sa
likod ng mga magarbong mga
pangalan: Honorata Dimayuga,
Felipa Kapuloan, Feliza Kahatol,
Patricia Himagsik, Salvadora
Dimagiba, Deodata Liwanag,

Victoria Mausig, Dolores Katindig,


at Victoria Lactaw. Parang
bagong galing ako sa sakit. Hindi
ako naratay sa panahong
ayokong makipagkita sa inyo.
Pero maysakit ako, alam ko, at
ayokong malunasan ang sakit na
iyon. Ngayon, magaling na ako.
Magaling na si Victoria.

Yayakapin si CHAYONG ng mga


kaibigan at magyayakap silang
lahat.
Maririnig ang biglang pagbuhos
ng ulan na makikita sa mga
bintana sa likuran.

Lilitaw si TINO sa makaakyat ng


hagdanan, bahagyang nabasa
ng ulan. Kasunod niya ang isang
sundalong Amerikano, batangbata pa, kababanaagan pa ang
kawalang-malay ang mukha at
lubos na naniniwala sa
kadakilaan ng mga adhikain ng
Amerika para sa mga Filipino.
Pinapagpag niya ang mga butil
ng ulan sa kanyang uniporme.

TINO
Ahem! Mga binibini, tama na
muna ang burdahan. Narito si
Lieutenant Peter Norris ng
hukbong Amerikano. May
leksiyon sa Ingles ang Ate
Chayong.

PETER
Good morning, ladies. Me
perdonan ustedes, por favor.
Maabalaako sa inyong
conversacion.
AYANG (tatayo)
Wala, walang conversacion.

GARE (tatayo rin)


Burda, burda only.
Tatahimik na lalabas papunta
sa komedor sina CONCHING,
AYANG at GARE.

TINO
Naraanan ko riyan sa may
pintuan. Kakatakot sana kaya
pinatuloy ko na. Gaano
kalawak at kalalim sa paggamit
ng wika ni Balagtas ng ating
panauhin?

CHAYONG
Hindi sapat upang maarok ang
usapan ng dalawang taong
nag-iingat na hindi
maunawaan ang kanilang
pinag-uusapan. Kararating
lamang niya mula sa ibayong
dagat.

TINO
Mabuti naman. At bakit ngayon
ko lamang nasilayan ang
kanyang putlaing
pagmumukha?

CHAYONG
Ikalawang pagdalaw pa lamang
ng ginoo. Ang dalawang
nauna, nakilala mo na.
Sumuko daw dahil sinasadya
ko daw huwag matutuhan ang
kanilang tinuturo.

PETER
Perdoname, Senorita, no
comprendo su conversacion.
CHAYONG
Telling brother how kind you
teach English to me.

PETER
Boy, that certainly was a roundabout way of saying it.
TINO
Filipinas, you like?
PETER
Oh the women. Some of them,
yes. I guess I like them. Your
sister is nice.

TINO
No! No! The country, le gusta?
PETER
Oh-oh, I get what you mean.
Yes, I like it. I will like it better
now that General Malvar has
surrendered.

CHAYONG
Sabi nya, mas magugustuhan
niya dahil sumuko na si
Heneral Malvar.
TINO
Sabihin mo sa kanya, Putang
ina nila, hindi pa tapos ang
gera!

CHAYONG
Brother say, he happy you like
Filipinas.
PETER
Now that the war is over, you
people can begin to learn
civilized ways. You will enjoy the
blessings of American living.

CHAYONG
Filipinos civilized Americans not yet
coming. Sibilisado na kami noon pa.
PETER
Im sorry, I was not talking about you
folks. You gentes ricos. But lowerclass gentes, they are wild and
dangerous. Force is necessary to
teach them civilized ways.

CHAYONG
Sabi niya, tayo raw sibilisado. Pero
ang mahirap, sila kailangan
gamitan ng lakas.
TINO
Putang ina ka mo siya! Senor
Norris, si Heneral Bell
pumapatay, nanununog. Siya gay
sibilisado? Mga bangkay, abo ng

tahanan Hindi kami hayop na


paamunin ninyo sa hampas at
kulata!
PETER
Senorita Rosario,why is your
brother raving like that? I dont
understand a word hes saying. I
did not mean to offend, honest, I
didnt.

CHAYONG
Brother very angry because
American soldiers kill, burn
people, houses, steal chicken,
girls no more honor.

PETER
Come, Senorita, those are lies
spread by filibusteros and
bandidos. Americans are
Christians, they are civilized
people, not animals.

TINO
Sabihin mo sa putang inang iyan,
idilat ang kanyang mata.
Malalaman niya na isinusumpa
sila ng mga Filipino.
CHAYONG
Open eyes, ask friends, listen.
Many crimes of American
Soldiers.

PETER
Alright, alright, maybe there have
been killings and burnings. This is
war. Filipinos cannot win this
war. Therefore it is their
obligation to stop fighting. You
stop fighting, then no more
killing and burning.

CHAYONG
You say strong country right, weak
country wrong. Entonces, kill
burn weak people, strong people
correct!
PETER
If you weak people can show
proof Americans are guilty of
crimes, the criminals will be
punished.

CHAYONG
Punish! Who punish?
PETER
The American courts will.
CHAYONG
I have proof. Me! I show. I am
proof.
TINO
Ate.

Peter
I dont understand.
CHAYONG (hysterical)
I am proof. American soldiers
bad. Very bad! Do bad things
to me! Now, no more honor,
no more honor.

Papasok sina CONCHING,


AYANG at GARE at lalapitan sa
CHAYONG. Sa makaakyat ng
hagdan, lilitaw si BINDOY at
tahimik na makikinig.

CHAYONG (galit, nagdadalamhati)


Kung kayang sikmurain ng iyong
korte ang paglitis sa kabuktutan
ng inyong mga sundalo, haharap
ako! Tetestigo ako kung paano
ako binihag. May sugat sa balikat,
nanghihina sa dugong naubos.
Tetestigo ako. Hinubaran ako,

Binaboy, pinagpasa-pasahan ng
mga halimaw. Soldiers face
and hand, blood. My face and
hand, blood, dugo. Yes, Senor
Norris, soldiers, Americans,
use force. I say No! Laughing,
say, teach enemy woman
American love.

Humahagulgol si CHAYONG, inaalo


siya ng mga kaibigan.
PETER
I Im sorry This is terrible, terrible.
Excuse me.
Dali-daling mananaog si PETER.
Makikita si BINDOY ng mga
dalagang kaibigan. Iiwan nila ang
dalawa upang magkasarilinan.
Mawawala sila sa pintuan ng
komedor. Pati si TINO ay lalabas.

Katahimikan.
Lalapit si BINDOY kay CHAYONG.
BINDOY
Chayong, patawad, Chayong.
Narinig ko. Hiyang-hiya ako.
Basta na lamang ako nawala.
Malaking kasalanan iyon. Gusto
kong paniwalaan mo ako ngayon.
Narito ako. Nagbalik. Nagbalik.
Kung tatanggapin mo.

CHAYONG
Kanina, kausap ako ng mga
kaibigan at kaisa. Bumukas ang
loob ko. Parang silid, bigla na
lamang bumukas. At lumabas
ang buhay ko. Nakakulong pala
roon ang buhay ko. Tinanggap
kong muli ang buhay ko. Kasama
ka roon, Bindoy.

BINDOY
Pinatawad mo na ako kung
gayon. Magbalik tayo sa dati
Pakasal tayo.
CHAYONG
Sa ibang pagkakataon na natin
harapin iyan.

BINDOY
Ganti mo ga ito dahil naduwag ako
noon?
CHAYONG
Hindi, Bindoy, hindi ganti. Gusto
ko lamang paunlakan ang aking
sarili. Santaon kong tinanggihan
ito. Gusto ko munang lasapin
kung paano maging ako.

AY, PAG-IBIG
BINDOY
Ay, pag-ibig,
Isang tabong tubig.
Nang akoy umalis,
Sanlagok na pait.

Aking inaako
Ang maling paglayo.
Ngayoy sumasamo
Tanggapin ang puso.

BINDOY
Mahal kita, Chayong. Sinayang
ko ang mga araw nang lumayo
ako. Ano ang gusto mong
gawin ko upang maging
karapat-dapat muli?

CHAYONG
Nasa gipit ang bayan natin.
Kailangan niya ang ating mga
bisig. Kapwa tayo umasa noon
sa paglaya ng bayan. Balikan
natin ang pag-asang iyon.

NARIYAN KA
CHAYONG
Ikaw at ako,
Magkaagapay tayo,
Nariyan ka, narito ako.
Hanapin ang paraiso.

You might also like