You are on page 1of 2

BAYANING THIRD WORLD MOVIE CRITIQUE

CHARACTERS:

Filmmaker 1 - RIcky Davao


Filmmaker 2 - Cris Villanueva
Jose Rizal - Joel Torre
Dona Teodora - Daria Ramirez
Trining - Rio Locsin
Narcisa - Cherry Pie Picache
Paciano - Joone Gamboa
Josephine Bracken - Lara Fabregas
Padre Balaguer - E.A Rocha
Pio Valenzuela - Jay Espano
Andres Bonifacio - Kenneth Bruan

SUMMARY

Ang pelikulang ito ay tungkol sa dalawang manunulat ng pelikula (filmmakers) na


naghahangad ng makagawa ng isang pelikula o dokumentaryo na nagpapakita ng mga
tunay na pangyayari sa buhay ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. At hindi
lamang isang ordinaryong pelikula ng buhay ni Rizal, kundi isang pelikula na naglalaman
ng mga isyu tungkol sa kanyang pagka bayani na hindi pa nalalaman ng karamihang
Pilipino. Ang naging isang problema ng mga manunulat ng pelikula ay kung ano ang
magiging pangunahing paksa ng gagawin nilang pelikula o dokumentaryo. Ang buhay ni
Rizal ay nasa pelikula na ng mga banyagang director, at ayaw nilang ihalintulad ang
kanilang proyekto sa mga nauna ng pelikula. Nais nilang maiba naman ang anggulo. Isa
pang problema nila ay kung paano nila ito isusulat at kung paano nila ipaparating sa mga
manunuod ang mensaheng nais nilang iparating. Sa kalagitnaan ng pelikula, naging
malinaw na ang kanilang nais na iparating sa kanilang proyekto ay ang tungkol sa
retraksyon ni Rizal. Ang retraksyon na ito ay isang pahayag na sinasabing isinulat ni Rizal
na nilagdaan ng mga pari, na nagsasabing si Rizal ay nagbalik-loob sa pagiging Anak ng
Katoliko. Ito ay marahil sa pagsali niya sa Masonerya, na mahigpit na ipinagbabawal sa
Simbahang Katoliko. Ginawa niya ito dahil nais niyang makaganti sa mga Espanyol na
gumamit ng Relihiyon sa pang aalipin sa mga Pilipino. Maraming lumabas na isyu at
argumento. Nakuha nilang ipaliwanag ang tungkol sa retraksyon ni Rizal sa pamamagitan
ng pagsasabuhay ng mga tauhan sa buhay ni Rizal, sina Doña Lolay (ina), Josephine
Bracken (babaeng pinakasalan ni Rizal), Doña Narcisa at Trining (mga babaeng kapatid),
Paciano (lalaking kapatid), Padre Obach (ang pari na nagkasal kina Rizal at Bracken),
Padre Balaguer (isa sa mga pari na kasama ni Rizal sa kanyang mga huling oras) at
syempre si Jose Rizal. Bawat isang tauhan ay na interbyu ng dalawang manunulat. At sa
pamamagitan ng mga interbyung ito, marami pang lumabas na mga isyu na noon lamang
nila nalaman. Isa rito ay ang tunay na estado ng pag-iibigan nina Rizal at Bracken. Isang
malaking tanong ay “Mahal ba talaga ni Josephine Bracken si Rizal?” Dahil ayon sa
kapatid ni Rizal na si Doña Narcisa, malamang ay isang espiya o kasabwat lamang siya
ng mga Espanyol sa pangangatwiran at panghihikayat kay Rizal na gawin ang retraksyon.
At ipinakita rin na hindi gusto ng pamilya ni Rizal si Bracken dahil ito raw ay “makire” at
nagkukulang sa intelektwal na kaalaman. Isa pang isyu tungkol dito ay sumulat “daw” si
Rizal ng retraksyon dahil hindi papayag ang pari na magkakasal sa kanila hangga’t hindi
siya sumulat ng retraksyon. Sa huli, pumayag si Rizal sa kanyang pamilya na magkaroon
na lamang ng pribadong kasalan, sa gayon ay makakaiwas sa karagdagang isyu tungkol
sa Relihiyon. Ayon sa kapatid na si Paciano, hindi nagsisi si Rizal na magsakripisyo para
sa kanyang bayan. Ngunit pinakita sa pelikula ang tanong na pipiliin pa kaya ni Rizal ang
pagiging sakripisyo para sa Inang Bayan kung alam niyang maging ganito ang turing sa
kanya ng mga Pilipino? Sa aking palagay ay paninindigan pa rin ni Rizal ang kanyang
desisyon na mag-pabaril para sa bayan. Dahil sinabi na rin ng kanyang mga kapatid na
desidido na siya at buong-puso niyang tatanggapin ito.

Ang buong pelikula ay naging isang misteryo. Ang dalawang manunulat ay hindi pa rin
sigurado sa kung paano nila gagawin ang kanilang proyekto. Hindi nila alam kung ano
ang paniniwalaan. Marami pa ring katanungan na sila mismo ay hindi masagot. Matapos
ang lahat ng pagsusuri sa mga tauhan sa buhay ni Rizal, masasabing ang kanyang
buhay ay mananatiling isang misteryo, dahil sa pagkukulang ng mga ebidensya na
magpapatunay sa isang opinyon. Sa bandang dulo ng pelikula, ipinakita ang dalawang
manunulat ay nagsasagawa ng interbyu kay Jose Rizal, pagkatapos ng kanyang
kamatayan. Nagbabatuhan ng tanong ang mga manunulat, at sinasagot naman nito ng
kathang-isip na si Rizal. Ngunit sa huli, sinabi ni Rizal na kaya nila nakukuha ang
ganitong mga sagot galing sa kanya ay dahil siya ay kathang-isip lamang at gawa lamang
siya ng imahinasyon ng dalawang manunulat. Parang sinasabi niya na nakikita nila ang
gusto nilang makita, naririnig nila ang gusto nilang marinig at sa gayon, isusulat nila ang
proyekto tungkol kay Rizal, ang basehan ay ang kanilang mga opinyon at hindi ang
makatotohanang mga pangyayari.

You might also like