You are on page 1of 5

RETRAKSYON O PAGTALIKOD NI RIZAL MANUSCRIPT

FIRST SCENE

Moderator: Magandang Umaga Ms. Blessed at manonood, ating matutunghayan kung alin nga ba tunay na
nangyari, Kung tunay ba siyang sumulat ng isang retraksyon o Tinalikuran na lamang ni rizal at gawa gawa
lamang ang retraksyon noong si Rizal ay namumuhay bago pa siya bitayin noong isáng libó’t walóng daán at
siyám na pû’t anim buwang Disyembre't walompu, panahon ng kolonyalismo ng mga Espanyol na ginanap sa
bagumbayan o mas kilala bilang Rizal Park ngayon. Si Jose Protacio Rizal ay nakilala bilang isang huwarang
bayani, ang estilo ng pakikipaglabanay sa paraan ng pagsulat gamit lamang ang pluma at papel na naging
kanyang sandata laban sa mga Espanyol.
Moderator: Narito ang pangkat na magpapatunay na ang retraksyon na isinulat ni Dr. Jose Rizal ay tunay

Retraksyon ni Rizal’s First Speaker: Sa kabila ng mga agam-agam kung si Rizal nga ba ay pumirma ng isang
retraksiyon sa panahong siya ay namamalagi sa Fort Santiago ilang oras bago itinakda ang kanyang dalubhasa
sa Kasaysayan ng Pilipinas ang katotohanan ng nasabing dokumento. Ito'y sa kadahilanang kahit na may mga
dokumentong nagpapatunay na si Rizal ay gumawa ng isang retraksiyon, ito ay pinagdududahang minaniobra
lamang ng mga prayle upang lituhin ang sambayanang Pilipino at sirain ang pangalan ni Rizal.

Walang pagdududang may mga detalyeng di kanais-nais at hindi angkop sa pagkatao ni Rizal ang
dokumentong naglalaman ng nasabing retraksiyon. Sa pagsusuri ng mga eksperto ay mga bersiyong
dinagdagan at meron din naman kulang ang mga nilalamang salita. May lagda at naaayong mga estilo ng
pagsusulat ni Rizal ang pagbawi subalit ito'y may bahid pamemeke at di makatotohanan. Ayon sa ilan, si Jose
Rizal, na pinaslang ng mga kolonyalistang Espanyol isang daan at dalawampung taon ang nakalilipas, ika-
tatlumpu ng Disyembre, taong labing-walo siyamnaput anim.

Siy’ay naging bayani dahil sa kanyang mga sinulat upang wasakin ang ideya ng kolonyalismo at palayain ang
isip natin upang mabuo ang bansa. Ito ay kumuwestiyon sa mga paniniwalang nakabubulag sa atin, lalo na ang
pagsunod sa kagustuhan ng mga prayle bilang sugo ng Diyos. Ngunit, pinaniniwalaan na ilang oras bago siya
barilin, pinirmahan daw ni Rizal ang isang dokumento na nagsasabing siya raw ay isang Katoliko at binabawi
niya lahat ng kanyang sinulat laban sa simbahan. Nakilala ang dokumento bilang ang retraktasyon, o ang “The
Retraction.”

Moderator: Maraming Salamat, Unang tagapagsalita ng Retraksyon ni Jose Rizal. Unang tagapag salita ng
Pagtalikod ni Rizal’s, maaari mo nang ipaglaban ang iyong posisyon katungkulan sa Pagtalikod ni Rizal.

Pagtalikod ni Rizal’s First Speaker:


Sa debate na ito, ipapakita namin na ang pagtalikod ni Rizal ay hindi tanda ng kawalan ng pagmamahal sa
bayan. Ito'y isang pagpapakita ng kanyang masusing pag-iisip at pagpapasya na gamitin ang talino at
pagsusulat para sa mapayapang pagbabago at pagpapalaya ng Pilipinas
Sa bawat hakbang ni Rizal tungo sa pag-aaral at pagsusuri, ipinakita niya ang halaga ng edukasyon at
mapanuring pagsusuri para sa kinabukasan ng bayan. Kaya't sa halip na tawaging 'pagtalikod,' ituring natin
itong 'pagsasanay' para sa pag-asa at pag-unlad ng Pilipinas.
Sa konteksto ng kolonyalismong Espanyol, ang pagtalikod ni Jose Rizal ay naging simbolo ng pagkakaroon ng
layunin, pag-aaral, at mapanuring pagsusuri. Ipinakita ni Rizal na sa pamamagitan ng kaalaman at edukasyon,
maaari nating isulong ang ating bansa tungo sa kalayaan at katarungan. Ang kanyang pagtalikod ay hindi isang
simpleng pag-alis kundi isang hakbang tungo sa mas malalim na layunin para sa kinabukasan ng Pilipinas.
Moderator: Maraming Salamat, unang tagapagsalita ng Retraksyon ni Rizal.

Retraksyon ni Rizal’s Second Speaker: mayroong apat na bersyon ng sulat na sinasabing pagpapatunay ng
retraksyon ni Rizal: La Voz Española, December 30, 1896, Sila ang nakapagsabing nabasa at nakita nga nila ang
orihinal na kopya ng retraksyon at Pinadala daw sa arsobispo ito. Sinabi nila ito kahit pati ang pamilya ni Rizal
ay hindi naman nakita ang retraksyon. Sa Bersyon ni Fr. Balaguer, January 1897 Sinabi nya kay Fr. Pio Pi noong
1910 na nakatanggap sya ng kopya ng retraksyon na sulat ni Rizal na may pirma. Natanggap niya daw ang
kopya noong gabing namatay si Rizal at Pinadala niya kay Fr. Pio Pi upang husgahan o suriin kung si Rizal nga
ba ang may sulat nito
Pagtalikod ni Rizal’s Second Speaker: Ayon sa maraming eksperto at historyador katulad nina Ambeth Ocampo,
Floro Quibuyen at Renato Constantino ay hindi sumusuporta sa ideya ng retraksyon ni Rizal. hindi sumulat ng
retraksyon si Jose Rizal. Walang makumpirmang orihinal na dokumento o liham mula sa kanya na nagpapatunay ng
ganitong pahayag. Karamihan sa mga historyador ay hindi kinikilala ang ideya na si Rizal ay nag-retraksyon o
nagkasalungatan sa kanyang mga prinsipyo ng mapayapang pagsusuri at pagmamahal sa bayan.

_________________________________________________________________
SECOND SCENE

MODERATOR: MUKHANG MAINIT ANG SAGUTAN SA MGA ORAS NA ITO AHH!! BUT I REGRET TO INFORM
YOU NA KAILANGAN KO NANG TAPUSIN ITO. AT TAYO AY MAGSISIMULA NANG TANUNGAN AT ANG
MAUUNANG MAGTATANONG AY MAGMUMULA SA PANGKAT NG PROPOSISYON

Valdez: Kung sa una pa lamang ay may agam agam na ang mga pilipino, paano nyo mapapatunayan na
nagkaron ng kasulatan si Jose Rizal para sa mga pilipino?
Estojero: Tunay na nagkaroon ng kasulatan ni Rizal sapagkat ang retraksyon ay naglalaman ng lagda ni Rizal.
Colete: Ako ay naniniwala na ang retraksyon ni rizal ay may katotohanan. Ito ay hindi isang produkto ng
pagpapalisipiko. Madaming naging testigo rito ang nakakita sa mga pangyayari at isa ding may malaking
ebidensya ang pagpapatotoo ng mga eksperto sa sulat kamay ni rizal sa nasabing dokumento. Sina professor
beyer, dr. Del rosario at teodor kalaw ay mga eksperto sa mga limbag ni rizal kaya’t masasabing ang retraksyon
ay may katotohanan.
Estojero: Dagdag ko pa rito ay, Gayunpaman ang retraksyon ni Rizal ay may mga kondisyon na nakapaloob na
naging dahilan upang siya ay tumalikwas sa kanyang mga sinabi at mga kasulatan.
Moderator: Ano ano naman ang nakasulat na kondisyon na dokumento na iyon?
Colete: Ang Mga kondisyon nakapaloob dito ay ang kaligtasan ng kanyang pamilya
sapaguusigngmgaespanyol,Pagkakasalsakanilang kanyang nobya na si Josephine Bracken at sigurado ang
reporma ng pamahalaang espanyolsa mga Pilipino.Gayunpaman ang retraksyon ni rizal ay hindi para sa sariling
interes kundi para sa kaligtasan ng karamihan.
Moderator: Naniniwala ka ba sa dokumento ng retraksyon?
Colete: oo
Valdez: Kung sa gayo’y naniniwala ka rin na binawi ni Rizal ang Nilalaman ng kanyang mga sinulat tulad ng Noli
Me Tangere at El Filibusterismo?
Colete: Hindi itinakda sa retraksyon—
Valdez: Sasagutin mo lamang ng oo o hindi ang aking katanungan. Ikaw ba ay naniniwala sa Retraksyon, kung
ikaw ay naniniwala dito ay naniniwala ka rin na binawi ni Rizal ang mga nilalaman ng nobela at iba pa niyang
sulatin, Hindi ba?
Colete:Hindi!
Valdez: Hindi? Isang katawa tawang paniniwala na ang nasabing dokumento ay hindi pagpepeke. Ang
pagtanggap ng retraksyon ni Rizal ay nangangahulugang pag atras ng kanyang dila na tuligsain angmga
prayleng nagpahirap at tinuring tayong mababa at walang karapatang mamahala sa sariling bayan.
Patinio : Walang konkretong salaysay na mag papatibay sa katotohanan ng retraksiyon ni Rizal. Kung kami ay
tatanungin masasabi naming hindi totoo ang retraksiyon. BAKIT? Maliban sa walang matibay na ebidensya na
nag papatunay dito, sinasabi din na ang dokumentong pinakita ay minaniobra lang ng mga prayle upang lituhin
ang mga Filipino at sirain ang pangalan ni rizal. May mga ekspertong nagsabi na ang "Retraksiyon" ay walang
katotohanan, isa na dito si Rafael Palma isang pulitiko at manunulat, ayon sa kanya ito ay isa lamang "pious
fraud" dahil hindi tumutugma ang naging retraksiyon sa pagkatao ni rizal. Ayon din kay Dr. Ricardo Pascual
isang pilipinong pilosopo ang sulat kamay sa retraksiyon ay hindi tumutugma sa sulat kamay ni rizal.
Estojero:Nabasa ninyo ba ang dokumento ng retraksyon at inunawa mo ba ang nilalaman nito?
Patinio: Oo!
Estojero: Ang orihinal na dokumento ng retraksyon ay ang inilabas ni Padre Manuel Garcia noong taong
1935(Isang libo siyam na daan at tatlong pu’t lima)kung saan sa isang dokumentong ito ay sinasabing si Rizal
ay isang Katoliko Romano at hindi niya binabawi ang lahat ng kanyang inilathala kundi ang kanyang mga
kasulatan at mga ginawa ay salungat sa katayuan niya bilang anak ng simbahang katoliko.
Moderator: Sa ikalawang argumento tatalakayin ang kasalang Bracken at Rizal dahil sa retraksyon.
Estojero: Ako ay sumasang-ayon na nagkaroon ng retraksyon si Rizal bago ang kanyang araw ng pagkamatay
noong Disyembre taong 1896. Dahil pinag diinan ng karamihan kay rizal ang katagang “ Kung walang
retraksyon, ay wala ring kasalang magaganap.” Nagpakasal si Rizal sa isang babaeng na nagngangalang
Josephine Bracken sa selda bago ang oras ng pagpatay sa kanya. Sa huling talata ng talaarawan ni Bracken
nabanggit ang kasalang naganap at pati na rin ang liham ni Rizal sa kanyang babaeng kapatid na si Maria na
naglalaman ng kanyang pagbibigay impormasyon sa kapatid sa kanyang pagpapakasal kay Bracken.
Patinio: Walang ebidensiya o dokumento na nagpapatunay na si Dr. Jose Rizal ay nag-retraksyon o nagbawi sa
kanyang mga prinsipyong ipinaglaban. Ang alegasyon na kinasal siya kay Josephine Bracken bago ang kanyang
bitay ay walang matibay na sertipikasyon.
Colete: Hindi totoo iyan! sapagkat sa huling talata ng talaarawan ni Bracken nabanggit ang kasalang naganap
at pati na rin ang liham ni Rizal sa kanyang babaeng kapatid na si Maria na naglalaman ng kanyang pagbibigay
impormasyon sa kapatid sa kanyang pagpapakasal kay Bracken.
Patinio: eh kung ung totoo ito? inaasahan na ito'y alam ng kanyang pamilya, subalit wala silang natanggap na
kumpirmasyon o impormasyon tungkol dito. Kaya't patuloy ang paghahanap ng pamilya ng orihinal na
dokumento upang patunayan ang alegasyong ito.
MODERATOR: Oops! Mukhang nagkakainitan na ang dalawang team ah? Nakakalungkot mang sabihin
ngunit kailangan na natin putulin ang inyong talakayan
_________________________________________________________________
MODERATOR: ANG BAWAT PANGKAT AY SISIMULAN NA ANG DEKLARASYON NG KANILANG PAGTATAPOS NA
PANANALITA

Retraksyon ni Rizal’s CLOSING STATEMENT:

Mahalaga para sa mga Kastila ang retraksiyon ni Jose Rizal sapagkat naniniwala silang sa pamamagitan nito
ay mapapatigil nila ang ningas ng rebolusyon na sinindihan ni Rizal sa pamamagitan ng kanyang mga nobela.
Kailangan nating magbalik-tanaw sa mga huling sandali ng buhay ng pangbansang bayani upang mabigyang
linaw ang usaping retraksiyon.
Ano man ang maging kahihinatnan ng mga debateng ito ukol sa usaping retraksiyon ni Rizal ay hindi na
mahalaga kung ang kabayanihan ni Rizal ang pag-uusapan. Hindi makakaapekto sa kanyang kadakilaan at
kagitingan ang nasabing dokumento totoo man o hindi dahil napatunayan na ng pambansang bayani sa
pamamagitan ng kanyang buhay at mga naisulat ang kanyang walang kamatayang pagmamahal sa ating
bansa.

Sa kabilang dako ay marami ang naniniwalang si Rizal ay gumawa ng isang retraksiyon dahil may mga
testigong nagpapatunay na siya nga ay pumirma ng nasabing dokumento. Ang mahalaga’y siya ang naging
kasangkapan sa pamamagitan ng kanyang mga aklat upang pag-alabin sa katauhan ng mga Pilipino ang
ningas ng apoy ng paghihimagsik at pagmamahal sa bayan at gawing malaya ang Pilipinas mula sa mapang-
aping pamamahala ng mga Kastila.

Ang mahalaga’y siya ay buhay sa ating mga ala-ala at patuloy na gumagabay sa sambayanang Pilipino sa
pamamagitan ng pag-aaral ng kanyang mga nobela’t tula.

Pagtalikod ni Rizal’s CLOSING STATEMENT:

Nais naming ipahayag sa debate na ito na magbigay-diin sa kahalagahan ng konteksto ng pagtalikod ni Rizal,
at kung paano ito nagpapakita ng halaga ng pag-aaral, mapanuring pagsusuri, at pag-asam para sa
pagbabago sa Pilipinas.
Sa kasalukuyang panahon, kung saan marami ang naghahanap ng mga modelo ng integridad at liderato, ang
pangangailangan para sa pag-aaral at pag-unawa sa mga hakbang na isinagawa ni Jose Rizal sa kanyang
pagtalikod ay higit kailanman. Ipinapakita ni Rizal ang halimbawa ng pagiging makabayan, mapanuri, at may
pagpapakumbaba, mga katangian na kinakailangan ng ating mga kabataan para sa pag-unlad ng bayan.

Kami ay humihiling na maging bukas ang inyong mga puso at isipan sa aming pag-aalay ng mga ideya ukol sa
pagtalikod ni Jose Rizal. Sa tulong ng debate na ito, kami ay umaasa na makakamit namin ang inyong suporta
para sa mga kinabukasang Pilipino. Huwag nating kalimutan ang halaga ng kasaysayan at mga aral mula kay
Rizal para sa mas maliwanag na kinabukasan ng ating bayan.

You might also like