You are on page 1of 6

Music Edit na text: Nagbabagang balita "Nakatakdang pagpatay kay Rizal, magaganap

ngayong araw"

Anchor: Magandang hapon Pilipinas. Kayo ay nanonood sa Balitang Maharlika.

Co- anchor: Kami ang inyong mga Tagapaglingkod na maghahatid ng mga nagbabagang balita
sa loob at labas Ng Bansa.

Anchor: Ako po si _____.

Co- anchor: at ako naman si __.

Sabay: Ang inyong mga tagapagbalita para sa araw na ito.

Anchor: Ito ang estasyong sumasalamin sa Katotohanan---

Co- anchor:Serbisyong tapat ang hatid sa Inyo---

Anchor: Ito ang Balitang Maharlika. Ngayong araw, Dec 30, 1986, ang nakatakdang pagpatay
kay Jose Rizal, ang sumulat ng mga akdang Noli Me Tangere at El filibusterismo matapos ang
paglilitis na naganap noong Dec 6, 1986. Live na live ngayon mula sa bagumbayan,

Reporter 3 ano na ang balita ngayong diyan??

Reporter 3: Co anchor: ngayong araw ng December 30, 1896 kaninang 3:00AM – Nakinig ng misa
si Rizal, nangumpisal at nangumunyon. 5:30AM – Ang huli niyang agahan. Pagkatapos nito ay
sumulat siya para sa kanyang pamilya at isa pa para sa kanyang kapatid na si Paciano. December
30, 1896 3:00AM – Nakinig ng misa si Rizal, nangumpisal at nangumunyon. 5:30AM – Ang huli
niyang agahan. Pagkatapos nito ay sumulat siya para sa kanyang pamilya at isa pa para sa
kanyang kapatid na si Paciano.

At live ngayon dito sa Bagumbayan, 6:30AM – Nagsimula nang tumunog ang mga trumpeta sa
Fuerza Santiago na siyang hudyat ng simula ng pagmartsa. Apat na armadong sundalo ang
nanguna, sunod naman ay si Rizal na nasa pagitan ng kanyang tagapagtanggol, Ten. Luis Taviel de
Andrade, at dalawang Heswitang pari, Padre March at Padre Vilaclara.

-Si Rizal ay nakasuot ng itim na terno, sumbrero, sapatos,kurbata at putting polo. At nakagapos ang
sa braso siko pa-siko tulad noong sa hukuman ngunit mas maluwag para maigalaw niya ang
kanyang braso

At Habang hinihintay natin ang oras ng pagpatay ni Rizal, alamin muna natin ang puno't dulo
nito kung mula sa kanyang pagkaaresto. Para sa buong detalye, makiulat tayo kay (reporter 1.)

Reporter 1: Matatandaan nga natin noong Hulyo 6, 1892, sa eksaktong petsa nga na ito ay
lihim na inaresto nga itong si Jose Rizal. Bago pa man ang pag-aresto sa kanya, pumunta
si Rizal sa isang pagtitipon sa bahay nitong si Doroteo Ongunco sa Ylaya Street, sa may
Tondo, Manila noong Hulyo 3,1892. Ang layunin ng nasabing pagtitipon na ito ay bumuo ng
bagong grupong nagnanais na direktang isama ang mga pilipino sa reporma. Sa pagtitipon
na ito ay nabuo ang La Liga Filipina, na isang sikretong organisasyon. Ang layunin nitong
La liga Filipina na ito ay ipagkaisa ang Pilipinas sa isang katawang buo, malakas, at
magkakauri, bigyan ng proteksyon ng bawat isa sa pangangailangan ng bawat isa;
ipagtanggol laban sa mga karahasan at kawalang- katarungan; pagpapaunlad ng
edukasyon, agrikultura, at pangangalakal, at ang pagpapaaral at pagpapairal ng mga
pagbabago. Ngunit dahil na rin dito sa grupong ito naaresto si Rizal. Tatlong araw matapos
na itatag ni Rizal ang “La Liga Filipina”, ipinag-utos na ni Despujol ang pagdakip kay Rizal
sapagkat nakatagpo ng mga pamaskin o ang tinatawag ring Pobres Frailes laban sa mga
prayle. Dahil sa salang rebelyon, si Jose Rizal ay dinakip. At iyan na nga, makikita natin sa
bidyo na natuloy ang pagdakip kay Rizal noong Hulyo 6. At noong Hulyo 15, 1892 dumating
si Rizal sa Dapitan kung saan nanatili siyang panauhin sa tahanan nitong si Kapitan
Ricardo Carnicero y Sanchez, ang punong-militar ng Dapitan. Mayroong sulat doon na
nagsasabing doon patirahin si Rizal sa kumbento ng mga Heswita, ngunit kung hindi maaari
ay doon siya sa bahay ng Gobernador. Ito na ang kabuuan ng aking balita para sa
pagkakaaresto ni Jose Rizal, ako muli si (Reporter 1), balik na sa inyo jan (anchor and co-
anchor)

Co-anchor: Salamat Reporter 1.

Anchor: Para naman iulat sa atin ang naging daloy ng paglilitis sa kanyang kaso, makibalita
tayo kay Reporter 2. Reporter 2, ano nga ba ang naging takbo ng paglilitis sa naturang kaso ni
Rizal?

Ø Reporter 2: Si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, na kilala bilang Jose
Rizal ay sinubukan ng espanya ng hukumang militar para sa sedisyon,
paghihimagsik at pagsasabwatan na nag umpisa noong Disyembre 6,1986
pagkatapos niyang maaresto habang siya ay papunta sa espanya. Sya ay ikinulong
sa Barcelona at muling ibinalik sa manila sa kanyang pagtindig sa korte

Ø Matapos ang labing-apat na araw mula ng ito ay maaresto. Si Jose Rizal kasama ang
kanyang tagapayo na si Tinyente Traviel de Andrade ng Spanish Artillery ay
naghahanda para sa kaniyang depensa.

Ø Disyembre 25 sa kasalukuyang taon. Ngayong araw ay ipinaalam kay Rizal na sa


susunod na araw ng alas-dyes ng umaga. Ang council of war ay magpupulong.
Sumulat si Rizal sa kanyang tagapayo na si Tinyente Traviel na magpulong bago
lumitaw sa harap ng konseho. Gayunpaman, hindi ipinaalam kung ito ay pre-trial
conference sa pagitan ni rizal at ng kanyang tagapayo.

Ø Alas otso ng umaga noong disyembre bente-sais, dito sa Cuartel General de Espana
sa kadahilanang magsisimula na ang Korte suprema ni Rizal, ito ay isang military
building na binubuo ng pitong opisyal ng militar na pinamumunuan ni Lt.Col. jose
Tagores Arjona. Nasa kore si Jose Rizal at ang anim na opisyal na sina Cap.
Ricardo Munoz Arias, Capt. Manuel Reguera, Capt. Santiago Izquierd Osorio, Capt.
Brauulio Rodriquez Nunez, capt. Manue Diaz Escribano At Capt. Fernando perez
Rodriguez, Lt. Traviel de Andrade, judge Advocate Capt. Rafael Dominguez, Lt,
Enriquez de Alcocer and ilang mga manunuod kasama na rito si Jose Bracken

Ang paglilitis ay nagpatuloy sa akusisyon laban kay Rizal bilang “principle organizer”
and “moving spirit of the Philippine insurrection, founder of societies of newspaper
and who has written books designed to foment and propagate ideas of rebellion and
sedition among the people, as well as the principal leader of the anti-government in
the country”
Ang akusado ay iginapos mula siko pa-siko, ngunit siya ay nanatiling kalmado.

Ang Huwes Tagapagtanggol na si Kapt. Dominguez ang siyang nagpaliwanag sa hukuman


ng kaso laban kay Rizal.

Si Ten. Alcocer, taga-usig, ang siyang nagbigay ng talumpati ng buod ng kaso ni Rizal at
sinasabing karapat-dapat na siya ay patawan ng kamatayan.

Si Ten. Taviel de Andrade, tagapagtanggol ni Rizal, ay nagbahagi ng madamdaming


talumpati upang ipagtanggol si Rizal.* *Ngunit, pasok-labas lang sa tenga ang hukom
dahil sa sila ay may napagdesisyunan na hatol bago man magsimula itong paglilitis.

Ø Ang pagdinig sa korte ay parang isang planadong paglilitis na kung saan si Rizal ay
nahatulan na bago pa man ito humarap sa korte, hindi katulad sa ibang akyusasyon
si Rizal ay hindi pinayagan na makilala ang mga taong saksi laban sakanya

Ø Binuksan ni Judge Dominguez ang paglilitis at sinundan ni Atty.Alcocer sa kanyang


pag-uulit sa mga kaso laban kay Rizal, na hinihimok ang korte na si Rizal ay
parusahan ng kamatayan. Alinsunod dito, ang tatlong nabanggit na krimen na
inaakusa kay Rizal ay rebelyon, sedisyon, at sabwatan - ang parusa sa unang
dalawa ay habambuhay na pagkakakulong hanggang kamatayan, habang ang huli,
ay correctional imprisonment at singil na 325 hanggang 3,250 pesetas.

Ø Sa kabilang banda, si Lt. Taviel de Andrade, ay binasa ang kanyang talumpati bilang
pagtatanggol kay Rizal. Bilang karagdagan dito, binasa ni Rizal ang kanyang sariling
depensa na isinulat niya sa kanyang selda sa Fort Santiago.

Ø Ayon kay Rizal mayroong 12(labindalawang) puntos upang patunayan ang kanyang
kawalang-kasalanan:

1) Wala siyang kaugnayan sa rebolusyon dahil siya mismo ang nagpayo kay Dr. Pio
Valenzuela noon sa Dapitan na huwag na silang mag-aklas

2)Hindi siya nakipagsulatan sa mga elementong radikal at rebolusyonaryo.

3) Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang pangalan nang hindi niya alam. Kung siya’y
maysala, disinsana’y tumakas siya sa Singapore.

4) Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon, disinsana’y tumakas siya sakay ng isang
vintang Moro at di nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumili ng lupain sa Dapitan.

5) Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi siya kinonsulta ng mga rebolusyonaryo?
6) Inamin niya na siya ang sumulat ng Konstitusyon ng La Liga Filipina ngunit ito ay
pansibikong asosasyon at hindi isang samahang pangrebolusyon.

7) Hindi nagtagal ang La Liga Filipina sapagkat pagkatapos ng unang pulong ay pinatapon
na siya sa Dapitan.

8) Kung muling nabuhay ang La Liga pagkaraan ng siyam na buwan, hindi niya alam.

9) Hindi itinataguyod ng La Liga Filipina ang mga simulain ng mga rebolusyonaryo. Kung
hindi, sana’y di na itinatag ang Katipunan.

10) Ang dahilang ng mapapait na komentaryo niya ay dahil noong 1890, ang kanyang
pamilya ay inuusig, kinukumpiska ang bahay, bodega, lupain, atbp., at ang kanyang kapatid
na lalaki at mga bayaw ay ipinatapon.

11) Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri kahit itanong pa sa mga komandenteng
naroon at sa mga misyonerong pari.

12) Noong siya ay nagtalumpati sa bahay ni Doroteo Ongjunco, hindi totoong pinukaw ng
kanyang talumpati ang rebolusyon. Alam ng mga kaibigan niya na tutol siya sa armadong
rebolusyon. Kaya bakit nagpadala ang Katipunan ng isang sugo sa Dapitan na hindi niya
kakilala? Dahil ang mga kakilala niya ay alam na hindi siya payag sa anumang kilusang
marahas.

Ø Gayunpaman, nananatiling walang pakialam ang korte militar sa mga pakiusap ni


Rizal. Pagkatapos ng maikling deliberasyon, siya ay mahahatulan na barilin sa
musketry hanggang kamatayan sa alas-7 ng umaga ng Disyembre 30,1896 sa
Bagumbayan. Ang desisyon ay isinumite kay Gov.Polavieja na agad namang
humingi ng opinyon kay Nicolas de la Pena - napatunayan na makatarungan at pinal
ang hatol. Pagkaraan ng dalawang araw, nilagdaan ng gobernador heneral ang
desisyon ng korte at ipinag-utos na bitayin si Rizal.

Ito na ang kabuuan ng aking balita para sa paglilitis kay Jose Rizal, ako muli si
(Reporter 2), balik na sa inyo jan (anchor and co-anchor)
Anchor: maraming salamat (reporter 2). Balik tayo kay reporter 1, anong ganap na dyan sa
Bagumbayan?

Reporter 3: kanina nga ang ganap dito sa bagumbayan ay Nagpaalam si Rizal sa kanyang mga
kasama na sina Padre Vilaclara, Padre March at ang kanyang magiting na tagapagtanggol na si
Ten. Luis Taviel de Andrade.

-Binasbasan siya ng isang pari at pinahalikan ang krusipiho.

- Humiling si Rizal na siya’y barilin na nakaharap sa mga sundalo, ngunit hindi siya pinagbigyan
dahil sa istriktong pagsunod ng komandante sa utos ng ibinigay sa kanya.

- Dr. Felipe Ruiz Castillo, isang doktor na Espanyol na siyang tumingin sa pulso ni Rizal at laking
gulat nito na normal ang kanyang pulso, na siyang nagpapakita na hindi takot si Rizal sa kanyang
kamatayan.

At ngayon makikita natin live pano babarilin si Jose Rizal (insert vid na binaril)

7:03AM – Oras ng kamatayan.

pinatay na nga ng firing squad ng pamahalaang kolonyal ng Espanya Si José Protasio Rizal
Mercado y Alonso Realonda na kilala rin bilang Dr. José Rizal,35 taong gulang para sa
krimen ng rebelyon, ngayong Araw Ng Disyembre 30, 1896, sa Bagumbayan Field dito sa
Maynila.

Itinanggi ng korte ang mga ebidensya ni Rizal at inakusahan bilang nagkasala. Siya ay
hinatulan ng kamatayan ng isang firing squad bilang parusa sa rebelyon at sedisyon
habang siya ay pinarusahan ng multang 325 hanggang 3,250 pesetas sa pagiging
nagkasala sa ilegal na asosasyon na pinirmahan ni Camilo Polavieja.

Ilang sandali bago siya bitayin ngayong araw ng isang iskwad ng mga sundalong Pilipino ng
Hukbong Kastila, isang backup na puwersa ng mga regular na tropa ng Hukbong Espanyol
ang nakahanda upang barilin ang mga berdugo sakaling hindi sila sumunod sa mga utos.
Hiniling ng Spanish Army Surgeon General na kunin ang kanyang pulso at ito ay normal.
Dahil dito, pinatahimik ng sarhento na namumuno sa backup force ang kanyang mga
tauhan nang magsimula silang magtaas ng "vivas kasama ang lubos na partidistang
pulutong ng Peninsular at Mestizo Spaniards.

Ang kanyang huling mga salita ay ang kay Jesu-Kristo: "consummatum est" na Ang ibig
sabihin ay "ito ay tapos na."

Siya ay lihim na inilibing sa Pacò Cemetery sa Maynila na walang pagkakakilanlan sa


kanyang libingan. Ang kanyang kapatid na si Narcisa ay naglibot sa lahat ng posibleng mga
libingan at natagpuan ang bagong lupa sa sementeryo na may mga bantay na naka-poste
sa tarangkahan. Sa pag-aakalang ito ang pinaka-malamang na lugar, hindi pa nagkaroon
ng anumang libing sa lupa, nagbigay siya ng regalo sa tagapag-alaga upang markahan ang
site na "RPJ", ang inisyal ni Rizal sa kabaligtaran.

Nang maglaon, natagpuan ang isang walang petsang tula pagkatapos ng kanyang pagbitay
na pinamagatang "Mi ultimo adios".

Ito na ang kabuuan ng aking balita Live dito sa Bagumbayan, ako muli si (Reporter
2), balik na sa inyo jan (anchor and co-anchor)

Anchor:. At dito na nagtatapos ang ating balitaktakan at ang aming nakalap na impormasyon
sa Araw na ito. Sangay ng katotohanan, pakpak ng balita at boses ng katotohanan. Muli ako si
___.

Co- anchor: at ako naman si __. At Ito pong ang Balitang Maharlika. ANCHOR: MARAMING
SALAMAT.

You might also like