You are on page 1of 14

Isinumite ni Heneral Don Nicolas

de la Peña ang sumusunod na


rekomendasyon:
1. Ang akusado ay kaagad na lilitisin
2. Kailangang ikulong siya
3. Isang kautusan ng pagsamsam ang
ipinagtibay sa kanyang pag-aaring
nagkakahalaga ng isang milyong piso
bilang bayad-pinsala;
4. Kailangan siyang ipagtanggol sa
hukuman ng isang opisyal ng sandatahan,
hindi ng isang abogadong sibilyan.
Tanging karapatang ibinigay kay Rizal

• Piliin ang abogadong magtatanggol sa


kanya.
• Ito ay limitado dahil binigyan siya ng
listahan na pagpipilian.
• Pinili niya si TENYENTE LUIS
TAVIEL DE ANDRADE, kapatid ng
bantay niya sa Calamba noong 1887 na
si Jose.
Disyembre 11, 1896
• Binasa ni Rizal sa loob ng kanyang selda
ang mga impormasyon hinggil sa kanyang
kaso kasama ang kanyang tagapangtanggol.

• Inakusahan siyang “pangunahing


tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng
insureksyong Pilipino, ang tagapagtatag ng
mga samahan, pahayagan at librong nag-
aapoy at nagpapalaganap ng mga ideya
tungkol sa rebolusyon.”
Disyembre 15, 1896
• Sumulat si Rizal ng isang
manipesto sa taumbayan na
nakikipag-usap na tigilan na ang
di-kailangang pagdanak ng dugo
at makipaglaban para sa kalayaan
sa pamamagitan ng edukasyon at
pagsisikap.
Disyembre 25, 1896
• Nagsasaya ang buong
Kakristiyanuhan sa pagdiriwang
ng kapanganakan ni Kristo ngunit
ito ang pinakamalungkot na pasko
sa buhay ni Rizal.
Disyembre 26, 1896
• Sinimulan na ang paglilitis.
• Sinikap ni Andrade na ipagtanggol si
Rizal subalit maliwanag na ang
paglilitis ay patunay ng kawalan ng
katarungan ng mga Espanyol.
• Walang totohanang paglilitis ang
nangyari.
• Si Rizal, na isang sibilyan ay nilitis ng
isang hukumang militar na binubuo ng
mga di-kilalang opisyal militar.
• Bago pa man ay may hatol na ang kaso;
ipinagpalagay na siyang maysala.
• Ang hukumang militar ay nagkaisa nang hindi
siya bigyan ng hustisya, bagkus ay akusahan at
ikondena siya.
• Tinanggap nito ang mga ibinibintang kay Rizal
at testimonyal laban sa kanya at isinawalang
bahala ang mga argumento at katibayang pabor
sa kanya.
• Higit sa lahat, hindi binigyan si Rizal ng
karapatan na makaharap ang mga saksi laban sa
kanya.
Disyembre 28, 1896
• Inaprubahan ni GOBERNADOR-
HENERAL CAMILO POLAVIEJA
ang desisyon ng hukumang militar at
ipinag-utos na barilin si Rizal sa ganap
na 7:00 ng umaga ng Disyembre 30,
1896 sa Bagumbayan (Luneta).

You might also like