You are on page 1of 26

RETRACTION NI JOSE RIZAL: MGA

BAGONG DOKUMENTO AT
PANANAW
here seems to be no end to the debate
whether Rizal retracted his writings against
the Catholic Church on the very last day
of his life. Will a new independent
testimony settle the debate finally?
 Ayon sa ilan, si Jose Rizal, na pinaslang ng
mga kolonyalistang Espanyol 120 years ago,
December 30, 1896, ay naging bayani dahil sa
kanyang mga sinulat upang wasakin ang
ideya ng kolonyalismo at palayain ang isip
natin upang mabuo ang bansa—ang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo at ang kanyang
mga sanaysay sa La Solidaridad, na
kumuwestiyon sa mga paniniwalang
nakabubulag sa atin, lalo na ang pagsunod
sa kagustuhan ng mga prayle bilang sugo ng
Diyos.
Ngunit, ilang oras bago siya barilin,
pinirmahan daw ni Rizal ang isang
dokumento na nagsasabing siya raw ay
isang Katoliko at binabawi niya lahat ng
kanyang mga sinulat laban sa
simbahan. Nakilala ang dokumento
bilang ang retraktasyon, “The
Retraction.” Dahil sa kanyang
pagbabalik-loob sa simbahan, ikinasal
sila ni Josephine Bracken, ang kanyang
huling pag-ibig.
Ayon sa ilan, mas lalong naging dakila si
Rizal sa pagkilala ng kanyang mga
kamalian laban sa pananampalataya.
Ngunit para naman sa marami, hindi
kapanipaniwala na sa huling sandali ng
kanyang buhay, babawiin niya ang
kanyang mga sinulat, ang dahilan ng
kanya mismong pagkabayani. Para na rin
niyang itinapon ang kanyang
kabayanihan.
ANG TESTIMONYA NI PADRE VICENTE
BALAGUER
 Kahit natagpuan ang sinasabing dokumento ng retraktasyon
noong 1935, patuloy ang pagdududa. Lalo na sa itinuturing na
natatanging eyewitness account ng pangyayari—ang isinulat ng
Heswitang si Padre Vicente Balaguer. Paano naman kasi, ang
resonableng si Rizal ay bigla na lamang nagising ng makailang
beses, apat na beses na nangumpisal, nagpamisa,
nangomunyon at nagrosaryo pa. Kakatwa para sa ilan, kabilang
na ako.
 Isa ako sa mga historyador na hindi naniniwala sa retraktasyon.
At para sa akin, hindi na matatapos ang “Retraction
Controversy.”
 Isa lamang ang maaaring magresolba nito, sabi ko—kung
magkakaroon ng isa pang eyewitness account ng gabi at
umagang iyon na maaaring magpatunay o magpasinungaling
sa retraktasyon o sa testimonya ni Padre Balaguer.
ANG TESTIMONYA NG CUERPO DE
VIGILANCIA
 Nitong 4 August 2016, binasa ni Commissioner
Rene R. Escalante, ang OIC ng National Historical
Commission of the Philippines, ang isang
“Professorial Chair Lecture sa Rizal Studies” na
pinamagatang “Re-examining the Last 24 Hours
of Rizal Using Spy Reports” sa De La Salle
University.
 Samga dokumento ng mga espiyang Espanyol
na tinatawag na Cuerpo de Vigilancia,
matatagpuan ang ulat na isinulat sa araw ng
kamatayan ni Rizal ni Federico Moreno, na
nagkukuwento ng pahayag sa kanya ng isang
ahente ng Cuerpo de Vigilancia, isang bantay sa
selda ng Rizal, samakatuwid, isang “additional
independent eyewitness account.”
ANG UNANG PAHINA NG ULAT NI FEDERICO MORENO (CUERPO DE
VIGILANCIA). COURTESY NATIONAL COMMISSION FOR CULTURE AND
THE ARTS
 Ayon sa pahayag, sumulat si Rizal ng isang papel na
narinig niyang ang retraktasyon. Binanggit rin ang
dalawang paring Heswita na pumasok sa piitan ni Rizal—si
Padre Jose Vilaclara at Padre Estanislao March, at dalawa
pang tao, sina Juan del Fresno at Eloy Moure. Narito ang
ilang bahagi ng sanaysay na isinalin na sa Ingles mula sa
wikang Espanyol:
 “Most Illustrious Sir, the agent of the Cuerpo de Vigilancia
stationed in Fort Santiago to report on the events during
the [illegible] day in prison of the accused Jose Rizal,
informs me on this date of the following:
 “At 7:50 yesterday morning, Jose Rizal entered death row
accompanied by his counsel, Señor Taviel de Andrade,
and the Jesuit priest Vilaclara. At the urgings of the former
and moments after entering, he was served a light
breakfast. At approximately 9, the Assistant of the Plaza,
Señor Maure, asked Rizal if he wanted anything. He replied
that at the moment he only wanted a prayer book which
was brought to him shortly by Father March.
 “Señor Andrade left death row at 10 and Rizal spoke for a
long while with the Jesuit fathers, March and Vilaclara,
regarding religious matters, it seems. It appears that these
two presented him with a prepared retraction on his life
and deeds that he refused to sign. They argued about the
matter until 12:30 when Rizal ate some poached egg and a
little chicken. Afterwards he asked to leave to write and
wrote for a long time by himself.
 “At 3 in the afternoon, Father March entered the chapel
and Rizal handed him what he had written. Immediately
the chief of the firing squad, Señor del Fresno and the
Assistant of the Plaza, Señor Maure, were informed. They
entered death row and together with Rizal signed the
document that the accused had written. It seems this was
the retraction.”
 Makikita na ang dalawang binanggit na opisyal, sina Juan
del Fresno at Eloy Moure, ay ang mga nakapirma mismo sa
dokumento ng retraktasyon na tumayong mga saksi.
Gayundin binanggit ng guwardiya na bago dalhin sa
Luneta si Rizal, ikinasal siya kay Josephine Bracken:
 At 5 this morning of the 30th, the lover of Rizal arrived at the
prison …dressed in mourning. Only the former entered the
chapel, followed by a military chaplain whose name I
cannot ascertain. Donning his formal clothes and aided by
a soldier of the artillery, the nuptials of Rizal and the woman
who had been his lover were performed at the point of
death (in articulo mortis). After embracing him she left,
flooded with tears.”
 At ang nakagugulat, itinala ni Moreno, ang lahat ng taong
pumasok sa selda noong gabing iyon, ni minsan, walang
binanggit na may pumasok na Padre Balaguer. Ibig sabihin
wala si Padre Balaguer doon, maaaring secondary
source na lamang siya at kinapanayam lamang sina Padre
Vilaclara at Padre March upang buuin ang kanyang
testimonya.
 Mayroon akong malaking paniniwala na walang dahilan
para magsinungaling ang guwardiya o si Moreno lalo na at
ginawa nila ang tala sa mismong panahon na iyon.
ANG SINULAT NI RIZAL SA KOPYA NG
“IMITATIONS OF CHRIST”
 Kamakailan, isang kopya ng “De La Imitacion de
Cristo” na isinulat ni Thomas á Kempis ang
ipinaubaya sa Direktor ng Pambansang Museo ng
Pilipinas, Jeremy Barns. Ito ang mismong kopya na
ibinigay ni Rizal kay Josephine Bracken sa
kanyang huling pagbisita dito sa araw ng
kanyang kamatayan. Isinulat niya dito, “To my
dear and unhappy wife, Josephine, December
30th, 1896, Jose Rizal.”
KOPYA NG 'DE LA IMITACION DE
CRISTO.' COURTESY JEREMY BARNS
KOPYA NG 'DE LA IMITACION DE
CRISTO' NA MAY SULAT NI RIZAL.
COURTESY JEREMY BARNS
Liban sa tinawag niyang “wife” o asawa
dito si Josephine, na maaaring
magpatungkol sa pagiging legal ng
kanilang kasal, ang mismong aklat na
ibinigay niya sa huling babaeng
kanyang minahal ay isang aklat ukol sa
paggaya sa landas ni Kristo. Namatay
siyang Kristiyano.
ANG PAGLALAGAY NG “KRUS” SA KANYANG MGA
HULING SULATIN

 Ang krus ang unibersal na simbolong Kristiyano. Pinaalala sa akin ni Prop.


Wensley Reyes ng Philippine Normal University na sa dalawang sulatin ni Rizal
bago mamatay binanggit niya ang simbolong ito.
 Sa kanyang huling bilin sa pamilya na hindi na nila natanggap hanggang
noong 1953 (ang sulat ay naging bahagi ng donasyon ng Spanish Foreign
Minister Alberto Martinez Artajo y Alvarez sa pamahalaang Pilipinas):
 “Ilibing niyo ako sa lupa. Lagyan ninyo ng panandang bato at KRUS. Ang
aking pangalan, araw ng kapanganakan at ng kamatayan. Wala nang iba.
Kung pagkatapos ay nais niyong bakuran ang aking puntod, maaari niyong
gawin. Wala nang anibersaryo. Mas mabuti kung sa Paang Bundok. Kaawaan
ninyo si Josephine.”
 Sa kanyang huling tula, binaggit din ni Rizal ang panandang krus sa kanyang
libingan ng dalawang beses.
 “Suffer the moon to keep watch, tranquil and suave, over me:
Suffer the dawn its flying lights to release:
Suffer the wind to lament in murmurous and grave manner:
And should a bird drift down and alight on my CROSS,
Suffer the bird to intone its canticle of peace.

“…And when my grave is wholly unremembered


And unlocated (no CROSS upon it, no stone there plain):
Let the site be wracked by the plow and cracked by the spade
And let my ashes, before they vanish to nothing,
As dust be formed a part of your carpet again.”
 Kung titingnan ito, si Rizal ay nais na mabigyan ng isang Kristiyanong libing,
samatuwid, namatay na isang Kristiyanong Katoliko.
 Kaya naman sa liwanag na dala ng mga bagong labas na mga dokumento
at mga bagong interpretasyon, maaari ngang si Jose Rizal ay nag-retract.
Maaari ngang totoo ang retraktasyon. May dahilan kung bakit niya isinulat
ang dokumento.
 Ngunit mahalaga pa ba talaga kung totoo ito? Mababago ba ang
paninindigan at nagawa ng isang tao sa kanyang buong buhay ng
pagtindig at katapangan ng isang papel na pinirmahan niya sa araw ng
kanyang kamatayan? Hindi. Hindi. — BM, GMA News
 Si Prop. Michael Charleston “Xiao” Briones Chua ay kasalukuyang assistant
professorial lecturer ng Pamantasang De La Salle Maynila. Isa siyang
historyador at naging consultant ng GMA News TV series na Katipunan at
Ilustrado. Ang sanaysay na ito ay batay sa kanyang news segment sa “Xiao
Time: Ako ay Pilipino” sa istasyong pantelebisyon ng pamahalaan.
QUESTION TIME NA
MGA KAPATID!!
Maaaring maghanda
lamang tayo ng ¼
para sa ating quiz
ito’y tama o mali
lamang
 1.pinaslang ng mga kolonyalistang Espanyol 120 years ago?
 2.ayon sa testimonya ni padre vicente balaguer ay natagpuan
ang sinasabing dokumento ng retraktasyon noong 1935?
 3.ayon sa testimonya ng Cuerpo de Vigilancia Sa mga
dokumento ng mga espiyang Espanyol na tinatawag na Cuerpo
de Vigilancia, matatagpuan ang ulat na isinulat sa araw ng
kamatayan ni Rizal ni Federico Moreno, na nagkukuwento ng
pahayag sa kanya ng isang ahente ng Cuerpo de Vigilancia,
isang bantay sa selda ng Rizal, samakatuwid, isang “additional
independent eyewitness account.”?
 4.ayon sa testimonya ni Cuerpo de Vigilancia ang Re-examining
the Last 24 Hours of Rizal Using Spy Reports” ay ginawa sa De La
Salle?
 5.Ang unang pahina ng ulat ni Federico Moreno (Cuerpo de
Vigilancia).?
 6“Señor Andrade left death row at 10?
 7.Makikita na ang dalawang binanggit na opisyal, sina Juan del
Fresno at Eloy Moure, ay ang mga nakapirma mismo sa
dokumento ng retraktasyon na tumayong mga saksi.?
 8.At 5 this morning of the 30th, the lover of Rizal arrived at the
prison
 9.Liban sa tinawag niyang “wife” o asawa dito si Josephine, na
maaaring magpatungkol sa pagiging legal ng kanilang kasal,
ang mismong aklat na ibinigay niya sa huling babaeng kanyang
minahal ay isang aklat ukol sa paggaya sa landas ni Kristo.
Namatay siyang Kristiyano? …dressed in mourning?
 10.Ang krus ang unibersal na simbolong Kristiyano.?
TAPOS NA PO ANG AMING REPORT!
SALAMAT SA PAKIKINIG!

You might also like