You are on page 1of 3

uMga Huling Oras ni Rizal Alas sais ng umaga Disyembre 29,1896,binasa kay Rizal ni Kapitan Rafael Dominguez ang

g sentensiyang kamatayan. Alas siyete ng umaga, dinala si Rizal sa kapilya ng preso. Ang mga una niyang panauhin ay sina Padre Miguel Saderra Mata at Padre Luis Viza. 7:15 ng umaga, umalis na si Rektor Saderra. Masayang ipinaalala ni Rizal kay Padre Viza ang istatwa ng Sagradong Puso ni Hesus na inukit niya noong siyay estudyante ng Ateneo. 8:00 ng umaga, dumating si Padre Antonio Rosell para palitan si Padre Viza. Inanyayahan siya ni Rizal na saluhan siya sa agahan, at kanya namang pinaunlakan. Pagkatapos ng agahan dumating si Ten. Luis Taviel de Andrade (Tagapagtanggol ni Rizal) 9:00 ng umaga, dumating si Padre Federico Faura. 10:00 ng umaga, dinalaw si Rizal nina Padre Jose Vilaclara at Vicente Balaguer. Pag-alis nila, Kinapanayam naman siya ng Espanyol na mamahayag, si Santiago Mataix, para sa pahayagang El Heraldo de Madrid. Mula alas dose ng tanghali hanggang 3:30 ng hapon, naiwang mag-isa si Rizal sa kanyang selda. Marahil ay sa mga oras na ito niya isinulat ang kanyang tula ng pamamaalam na itinago niya sa kanyang Alkohol na lutuan (hindi sa lampara gaya ng sinabi ng ilang mananalambuhay). 3:30 ng hapon, bumalik si Padre Balaguer sa Fuerza Santiago para talakayin kay Rizal ang pagbawi niya sa mga ideyang anti-Katoliko sa kanyang sulatin at pagsapi sa masonerya. 4:00 ng hapon, dumating ang ina ni Rizal. Lumohod si Rizal sa harap niya at hinagkan ang mga kamay ng ina, humingi ng tawad. Pagkaraay pumasok sa selda si Trinitad para sunduin ang ina. Habang papalabas sila, ibinigay ni Rizal ang alkohol na lutuan. 6:00 ng gabi, tinanggap ni Rizal ang isang bagong panauhin, si Don Silvino Lopez Tuon, ang Dominikano ng katedral ng Maynila. 8:00 ng gabi, dinalaw si Rizal ni Don Gaspar Cestao, ang piskal ng Royal Audiencia de Manila. 10:00 ng gabi ng Disyembre 29, ang burador ng pagbawi na ipinadala ng arsobispong anti-pilipino na si Bernardino Nozaleda (1890-1903) ay isinumite ni Padre Balaguer kay Rizal para lagdaan , ngunit hindi ito ginawa ng bayani dahil napakahaba at di niya ito gusto. Ayon sa testimonya ni Padre Badre Balaguer, ipinakita niya kay Rizal ang mas maikling burador na hinanda ni Padre Pio Pi, superior ng mga Heswita sa Pilipinas, at itoy nagustuhan ni Rizal. 3:00 ng umaga ng Disyembre 30, 1896, nakinig ng misa si Rizal, nangumpisal at nangumunyun.

5:00 ng umaga, ang huli niyang agahan sa lupa, pagkatapus nito sumulat ng dalawang liham si Rizal, ang una ay para sa kanyang pamilya , at ang ikalaway para sa kanyang nakakatandang kapatid na si Pasiano. Pagmartsa sa Bagumbayan

Mga 6:30 ng umaga, nag simula ang pagmartsa sa Bagumbayan, Kung saan bibitayin si Rizal. Eleganting tingnan si Rizal sa suot niyang itim na terno, itim na sombrero, itim na sapatos, puting polo, at itim na kurbata. Dumaan ang mga nagmamartsa sa makitid na tarangkahan ng Postigo, isa sa mga tarangkahan ng lungsod na may pader, at narating nila ang Maleson(ngayon ay Bonifacio Drive) na walang ka-tao tao. Nang maraanan nila ang harap ng Ateneo, nakita ni Rizal ang mga tore ng kolehiyo na nangibabaw sa mga pader. Tinanong niya Iyon po ba ang Ateneo, Padre? Oo, sagot ng pari. Narating nila ang bagumbayan. Payapa parin ang paglakad ni Rizal patungo sa katatayuan niya. Pagiging Martier ng Isang Bayani

Nag paalam si Rizal kina Padre March at Padre Vilaclara at sa kanyang magiting na tagapagtanggol si Ten.Luis Tariel de Andrade. Binasbasan siya ng isa sa pari at pinahalikan sa kanya ang krusipino. Pagkaraay hiniling niya sa komandante ng iskwad na barilin siya ng nakaharap sa kanila. Hindi pinagbigyan ang kanyang kahilingan. Masama man ang loob,tinilikuran ni Rizal ang mga babaril sa kanya at humarap siya sa dagat.

DR. Felipe Ruiz Castillo humiling at payagan siyang damhin ang pulso ni Rizal. Tumunog ang mga tambol, sa gitna ng pagtatambol may sumigaw na Magpaputok, at naguunahan sa pagputok ang mga baril na nakaumang kay Rizal. Eksaktong 7:03 ng umaga ng mamatay siya sa kasibulan ng kanyang kahustuhang gulang-edad 35, limang buwan, at 11 na araw.

BALAGTASAN
Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may mga tugma sa huli.Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas. Ginawa nila ang unang balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng elemento ng tula katulad ng karagatan, huwego de prenda at duplo.Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae). Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din itong magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pangaasar, pambihirang talas ng isip, at mala-teatrikong at dramatikong pagpapahayag.

You might also like