You are on page 1of 32

Mga Huling Araw ni

Rizal
(PART 2)
Pagpili ng Tagapagtanggol

• December 8
- Binigyan si Rizal ng listahan ng mga
pangalang na maaaring tagapagtanggol niya.

• Don Luis Taviel de Andrade


- Pinili upang maging tagapagtanggol
- kapatid ni Ten. Jose Taviel de Andrade na
dating “bantay” ni Rizal sa Calamba noong
1887.
“Pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng
insureksyong Pilipino, ang tagapagtatag ng mga
samahan, pahayagan, at librong nag-papaapoy at
nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa
rebolusyon.”
- Ang akusasyon kay Rizal

G.H. Camilo G. de Polavieja


- Pumalit kay Gobernador Blanco (sinasabing mas
makatao kesa kay Polavieja)
Ang Manipesto ni Rizal sa Taumbayan
- Isinulat ito ni Rizal habang siya ay nakapiit
sa kanyang selda sa Fuerza Santiago.
- Isinulat niya ito dahil gusto niyang ibahagi
sa taumbayan na makakamit lang natin ang
kalayaan sa pamamagitan ng edukasyon at
pagsisikap.
- Sinasabi rito na ikininagulat niya na ang
ngalan niya ang naging pamansag ng ilang
mga rebolusyon.
- Nililinaw din dito na tinutulan na niya ang
balak ng rebolusyon dahil hindi pa raw tayo
handa para dito.
Huling Pasko
- Ang araw ng Pasko ang pagdiriwang sa
kapanganakan ni Kristo na Siyang katubusan at
nagdala ng kapayapaan at kapatiran sa lahat.
Ngunit sa araw na ito ay nakapiit pa rin sa
kulungan si Rizal.
- Dahil nararamdaman niya na wala na
siyang pagasa sa kanyang kasasapitan, siya ay
sumulat sa kanyang tagapagtanggol na si Ten.
Luis Taviel de Andrade.
- Isinulat ni Rizal na makapunta sana ang
kanyang tagapagtanggol noong umagang
iyon dahil nais niyang kausapin siya bago sila
humarap sa hukuman.
Ang Paglilitis kay Rizal
- isang patunay ng kawalang-katarungan ng
mga Espanyol.
- Dec. 26, 1896(Cuartel de España), nagsimula
ang hukumang-militar.

Mga Miyembro ng Hukumang-Militar:

- Ten. Kol. Jose Togores Arjona(pangulo)


- Kapt. Ricardo Muñoz Arias
- Kapt. Manuel Reguera
- Kapt. Santiago Izquierdo Osorio
- Kapt. Braulio Rodriguez Nuñez
- Kapt. Manuel Diaz Escribano
- Kapt. Fermin Perez Rodriguez
Mga Tauhan sa Hukuman
- Dr. Jose Rizal (Ang akusado)

- Ten. Taviel de Andrade (Tagapagtanggol ni Rizal)

- Kapt. Rafael Dominguez (Huwes Tagapagtanggol)

- Ten. Enrique de Alcocer (Tagapag-usig)

*Kasama rin dito si Josephine Bracken, mga


manonood at maraming Espanyol
Simula ng Paglilitis
- Ang akusado ay iginapos mula siko pa-siko, ngunit
siya ay nanatiling kalmado.
- Ang Huwes Tagapagtanggol na si Kapt.
Dominguez ang siyang nagpaliwanag sa hukuman
ng kaso laban kay Rizal.
-Si Ten. Alcocer, taga-usig, ang siyang nagbigay ng
talumpati ng buod ng kaso ni Rizal at sinasabing
karapat-dapat na siya ay patawan ng kamatayan.
- Si Ten. Taviel de Andrade, tagapagtanggol ni
Rizal, ay nagbahagi ng madamdaming talumpati
upang ipagtanggol si Rizal.*
*Ngunit, pasok-labas lang sa tenga ang hukom
dahil sa sila ay may napagdesisyunan na hatol
bago man magsimula itong paglilitis.
Pagtanggol ni Rizal sa Sarili
- pinatunayan ni Rizal na siya ay inosente sa
pamamagitan ng 12 puntos:

1) Wala siyang kaugnayan sa rebolusyon dahil siya


mismo ang nagpayo kay Dr. Pio Valenzuela noon sa
Dapitan na huwag na silang mag-aklas

2)Hindi siya nakipagsulatan sa mga elementong


radikal at rebolusyonaryo.

3) Ginamit ng mga rebolusyonaryo ang kanyang


pangalan nang hindi niya alam. Kung siya’y maysala,
disinsana’y tumakas siya sa Singapore.
4) Kung may kaugnayan siya sa rebolusyon,
disinsana’y tumakas siya sakay ng isang vintang Moro
at di nagpatayo ng tahanan, ospital, at bumili ng
lupain sa Dapitan.

5) Kung siya ang pinuno ng rebolusyon, bakit hindi


siya kinonsulta ng mga rebolusyonaryo?

6) Inamin niya na siya ang sumulat ng Konstitusyon ng


La Liga Filipina ngunit ito ay pansibikong asosasyon at
hindi isang samahang pangrebolusyon.

7) Hindi nagtagal ang La Liga Filipina sapagkat


pagkatapos ng unang pulong ay pinatapon na siya
sa Dapitan.
8) Kung muling nabuhay ang La Liga pagkaraan ng
siyam na buwan, hindi niya alam.

9) Hindi itinataguyod ng La Liga Filipina ang mga


simulain ng mga rebolusyonaryo. Kung hindi, sana’y di
na itinatag ang Katipunan.

10) Ang dahilang ng mapapait na komentaryo niya


ay dahil noong 1890, ang kanyang pamilya ay
inuusig, kinukumpiska ang bahay, bodega, lupain,
atbp., at ang kanyang kapatid na lalaki at mga
bayaw ay ipinatapon.

11) Ang buhay niya sa Dapitan ay kapuri-puri kahit


itanong pa sa mga komandenteng naroon at sa mga
misyonerong pari.
12) Noong siya ay nagtalumpati sa bahay ni Doroteo
Ongjunco, hindi totoong pinukaw ng kanyang
talumpati ang rebolusyon. Alam ng mga kaibigan
niya na tutol siya sa armadong rebolusyon. Kaya bakit
nagpadala ang Katipunan ng isang sugo sa Dapitan
na hindi niya kakilala? Dahil ang mga kakilala niya ay
alam na hindi siya payag sa anumang kilusang
marahas.

- Ang pagsamo ni Rizal ay hindi na pinakinggan


ng Hukom, dahil may pinapanigan na silang
desisyon.
- Pinalabas na ang mga tauhan ng
ipagpalagay ni Ten. Kol. Togores Arjona na
tapos na ang paglilitis.
- Matapos ang napakaikling delibirasyon
ipinataw ang sentensiyang kamatayan.

- Kaagad nilang pinadala ang desisyon sa korte


ni Gob. Hen. Polavieja.

- Humingi ang Gob. Hen. ng payo mula sa


Huwes Tagapagtanggol na si Heneral Nicolas
de la Peña.
Ang Desisyon ng Gob. Hen.

• December 28 – Nilagdaan ni GH Polavieja ang


desisyon na hatol kay Rizal na kamatayan.

“ Sang-ayon sa sumunod na opinyon. Inaprubahan ko ang


sentensiya ng Hukumang-Militar sa kasalukuyang kaso,
dahilan nito parusang kamatayan ang ipinataw sa akusadong
si Jose Rizal Mercado, na isasagawa sa pamamagitan ng
pagbaril sa kanya sa ganap na alas siyete ng umaga ng ika-30
araw ng buwang ito sa Bagumbayan”
Pagkamartir
Sa
Bagumbayan
Mga Huling Oras ni Rizal

• December 29, 1896 – ang huling 24 oras ng


buhay ni Rizal.

6:00AM – Si Kapitan Rafael Dominguez, na


inatasang mamahala sa paghanda ng
pagbitay kay rizal, ay ang siyang nagbasa ng
napagdesisyunang hatol sa kanya na
kamatayan.
7:00AM – Dinala siya sa kapilya ng preso. Binisita
siya ng mga Heswitang pari na galing Ateneo
na sina Padre Miguel Sadera Mata (Raktor ng
Ateneo Municipal) at Padre Luis Viza, isang
guro.

7:15AM – Umalis na si Padre Saderra.


Napagusapan ang Sagradong Puso ni Hesus na
inukit ni Rizal noong siya ay isang estudyante.
Dala-dala pala ito ni Padre Viza at ibinigay kay
Rizal at siya namang tinanggap.
8:00AM – Umalis na din si Padre Viza at
dumating naman si Padre Antonio Rosell na
siyang nagyaya kay Rizal na mag-agahan.
Matapos ang agahan, dumating naman ang
tagapagtanggol ni Rizal na si Ten. Luis Taviel de
Andrade at siya ay pinasalamatan sa
serbisyong ibinigay niya sa kanya.

9:00AM – Dumating si Padre Federico Faura, na


siyang nagpa-alala kay Rizal sa sinabi niya sa
kanya noon na mapupugutan siya ng ulo ng
dahil sa Noli Me Tangere. Tinawag ni Rizal ang
Padre na isang “propeta” dahil sa kanyang
babala noon pa man ngunit hindi lang
pinakinggan.
10:00AM – Dinalaw naman siya ng isa sa mga
guro niya sa Ateneo na si Padre Jose Vilaclara
kasama si Vicente Balaguer na isa namang
paring heswita sa Dapitan na napalapit kay
Rizal noong siya ay naka-destino doon. Pag-alis
nila ay nakausap naman niya ang isang
mamamahayag na Espanyol ng El Heraldo de
Madrid na si Santiago Mataix.

12:00PM-3:30PM – Naiwang magisa sa selda si


Rizal, at matapos niya kumain ay dito na siya
naging abala sa pagsusulat. Sa mga oras na ito
ay maaaring naisulat ni Rizal ang kanyang
huling paalam na itinago sa alkohol nalutuan
na regalo ng asawa ni Juan Luna na si Paz
Pardo de Tavera.
- Ang huling liham niya kay Propesor Blumentritt, sa
wikang Aleman na naglalaman ng kanyang huling
paalam kasama ng isang aklat.

3:30PM – Bumalik si Padre Balaguer sa Fuerza


Santiago upang kausapin muli si Rizal. Ang kanyang
dahilan ay upang talakayin ang pagbawi ni Rizal sa
mga ideyang anti-Katoliko sa kanyang sulatin at
pagsapi sa Masonerya.

4:00PM – Dumating ang ina ni Rizal. Nang kanyang


hagkan ay pilit na pinaghiwalay sila ng guwardiya
at siyang dahilan ng pagiiyakan nila. Pumasok na rn
sa selda si Trinidad para sunduin ang ina, ibinigay ni
Rizal ang alkohol na lutuan na siyang naglalaman
ng kanyang huling pamamaalam.
- Pagkaalis ni Doña Teodora at Trinidad ay
dumating naman sila Padre Vilaclara, Padre
Estanislao March at Padre Rosell.

6:00PM – Dumating naman si Don Silvino Lopez


Tuñon, and Dekano ng Katedral ng Maynila. Umalis
na sina Padre Balaguer at Padre March at naiwan si
Padre Vilaclara kasama nina Rizal At Don Tuñon.

8:00PM – Ang huling hapunan ni Rizal. Sa mga oras


na rin na ito ay ipinaalam ni Rizal kay Kapitan
Dominguez na pinapapatawad na niya ang
kanyang mga kaaway kasama na rin rito ang mga
huwes-militar na nagsentensiya sa kanya ng
kamatayan.
9:30PM – Ang sumunod na panauhan ni Rizal ay
si Don Gaspar Cesteño, ang piskal ng Royal
Audiencia de Manila. Matapos ng kanilang
magandang usapan ay napaniwala ang piskal
sa angking katalinuhan ni Rizal.

10:00PM – Pinadala ni Padre Balaguer kay Rizal


ang burador ng pagbawi na ipinadala ng
Arsobispong anti-Pilipino na si Bernardino
Nozaleda, ngunit hindi ito nilagdaan ni Rizal
dahil hindi niya ito nagustuhan.
- Ayon naman kay Padre Balaguer, nagpakita
siya ng mas maikling burador na inihanda ni
Padre Pio Pi (Superyor ng mga Heswita sa
Pilipinas). At makaraan ng ilang pagbabago ay
isinulat ni Rizal ang k anyang retraksiyon, na
kung saan itinatakwil na niya ang Masonerya at
mga relihiyosong ideang anti-Katoliko.*

*Ang Sulat na ito, ay naging malaking debate sa mga


Rizalista sapagkat sa mga Rizalistang Mason o anti-
Katoliko, ang dokumentong ito ay huwad. At para
naman sa mga Rizalistang Katoliko, ito daw ay tunay
na dokumento.
• December 30, 1896

3:00AM – Nakinig ng misa si Rizal, nangumpisal


at nangumunyon.

5:30AM – Ang huli niyang agahan. Pagkatapos


nito ay sumulat siya para sa kanyang pamilya
at isa pa para sa kanyang kapatid na si
Paciano.
Liham sa Pamilya:
- Paghihingi ng tawad ni Rizal sa bigat ng
pagdurusang naidulot niya sa pamilya.
- Ang huling habilin niya ukol sa kanyang libing.

Liham kay Paciano:


- Pagpapasalamat sa lahat ng naidulot ni
Paciano kay Rizal.
- Paghihingi ng tawad kay Paciano at ang
habilin na sabihin sa ama nila na mahal niya ito
at hingan ng kapatawaran.
5:30AM – Dumating si Josephine Bracken
kasama ang kapatid ni Rizal na si Josefa.
Nagpaalam si Josephine kay Rizal na lumuluha.
Ibinigay niya kay Josephine ang isang
relihiyosong aklat na Imitation of Christ ni Padre
Thomas a Kempis na kanyang nilagdaan.

6:00AM – Habang naghahanda ang mga


sundalo para sa Pagmamartsa. Si Rizal ay
sumalat para sa kanyang mga mahal na
magulang.
Pagmartsa sa Bagumbayan

6:30AM – Nagsimula nang tumunog ang mga


trumpeta sa Fuerza Santiago na siyang hudyat
ng simula ng pagmartsa. Apat na armadong
sundalo ang nanguna, sunod naman ay si Rizal
na nasa pagitan ng kanyang tagapagtanggol,
Ten. Luis Taviel de Andrade, at dalawang
Heswitang pari, Padre March at Padre
Vilaclara.
-Si Rizal ay nakasuot ng itim na terno, sumbrero,
sapatos,kurbata at putting polo. At nakagapos
ang sa braso siko pa-siko tulad noong sa
hukuman ngunit mas maluwag para maigalaw
niya ang kanyang braso
- Nagmartsa sila mula Fuerza Santiago
hanggang sa Plaza de Palacio sa harapan ng
katedral ng Maynila kung saan napakaraming
tao ang nagaabang.
- Nadaanan din nila ang isang makitid na
Tarangkahan ng Postigo na halos walang
katau-tao at siyang nasabi na napakanda ng
umagang iyon, ang tipong namamasyal sila ng
kanyang kasintahan.
- Kanila naman nadaanan ang Ateneo.
- Narating nila ang Bagumbayan na malapit sa
Look ng Maynila. Payapang pumunta sa
katatayuan niya si Rizal, sa pagitan ng
dalawang posteng de-lampara.
Pagigigng Martir ng Isang Bayan
- Nagpaalam si Rizal sa kanyang mga kasama
na sina Padre Vilaclara, Padre March at ang
kanyang magiting na tagapagtanggol na si
Ten. Luis Taviel de Andrade.
-Binasbasan siya ng isang pari at pinahalikan
ang krusipiho.
- Humiling si Rizal na siya’y barilin na nakaharap
sa mga sundalo, ngunit hindi siya pinagbigyan
dahil sa istriktong pagsunod ng komandante sa
utos ng ibinigay sa kanya.
- Dr. Felipe Ruiz Castillo, isang doktor na
Espanyol na siyang tumingin sa pulso ni Rizal at
laking gulat nito na normal ang kanyang pulso,
na siyang nagpapakita na hindi takot si Rizal sa
kanyang kamatayan.
- Tumunog na ang mga tambol, at habang sila
ay tumutunog ay may sumigaw ng
“Magpaputok”. Sa kanyang pagkabaril ay
ipinilit pa rin ni Rizal na humarap sa mga
sundalo at nagawa niya ito. Sa kanyang
pagbagsak ay nakaharap ang mukha niya sa
sumisikat na araw.

7:03AM – Oras ng kamatayan. Sa edad na 35, 5


buwan at 11 araw.

*Ang kanyang araw ng kamatayan ay maaaring


nakutuban niya dahil 14 na taon bago siya bitayin
ay nanaginip noong ika-30 ng Disyembre na siya ay
namatay.
Pagkaraang Mamatay ang isang Bayaning
Martir
- Nagsaya ang mga Espanyol at nagsigawan ng
“Mabuhay ang Espanya”. Dahil isang malaking
tagumpay sa kanila ang kamatayan ng
pinakamahigpit nilang kaaway. Nagpatugtog
pasila ng masayang Marcha de Cadiz.
- Hindi alam ng mga Espanyol na ito, na ang
pagkamatay ni Rizal ang siyang naging pundasyon
ng bansang nagsasarili. Ang kanyang mga naisulat
ay nagudyok sa nasyonalismong Pilipino at
naghawan ng landas para sa Rebolusyon ng
Pilipinas.
-Kanyang napatunayan na “mas mabisa ang
panulat kaysa espada”.
“Mamamatay akong natatanaw
Sa likod ng dilim angbukangliwayway,
Kung kailangan mo ang pulang pangulay,
Dugo ko’y gamitin sa kapanahunan
Nang ang liwanag mo ay lalong kuminang”

-Dr. Jose Rizal

You might also like