You are on page 1of 3

ANG PAG-ARAL NI RIZAL SA ATENEO MUNICIPAL DE MANILA.

 Tatlong Paaralang Sekundaryo sa Maynila: Seminaryo ng San Jose, Kolehiyo ng San Juan de
Letran ng mga Dominiko at ang Ateneo Municipal de Manila ng mga Heswita.
 Labing-isang taong gulang si Rizal ng siya’y nagtungo sa Maynila para mag-aral.
 Unang kumuha ng pagsusulit sa San Juan de Letran Nakapasa ngunit nagbago ang isip ni Don
Francisco.
 Nais ng kanyang ama na sa Ateneo Municipal de Manila mag-aral ang anak.
 Ayaw siya tanggapin noong una sa Ateneo dahil nahuli siya sa pagpapatala at may kaliitan at
kapayatan daw siya.
 Sa tulong ni G. Manuel Xeres Burgos na pamangkin ni Padre Jose Burgos natanggap si Jose Rizal
sa Ateneo noong Hunyo 10, 1872

Sa Ateneo Municipal de Manila:

 Kilala ang paaralang ito bilang isa sa mga may makabagong paraan sa pagtuturo.
 Hinati ang mga mag-aaral sa dalawang pangkat : Emperyo ng Romano at Emperyo Kartigano.
 Emperyo ng Romano ang pangkat ng mag-aaral na nakatira sa loob ng paaralan at ang Emperyo
Kartigano ay mga naninirahan sa labas ng paaralan.
 Ginagawang emperador ang pinakamarunong sa emperyo.
 Naging emperador si Jose makalipas ang isang buwan. Bago siya maging emperador ay nalagay
muna siya sa pinakahuling hanay ng emperyo dahil may kahinaan pa siya sa Kastila.
 Sa hangaring matutong mabuti ng Kastila ay nagsasadya siya sa Dalubhasaan ng Sta. Isabel
tuwing rises upang mag-aral ng Kastila.
 Sa simula ng kanyang pag-aaral pinatuloy siya sa isang matandang dalagang si Titay dahil may
pagkakautang na tatlong daang dolyar ito sa kanyang mga magulang.
 Sa sumunod na taon ay inilipat na siya ng pangaserahan/dormitoryo ng biyudang si Doña Pepay
sa kalye ng Magallanes, Intramuros.
 Ang unang propesor niya sa Ateneo at si Padre Jose Bech Ito ay sumpungin at kung minsan ay
agad na lamang nagagalit.
 Minsan ay nagbitiw sa kanya ng di-kanais nais na pangungusap ang isa niyabg propesor na
sumugat sa kanyang damdamin kaya para siyang nawalan ng sigla sa pag-aaral noong ikalawang
semestre. Sa kabila nito ay nagka-sobrasalienteng marka siya sa lahat ng asignatura ngunit hindi
siya tumanggap ng anumang gantimpala.
Sa kanyang pagbabakasyon:

 Dumalaw siya sa kanyang ina na nakabilanggo sa Santa Cruz.


 Bago magtungo sa Maynila si Jose ay nagkaroon ng problema sa pamilya ang kanyang Tiyo
Alberto. Idinawit ng asawa ng kanyang Tiyo Alberto ang kanyang ina, dahil pinagtangkaan daw
ng magkapatid na lasunin siya.
 Hindi naging matapat ang asawa ni Don Alberto nung ito ay nasa Europa. Hihiwalayan na sana ni
Don Alberto ang kanyang asawa, ngunit nagpayo si Doña Teodora na makipag-ayos dito alang-
alang sa kanilang mga anak at para maiwasan ang eskandalo. Masama ang iginanti ng taksil na
asawa ni Don Alberto kaya sa halip na magpasalamat kay Doña Teodora, ito ay ipinakulong niya.
 Ang tenyente ng mga Guwardiya Sibil na may lihim na galit kay Don Francisco sapagkat
tinanggihan siya ng Don na bigyan ng pagkain ng kabayo, ang kasabwat ng asawa ni Don Alberto
upang palabasin nagkasala si Doña Teodora. At dahil sa pagiging bulag sa katarungan at sunud-
sunuran sa nga prayle ng Alkaldeng si Antonio Vivencio del Rosario, inutos nito na ipabilanggo
si Doña Teodora. At imbis na saraling bayan ipabilanggo, siya ay dinala sa bilangguang
panlalawigan ng Laguna sa Sta. Cruz. Dumanas si Doña Teodora ng dalawang at kalahating taong
pagkabilanggo.
Ikalawang Taon ni Jose sa Ateneo:

 Itinanghal muli siyang emeperador. Nagtamo siya ng sobrasalienteng marka sa lahat ng asignatura at
pinagkalooban ng medalyang ginto.
 Nagbasa siya sa kanyang mga nalalabing araw ng kanyang bakasyon upang siya’y malibang.
 Binasa niya ang nobelang “Ang Conde ng Montecristo,” “Universal History” ni Cesar Canto at
“Mga Paglalakbay sa Pilipinas” ni Feodor Jagor.
 Ito ay nakatulong sa kanyang pag-aaral sa susunod na taon.
Ikatlong Taon ni Jose sa Ateneo:

 Naging panauhin sa Calamba ang Gobernador Heneral. May mga nangyaring pagsayaw para
alawin ang panauhin. Isa sa mga sumayaw si Soledad. Kinigiliwan siya ng Gobernador Heneral
kaya ito ay tinanong kung ano ang nais niyang gantimpala, hiniling ni Soledad na palayain ang
kanyang ina at ito ay ipinagkaloob ng Gobernador Heneral. Ang pangyayaring naganap ay
patunay na marupok ang batayan ng katarungan sa Pilipinas noong panahong iyon.
 Bago matapos si Jose sa kanyang pangatlong taon, siya ay pinagsabihan ng kanyang ina na huwag
na ipagpatuloy ang pag-aaral sa Ateneo sapagkat nanganganib ang buhay ng mga dumudunong sa
Pilipinas. Gayunpaman ay bumalik si Jose sa Maynila kasama si Paciano.
Ikaapat na Taon ni Jose sa Ateneo:

 Ipinasok siyang interno sapagkat lubhang magulo sa pangaserahan ni Doña Pepay.


 Naging paborito niyang propessor so Padre Francisco Sanchez, na siyang naghasik sa kaisipan
niya ng pag-ibig sa panitikan.
 Ayon sa kanya, isang huwaran na propessor si Padre Sanchez sapagkat siya’y marunong kumilala
ng katuwiran at may pagmamalasakit sa kapakanan ng mga tinuturuan.
 Sa kanyang pagtatapos, nagtamo siya ng pinakamataas na marka sa lahat ng asignatura at
tumanggap pa siya ng limang medalya ng karangalan.
 Hinangaan ng mga paring Heswita ang kakayahan ni Jose sa paglilok ng imahen ng Birheng
Maria sa kahoy na batikuling. Hinilingan nila si Jose na ipaglilok sila ng Sagrado Corazon de
Jesus na ipinagkaloob kay Padre Lleonart.
 Naging guro niya sa paglilok si Romualdo de Jesus. Si Don Agustin Saez naman sa “solfeggio,”
pagguhit at pagpipinta. Si Propessor Sanchez ang nagpasigla sa pagsulat niya ng tula.
 Ang iba niya pang propesor ay sina Padre Jacinto Ferbes at Padre Jose Villaclara.
 Naging lubos na matagumpay ang kanyang mga huling taon sa Ateneo. Nagtamo siya ng
pinakamataas na marka sa lahat ng asignatura. Napasakanya rin ang pinakamataas na karangalan
sa pagtatapos ng Bachiller en Artes sa gulang na labing-anim na taon, sa kabila ng pangyayaring
binawasan niya ang panahong ginugugol sa pag-aaral sapagkat naging abala siya sa mga
kinabibilangan niyang samahan katulad ng Congregacion Mariana, Akademya ng Panitikang
Kastila at Akademya ng Katutubong Agham (Ciencia Natural).
 Hindi niya itinigil ang pagsusulat ng tula, ang pagguhit sa ilalim ng bantog na pintor na si
Agustin Saez at ang paglilok sa ilalim ng gurong si Romualdo de Jesus. Ginawa niya sa panahon
ng kanyang pag-aaral ang nililok niyang mga imahen ng Mahal na Birhen at Sagrado Corazon de
Jesus. Inilagay sa ibabaw ng pinto ng dormitoryo ng Ateneo ang Sagrado Corazon na
nakalimutang dalhin ni Padre Lleonart. Ang imahen ay namalagi roon ng maraming taon tanda ng
pagpapahalaga sa pinakadakilang estudyante ng Ateneo.

Ang mga sumusunod ay mga tulang sinulat niya nang siya’y nag-aaral sa Ateneo:
a. Maligayang Bati (Felicitacion) – Ito’y sinulat niya para sa bayaw niyang si Antonio Lopez sa
kahilingan ng kanyang kapatid na si Narcisa.
b. Ang Pagsakay: Imno sa Hukbo ng mga Pandigmang-dagat ni Magallanes (El Embarque:
Himno a la Flota de Magallanes)
c. Ang Paghahamok: Si Urbiztondo, ang Kilabot ng Jolo (El Combate, Urbiztondo, Terror de
Jolo)
d. Ang Unang Nakaligid sa Daigdig at Kastilang si El Cano (Y es.. Español: El Cano, El Primero
en dar la Vuelta al Mundo)
e. Ang Kasawian ni San Eustaquio (La Tragedia de San Eustaquio). Ito’y dulang patula na sinulat
niya noong siya’y labing-apat na taon. Naglalahad ito ng malungkot na kasaysayan ni San
Eustaquio. Binubuo ito ng 2,414 berso. Ang orihinal nito ay sa wikang Italyano at nasalin sa
Kastila sa prosa. Sinikap itong maisulat ni Rizal sa dulang patula.
f. Isang Alaala sa Aking Bayan (Un Recuerdi A Mi Pueblo). Iniharap ito ni Rizal sa mga
pagpupulong ng Akademya ng Panitikan ng Ateneo Municipal de Manila, naglalarawan ito ng
pagmamahal at pag-aalaala sa kanyang tinubuan.
g. Matalik na Pagtutulungan ng Relihiyon at ng Edukasyon (Alienza Intima la Religion y la
Buena Educacion). Sinulat niya ang tulang ito noong Abril 1, 1876. May matatayog na kaisipan at
tumatalab sa damdamin ng sino mang babasa nito.
h. Sa Pamamagitan ng Edukasyon ay Tumatanggap ng Liwanag ang Inang Bayan (Por la
Educacion Recibo Lustre la Partia). Kasangkapan sa Kaunlaran ng Bayan.
i. Matagumpay na Pagpasok ng mga Haring Katoliko sa Granada na siyang pangwakas na
tanggulan ng mga Moro matapos mabihag si Bodavilla.
j. Ang Kabayanihan ni Columbus (El Heorismo de Colon). Ito’y isang tulang nagpupuri sa
kabayanihan ni Columbus dahil sa pagkakatuklas niya sa Amerika noong 1492.
k. Si Colon at si Juan II (Colon y Juan II). Nagsasalaysay ang tulang ito kung paanong iniwasan ni
Haring Juan II ang isang napakalaking pagkakataon aa kapangyarihan at karangalan nang hindi
niya ipinagkaloob kay Columbus ang halagang kinakailangan sa kanyang binabalak na
paglalayag sa Bagong Daigdig – ang Amerika. Ito ang dahilan kung bakit napilitang lumapit si
Columbus sa Hari at Reyna ng España. At sa kasaysayan ay nakatala na ang España ang nag-
angkin ng karangalang kauna-unahang pagligid ng isang sasakyang pandagat sa buong daigdig.
l. Malaking Kaaliwan sa Gitna ng Malaking Kasawian. (Gran Consuelo en la mayon Desdicha)
Ito’y isang tula tungkol sa paglalayag ni Columbus.
m. Ang Pakikipag-usap ng Pamahalaan sa mga Mag-aaral (Un Dialogo Alusino ala Despidida de
los Colegiales). Ito ang kahuli-hulihang tulang sinulat ni Rizal sa Ateneo na nagtataglay ng
malungkot na pamamaalam sa kanyang mga kamag-aral.

You might also like