You are on page 1of 2

Talingdan, Mariet B.

PI 21

BSED 3D SCI August 25, 2021

I. Sanaysay

Paano ba matatawag na isang bayani ang isang tao? Kailangan bang


ibuwis ang iyong buhay para maging bayani? O kailangang bang maging
katulad ni Rizal, Bonifacio, Tandang Sora at iba pa upang maging bayani? Iyan
ang mga katanungan na bumabagabag sa aking isipan simula bata pa
lamang. Namulat tayo sa simpleng depinisyon ng salitang bayani tungkol sa
kasaysayan, sila ang nagbuwis ng buhay at nakipaglaban sa mga mananakop
upang makamit ng ating bansa ang kalayaan. Sa modernong panahon
naman ay maihahalintulad ang bayani sa mga OFW, Frontliners, pagiging isang
magulang o mga taong may malaking ambag sa lipunan. Hindi lahat tayo ay
agarang matatawag na „bayani‟ kung ang pagbabatayan ay ang mga unang
nasambit na kahulugan. Ngunit lahat tayo, mula ngayon at sa mga susunod na
panahon, ay maaaring maging bayani kahit sa malilit na paraan. Halimbawa
nito ay ang simpleng pagtulong sa matatanda o may mga kapansanan na
tumawid sa daan ay maituturing ng bayani. Hindi man nakasulat ang iyong
pangalan sa listahan ng mga bayani alam mo sa puso mo na sa simpleng
pagtulong ay bayani ka na.

Mula noong ako ay bata pa ang aking palaging sagot sa tanong na


“Sino nga ba ang bayani sa aking buhay?” ang aking sagot ay aking mga
magulang. Wala man silang kapa o mga “supernatural powers” hindi ito
basehan upang sila ay di maging bayani. Ang pag-aaruga, pagmamahal at
pagtratrabaho ay sobra sobra nang dahilan sa depinisyon ng isang bayani.
Simula pagkabata ay walang sawa nila kaming inaruga at minahal. Ang
kanilang walang humpay na paggabay at pagtratrabaho upang
makapagtapos kami ng pag-aaral at naniniwala ako na kaming mga anak nila
ang kanilang nagsisilbing kapangyarihan upang magsumikap. Ang makita nila
kaming masaya ay ang kanilang lakas upang magpatuloy sa mga hamon ng
buhay.
II. Mga salitang maiuugnay kay Rizal

Gumamit ng
pluma at hindi
dahas upang
makamit ang
kalayaan

Ang may akda


ng Noli me
Tangere at El
Filibusterismo

Nag-aral ng
medisina at
optamolohiya
RIZAL

Tinaguriang
Pambansang
Bayani ng
Ibinuwis ang Plipinas
kanyang
buhay para sa
bansa

You might also like