You are on page 1of 56

DULANG FULL-LENGTH

WILFREDO N. URIARTE et. al.

Filipino Heroes League


ISINALIN SA DULA MULA SA ORIHINAL NA KOMIKS NA

PAOLO FABREGAS’

THE FILIPINO
HEROES LEAGUE
CAST WRITER’S POOL:

Aquino, Johnny Vladimir


Bernardo, Ju Luis
Torres, Alfe John Vivar
Dela Vega, Christian
Sanvictorres, Jodie
Resurreccion, Nigel Alfonso Levy

Titik ng awit ni: Wilfredo N. Uriarte Jr.

1
OKTUBRE 2016
MGA TAUHAN:

THE FILIPINO HEROES

KIDLAT KID
Ang totoong pangalan nya ay “Anton”,18 yrs old, may magandang pangangatawan, mahilig sa loose na damit,
gwapong madungis, Makulet, hyper/aligaga, Reactive ang emotions at isang Pedicab Driver, bunso sa pamilya,
breadwinner. Naniniwala sa kasabihang “every second counts” at for fame, kaya wholehearted siya sa FHL at
ang kapangyarihan nya ay “Super Speed”.

INVISIBOY
Ang totoong pangalan nya ay “Jaime”, 22 years old, medyo mataba, cute, gentleman, manly pero malambing,
matakaw, mahilig magluto, kuya ni Iñigo, may gusto kay Maria c. Naniniwala na “To protect and serve the
Filipino people no matter the cost” at mas makilala ang FHL na naglilingkod para sa bayan at may
kapangyarihang “invisibility”.

FLASHLIGHT
Ang totoong pangalan nya ay “Donato”, 30 yrs old, may edad, katamtamang laki ng katawan, mukhang rak en
rol, babaero/womanizer, mabisyo, manyak, class C sa estado ng buhay, pinakamatandang myembro ng FHL at
naniniwala na “ang FHL parin ang kailangan ng bansa” at kailangan nyang mapagbuklod-buklod ang kaisipan ng
bawat myembro ng FHL na may kapangyarihan na “Fire”.

MARIA C.
Ang totoong pangalan nya ay “Maria Constantino”, 23 years old, maganda, sexy, 25 ang bewang, maintindihin,
sweetie, team planner, apo ni the teacher, may kaya ang kanilang pamilya, pantasya ni Vis at kailangan nyang
“maipaghiganti ang pagkamatay ng kanyang lolo” at masuportahan mabuo ang mga magiging myembro ng FHL
na may kapangyarihan “Telepathy”.

SLICK
Ang totoong pangalan nya ay “Inyigo”, 20 years old, Maporma, pogi, mandaraya, maluho/mukhang
pera,bunsong kapatid ni vis, sugarol, at naniniwala na “kelangan lahat ng ginagawa ay may kapalit o kita” para
maging mayaman at may kapangyarihan na “Can make any surface slippery”.

THE MAKER
Ang totoong pangalan nya ay “Boy Ramirez”, 15 years old, bata, pandak, palamura, siga, bhozxsk, asal kalye,
resourceful, hindi nakapag-aral, galing sa broken family, nakatira sa junkyard at naniniwala na “walang sira o
luma, lahat pwede pang magamit basta dapat tinapon na ito ” at makalikha ng kanyang mga obra mula sa mga
sirang kagamitan na tinapon. May kapangyarihan na “Can make Weapons out of Junks”.

THE WHISPER
Ang totoong pangalan nya ay “Ferninand Talisay”, 30 yrs old, may matandang pangangatawan, palaging
nakangiti, matalino, may masamang adhikain sa bansa, dating Secretary of Department of Education

2
At naniniwala na “kahit sino ka man sa lipunan ay kaya nyang kontrolin gamit ang pagpapalaganap ng maling
impormasyon” para sirain ang sistema ng edukasyon sa bansa. May kapangyarihan na “Mind controller”. Ngayon
ay si Kalihim Luis Tamayo naman.

REPUBLICAN HEROES:
Mga bayani na sinusuportahan at nagtatrabaho sa ilalim ng mganagtatagong supervillain, Mailihis ang
pagkakilala ng taong bayan sa FHL upang sila ang magmukhang mabubuting bayani, Polity Saboteur – PASS

Republican
Totoong pangalan nya ay “James”, 23 yrs. old, may katamtamang laki ng katawan, pogi, class A ang estado ng
buhay, at lider ng republican. Sya ay “nananiwala na dapat sila ang makilala na tunay na superheroes” para
mapaniwala ang tao na sila ang naglilingkod sa taong bayan. He can Fly and a Built-in Gatling Guns on his hand.

Red Banner:
Totoong pangalan nya ay”Nadine”, 18 yrs. old, maganda , sexy, model ng isang sikat na magazine, at kailangan
nilang “mahuli ang lahat ng mga criminal” para mas lalo pang maging sikat. She Can Fly and a Elastic Ribbons.

Cutter:
Totoong pangalan nya ay “Daniel”, 22 yrs. old, matangkad, malaki ang pangangatawan, weird manamit, at
naniniwala na” sya ang makakatalo sa lahat ng criminal” para gustuhin na sya ng mga kababaihan. His power is
Super Strength and Mace

Gripper:
Totoong pangalan nya ay “Enrique”, 24 yrs. old, katamtamang height, malaki ang pangangatawan, mahilig sa fit
na damit at naniniwalang “kailangan sila lagi ang pinapakita ng media sa balita para sumikat” para dumami ang
kanyang babae. He has a Spike Armors, Boulder Hands

Obscuro:
Totoong pangalan nya ay “Alden”, 21 yrs. old, cute, medyo payat, twinks, cool kids, magaling pumorma, walang
pakialam sa mundo, at “kahit anong iutos sakanya ni republican ay susundin nya” para mabili nya lahat ng gusto.
Kapangyarihan na mayControl sa Shadow.

PNP CHIEF POLICE


Totoong pangalan nya ay “Rock Daniel Dela Costa” 45 yrs. old, may matandang pangangatawan, laging pagalit
magsalita, mainit ang dugo sa FHL, kaalyado ng president, at naniniwalang “dapat kapulisan ang masususnod sa
lahat ng oras” at para magkaroon ng kaayusan sa bansa.

MGA KORO:
MGA BATANG TROLLS
TAONG BAYAN
SUNDALO
PULIS
TEACHER
MGA ESTUDYANTE
MEDIA

3
ANG ENTABLADO:

ANG ENTABLADO AY BINUBUO NG MGA FRAME, MAAARING IBA’T IBANG KULAY, LALIM AT LAKI. ANG
GITNANG BAHAGI NG ENTABLADO ANG SIYANG MAGREREPRESENTA NG MGA PANGUNAHING SENARYO
UPANG MAIPAKITA ANG TAGPUAN. ANG MGA FRAME ANG SIYA NAMANG MAGIGING LUGAR TANGHALAN
NG MGA DAGLIANG SENARYO O EKSENA NA MAAARING MAGPAKITA NG MGA MABILISANG PAGBABAGU-
BAGO NG MGA SITWASYON. ANG MGA HALIMBAWA NITO AY MGA SABAYANG PANGYAYARI AT
SUCCESSIONAL NA SITWASYON UPANG MAKATULONG SA PAGLILINAW SA PANGUNAHING SENARYO.

I. ANG NAKARAAN

SA PAGBUBUKAS NG ENTABLADO AY ISANG AVP NAGPAPAKITA NG KASALUKUYANG KALAGAYAN NG MGA


SUPERHERO NA NORMAL NA SA BUHAY NG BUONG KUMUNIDAD. MAARI ITO NARATIBONG SLIDE SHOW
UPANG IPAKITA ANG KAGITINGAN NG FHL NGUNIT KULANG SA PAGPAPAHALAGANG BINIBIGYA NG LIPUNAN.
MAARING GUMAWA NG HIWALAY NA MANUSCRIPT PARA SA AVP NA ITO.

MATAPOS AY BUBUNGAD ANG TUNOG NG ISANG NAPAKALAKAS NA PAGSABOG NA MAGSASANHI NG PAG


ULAN AT PAGSAMBULAT NG MGA PAHINA.

II. ANG SIMULA

TAO1: (sumisigaw) Sunog! Sunog!

TUNOG NG APOY AT SIRENA NG BUMBERO. SA IBA’T IBANG FRAME AY IPINAPAKITA ANG MGA IBA’T IBANG
KLASE NG PAGPATAY SA MGA PULITIKONG MYEMBRO NG OPOSISYON.

PULITIKO 1: (takot) Sino ka? Ipinadala ka ba nya? (saksak ng patalim)

SA KABILANG FRAME

PULITIKO 2: (galit) Kung hindi kaya sa santong paspasan, unahan na natin!

PULITIKO 3: (matapang) Oo idaan na natin sa dahas. Ayaw nyang bumaba sa pwesto edi patayin na
natin. (putok ng baril at bigti)

SA ISA PANG FRAME

PULITIKO 4: (tila nababaliw) Halimaw. Isa kang halimaw.. Wag mo ko papatayin. Wag! (sunggab at
untog sa ulo, saksak ng paulit ulit)

SA IBA PANG FRAME

4
PULITIKO 5: (nagmamakaawa) Parang awa mo na, huwag na huwag mo akong papatayin,
ipinapangako ko na kapag binuhay mo ako aalyado ako sa inyo at titiwalag ako sa
oposisyon. (baril sa sintido, sakmal ng paulit ulit.)

MULA SA LIKOD NG IBA’T IBANG FRAME NG PATAYAN NG MGA PULITIKO AY MAGSISILABAS ANG MGA
TROLLS NA NAKASUOT NG MGA UNIPORMENG PAMPAARALAN. UNTI-UNTING NAGBABAGO ANG KANILANG
MGA KILOS.

SA IBAT IBANG DAKO NG ENTABLADO AY ANG MGA KUMAKARIPAS NG TAKBO NA MGA ESTUDYANTE NA
NAGPAPAKITA NG MGA TAKOT, BIGLA BIGLANG PAGBABAGO NA TILA NABABALIW AT NAGIGING TROLL.
MGA ESTUDYANTENG MAY HAWAK NA MGA PAHINA, NANGINGINIG, NANGINGISAY SA SAHIG, TUMATALON
KUNG SAAN SAAN. SUMISIGAW SA PAGKA-ULOL. MULING UULAN NG MGA PAHINA.

LALABAS SA IBA’T IBANG DAKO NG ENTABLADO ANG MGA KILALA AT HINDI KILALANG MGA SUPER HERO NG
PILIPINAS NA WARING PINASISISNAYAAN ANG FHL (HAL. DARNA, NARDONG TUTPIK, CAPTAIN BARBELL,
KALAYAAN, BATANG X ATBP.

ANG AWIT AY MAARING MAG-OVERLAP SA EKSENA SA IBABA.

AWIT 1: SINO ANG FHL?

Andyan na kami! Andyan na kami!

Hindi na kailangan ng maskara


Itago ang sarili at lumipad sa ere
Sapagkat palagi naman nariyan kame
Andyan na Kami, Andyan na kami!

Dapit hapon ng kami ay malagas sa buyo at dulot


Napiga nang lubos ang katas sa mga talulot
Iginipo ng labis ng bagsik ng kapangyarihan
Ng mga kalaban sakim- said sa kabutihan

Sino ba ang FHL?


Sila ang nariyan at handang maiwan
Sino ba ang FHL?
Kami ang natitirang handang lumaban
Sino ba ang FHL?
Mga superhero walang dulo ang hangganan
Sino ba ang FHL?
Andyan na sila! Andyan na sila!
Sino ba ang FHL?
Filipino Heroes League

Nanganak ang kadiliman ng mga taong halang


Sa bagong panahon mula sa nagdaang kasaysayan
Mga bagong kalaban, malakas na kapangyarihan
Tao ang binibinhi sa pagligaw ng katarungan

5
Huwag mag-alala sapagkat!
Nadyan na kami! Andyan na kami!

Sino ba ang FHL?


Sila ang nariyan at handang maiwan
Sino ba ang FHL?
Kami ang natitirang handang lumaban
Sino ba ang FHL?
Mga superhero walang dulo ang hangganan
Sino ba ang FHL?
Andyan na sila! Andyan na sila!
Sino ba ang FHL?
Filipino Heroes League

SA GITNANG BAHAGI NG ENTABLADO, LALABAS SI INVISIBOY NA BITBIT ANG ISANG ESTUDYANTENG WALANG
MALAY.

INVISIBOY: (naghahabol ng hininga at ibababa ang kargakargang bata) Kamote kang


bata ka, napakabigat mo! Okay ka na ba?

BATA: (tatango lamang) (lilinga-linga) Sino sila? Nakakatakot! Papatayin.. papatayin nila tayo…

INVISIBOY: (nagyayabang) Chilaks ka lang boy! Dyan ka lang sa likod, Ako bahala sayo..

MAY MGA BATA PANG MAGTATAKBUHAN MULA SA MAGKABILANG BAHAGI NG ENTBALADO PALAPIT SA
SUPERHERONG SI INVISIBOY AT MAGTATAGO DIN SA KANYANG LIKOD. MULING MAGPAPA-ULAN NG MGA
PAHINA. LALAPIT SA KANYA ANG MGA ESTUDYANTENG TROLLS NA APEKTADO NA NG KABABALAGHANG
NANGYAYARI SA PALIGID AT DADAMPOT NA KANYA KANYANG PAHINA.

MGA TROLLS: (paulit ulit) Basahin mo.. basahin mo to..

INVISIBOY: (naiinis) Ano ba?! Potek! Ayokong magbasa! Suntukan nalang..

MGA TROLLS: (paulit ulit) Basahin mo.. basahin mo to..

INVISIBOY: Sinabi nang wala nga ako sa mood magbasa e..

TROLL 1: (nang aasar) Pambansang halaman, cactus! Pambansang hayop, Si bes! Pambansang
bayani Invisiboy. (kikilos na parang super hero at isasatinig ang sound effect ni
superman habang lumilipad)

INVISIBOY: Aba loko tong sira ulo tong batang to ha. Matagal ko ng alam yun, di pa pinapanganak
makakapatay sakin. (ii-smack down ang bata)

TROLL 2: (sumisigaw) Basahin mo to! Basahin mo to! Noynoy Apino leadingman ni Liza Soberanya
sa isang pelikula.

6
INVISIBOY: (galit at mahaba) No! (upper cut)

TROLL 3: Scarbrough shoal tinayuan ng bagong head quarters ng Filipino Heroes League.

INVISIBOY: (natatawa) Wew!?! wala nga kaming suporta o budget na natatanggap e bagong HQ pa
kaya? Lakas tama ka.. may toyo ka ba? (sinakal at niyugyog)

MGA TROLLS: Basahin mo to! Basahin mo… basahin mo to! FHL… FHL… FHL…

INVISIBOY: Kanina pa kayo… Sandali ano.. Ano ba? (matutumba dahil dinumog na ng mga trolls at
muling tatayo)

TROLLS: FHL nasa likod ng patayan. (paulit-ulit)

INVISIBOY: Huh?

TROLLS: Totoong totoo. FHL… FHL… FHL…

MAAASAR AT MAWAWALA SI INVISIBOY SA KAMALAYAN NA HINDI NYA DAPAT BASAHIN ANG PAHINA.

INVISIBOY: (hihilahin ang isang pahina at babasahin) FHL? Nasa likod ng patayan? (mabibitawan
ang pahina at mabibigla sapagkat nabasa nya ang pahina

INVISIBOY: Putang ina!

PAGMAMASDAN ANG PAGBABAGONG NANGYAYARI SA KANYANG KATAWAN, MANGINGINIG, BABAGSAK AT


MULING BABANGON, TATAWA, SISIGAW, AT MAGSASALITA NG HINDI NAIINTINDIHANG MGA SALITA.
TATAWA ULIT, GUGULONG SA SAHIG AT MULING BABANGON, PAULIT ULIT.

SA MAGKABILANG DAKO NG ENTABLADO, SI FLASHLIGHT AT SI KIDLAT KID AY LALABAS NA TILA GALING SA


LABANAN, BITBIT ANG MGA ESTUDYANTENG TROLLS NA NAKAKADENA NA. ANG MGA TROLLS NA
DUMUMOG KAY INVISIBOY KANINA AY KUMPOL NA NAKATALI HABANG PUMIPIGLAS PA.

FLASHLIGHT: (pinagpapawisan) Dito kayo! Pinahirapan nyo pa ko. (kutos sa ilang mga bata) hoy!
Plaslayt to hoy! Kaya nyo ba si plaslayt?

KIDLAT KID: (titingin sa isang bata) ikaw! Ikaw! Loko ka ikaw pinakamahirap hulihin e.

FLASHLIGHT: anong oras na pambihira tae talaga! Napurnada pa date ko dahil sa inyo. (magyayabang)
ngayon nyo ipakita ang lakas nyo… di nyo kaya si plaslayt…

KIDLAT KID: (titingin sa mga nakadumog kay Invisiboy at matatawa) bano talaga tong gagong to..
Hoy! Vis… ano? Hindi mo kaya yang mga yan? Olats ka pala e… (senyas kay flashlight
para igapos ang mga nakadumog kay vis)

FLASHLIGHT: (sisigaw) magsamasama kayo mga brainless trolls. Come on beybes! (ipapakita ang mula
sa liwanag na nilalabas ng kanyang kamay ay lilikha sya ng isang lubid na gagamitin
nyang pang gapos sa mga trolls.)

7
BUBUNGAD SI INVISIBOY NA PATULOY PA DIN SA PAGIGING BALIW SA EPEKTO NG KANYANG NABASA.

KIDLAT KID: (palapit kay vis na nakahiga sa lapag) Brad! Vis… ayos ka lang? weak brad… nyare sayo…
(itatayo si Vis)

INVISIBOY: (biglang magwawala) Papatayin kita… papatayin ko kayong lahat!

KIDLAT KID: (iilag, palayo kay vis) Anong nangyayari sayo?

FLASHLIGHT: Nalintikan na! nahawa na yan kid! (hahawak sa likod si vis para pigilan)

INVISIBOY: tatapusin ko kayong lahat sa ngalan ng aking panginoon! (talsik si flashlight)

KIDLAT KID: pagtulungan na natin to!

IPAPAKITA ANG PANLALABAN NI INVISIBOY KINA FLASHLIGHT AT KIDLAT KID. IPAPAKITA SA ENTABLADO ANG
PAGLALAHO- LAHO SI INVISIBOY GAMIT ANG KANYANG SUPER POWER HANGGANG SA MAIMMOBILIZE NILA
SI INVISIBOY.

III. SA HEADQUARTERS.

HABANG ITINATALI SA GITNA NG ENTABLADO SA ISANG MONOBLOCK SI INVISIBOY AY MAGPAPALIT ANG


ENTABLADO PATUNGONG HEADQUARTERS. IPAPAKITA ANG ITSURA NG ISANG TIPIKAL NA NAKIKITA SA
ISANG KUTA . MGA PAPEL, PLANO, AT MAKALAT. MAGBABAGO ANG TIMPLA NG ILAW SANG - AYON SA
HINIHINGING SENARYO.
SA GITNA MAKIKITA SA ENTBLADO ANG ISANG LAMESA NASA HARAP NITO SI INVISIBOY NA
NAGPUPUMIGLAS. SA KALIWANG FRAME AY MAKIKITA NA NAKAHIWALAY ANG MGA BATANG HINDI
INFECTED SA KANANG FRAME NAMAN AY ANG MGA INFECTED SA ANYO NG SELDA NA NAKA-TABLEAU.

FLASHLIGHT: Pambihirang gabi to… naubos lakas ko! Para akong kandilang naupos.

KIDLAT KID: Tama nga yung hinala natin na ‘tong mga ‘to ay infected nga ng kung anu-anong
nababasa nila sa mga libro.

FLASHLIGHT: pero bigo tayo… mali yung ginawa nating pagsunog sa mga libro, may mga natitira pang
infected… pati si Vis nadamay at malala na. (iiling ang ulo) dagdag problema brad!

KIDLAT KID: Ayos na muna yun atleast kahit papaano may mga nailigtas tayong mga bata. (sa mga
bata) lapit nga kayo dito mga bata.

FLASHLIGHT: kailangan nating alamin ang punot dulo nito…

BATA 1: Gusto ko na pong umuwi.

BATA 2: Sigurado po hinahanap na po ako nila tatay…

8
FLASHLIGHT: O dito kayo mga kids (sa harap ng mga bata) sigurado ba kayong okay na kayo? Wala
bang masakit sa inyo?

BATA 3: Opo okay na po ako! Tignan nyo po o… (ipapakitang normal na sya)

KIDLATKID: O sige nga (turo sa isang bata) ikaw, anong pangalan mo? Ops! Wag titingin sa ID.
(Sabay hablot ng ID)

BATA4: Ako po si Eddie

KIDLATKID: Eddie ano?

BATA4: Eddie Shing!

KIDLATKID: Eddie Wow!

FLASHLIGHT: Aba mukhang okay na nga kayo ah. O sige ganito, andiyan na yung tinawagan naming
maghahatid sa inyo tiyak na hinahanap na talaga kayo ng mga magulang niyo.

KIDLATKID: Kapag tinanong kayo kung sinong nag ligtas sa inyo. Ano sasabihin nyo

BATA 4: FHL?

KIDLAT KID: Sino ulit?

MGA BATA: FHL!

FLASHLIGHT: O sige na Ingat kayo ha!

LALABAS SA ENTABLADO ANG MGA BATA HABANG NAKAANTABAY SI FLASHLIGHT SA MGA ITO SA KABILANG
BANDA AY LALAPIT SI KIDLATKID SA FRAME NG MGA INFECTED.
KIDLATKID: (sinusuri ang mga batang bilanggo) San kaya tayo nagkamali?

FLASHLIGHT: (lalapit kay vis) sigurado naman ako na nasunog na natin ang lahat ng libro.

KIDLATKID: teka… (habang pinaglalaruan ang mga bilanggo) kung nasunog na natin ang mga libro
(harap kay flashlight) at ayan may mga natitira pang infected. Sigurado akong may iba
pang dahilan kung bakit nanatili silang ganyan.

FLASHLIGHT: kaya hindi ang mga libro?

KIDLATKID: Malamang!

FLASHLIGHT: Dapat nating alamin yan sa lalong madaling panahon baka meron pa diyan sa paligid na
infected… sigurado kapag lumala yan eh lalo tayong mahihirapan

KIDLATKID: Madali lang sana satin kung mga magnanakaw lang… o kaya mga rapist pero iba nato!
May kapangyarihan din ang kalaban natin.

9
SANDALING KATAHIMIKAN

FLASHLIGHT: (hahampas sa lamesa) Hindi pwede!


VIS: (pasigaw) Ako ang pumatay kay LAPU-LAPU!

FLASHLIGHT: Hindi pwede!!

KIDLAT: (nagulat na akala niya na naapektuhan nadin si flashlight katulad ni vis at mabilis na
lalayo kay flashlight) juicecolored! Anyare sainyo! May tama ka na din!? Oh Shit.

FLASHLIGHT: (nakabaling kay kidlat na nangangamba) nakita ng dalawang mata ko ang lahat. Natalo
na naming sila.

KIDLAT: (walang ideya sa mga nangyayare ) ang alin? Sino? Si LAPU-LAPU?

FLASHLIGHT: (mapapatingin kay kidlat) siraulo! (seryoso) ang mga Supervillians!

KIDLAT: (medyo kinabahan pero nagmamatapang padin) eh ano ngayon? Supervillans lang sila
baka Kidlat to. Kotosan ko yung mga yun eh.

INVISIBOY: (pabulong) andiyan na siya! (paulit-ulit)

KIDLAT: (natatakot pero nagtatapangtapangan) asan? Asaaan?! What the!?! Nakikita nyo
batong kobra ko? (nakapormang pang kotong kobra)

INVISIBOY: (ngingite) kobra? kobra ang pambansang hayup.

TITINGIN SILA NG SABAY KAY VIS

KIDLAT: (nainis) hayup ka!

SA KANANG KAMAY NI VIS MAPAPANSIN NI FLASHLIGHT NA MAY NAKASINGIT NA HIBLANG PAHINA SA


KANYANG KAMAY KAYA SUSUNUGIN ITO NI FLASHLIGHT AT IPAPAKITA ANG UNTI-UNTING PAGBABAGO ANG
ASAL NI VIS AT MAGIGING NORMAL

FLASHLIGHT: (taranta mode rap mode) umayos ka nga! Ang sinasabi ko hindi maaring mabuhay ang
mga namatay na… walang akong kilalang ni kung sinong superhero ang may kakayahang
bumuhay ng patay… napaka-imposibleng mangyari ang ganung bagay kasi unang – una
sa lahat hindi tayo diyos para gawin yun at… (mapuputol ang pagsasalita ni flashlight
dahil kay kidlat)

INVISIBOY: Sandali! (mapapansin ang nakatali sa buong katawan) Anong nangyare?!


(magpupumiglas) bakit ako nakatali? Huy! Kalagan niyo ako!

FLASHLIGHT: (lalapit kay invisiboy) Vis! (hahawiin ang mata) Okay ka na ba?! Ikaw naba yan?
(kakatukin ang ulo)

10
INVISIBOY: Anong tingin mo sakin okay eh itinali niyo nga ako! Kalagan niyo nga ako!

KIDLAT KID: (kay vis) Uy oh! Okay na si Kalbo!

INVISIBOY: (palaban) Pwede bang kalagan nyo muna ako (magpupumiglas)

KIDALT KID: Uy uy uy oh. Halimaw pa yan! Huwag mo kakalagan! (magtatawa)

FLASHLIGHT: Hindi mo ba alam na nakapagbasa ka ng pahina sa engkwentro natin kagabi at


nagmukha kang asong ulol! (tatanggalin ang pagkakatali kay vis)

SANDALING KATAHIMIKAN. HABANG NAG-AAYOS NG SARILI SI INVISIBOY AY PUPULUTIN NI FLASHLIGHT ANG


NAABONG BAHAGI NG PAHINA NA MULA SA KAMAY NI INVISIBOY NA TILA NAG IISIP

FLASHLIGHT: Maaring hindi nga nagtatapos sa pagsunog ng libro ang paglutas ng kaso
ng ito.
INVISIBOY: (naguguluhan kay flashlight) teka teka! Hindi kita maintindihan. Please make your
statement clear. Men!

FLASHLIGHT: (kakalma) (medyo pa epic magsalita) ok ok! Ganito, Vis dahil hindi ka nag iingat isa ka sa
mga naapektuhan at tignan mo yung mga bata na nakakulong hanggang ngayon infected
padin sila, so ibig sabihin yung plano natin na iligtas sila ay hindi basta basta umobra.

INVISIBOY: ah.. . kaya pala feeling ko galing ako sa mahimbing na tulog pero. (inspeksyon sa
katawan) Ang sakit ng katawan ko para akong nakipaglaban sa malalakas na nilalalang
(aamuyin ang malagkit sa kanyang damit) ew! (maduduwal) ambaho!... bakit amoy
malansa?

KIDLAT: Laway men! Muntik ka na nga namin tawaging Boy laway dahil sa paglalaway mo… at
tama ka! Nakipaglaban ka (sabay tapik sa muscles) at kami yung malalakas na nakalaban
mo kanina. (sabay tawa) no bis ka boy!

FLASHLIGHT: (sa sulok) Possibleng buhay pa sila

KIDLAT: Sinong sila? Yung super Villains? (may pagtataka)

FLASHLIGHT: (biglang mag faflash sa isang frame ang mga mukha ng super villains gamit ang ilaw ni
flashlight) yung dating FHL na binubuo nila Supremo ay tinalo ang Supervillains! Hindi
mo ba alam yun? Umayos kayo dito ay may pag-uusapan tayo

LULUGAR SA GAWI NG ENTABLADO NA MAY MAY MALAKING LAMESA AT MAGSASAGAWA ANG FHL SA
PAGPUPULONG AT PINAGUSAPAN NA MAARING BUHAY PA ANG MGA DATING KALABAN NG DATING FHL.
PANGUNGUNAHAN ITO NI FLASHLIGHT. IPAPAKITA NA HINDI NILA MAPAPANSIN NA HABANG
NAGPUPULONG SILA MAKAKATAKAS ANG MGA BATANG HALIMAW NA KANILANG KINULONG.

FLASHLIGHT: (sa unang Frame) Yan! yan si 101 na kayang padamihin ang kanyang sarili sa bilang ng
isang daan at isa sa mga super villains ngunit tinalo siya nila Sparky at Inferno.

11
KIDLAT KID: Imposibleng sya ang may kagagawan nito sapagkat hindi na man magkakamukha ang
kalaban natin.

FLASHLIGHT: (sa ikalawang frame) Iyan na man si Vector kaya niyang pumatay ng dalawangpung tao
sa isang bala lamang ngunit tinalo din siya ng FHL

INVISIBOY: Walang mga baril ang kalaban natin kagabi sa pagkakaalam ko. May dumating bang may
mga baril?

FLASHLIGHT: Malabo nga na magyari iyon pero iyang isa (tuturo sa pangatlong frame) sya ang
pinakamalupiy sa lahat… siya si the touch na may kakayahang maglabas ng nakakalasong
hangin mula sa kanyang kamay na kapag nahawakan o nadampian ka nito ay maglalaho
ka parang abo, ngunit nagapi siya ni Supremo dahil sa kanyang kapangyarihan.

KIDLAT: Maaring siya nga at naapektuhan ang mga bata ng lason (lalakad si kidlat papunta sa
mga larawan ng super villains ituturo ikaapat na frame) eh ito? Sino to?

INVISIBOY: Sandali! Hindi nga ba at bago tayo sumalakay… eh ayon sa naglead sakin may mga bata
na galing sa iba’t ibang eskwelahan na nagbabasa ng mga pahina sa kanilang library.
Habang sila raw ay nagbabasa ay parang may mga mali sa gramatika at katotohanan sa
laman ng pahina ng libro at parang kinokontrol sila ng mga nakasulat doon upang
mabago ang asal na parang halimaw. Matapos noon ay parang may nag-uutos sa kanila
na tumungo sa DepEd at parang pumaparada na mga zombies.

FlASHLIGHT: Tama! Bago pa man mangyari ito ay may hinala na ako. Maaring kagagawan nga ito ng
nang isang iyan (turo sa frame na tinitingnan ni Kidlat Kid) na halos kagaya ng tinutukoy
ng naglead sa atin. ( titingnan ng lahat) Siya ang pinakapinagkakatiwalaan ni The Touch.
Siya si The Wishper… Siya ang dating secretary ng DepEd. Isa rin siyang manunulat.
Kapag nabasa mo ang mga naisulat nya ay sigurado magbabago ka. Basahin mo pa ng
basahin ay siguradong makokontrol ka na ng taong yan at para ka ng puppet.

MARIRINIG NA TINIG SI INVISIBOY

MARIA C: FHL! FHL!

INVISIBOY: Ano yun?

MARIA C: FHL! FHL!

INVISBOY: Sino yun? Sino Ka?

KIDLAT KID: (kay Invisiboy) Labanan mo Jaime! (Sa lahat) Pero guys.. imposible mangyari na isipin
natin na buhay pa sila… (mangangamba) siguradong nakakatakot yun.

FLASHLIGHT: Tama nakita namin ang kanilang bangkay- ang lahat ng kanilang katawan na walang
buhay. Napuksa na sila ng dating FHL noon pang 1986 kasabay ng People Power.
(positibo ngunit babaling ng usapan) pero sa ngaun malinaw ang lead natin na ang
nabasa mo Vis ay mula sa DepEd… sa tingin ko ay napakamabuti na iyong lugar para

12
makahanap tayo ng sagot. At dapat na pag-aralan natin ang mga kilos ng mga bata…
(mapapahinto at magugulat na wala naang mga batang nakakulong) nasaan na ang
mga bata?
INVISIBOY: Nako! Naisahan tayo!

KIDLAT KID: Natakasan tayo!

FLASHLIGHT: Sigurado na ako! Buhay nga siya!

INVISIBOY: Hanapin na natin ang mga bata! Sigurao akong marami silang mabibiktima at
magpaparami sila.

FLASHLIGHT: Humanda ka THE WHISPER!

SINGIT FHL KORUS


FHL: Andyan na kami! Andyan na kami!
Kami ang FHL
Kami na ang nariyan at handang maiwan
Kami ang natitirang handang lumaban
Mga superhero walang dulo ang hangganan
Andyan na kami! Andyan na kami!
Sino ba ang FHL?
Kami ang Filipino Heroes League

IV. ANG MULING PAGBABALIK NI WHISPER

LALABAS NG ENTABLADO ANG TATLO. MAGBABAGO ANG ENTABLADO UPANG MAIPAKITA ANG ISANG
BULWAGAN NG DEPED. MADILIM AT MAY MGA ILAW NG COMPUTER CIRCUIT SA PALIGID. DISENYO NG
ISANG CYBER SPACE EXPOSURE. BUBUNGAD SA GITNA NG ENTABLADO ANG HALIMAW NA SI WHISPER.

THE WHISPER: (tatawa ng malakas) Halina at kumapit, ito na ang mga araw at oras, aking
panunumbalikin ang kapalaran ng aking panginoon at ng inyong mga kalaban.

SA GITNA NG ENTABLADO AY SI WHISPER NA NAKASUOT NG ISANG MALAKING PUPPET. LALABAS SA


KATAWAN NG PUPPET ANG MGA BATA NA INFECTED PA DIN SILA PERO MAS MALALA NA ITO AT MAY MGA
NAKAKABIT NA BAHAGI NG COMPUTER SA KANILANG KATAWAN.

AWIT 2: BULONG

WHISPER: Ang idinudulot ng katahimikan ay nakabibingi!


Ibubulong ko nalang sa maingay na katahimikan ang sakdal ng kadiliman!

Ibubulong ko sa hangin
Nang inyong marinig ang silakbo ng aking pagbabalik
Ibubulong ko sa mga tulog ninyong isipan
Nang ang kasamaan ay manuot sa diwang naghihilik
Ibubulong ko rin ang galit
Nang mamunga sa tagal kong pagkakahimlay ang ganti

13
Ibubulong ko rin ang galit
Nang sumiklab ang kasamaan laban sa mabubuti

KORUS Ito ang aking bulong na mas malakas pa ingay ng kulog


Ako ang alingawngaw na dudungis at lalason sa puso at isip
Sigaw ng katahimikan na sa kaliwanagan ay dudurog
Pasisinungalingan ang katotohanang patuloy na pumapait.

Ang bulong kong ito ay lason sa lipunan


Kikitil ng buhay gulo ay magsisiklaban
Titiningin ang galit at pasusumpungan ng karamutan
Magiging badya ng hidwaan at maghahari ang kasakiman

KORUS Ito ang aking bulong na mas malakas pa ingay ng kulog


Ako ang alingawngaw na dudungis at lalason sa puso at isip
Sigaw ng katahimikan na sa kaliwanagan ay dudurog
Pasisinungalingan ang katotohanang patuloy na pumapait.

Tanggapin nyo ang aking bulong!

THE WHISPER: (sa mga bata) Magtipon mga kabataang pag-aasa ng bayan! (tatawa ng malakas)

MGA BATANG TROLLS: (yuyukod) The Whisper, aming guru.

THE WHISPER: (mag-uutos) Ikalat ninyo ang mabuting balita! Kadiliman ang ating ihandog sa bayang
maralita. (manghihimok) Pagsiglahin ang Kadilimam!

MGA BATANG TROLLS: (masiglang magsisitayo) Sa iyo ang aming katapatan.. Ituro mo sa amin landas ng
kadiliman.

LAHAT AY HAHARAP SA MGA MANONOOD HABANG IPINAPAKITA NI WHISPER ANG PAGLALANDAS NG


KANYANG UTOS. MAKIKITA NA SA SILLOUTTE NG MGA FRAME ANG THE REPUBLICAN.

WHISPER: (magtuturo) Sa lahat ng dako!

MGA BATANG TROLLS: (sabay-sabay) Aming lalandasin!

WHISPER: (maglilitanya) Sa bawat dako ng lipunan ay mga kasakiman, tagos sa yaong


mayayaman… inyong ipagpatuloy ang pagpatay sa mga maykapangyarihang
kumakalaban sa gobyerno ng mga lalong nagpapayaman… nang sila rin mismo ang
patuloy magbanganyan at tayo’y walang hirap na magpalaganap.

MGA BATANG TROLLS: (muling yuyukod) Masusunod aming Guru, The Whisper.

WHISPER: Muli ninyong ihatid sa masa ang aking bulong. Ipahayag ninyo sa bawat isa ang aking
mga salitang magpaanib sa ating pwersa.

14
MULING MAGSISITAYO ANG MGA BATA AT KUKUNIN ANG MGA PAHINA. HAHARAP MULI SA MGA
MANONOOD AT SABAY-SABAY NA PUPUNITIN ANG MGA PAHINANG ITO.
WHISPER: Ang buong komunidad ay lubhang nagmamarunong… lubhang sila maraming alam.
Lilinlangin ninyo sila ngunit hindi na sa papel ng mga pahina kundi ipakita ninyo ang
aking mga bulong sa buong mundo ng internet.

ILALABAS NG MGA BATA ANG MGA DALA NILANG GADGET AT IHAHARAP SA MGA MANONOOD

WHISPER: Ikalat ang aking virus e-mail, instagram, facebook, twitter, at sa lahat upang ang buong
kalunsura ay maging ating kaanib. Gawin natin trending sa buong bayan ang kadiliman.
Humayo kayo at magpakarami! (tatawa ng malakas)

MAGSISIMULA NA MAGMARTSA PALABAS NG ENTABLADO PATUNGO SA MANONOOD ANG MGA BATANG


TROLLS. SASAMBITIN ANG LITANYA MULA SA PAHINA NG INTERNET NG PAULIT-ULIT HABABANG LUMALABAS
NG ENTABLADO. TAWA LAMANG NG TAWA SI THE WHISPER. SA TAGPONG NAKALABAS NA ANG MGA
BATANG TROLLS AY KAKAUSAPIN NI WHISPER ANG MGA KALALAKIHAN NA KANYANG PAGUUTUSAN. MAG-
AANYONG NORMAL NA SI WHISPER PARA SA MGA KALALAKIHAN.

WHISPER: (sa isang pitik) (sa mga kalalakihan) Mabubura ang ala-ala

IPAPAKITA NA MABUBURA ANG ALA-ALA NG MGA KALALAKIHAN

GOONS 1: Secretary Luis Tamayo. Handa na po ang inyong mga ipinag-uutos. Impunto ng hating
gabi ay magsisimula ang sagupaan sa loobng Fier.

WHISPER: Siguraduhin ninyong magiging malinis ang ikwentro at malaking halaga ang ibababyad
ko sa inyo.

GOONS: Yes Sir!

WHISPER: Sabihin ninyo sa mga handang magsuicide na may malaking halagang matatanggap ang
kanyang pamilya kaya huwag na huwag silang aatras sa plano.

GOONS 1: opo secretary… mauuna nap o kami ng masilmulan ang huling paghahanda.

WHISPER: O sige… inaasahan ko ang inyong tagumpay… at kung hindi alam nyo na ang mangyayari.

GOONS: Masusunod po! (magpapakita ng pangamba)

MAGSISISLABAS NA NG ENTABLADO ANG MGA KALALAKIHAN. MATAPOS AY SALISING BUBUNGAD SA


ENTABLADO SI CHIEF ROCK DANIEL DELA COSTA.

CHIEF DELA COSTA: (sarkastiko) Sa katauhan ng kalihim Tamayo (tatango)

MAG-IIKUTAN. MAGTITINGINAN MULA ULO HANGGANG PAA.

WHISPER: (mas sakastiko) At sa katauhan naman ng Hepe Dela Costa… Magaling! Magaling!

15
CHIEF DELA COSTA: Kapananalig! (simbolo ng kanilang kamustahan) mula sa dating secretary Ferdinand
Talisay at ngayon secretary na naman? Baka mabuko tayo nyan.
WHISPER: Huwag kang mag-alala mga mangmang ang FHL ngayon at nais ko lang naman talaga sila
bigyan ng malaking lead hinggil sa akin. Lubha silang kawawa kung pag-iisipin ko pa ang
mga inutil sa iyon. Ito na ang magandang panahon para tuluyan silang mapabagsak.

CHIEF DELA COSTA: Kung gayon wala ng daan sa pag-aalala. Hawak ko rin na man sa leeg ang mga gunggong
at inihahanda ko na rin ang ipinag-uutos ko sa kanila mamayang hating gabi.

WHISPER: Kamusta pala ang ating REPUBLIC HEROES? Asan na sila?

CHIEF DELA COSTA: (pasigaw na tawag) REPUBLIC HEROES!

MAGLILIWANAG ANG SILHOUETTE FRAME NG RH AT MAGPAPAKILALA ISA-ISA KASAMA ANG KANILANG MGA
SUPER POWERS. EXPOSITION NG REPUBLICAN THE REPUBLICAN, MAARING ISANG SAYAW NA MALAFASHION
SHOW.

REPUBLIC HEROES: (tableau) Kami ang REPUBLIC HEROES! At your Service!

WHISPER: Mukhang malaki nga ang ibubuga ng ating mga superheroes ah (pagtatapat)
Siguraduhin ninyo lang na sa inyo lilihis ang pagkilala ng bayan at hindi sa FHL. Nais ko
na pataubin ninyo ang mga mangmang na iyon at sa huli ay magapi ninyo sila ng sabay-
sabay. Napakahina na ng kanilang grupo… kailangan na nilang magpahinga.

REPUBLIC HEROES: Masusunod! (lalabas na ng entablado ang RH at astang susungod)

CHIEF DELA COSTA: Huwag kang mag-alala masusunod lahat ng ating plano. Matutuwa ang ating panginoon.

WHISPER: Kung gayon ang magkitakita na lang tayo sa mga susunod nating tagumpay. Matutuwa
ang ating panginoon (palabas ng entabalado)

CHIEF DELA COSTA: Ngayon din ay tutungo ako sa lunggan ng FHL at ipagbibigay alam ang huwad na lead na
magaganap sa Macapagal Blvrd.

MAIIWAN SI CHIEF SA ENTABLADO. MAGBABAGO ANG ENTABLADO PATUNGO SA FHL HEADQUARTERS.


MAGLALAKAD SI CHIEF SA KALIWANG BAHAGI NG ENTABLADO AT SYA AY MAGBIBIGAY NG UTOS SA MGA
FHL. IPAPAKITA NA ABALA ANG FHL SA PANANALIKSIK HINGGIL KAY WHISPER.
SA FHL HEADQUARTERS.

V. SA FHL HQ, ANG UTOS NA HUWAD

CHIEF DELA COSTA:FHL… (busy) (pasigaw) FHL!… (busy) (pasigaw) FHL! (busy mas malakas at may galit)
FHL!
MAGUGULAT ANG LAHAT. SAMANTALA SI INVISIBOY AY MAIIHAGIS ANG MGA PAPEL UKOL KAY WHISPER AT
HABANG UUMUULAN NG PAPEL SA PALIGID AY BABALIK ANG INDIKASYON NG INPEKSYON SA UTAK NI
INVISIBOY.
KIDLAT KID: Yes sir! Sir Chief! (awkward)

16
INVISIBOY: (nababaliw) Mamang Pulis! Mabilis! Mabilis sa Pagkotong, Pulutong Pulutong sa
Pagkotong! (tatawa ng malakas at nagsisimula sa paglalaway)

KIDLAT KID: Naku nalintikan na naman… Sinumpong ang loko…

CHIEF DELA COSTA: (paikot ng tingin sa buong headquarter at may singhap sa amoy) Ang inyong lungga ay
napakarumi.

INVISIBOY: Who me? Hudas? (magtatawa)

KIDLAT KID: ah! Marami lang kaming inaasikasong kaso ngayon kaya marumi ang lungga… (kay
invisiboy) Umayos ka nga… malilintikan tayo nyan sa ginagawa mo

INVISIBOY: (maaalog ang utak at matatauhan) (matatauhan) Yes sir! Sir Chief! (gulat at nakatindig
ng tuwid)

CHIEF DELA COSTA: Where is your commanding officer?

KIDLAT KID: (kay invisiboy) magtino ka nga Vis (kay Chief) Ah sir.. ah he is on leave, sir… may
inaasikaso

CHIEF DELA COSTA: (habang sinusuyod ang buong headquarters) and he leaves a boy-in-charge. At ease,
Invisiboy. I had hoped that some discipline would still be maintained. (pailing-iling ng
ulo sa sobrang gulo ng HQ)

INVISIBOY: (sumusunod sa bawat tinitingnan ni chief at inaayos ang kalat) Sir yes sir!

CHIEF DELA COSTA: Kahit na wala na ang mga supervillain… You are still called upon for service when
required, aren’t you?

KIDLAT KID: Ah, yes, sir, sinisigurado ko po sa inyo na mahusay na kumander si Flashlight.

CHIEF DELA COSTA: Si Flashlight… napakalasinggero at babaero; he has no appreciation for discipline and
straight lines. He can barely walk in one. (titingin sa gallery ng lumang larawan ng FHL)
Naalala ko ang panahong mayroon pa kayong mga matatapang at tooong Lider… si
Supremo, Si Teacher Sky- mga babae at mga lalaking dapat katakutan at igalang. Hindi
Biro ang pagiging FHL.

INVISIBOY: ah sir… wala kasi talaga kaming panggastos dahil budget cutting at isa pahindi kami
makapagrecruit dahil hindi kami makapagbigay ng tama para sa kanila… ah sir chief kung
dadagdagan ninyo ang Fund ng FHL siguradong-----

CHIEF DELA COSTA: Funding for what? Wala nang mga supervillains, Invisiboy. Kayong tatlo, wala na kayong
mahahanap na tunay na trabaho at sapat nalang kayo para maging back up sa mga
tunay na superhero ng panahon ngayon--- (matitigilan ng sandali)

17
INVISIBOY: (muling totopakin ng infection at makikilala si Chief bilang isa sa panginoon)
Panginoon! (yuyukod)
KIDLAT KID: (itatayo) tumayo ka nga!

CHIEF DELA COSTA: (iibahin ang usapan) siyanga pala binisita ko kayo dahil may mga ilang politiko ang
kailangan ng presensya ninyo sa pier mamaya gabi. Mayroon tayong napakalaking lead
sa pagpatay sa mga opposition. Be there at midnight. Sabihan nyo ang Komander nyo.
(biglang pagmamadali dahil sa asal ni invisiboy)

PALABAS NG ENTABLADO CHIEF AT SUSUNDAN NI INVISIBOY NA PARANG SUMASAMBA.

INVISIBOY: Panginoon! Panginoon!

KIDLAT KID: Loko talaga ng sakit mo brad! Ipapahamak nyan ang FHL… (pasigaw) Hoy bumalik ka
dito! (aayusin ang mga nakakalat sa HQ) (kukuha ng cellphone)

LALABAS SA ISANG FRAME SI FLASHLIGHT

KIDLAT KID: Sir Donato!

FLASHLIGHT: (sagot ng cellphone) oh kamusta? Anong update sa impormasyon kay The whisper?

KIDLAT KID: wala pa nga sir... ito nangagkalat na rito ang mga papel... ikaw may impormasyon ka na
ba?

FLASHLIGHT: Malabo ang Ferdinand Talisay?

KIDLAT KID: Maiba ako... biglaan ang bisita ni Hepe dito sa lungga...

FLASHLIGHT: Nako nalintikan na... Hinanap ba ako?

INVISIBOY: Panginoon!...... Panginoon!....

KIDLAT KID: Kung ano mga sinabi nya palagi sayo iyon na yun. Ah... Ang order palang ay kailangan
tayo sa engkwentro sa pier mamayang hating gabi. Lead daw ito sa mga patayan
oposisyon.

FLASHLIGHT: wala nang ibang litanya si hepe kundi ang pagkababaero ko... alam naman nya na wala
na akong magagawa kung malamang ang paligo ko sa kanya... teka sino ung humahagos
dyan?

KIDLAT KID: Nakow! Si Viz un tinutopak na naman.

FLASHLIGHT: Oh sige! Mga hapon na ako makakabalik diyan... sisiguraduhin kong may lead na tayo
pagbalik ko... ihanda nyo narin ang mga kailangan natin sa pagsugod natin sa pier.

KIDLAT KID: Oh sige sir... asahan ka namin.

18
MAG-AAYOS NG KALAT NG OIPISINA SI KIDLAT. PAPASOK SA ENTABLADO ANG ISANG ESTUDYANTE AT
LALAPIT KAY VIS UPANG HUMINGI NG TULONG
ESTUDYANTE : (Hingal na hingal) Tulong! Tulong ! Kuyang superhero, tulungan ninyo po ang classmate
ko ! may gagawin s’yang masama!

TATAWANAN ITO NI VIS AT MAGPAPAKITA NG KAUNTING INDIKASYON NA SYA AY INFECTED PA DIN AT HINDI
PAPANSININ NI VIS ANG ESTUDYANTE

ESTUDYANTE: (nagmamakaawa) sige na po tulungan nyo na po ako! Nagiging halimaw na naman sya.
INVISIBOY : Anung gagawin ng classmate mo ?

ESTUDYANTE : Tulungan ni nyo po si Sen. John Cajes! Papatayin po s’ya ng classmate ko!

BABARAHIN LAMANG NI INVISIBOY ANG ESTUDYANTE AT HINDI MAKIKINIG SA MGA SINASABI NITO AT TILA
LIMOT ANG MGA KAGANAPAN HINGGIL SA MGA BATANG INFECTED ANG UTAK.

INVISIBOY : (pabiro) Bata, maaari bang umuwi ka na lang muna at magpahinga ? Hayaan mo nalang
ang klasmeyt mo? At sisiguraduhin ko ring ligtas si Sen. John Cajes Sige na, umuwi ka na
ng bumuti ang iyong pakiramdam. Maraming bouncer un si Congressman.

MAGTATAKA ANG ESTUDYANTE AT MAGPAPAKITA NG KAUNTING GALIT SA PAGTAWA NI VIS SA KANYA.


LALABAS ANG ESTUDYANTE SA KANANG BAHAGI NG ENTABLADO. TATAWA NG TAWA SI VIS NA PARANG
ISANG BALIW AT BIGLANG MARIRINIG ANG ISTATIK NG RADIO AT MULING MATATAUHAN.TUNOG NG RADIO
NANG PAGHINGI NG BACK NG MGA PULIS

INVISIBOY: (gulat) radio! (mapapasigaw) FHL! Handan a kami!

POLICE V.O. : (sa radio) FOXTROT HOTEL LIMA” REQUEST FOR BACK-UP, weve got a 10-80 heading to
south down roxas boulevard over

LALAPIT SI VIS SA RADIO AT ITO KANYANG SASAGUTIN, MAUUNAHAN SYA NI KIDLAT KID
KIDLAT KID: copy, that request for code, over

POLICE V.O. : (sa radio) CODE IS NOVEMBER, INDIA, NOVEMBER, OSCAR, YANKEE… OVER
HAHABLUTIN NI VIS ANG RADIO KAY KIDLAT KID AT SIGING NA SIGING NA SASAGOT

INVISIBOY: copy, FHL HQ, that request for code, over

KIDLAT-KID: sira ang ating sasakyan hindi ko pa napapa-tune up at paso na ang rehistro ng sasakyan.
INVISIBOY: (titingin sa side car at ingunguso nya kay kidlat-kid) KIDLAT KID! kailangan ko ng mabilis
na pagpedal

KIDLAT KID: (pipigilan) Ops Sandali! Okay ka na ba?

INVISIBOY: Sino bang hindi okay dito?

KIDLAT KID: Kung okay ka na nga… Ano ulam natin kaninang umaga?

19
INVISIBOY: Pritong haot na tuyo at longanisang may suka!

KIDLAT KID: let’s get it on! (pasok ng music ng let’s get it on!)

VI. LETS GET IT ON, LABAN!

SASAKAY SA PADYAK SI INVISIBOY AT KIDLAT KID. PALIPAT-LIPAT NG FRAME. MAGBABAGO ANG ENTABLADO
SA ANYO NG ISANG LUNGSOD PAPASOK ANG MGA TAONG BAYAN NA MAY IBA’T IBANG KARAKTERAT
KASUOTANG PANG TRABAHO SANIB ANG MGA BLUE COLLAR JOB AT MGA CORPORATE NA MAGIGING
TAGAPAGKWENTO NG PANGYAYARI.

MUSIKAL 1: SUPERHERO NG BAYAN

KORO: Padyak! Padyak! Padyak! padyak! (nilalarong salita)

Naghahabol, nagagahol nag-iimpit ng hininga


Kami ang galamay sa mga halimaw na planta
Pilit nakikipagbuno- kamay at braso sa dusa
Iyan ang superherong hatid sa bawat pamilya

Superhero ng bayan! (nilalarong salita) (paulit-ulit)

KIDLAT KID: Padyak ! padyak! Padyak! Padyak!


Bumibilis, bumubilis, bumibilis ng pabilis

INVISIBOY: Sige padyak ka pa! bilis padyak ka pa!


Sasaklolong totoo, totoong sasaklolo

Kami ang liligtas kapag aba ang lipunan


Walang masasaktan itutuloy ang laban
Aming pagtitibayin lakas ng kapangyarihan
Sapagkat ang FHL ang Superhero ng bayan

PUTOK NG BARIL. MAGSISIGAWAN ANG KORO. MAGSISILBING ISANG BANKO ANG ISANG FRAME. LALABAS
ANG MGA MAGNANAKAW NA MAY DALA-DALANG KABAN NG PERA. ISANG KIOSK ANG KORO.
PAPALIGIRAN NG MGA PULIS ANG BANGKO. LALAGYAN NG YELLOW CAUTION ANG PALIGID.

MGA KORO: Nako! May gulo! panganib ngayon ay bumibwelo


Amin ngayong mga trabaho’y magiging atrasado
Naroon mga Pulis bakit kami’y lalong natatakot
Wala na bang tiwala sa baril nitong sangkot

INSTRUMENTAL

MAGNANAKAW: Walang makikialam! (tumututok ng baril kasama ang iba pang magnanakaw)

KIDLAT KID: (sugod) Pakealamero kami!

20
INVISIBOY: Hello Madlang People! Kami ang bahala sa inyo!

KORO 1: Tingnan nyo! Sino sila?

KORO 2: It’s a Bird!

KORO 3: No! Its Superman and Batman?

FHL: Filipino Heroes League! Kami ang FHL

KORO: ah! FHL

HAHABLUTIN NG ISANG MAGNANAKAW ANG ISANG BABAENG SEXY AT IHO- HOSTAGE.

KORO: KORUS:FILIPINO HEROES LEAGUE! Isa lamang kayong alamat!


Ni kung sino o ano wala kamin nalalaman
Kayo raw ay magaling sabi ng lolo at lola
FHL kayo ba’y Totoo? FHL ba kayong totoo!

Patunayan Nyo!

BABAENG SEXY: FHL! Tulungan nyo ako!

PAUULIT-ULIT ANG KORUS

KIDLAT KID: Ay ay Sexy! (sabay sugod sa magnanakaw) (makukuha nag babae)

BABAENG SEXY: (sigaw) Thank you super lover boy! (astang sayaw ng ballroom, liyad sabay halik ni
flashlight)

NAGTAKBUHAN ANG MGA MAGNANAKAW. SABAY BACK UP SI INVISIBOY GAMIT ANG KANYANG INVISIBLE
NA KAPANGYARIHAN. MAGKAKASAGUPAAN ANG FHL LABAN SA MGA MAGNANAKAW. HABULAN SA IBA’T
IBANG BAHAGI NG ENTABLADO AT FRAME. EXHIBITION ANG SUPER POWERS. ANG MGA KORO AY
ISINASAYAW LAMANG ANG KAGULUHAN AT UMAAWIT. HANGGANG SA MAG-AGAWAN SA SUPOT NG PERA
AT SUMABOG SA HANGIN AT PAULANIN ITO. MAG-AAGAWAN ANG MGA KORO SA PERA AT MAUUBOS.

KIDLAT KID: KODA: FILIPINO HEROES LEAGUE! Isa na lamang bang alamat!
Ni kung sino o ano hindi kami kilala

INVISIBOY: Noon raw ay magaling (pasalita) Eh ngayon ba hindi?


FHL kayo ba’y Totoo? FHL kami sa puso at sa diwa

SABAY VIS AT KID: FHL sa isip, sa salita at sa gawa…

LALAPIT NA ANG MGA KAPULISAN SA NATAPOS NA ENGKWENTRO AT ISA-ISANG POPOSASAN ANG MGA
MAGNANAKAW.

POLICE 1: everything is under control!

21
POLICE 2: asaan na yung pera? (nakaharap kay invisiboy)
NAKATABLEAU LAMANG ANG DALAWA SA GITNA NGNATAPOS NA LABAN. MADODOMINAHAN NA NG MGA
PULIS ANG PANGYAYARI. DARATING SA PALIGID ANG MGA PRESS AT PALALABASIN NA ANG TAGUMPAY AY
PARA SA KAPULISAN.

INVISIBOY: Sir! ah… (hindi maipaliwanag) (itutunog nalang sa bibig na parang fireworks) oh no…
wala na sir.

POLICE 3: Anu?! (galit) bakit nyo hinayaang mawala ang pera? Mga walang utak! (galit na galit)
hindi nyo ba alam na walang silbi ang pagkakahuli sa mga magnanakaw kung hindi
maisasauli ang pera…. Mga bobo!
KIDLATKID: pero sir-

POLICE 1: ah sya sya… umalis na kayo dito dahil tapos na ang engkwentro... trabaho ng pulis ito at
wala na kayong maitutulong dito! Mga palpak! Hindi nyo mababayaran ang nawalang
pera sa kakarampot nyong sweldo.

POLICE 2: Nariyan na ang Media! (itataboy ang dalawa) umalis na kayo rito.

PAPASOK NA ANG MGA MEDIA SA LOOB NG ENTABLADO PARA KUMUHA NG IMPORMASYON


MEDIA 1: ahhh sir… (nakaharap kay kidlatkid) anu po ba ang nangyari?

KIDLATKID: Ah nagkaroon kasi….

POLICE 1: (haharangan si kidlat kid at itataboy) ganito ang nangyari….. nagkaroon ho ng nakawan
sa bangko kaya rumesponde agad kami at nahuli ang mga magnanakaw at ngayon eh
everything is under control!

MAA-ISOLATE ANG DALAWANG SUPERHERO SA GILID AT MAGHIHIMUTOK


KIDLATKID: Dapat tayo ang nasa TV at laman ng balita hindi sila (asar sa pulis)… pakyu ka!

INVISIBOY: (kalmado) hayaan mo na…. nahuli na naman natin ang mga magnanakaw kaya pwede na
tayong umalis dito… para sa bayan kaya ginagawa natin ito! (pagdidiin)

KIDLAT KID: (dagdag) para sa ating yun ang mahalaga.. eh sa kanila?

INVISIBOY: Mabuti pa umalis na tayo rito para lumamig na ulo mo… (matitigilan) Dapat pala yung
bata nalang ang tinulungan natin… (mamimilipit)

KIDLAT KID: (magugulat) oh anong nangyayari sayo? Sinusumpong ka na naman!

MAGSISILABAS ANG IBA PANG MGA NASA ENTABLADO. MAIIWAN ANG DALAWA. MAGDIDILIM AT MAY
MALALIM NA TUNOG. MAGSISILABASAN ANG MGA BATANG TROLLS SA IBA’T IBANG BAHAGI NG
ENTABLADO. UPGRADED ANG HITSURA NILA. MAY MGA HAWAK PATALIM. MAGKA-CUT LAMANG SILA NG
ENTABLADO. MAGBABAGO ANG ENTABLADO PATUNGO NG HEADQUARTERS.

VII. SA FHL HQ. ANG BAGABAG SA PATAYAN NG OPOSISYON

22
INVISIBOY: (sisigaw ng malakas) may pangyayari sa alala-ala ko na hindi ko maipaliwanag kung
nangyari ba to talaga. (tatawa ng malakas)
KIDLAT KID: umayos ka… labanan mo yan brad… hindi mawawala sayo yan hanggat hindi natin
nagagapi ang may kagagawan nyan.

INVISIBOY: (mananahimik) may isang bata.. estudyante na humihingi ng tulong… hindi ko alam kung
ano naging sagot ko… tapos ay pagtunog na ng radio ang naalala ko… (matatahimik)
Tama! Kaninang umaga bago tayo pumunta sa enkwentro. (nanlalambot)

KIDLAT KID: labanan mo lang yan… kaya mo yan brad.

INVISIBOY: Paano ko lalabanan kung hindi ko nga namamalayan na umaatake pala ang halimaw sa
utak ko.

SANDALING KATAHIMIKAN. LALABAS SA DAKO NG ENTABLADO SI FLASHLIGHT NA PARANG NANLULUMO.


KIDLAT KID: Oh Sir Don, andito ka na pala. Kamusta? May bago na ba tayong lead?

FLASHLIGHT: Malapit na yata akong maniwala na wala tayong mga kwentang superhero.

KIDLAT KID: Dramahan mode na ba tayo dito. Ayan tingnan mo si Jaime napapanghinaan ng ng loob
sa infection sa utak nya.

FLASHLIGHT: Maliban sa mga lead na natatanggap natin sa mga ekngwentro mula kagabi ng madaling
araw ay may kasabay ding malalaking sitwasyon ng patayan nagaganap. Biruin pa na
noong nakaraang lingo ay sunod-sunod na ang mga patayan at wala tayong magawa.

KIDLAT KID: Sinusubukan na man nating ang lahat ng ating makakaya ah.

FLASHLIGHT: Pero hindi ganun ang superhero. Hindi lamang dapat sinusubukan… Ang superhero ay
wala pinapalampas na kahit isang sakuna para tumulong.

INVISIBOY: Aminin na natin mahina tayo. Hanggat hindi natin nagagawa ang dapat na
responsbilidad natin ay hindi matatapos ang mga bagabag na yan.

FLASHLIGHT: Kagabi sa paglusob natin sa mga halimaw na estudyante ay kasabay na patayan.

LALABAS SA ISANG FRAME SI CONGRESSMAN NICK SANTOS SA KANYANG SPEECH


CONG. NICK SANTOS: The impeachment case against the president has been found sound in form but
not yet sound in matter it’s a small victory but we’re still hoping for greater
ones- we will stop the president’s corruption.

FLASHLIGHT: Si Cong. Nick Santos

SA FRAME
CONG. NICK SANTOS: (may kausap sa telepono) The president has many flaws but these killings seems
a little overt- even over him… iniisa-isa na tayo… You have to remember Sen. JC,
He’s a cunning politician and he knows and he knows how to sway the people to
him.

23
KIDLAT KID: Ang Presidente ang tanging pwedeng pagbalingan nito sapagkat tanging mga
oposisyon lamang ang pinapatay.

FLASHLIGHT: Maaring oo… mas malaki rin ang posibilidad na hindi.


SA FRAME
CONG. NICK SANTOS: (sa isang studyanteng naka uniporme) Oh Iho, natapos na ang lalim ng gabi at
hinuhukay na ang umaga… hindi ka ba umuwi sa inyo. May maitutulong ba ako
sa iyo?

NAKATITIG LAMANG ANG ESTUDYANTE SA CONGRESSMAN AT AGAD BUMUNOT NG BARIL AT PINAPUTUKAN


ITO. BIGLANG MAY LALABAS NA ILANG MGA TROLLS NA MAY DALA-DALANG BAHGI NG KATAWAN NA
WARINGG NILAPANG KATAWAN. SA PAREHONG LAYER AY PAGBUHAT SA KATAWAN NI CONGRESSMAN NG
MGA RESCUE.
INVISIBOY: Mga estudyanteng troll ang kinalaban natin at estudyante ang pumatay kay
congressman.

FLASHLIGHT: Matapos mapatay ni Congressman ay inako ni Sen. John Cajes ang pamumuno ng
oposisyon at ipinangakong itutuloy ang laban.

LALABAS SA ISANG FRAME SI SEN. JOHN CAJES SA KANYANG SPEECH


SEN. JOHN CAJES: This country can be a paradise but that dream will not come true if evil is left
unchallenged… Cong. Nick Santos died for that dream. He exemplified what it means to
be a public servant. I was proud to call him a friend. I am standing here today to assure
you that he did not die in vain. The impeachment case against the president will
continue. The fight goes on!

FLASHLIGHT: at kasabay ng engkwentro ninyo kanina sa mga magnanakaw- (mapuputol)

INVISIBOY: (sisigaw ng malakas na parang pinipihit ang ulo)(saglit sa katahimikan) ibig sabihin
totoong may humingi ng tulong sakin kanina.
SA FRAME

SEN. JOHN CAJES: Good, i will meet my wife at Congressman wake this afternoon

BATANG TROLL: Good Morning Senator! Hindi na po kayo makakapunta sa burol ng Congressman
mamayang hapon.

SEN. JONH CAJES: Sinong may sabi iho?

BATANG TROLL 2: Papatayin ka na po kasi na classmate ko

KIDLAT KID: Isang malinaw na iyang koneksyon na nililigaw nila tayo sa mga nakukuha nating lead.

PUTOK NG BARIL. BIGLANG MAY LALABAS NA ILANG MGA TROLLS NA MAY DALA-DALANG BAHAGI NG
KATAWAN SIMBOLO NG NILAPANG KATAWAN. SA PAREHONG LAYER AY PAGBUHAT SA KATAWAN NI
SENATOR NG MGA RESCUE.

FLASHLIGHT: Mayroon na tayong pangunahing suspetya hindi ba?

24
INVISIBOY: Si The Whisper?

KIDLAT KID: Eh ang Gobyerno? ang presidente?

FLASHLIGHT: Napakailap ng impormasyon.

KIDLAT KID: Ano sa inyong palagay? Isa bang malinaw na lead ang susugurin natin mamaya hating
gabi?

HAHARAP SA MGA MANONOOD SI FLASHLIGHT. SUSUNOD SI KIDLAT, MATAPOS AY SI INVISIBOY.


FLASHLIGHT: Kailangan nating patunayan kay Hepe na may magagawa tayo. Kaya susugod tayo!

VIII. SA FIER. ANG FRAME UP

MAGBABAGO ANG ENTABLADO SA ANYO NG ISANG PIER. PATAY-SINDE ANG ILAW SA SA ENTABLADO.
KIKILOS ANG FHL NA PARANG NAGLALAKBAY HANGGANG MAKAPWESTO SILA NG TIG-IISANG FRAME NA
SUMUSULYAP NG PALAYO. PALITAN LAMANG NG BALING NG ILAW SA ENTABLADO. PAPASOK NG PALIBOT
ANG MGA KAPULISAN AT MGA KALALAKIHANG GOONS AT MAGSISIMULA ANG INGKWENTRO SA PAGITAN
NITO.

POLICE 1: Hold your fire!


POLICE 2: sumuko na kayo!
Lalaki 1: (tatawa)
Police 2: hindi sila ,maubos-ubos... masyado silang marami... papasukin na natin ang FHL
Police 1: wait for my command! (inaantay sumuko ang grupo ng kalalakihan)
Lalaki 2: (natatakot) sumuko na tayo baka patayin na nila tayo!
Lalaki 3: (tatawa) ito ang utos sa atin ni boss!

MAGPAPALITAN NG PWESTO ANG MGA PULIS. MALILIPON SA GITNA NG ENTABLADO ANG MGA
KALALAKIHAN. MAGPAPALITAN NG PUTOK ANG MGA PULIS AT ANG MGA GRUPO NG KALALAKIHAN
POLICE 1: Fire!

BALING SA MGA FRAME ANG ILAW


INVISIBOY: ano susugod na ba tayo?
KIDLAT KID: lumalala ang engkwentro sumugod na tayo!
FLASHLIGHT: Hintayin natin ang kanilang Command!

BALING SA GITNA NG ENTABLADO ANG ILAW.


POLICE 4: (galit) walang titigil ng putok!
LALAKI 4: tang ina nyong lahat!
POLICE 5: Pasabugin na natin ang mga ito?
POLICE 1: Huwag hintayin natin ang order!

MAY MARIRINIG NA BOSES MULA SA ISANG MEGAPHONE!


CHEIF DELA COSTA: (sa mga pulis) Hold you fire and move back officers! Prepare for another tactics... (sa
mga FHL) FHL attack!

MAG-AALISAN ANG MGA PULIS. SUSULYAP LAMANG ANG IBANG FHL

25
FLASHLIGHT: Ayown! (haharap sa mga kasama) pumasok na tayo mga ugok!
KIDLATKID: (kakamot) tapos na ang engkwentro?
INVISIBOY: hindi pa brad... hindi na kinaya ng mga pulis... ito na ang pagkakataon natin para
mapabilib si hepe
Flashlight: Let Get it On!

MULA SA MGA FRAME AY PAPAGITNA NA NG ENTABLADO ANG MGA FHL. PAPASOK NAMAN NG ENTABLADO
ANG REPBULIC HEROES AT PAPALIT SA MGA FRAME NA NAKASILHOUETTE. PASOK THEME SONG NG FHL.
MAGSISIMULA ANG LABAN!

FLASHLIGHT: (nagyayabang) Ngayon nyo lang ba nasubukan ang FHL?!


INVISIBOY: Nobis! Kayong lahat! Hanapin nyo ako!
KIDLAT KID: Kaya nyo bang habulin ang bilis ko? Simulan ang laban!

HABANG NAGAGANAP ANG LABANAN AY MAPAPAHINTO ANG PAG-ATAKE NG FHL. NAKITA NILANG HINDI NA
SILA INAATAKE NG MGA KALALAKIHAN. IPAPAKITA NA NAGPAPATAYAN ANG MGA ITO NA PARANG
SURVIVAL OF THE FITTEST.

KIDLATKID: (magugulat) Sandali hindi ko gusto ang nangyayari!


FLASHLIGHT: Ano to give-away?

IPAPAKITA NA UMAATAKE PA RIN SI INVISIBOY HABANG GAMIT ANG KAPANGYARIHAN NG PAGKA INVISIBLE
SA PAMAMAGITAN NG KUSANG PAGGALAW NG ISA-ISA NG KALALAKIHAN.
FLASHLIGHT: Viz, Hold-on!
INVISIBOY: (mag-aappear) (makikita ang nangyayari) Amputa! Bakit sila nagpapatayan... Ano?
Labanan nyo kami!
LALAKI 1: Manood lamang kayo
FLASHLIGHT: Alisto lang mga tropa

TULOY-TULOY LAMANG ANG PATAYAN NG MGA KALALAKIHANG HANGGANG SA MAY MATIRANG ISA.
MAGTITINGINAN LAMANG. MATA SA MATA ANG FHL SA ISANG LALAKING NATIRA. MAPAPALIBUTAN NG
MGA PULIS ANG DAKO NG NG ENTABLADO NA MAY ENGKWENTRO.
CHEIEF DELA COSTA: Officers move back!

LALAKI 1: (sa FHL) panoorin ninyo ang eksenang magpapabagsak sa inyo (tatawa ng malakas
habang nakataas ang kamay)

INVISIBOY: andami mo pang satsat o ako na papatay sayo (pasugod)... (titira) Tanggapin mo ito!
(hindi matutuloy)

CHEIF DELA COsTA: (sa FHL) Hold FHL... kailangan natin ang isang ito para makakuha tayo ng impormasyon
kung sino ang naguutos sa kanila na paslangin ang mga oposisyon... (nakaharap sa
natirang buhay na goons)

AATRAS AT NAKATAPANOOD LAMANG ANG FHL


LALAKI 1: (aarte ng pasigaw) boss sir, sir chip... (mangiyak-ngiyak) suko na po ako suko na po ako!

26
CHIEF DELA COSTA: (pipitsarahan sa likod ng buhok, paharap sa manonood) sino ang nasa likod ng
kaguluhang ito?

LALAKI 1: napag-utusan lang ako... Hindi po ako an lider?

CHIEF DELA COSTA: (babatukan ang lalaki) Eh sino ang nag-uutos sa inyo. (muling itatayo ang lalaki at
akmang tatadyakan sa tiyan)

LALAKI 1: (nabubulo) bo... bo... boss sasabihin ko na po! (tatayo)

CHIEF DELA COSTA: Magsalita ka ng maayos!

LALAKI 1: (turo sa FHL ng dahan-dahan) Sila po!

MAPAPAATRAS ANG FHL


CHIEF DELA COSTA: Sino?
LALAKI 1: patawarin nyo na po ako, nangako po kasi sila sa amin
CHIEF DELA COSTA: Sino nga?
LALAKI 1: (sabay yuko) Ang FHL po!

SABAY-SABAY ITUTUTOK NG MGA KAPULISAN ANG MGA BARIL SA FHL. LILIWANAG MGA FRAME NA
KINATATAYUAN NG REPUBLIC HEROES.
CHIEF DELA COSTA: Napakagandang palabas FHL... ilan pang oposisyon ang papatayin nyo para tuluyang
mabaon ang gobyerno?

LALAKI: (kay Chief) pinangakuan po nila kami na kung isa-isa naming papatayin ang oposisyon ay
bibigyan nila kami ng kapangyarihan para maging miyembro ng FHL... at ang plano nila
kanina ay kailangan na magpanggap kami at magpatalo sa kanila para sabihing
magagaling sila.

FLASHLIGHT: Nalintikan... sinungaling yan!

LALAKI 1: Kayo rin ngayon ang nag-utos na magpatayan kami... at kung sino ang matira ay syang
magiging miyembro! Matira matibay!

INVISIBOY: hindi naming sila kilala...

KIDLAT KID: sumunod lamang kami sa order mo chief...

FLASHLIGHT: Frame up to.

TANGKANG TATAKAS ANG FHL NGUNIT MAPIPIGILAN SILA NG PULIS.


POLICE 1: Taas ang kamay!

MAG-IIKUTAN AN SILA SA GITNA NG ENTABLADO


CHIEF DELA COSTA: Move Back Officers

27
AATRAS ANG MGAPULIS. LALABAS ISA-ISA ANG MGA REPUBLICAN HEROES AT INAANTAY NILA ANG GO
SIGNAL NA HULIHIN ANG FHL. MAKOKORNER ANG FHL
REPUBLICAN: We are just wait for your command Sir!

MAKAKARINIG NG ISANG TINIG SA ENTABLADO AT TANGING FHL LANG MAKAKARINIG NITO AT SILA AY
UUTUSANG LUMABAS NG PIER AT TUMAKAS NA.
MARIA C : (sumisigaw) FHL! Umalis at tumakas na kayo dyan…

INVISIBOY: (may halong pagtataka) Ano iyon?


KIDLATKID: naririnig ko rin iyon..,sino ang nagsasalita?
FLASHLIGHT: saan galling ang boses nay un?
MARIA C: huwag kayong magpahalata sa kanila... kayo lamang ang nakakarinig sa akin.
CHIEF DELA COSTA: FHL you have the rights to remain silent. Maari kayong kumuha ng abugado na
makakapagtanggol sa inyo...

NAKATUTOK ANG MGA BARIL NG PULIS AT INAANTAY ANG FHL NA SUMUKO


Flashlight: (nakaharap kay chief) chief….mali ang nangyayari hindi kami ang may pakana ng
patayan

CHIEF DELA COSTA: (uutusan ang mga kapulisan) hulihin ang fhl! (lalapit sa sa republic heroes) paslangin
nyo sila!

MARIA C.: tumakas na kayo ….na frame up kayo!

KIDLAT KID: (babaling at hahanapin ang boses) ano gagawin natin... wala tayong diskarte?

INVISIBOY: (naguguluhan) bahala na…sundin nalang sya!

POLICE 1: sumama na kayo at panagutan ang batas (dahang dahang lumalapit)

MARIA C: (maguutos) tumalon kayo sa singaw sa likod ng kinatatayuan nyo at may isang lunggang
lagusan na maari ninyo takbuhan para makatakas. Sundan nyo lamang ang aking boses.

FLASHLIGHT: sige, susundin ka namin ngayon (nagdududa pa din)

MARIA C: magtiwala kayo sakin!

DAHAN-DAHAN NA LALAPIT SA MGA PULIS SI FLASHLIGHT NA NAKATAAS ANG KAMAY NA PARANG SUSUKO.
MAGDUDULOT ANG KAMAY NI FLASHLIGHT NG ISANG MALAKAS NA PAILAW AT ITATAPAT SA MGA PULIS NA
MAKAKAPAGDULOT MALAKAS NA ILAW AT ITATAPAT SA MGA PULIS AT REPUCLIC HEROES AT
IDADAMAYANG MGA MANONOOD NA MAKAKPAGDULOT NG SILAW.
ANG AWIT AY MAARING NAKA OVERLAY SA EKSENA.

AWIT 4: LAMAN NG ISIPAN

MARIA C: Batid ko ang takbo ng iyong isipan,


lungkot man o saya ng buhay
Batid ko rin ang nais at pagpapasya

28
ng iyong isipan ay katarungan

Taglay ko at ng iyo ang laban,


ang bigat at hirap sa kalooban
Ninanais kong tayo ay kapwa,
iisa lamang sa ating mga pangarap

Laman ka ng aking isipan,


iisa lamang ang ating landas
Nababasa ko ang iyong gawi,
gusto at balak sa bukas

Kapwa tayo ay nagmamahal,


kapwa tayo ay naglalakbay
Tayo ay iisa at magkasamang
haharapin ang laban

FLASHLIGHT: Lets get it on!


KIDLAT KID: Talon na!
FLASHLIGHT: (invisible. hihilahin ang lalaki nagkaluno sa kanila at isasama sa pagtakas) Hindi pa kami
tapos sa iyo... sumama ka sa amin!

MAGBABAGO ANG ANYO NG ENTABLADO. ANG MGA FRAME AY IPUPWESTO SA ANGULO NA PARANG MAZES
NA SIMBOLONG LUNGGANG KANLANG TINATAKBUHAN. HABANG TUMATAKAS ANG FHL SASALUBUNGIN NI
REPUBLICAN SA KABILANG SINGAW NG LUNGGA AT ISA ISANG MAG PAPAKITA SA KANILA ANG REPUBLIC
HEROES AT HAHARANGIN ANG FHL PARA HULIHIN.
REPUBLICAN: hindi nyo matatakasan ang batas! Fhl!

KIDLATKID: Kanina pa yang angas ng mga yan! sino naman sila na gustong kunin ang pwesto natin?
(turo sa rh) Hoy! Kami lamang ang mga tunay na bayani!

FLASHLIGHT: (hindi pakikinggan ang boses) FHL! Ito ang matagal nyo ng pinaghahandaan! (ngingisi)
magsihanda kayo! Huwag nyong hahayaan na makataas ang lalaking bihag natin

REPUBLICAN: Republic heroes formation! (magfoformation ang republic heroes)

KIDLATKID: (mamangha) wow! Ang awesome nila!

FLASHLIGHT: mag focus kayo sa kanila dahil mga may kapangyarihan sila katulad natin….
INVISIBOY: (kay flashlight) im ready!

MARIA C: huwag nyo na silang pansinin tumakas na kayo! hindi nyo sila kakayanin kaya tumakas
na kayo at pumunta na kayo sa dating headquarters ng fhl!

MAGLALABAN ANG FHL AT RH AT ISA ISA NILANG IPAPAMALAS ANG KANILANG KAPANGYARIHAN.
MAGAGANAP ANG LABAN SA PAMAMAGITAN NG PAGPAPAKITA NG FRAME KAGAYA NG SA COMICS.

29
REPUBLICAN: (MAGPUPUTOK GAMIT ANG GUNTLING GUN SA KANYANG KAMAY) saluhin nyo ang mga
bala fhl!
INVISIBOY: (magiinvisible) hindi ka makakatama sa akin (pagyayabang) (susuntukin ni invisiboy si
cutter at gripper)

CUTTER: (kay invisiboy) asan ka? lumabas kang bading ka?

INVISIBOY: (susuntukin ulit si cutter) ito pa saluhin mo! (mahuhuli ni red si invisiboy gamit ang
pagpupulupot ng tali)

RED: (kay invisiboy) gotchaaa… (tawag kay gripper) gripper!

GRIPPER: (kay invisiboy) (igrigrip at pipilipitin hanggang sa mapilay na ang buong katawan ni
invisiboy) wala ka ng kawala!

MAGIISLOWMO ANG PALIGID AT MAKIKITA DITO ANG SUPER SPEED NI KIDLATKID AT PAPAKAWALAN NIYA SI
INVISIBOY SA LOOB LAMANG NG ILANG SEGUNDO NGUNIT KATUMBAS NITO SA NORMAL NA ORAS AY 30
SEGUNDO.
KIDLATKID: (susuntukin lahat ng republic heroes) wala na ba kayong ibibilis? (nagyayabang)

MAKAKARECOVER AGAD ANG MGA REPUBLICAN SA SUNTOK NI KIDLATKID NA PARANG WALANG NANGYARI.
OBSCURO: (kay kidlat kid) Mabilis ka nga bata lahat kaya mong takbuhan at takasan pero hindi ang
anino mo! (tatawa ng pagyayabang)

MAKOKONTROL NI OBSCURO ANG ANINO NI KIDLATKID LALABAS ANG ANINO NI KIDLATKID SA KANYANG
LIKURAN AT KAHIT SAAN SIYA PUMUNTA AY NAKASUNOD ITO. MAPAPAHINTO SI KIDLATKID.
OBSCURO: Ang anino mo at ako ay iisa na kaya kahit anong gawin ko ay gagawin niya rin. (Yayakap
sa hangin ng mahigpit)

YAYAKAP DIN ANG ANINO NI KID SAKANYA AT HINDI SIYA MAKAKAGALAW DAHIL DITO.
KIDLAT KID: (magugulat at magtataka) paanong?

MAG IINVISIBLE ULIT SI INVIBOY AT AATAKIHIN SI OBSCURO PARA MALIGTAS SI KIDLATKID.


INVISIBOY: Bitiwan mo siya!! (lalabas sa pag kakainvisible upang umatake sa harap ni obscure
ngunit mapipigilan siya ng nakaabang na si the gripper)

AATAKIHIN NI RED AT THE CUTTER ANG HINDI MAKAGALAW NA SI INVISBOY AT KIDLATKID.


REPUBLIKAN: (tatawa habang ginugulpi si invisiboy at kidlat kid) Totoo ngang napakahina niyo.

ISA ISANG TITIRAHIN NI FLASHLIGHT ANG MGA REPUBLIC HEROES MAKAKAWALA SINA INVISIBOY AT
KIDLATKID AT PAGSASABIHAN SYA NI MARIA C. NA TUMIGIL NA SILA
FLASHLIGH: tigilan nyo ang mga kasama ko! (nakaharap sa republic heroes at galit na galit)

NAG CHACHARGE ANG KAMAY NI FLASHLIGHT AT UNTI UNTING LUMALAKAS ANG ILAW SA KAMAY NITO.
MARIA-C: (nag-aalala) wag mong gawin nyan matatalo ka kapag tinuloy mo yan! Tumakas nakayo!

FLASHLIGHT: Tumahimik ka diyan umalis ka sa utak ko! Kaya naming silang talunin!

30
MAKIKITA NI REPUBLIKAN NA PARANG NAKA OUT OF FOCUS SI FLASHLIGHT AT AATAKIHIN NIYA ITO.
REPUBLIKAN: (inaasinta si flashlight) tapos ka na! (nginigsi)
MAGLALABAS NG ALINGAWNGAW SI MARIA C. NG SOBRANG LAKAS AT LAHAT NG NASA ENTABLADO AY
MABIBINGI KASAMA ANG FHL AT RH
MARIA-C: tumigil na kayo!!!! (pasigaw)

LAHAT NG NASA ENTABLADO AY MAGTATAKIP NG TENGA DAHIL SA NAKAKABINGING TINIG MAPAPANSIN NI


MARIA C. NA KASAMA ANG FHL SA NABIBINGI SA KANYANG PAGSIGAW KAYA SA RH IPINASA ANG
PAGKAKABINGI PARA MAKATAKAS ANG FHL

MARIA-C: (babalik sa pagiging kalma) fhl tumakas na kayo madali!

FLASHLIGHT: (bitbit ang mga nagulpin kasamahan) tara na pumunta na tayo sa lumang headquarters!

MARIA-C: Dalian nyo at mauubos na ang kapangyarihan ko! (nanghihina)

IX. ANG DATING FHL HQ, PAG-ASA

MAARING ULITIN ANG BAHAGI NG AWIT 4. DIRETSO PA DIN ANG EPEKTO NG ALINGAWNGAW NA DINULOT NI
MARIA C. SA MGA REPUBLIC HEROES AT TATAKAS NA ANG MGA FHL BITBIT NI FLASHLIGHT SI INVISIBOT AT
KIDLATKID KASAMA ANG ISANG LALAKING NAGKALUNO SA KANILA AT AKTO NA TATAKAS. ISA-ISA NANG
AALIS SA ENTABLADO ANG RH. MAGBABAGO ANG ILAW AT KASAMA ANG PAGBABAGO NG ENTABLADO
PATUNGONG SA HEADQUARTERS AT DUON MATATAGPUAN NILA ANG ISANG BABAE.

MARIA-C: well done FHL! Mabuti na lang at hindi kayo napuruhan ng RH.

FLASHLIGHT: Maraming salamat, pero sino ka? at saka bakit parang pamilyar yang kapangyarihan
mo?

MARIA-C: Tawagin nyo na lamang akong Maria C

FLASHLIGHT: Naalala ko na! Si Francisco Constantino ang may ganyang kapangyarihan. Maria C? ang
ibig sabihin ban a ang C ay Constantino?

MARIA C.: Lolo ko siya kaya alam mo na ngayon kung bakit pamilyar ang kapangyarihan ko.

INVISIBOY: Sir Francisco? Yung dating tinatawag na the teacher? (segway) Ah Maria, Hindi mo na
maitatago pero napakaganda ng tinig mo! Waring ba ako’y nakikinig ng alingawngaw ng
matimyas na tinig mula sa hangin na nagdadala sa aking sa isang magandang dilag!
Siyanga pala sa iyong harapan! Jaime at ako ang Invisiboy. An gang totooy parang
narinig ko na ang boses ko nitong mga nakaraang araw. (sabay hawak sa kanang kamay
ni Maria C at luluhod)

KIDKDLAT: (hahawiin si Invisiboy) Si The Teacher? Aba! Napakalupit nun e! Akalain mo may
magandang apo pala si Lolo Francisco. (hahawakan ang kanang kamay ni Maria C at
luluhod) (ngingiti)

31
MARIA C.: (ngingiti) bolero ka! Pero salamat na din, oo lolo ko siya at katulad niyo kung
hindi kayo nakinig sakin malamang napatay din kayo ng RH.
FLASHLIGHT: Kung gayon patay na pala si The Teacher, nakikiramay ako sa pagkawala niya. (baling ng
sisp) pero ang RH, ngayon lang namin sila nakita at nalaman. Malinaw sa sa amin ngayon
na maliban sa inaagawan nila kami ng pwesto at may mas malaki palang dahilan para
laban sila. Iyon ay ang bigyan ng hustisya ang pagkawala sa isa sa ating pundasyon.

MARIA C.: Andito ako ngayon sa inyong harapan upang magapi ang RH dahil sa ginawa nila sa aking
lolo, andito ako upang tumulong sainyo FHL at maging kaisa sainyo.

KIDLATKID: ayos to may babae na tayo sa grupo at hindi lang basta babae maganda pa.
FLASHLIGHT: sige bilang apo ng unang miyembro ng FHL malugod ka naming tinatanggap sa
grupo.

MARIA C.: maraming salamat Sir. Don.


INVISIBOY: welcome to the group maria (medyo kinikilig)

KORUS (Martsa) Andyan na kami! Andyan na kami!


Kami ang FHL
Kami ang nariyan at handang maiwan
Kami ang natitirang handang lumaban
Mga superhero walang dulo ang hangganan
Andyan na kami! Andyan na kami!
Sino ba ang FHL?
Kami ang Filipino Heroes League

X. KRISIS. DAMA NG LIPUNAN

SINGIT NG KORUS NG AWIT NA SINO ANG FHL. MAGBABAGO ANG ENTABLADO SA ANYO NG ISANG
MALAWAK NA KALSADA AT MAGTATABLAUE ANG FHL SA PAGTATAPOS NG KANILANG AWIT. PAPASOK ANG
MGA TAONG BAYAN SA ENTABLADO NA MAY DALA DALANG FLACARD, PAPER MACHE NG PRESIDENTE AT IBA
PANG RALLY MATERIALS. GAGAWA SILA NG INGAY SA TAPAT NG MALACANANG. SAKABILANG DAKO NAMAN
AY NAG UUSAP SINA PRES. REYES AT KAYANG KAALYADO.

MUSIKAL 2: ANG BAYAN

PANGULONG REYES: (sa uanag frame) Ang inyo pong pangulo ay walang kinalaman sa mga patayan
at kaguluhan sa ating bayan. Sama-sama po tayong lalaban sa krisis na ito. Ang
kailangan po natin lahat sa ngayon ay magtiwala sa ating gobyerno. Ang buong
may kinalaman sa kaguluhan ay ang grupo ng FHL kaya sila ay aming lilipulin.

RALIYISTA: (martsa): Karapatan ng mamayan-ipaglaban!


Ligalig kung saan-saan-kalayaan!
Kabulukan ng gobyerno itigil na
Kurapsyong nagpapahirap putulin na!

KORUS:
Hustisya para sa hindi makataong sistema

32
Bigyan ng karapatan! Itigil ang pagpatay...
karapatan! karapatan! Priblehiyo
Karapatan kaparatan Ipaglaban!

RALIYISTA 1: Hustisya para kay senator Jc! Masyado nang Garapalan ang mga nangyayari. Ginagawa
na tayong bulag ng pamahalaang ito. Mga kababayan papayag paba tayo paglaruan at
gawing tanga ng mga nasa taas natin?

RALIYISTA: Tama na! Sobra na!


President Reyes! Bumaba kana!

P.REYES: (sa isang frame) I have met may challenges in my political career, but I don’t think I’ve
ever face anything like this.

RALIYISTA 1: Mga kababayan papayag paba tayo isang arang may mawala nalang sa pamilya natin sa
ikinakalat nilang virus sa lipunan! Huwag na nating hintayin nab aka ikaw o ako ang para
baliw sa kalsada at tila mga halimaw na hayok sa laman at dugo!

RALIYISTA 1: Tama na! Sobra na! Bumaba kana!

P.REYES: (lipat sa isang frame) I feel that im being pushed towards a certain direction and it
seems that every road I take will just be as horrific – just as terrible… I can’t find my way
out.
KAALYADO: (lipat ulet sa kabilang frame ) Sir. Not all of our choices can be between greater goods,
Sometimes you have to choose between lesser Evil.

RALIYISTA: Hinding hindi na kame mag papaloko sayo mr. president isa kang Sinungaling, kurakot at
Mamatay tao!

T-BAYAN: Tama na! Sobra na! Bumaba kana!

MAG FEFREEZE ANG LAHAT NG TAO SA ENTABLADO NA PARANG HIHINTO ANG ORAS. MAGSISILBING ISANG
PODIUM ANG GITNAG FRAME PARA SA PANGULO.

P.REYES: (sa gitnang frame) Dahil sa kabilaang patayan at sa lumalalang epidemya na tila
halimaw na sumisira sa ating bayan. Ang gobyerno po ang higit na may kapangyarihan sa
ngayon na tulungan ang lahat ng nasasakupan. Hayaan nyo po na gumawa ngayon ng
hakbang ang gobyerno upang puksain ang malalang krisis ng bansa. Nagtitiwala man
kayo o hindi ay sa kapangyarihan ng gobyerno ay aking sinusulong ng buong tapang
upang sa sa ganon ay hayaang ihabilin sa samin ang paglutas nito. Kayo sa puntong ito
sa harap ng pamahalaan ng bansang pilipinas ay pakikilusin ang buong pwersang
Militar... I will now declare martial law!

PAPASOK SA ENTABLADO ANG MGA NAGMAMARTSANG MILITAR AT ITATABOY ANG MGA RALIYISTA.
MAGBABAGO ANG ENTABLADO AT PAPASOK BUONG GRUPO NG FHL NA HANDA NG HUMARAP KAY MR. X AT
LALABAS MULA SA KABILANG FRAME ANG MUKA NG ISANG LALAKI TILA SILHOUETTE LAMANG UPANG

33
MAITAGO ANG PAGKATAO NI MR. X. NASA ISANG FRAME NA KULUNGAN LAMANG ANG LALAKI NA BINITBIT
NILA MULA SA ENGWENTRO SA PIER

XI. SA DATING HQ NG FHL. BAGONG UTAK

MARIA C.: (bubuksan ang monitor upang maiharap ang fhl kay mr. x) Mr. X narito na po ang
buong FHL (ituturo si flashlight) siya po ang leader ng kasalukuyang FHL na si Flashlight,
(tuturo si vis) siya naman po si Invisiboy (tuturo si kidlatkid) at siya naman po si kidlat
kid.

MR. X: Isang karangalan na makilala kayo FHL... sa ngayon ay hindi ko muna malilalantad ang
aking mukha bilang proteksyon ko at ng buong grupo ng FHL...hindi pa natin kilala ng
lubos kung sino ang kinakaharap nating mga kalaban.

FLASHLIGHT: Naiintindihan po naming Mr. X pero sana sa susunod ay makasama kana namin mismo
dito sa Headquarters.

MR. X: May tamang panahon para diyan, ang mahalaga ngayon ay ang nangyaring pag-patay at
epidemya na hindi na maitago sa buong bansa. Huwag muna kayong lalabas ng Lungga
hanggat walang matibay na plano. Tandaan ninyo na kayo ang isa sa pangunahing target
ng pamahalaan sa pagsulong ng martial law.

KIDLAT KID: Mga batang estudyante may impeksyon sa utak dala ng mga maling imprmasyon na
kanilang nabasa.

MR X : Simula’t sapul ay tamaang inyong lead. Ako ang lahat na nagbibigay sa inyo ng lead. May
lumiligaw lang talaga sa inyo. Pero ang mahalaga ay alam nyo ang mga dahilan ng
impeksyon na ito.

INVISIBOY: Mr. X... ako malaki parin ang problema ko. May impeksyon din ako sa utak... hindi ko
alam kung kalian ako susumpungin nito. (aasta na naimpeksyon at susugurin si kidlat
kid) Papatayin kita! (patutumba silang dalawa at tatawa si Vis) Joke lang!

MR. X: Invisiboy... Kidlat kid... tumayo kayo... hindi ito ang oras ng paglalaro.

KIDLAT KID: ayan kasi tayo eh... idadamay mo pa ako

INVISIBOY: Mr. X un na nga po ang sinasabi ko. Paano ko ba tatanggalin ito sa utak ko?

FLASHLIGHT: Mr. X... malinaw na nasunog na naming ang lahat ng mga libro na binasa ng mga bata
bakit ang iba lamang ang gumaling at para bumalik yata sa kanila ang impeksyon.

MR X; Isa parin yang katanungan maging sa akin. Mabuti at si Viz ay may kapangyarihan kaya
hindi lubhang nasakop ng impeksyon ang buo nyang pagkatao.

FLASHLIGHT: Sandali baka maari tayong makakuha ng impormasyon sa bihag natin. (kay vis) dalhin
mo dito ang lalaking bihag natin baka ngayon eh sasagot nay an ng matino.

34
KUKUNIN NI VIS AT KIDLAT KID ANG BIHAG PARA SA MAIKLING INTEROGASYON

FLASHLIGHT: (pipitsarahan ang lalaki) Ikaw sumagot ka! Sino ang nag-utos sa inyo na i set-up kami sa
pier.
LALAKI: Hindi ko alam.
KIDLAT KID: Ah hindi mo alam (sisikmuraan)
INVISBOY: Sige kapag hindi pa sumagot yan... babalian ko na ng leeg yan! Isa.. dalawa.. tat-
LALAKI: Si Secreatry Luis Tamayo po!
FLASHLIGHT: Isang oposisyon?
LALAKI: Nakita ko rin po doon si Hepe!
KIDLAT KID: SI Hepe?
FLASHLIGHT: May kinalaman din si hepe na isa sa pinagkakatiwalaan natin.
INIVISBOY: Si Luis Tamayo ang secretary ng Deped na tumiwalag sa gobyerno at naging oposisyon...
KIDLAT KID: Napalitan na siya ng pangulo. Nako naliligaw nnmn tayo sa mga malalaking tanong
FLASHLIGHT: (sa lalaki) ano pang nalalaman mo?
LALAKI: yun lang po ang nalalaman ko. Inutusan lang po kami at pinangakuang bibigyan ng
malaking bayad bastat maidiin naming kayo.
MR X: (sa lalaki) Sigurado ka bang hindi ka nagsisinungaling?
LALAKI: Hindi po... hindi po... tulungan nyo rin sana ako na matulungan ang pamilya ko. Sigurado
akong hinahunting na nila ako.
MR. X: Sa ngayon pag-aaralan ko muna ang mga sinabi ng lalaking yan... FHL sa ngayon,
mayroon akong bagong lead. May naitago akong isang video na nakunan nang mapatay
ang senador. Nais kong pag-aaralan ninyong mabuti upang matuntun natin ang
kalutasan epidemya.

IHAHANDA NI MARIA C ANG NAKUHANG VIDEO AT IFAFLASH UPANG MAPANOOD.

FLASHLIGHT: Tingnan mo kung saan nag aaral ang bata na iyan maria.

MARIA C.: (isu-zoom ang video sa patches ng uniform ng bata) F…T…C…A?

KIDLAT KID: Hindi ba iba’t ibang school na man ang pinanggalingan ng mga bata?

FLASHLIGHT: Malabo na na magtungo at magtayo sila ng Lungga sa DepEd dahil tumiwalag na sa


oposisyong si secretary luis

VIS: Ferdinand talisay computer academy yan, alam ko ang eskwelahan na iyan. Pero hindi
nagooperate ang eskwelahan na yan matagal na.

FLASHLIGHT: Si Whisper si Ferdinand Talisay.

KIDLAT KID: Boom! Huli ka balbon!

FLASHLIGHT: Malapit na nating mabuo ang Puzzle nito!

MR. X: ngayon na napanuod niyo na ang video gusto kong gawan niyo agad ng aksyon ang lead
na iyan... umaasa ako na malulutas ninyo ang lahat ng kaguluhang ito dahil kilala ko ang

35
mga FHL hindi sumusuko at magaling sa laban para sa bayan! (biglang mamatay ang
monitor na kung saan nakikita si mr.x)

KIDLATKID: ayos din pala, may pagka misteryoso na famous tong si Mr. x ah (PABIRO)

MARIA C.: kailangan na nating magsagawa ng plano at agad mapuntahan ang FTCA upang
makahanap ng panibagong lead sa pangyayaring ito.

FLASHLIGHT: ok sige sige!, ikaw Jaime tsaka anton sumama kayo sakin sa FTCA at tayo ang mag-
iimbestiga doon, ikaw maria maiwan ka dito at back-upan mo kame gamit ang iyong
kapangyarihan at antabayanan mo na din baka tumawag si Mr. X sa atin ulit.

MARIA C. mag iingat kayo.

KIDLATKID: trust me (payabang) Kidlatkid tong kasama nila oh.

VIS: oo maria mag iingat kami (medyo pasweet na sasabihin)

FLASHLIGHT: tara na at kailangan na nating kumilos.

XII. SA ISIP AT SA ISIP. BAGONG KASAPI

LALABAS NG ENTABLADO ANG TATLO AT MAIIWAN SI MARIA C. MAGDIDILIM ANG ENTABLADO AT MAIIWAN
ANG ILAW KAY MARIA C SA GITNA NG ENTABLADO.
SA ISANG FRAME
SLICK: Sa isang pitik ng mga barahang ito. Ibibigay ninyo sa akin ang mga pusta nyo! Sige Laro!
(sasambitin ang huling salita ng laro sa baraha)

MARIA C: Inigo… Inigo…


SLICK: Putang ina! Kabig!
MARIA C: Inigo… Inigo…
SLICK: Olat! Paanong Nangayri un? (nauurat sa naririniig)
SUGAROL 1: Tang ina kabig!
MARIA C: Inigo!
SLICK: Sino ka?
SUGAROL 1: ah hindi mo na kami kilala?
SUGAROL 2: Asan ang Kabig?
SLICK : Mga mandaraya!

IKOKORNER AT HAHAWAKAN SA SA MAGKABILANG BRASO SI SLICK NG MGA SUGAROL.


MARIA C: Inigo kung naririnig mo ako. Tumakas ka na dyan at magkita tayo sa harap ng lumang
gusali ng Film Center.

SLICK: Wala kong pera! Mga mandararaya (sa boses) Sino ka?
SUGAROL 2: Kami pa ang mandaraya. Ikaw ang kanina pa nadayara!
SUGAROL 1: Wala kang pangbengga (suntok sa sikmura) (kukunin ang mga pera sa bulsa ni Slick)
MARIA C: Mamaya malalaman mo rin kung sino ako. Kailangan ka ngayon ng kapatid mo. Sundan
mo ang aking boses para magkita tayo.

36
MAGLALABAS NG ALINGAWNGAW SI MARIA C. HINDI MAKAKAGALAW ANG MGA SUGAROL AT
MAKAKAWALA SI SLICK SA PAGKAKAPIT.

SLICK: (magugulat na makikita na nakahawak sa tenga ang mga kalaban) Oh ano kayo
ngayon? Bakit para kayong mga nakaluhod sa kagandan ng pagkalalake ko?
MARIA C: Tumakas ka na bago pa mawala ang epekto ng ginawa ko sa kanila!
SLICK: Gusto nyo bang maranasan ang madulas kong likido?
MARIA C: Bilisan mo!
SLICK: (sa mga sugarol) Dyan muna kayo at may appointment ako sa malambing na boses… (sa
boses) Andyan na! (aalis ng entablado)

SA KABILANG FRAME
MARIA C: Bhoy Ramirez!
THE MAKER: (nakatingin sa ginagawa niyang robot gawa sa recycle) Uy! Botbot ikaw ba yan?
MARIA C: The Maker! Bhoy Ramirez!
THE MAKER: (sa robot) Oh no! botbot nagsasalita ka na eh hindi pa kita binibigyan ng buhay ah!
MARIA C: Boy Ramirez… iho!
THE MAKER: (sa kanyang puppet sa kamay) Ah ikaw boyoy ha?
BOYOY: Bossing ano ba iyon? Kita mo namang tinutulungan kita sa paggawa ng robot eh.
THE MAKER: eh bakit ka tawag ng tawag? At nanlalambing pa! hmmm huwag ganun boyoy… inlove
ka na sakin ha… bading!
BOYOY: Eh paano ako maiinlove eh puppet ako!
THE MAKER: Eh kundi ikaw… Sino?
MARIA C: The maker pakinggan mo lamang ang tinig ko… Inaanyayahan kita na pumunta dito sa
lumang gusali ng Manila Film Center?
THE MAKER: (hinahanap) Lamok ka ba? Bakit ako pupunta doon eh busy ako!
MARIA C: Kailangan naming ang inbensyon mo at ang tulong mo… alam ko hindi ka nakapag aral
dahil sa kahirapan at wala kang tiwala sa sistema ng edukasyon dito sa ating bansa pero
hayaan mo kaming tulungan ka para mas lalo mo pang mapaunlad ang sarili mo.
THE MAKER: (matutulala) paano mo nalaman yung mga impormasyon na yun? Isa lang ang
pinaniniwalaan kong guro… Ang teacher ko nung grade 1 na nag-ampon sa akin… pero
hindi pinalagpas ng mga halang ang bituka na pinaslang sya at ginahasa.
MARIA C: (sa sarili) hindi ko iyon nabasa sa isip nya (baling ulet kay Themaker) Nakakalungkot na
mabatid ang matagal ng nasa iyong kalooban pero (ngingiti) may magagawa ka pa!
THE MAKER: Huli na ang mga sinasabi mo!
MARIA C: Hustiya! Pwede natin syang bigyan ng Hustisya! sumali ka na sa fhl, kailangan ka
namin….
THE MAKER: FHL? Wanted yun ah!
MARIA C: Iho! Sasagutin ko lahat ng katanungan mo kapag nasa headquarters na tayo!
THE MAKER: (ngingiti na parang kakilala nya ng matagal si maria c.) o sige na po!
(aayusin na nya ang mga gamit nya at sya ay maghahanda na)go po
MARIA C: Madaliin mo at huwag mong ipagsasabi kung saan ka pupunta
THE MAKER: (pupunasan ang puppet) Boyoy sumama ka sa akin may appointment tayo!

LALABAS NG ENTABLADO SI THE MAKER

XIII. SA FTCA. ANG MALINAW NA LEAD

37
MARIA C: FHL! FHL! Asan na Kayo?

MAKIKITA ANG ISANG TRANSISYON NG PAGBABAGO NG ENTABLADO NA MULA SA HEADQUARTERS AT


MAGIGING FTCA ITO SA PAMAMAGITAN NG ILAW AT PAGBABAGO NG BED MUSIC, AT SA KABILANG DAKO
NG FRAME AY MAKIKITA SI MARIA NA NAKAANTABAY SA GINAGAWANG PAG IIMBESTIGA NG FHL SA LOOB
NG FTCA. MAG IIBA ANG KULAY NG ENTABLADO NA MEDYO MADILIM PAG BALIK NG ILAW AY NASA FTCA NA
SILA HITSURANG LUMANG GUSALI NA BATID PA ANG MGA SIWANG NG MGA DATING LUGAR NG
DEPARTAMENTO NG PAARALAN.

FLASHLIGHT: Maria C medyo choppy pero copy!


KIDLAT KID: (sinusuriang paligid) masyadong ng luma ang building na to.
INVISBOY: parang wala na namang naglulungga dito.
FLASHLIGHT: Pasukin nalang natin ang pinakalooban para matiyak natin... dito pumasok ang batang
pumatay kay senador kaya siguradong may patutunguhan sya dito.
KIDLAT KID: Magpailaw ka na Flashlight dumidilim na paligid.
INIVISIBOY: Sandali sa siwang ng kwarto na iyon may liwanag. Parang laboratoryo iyon.
KIDLAT: May mga pahinang nakakalat patungo doon.

SA KABILANG DAKO NG FRAME AY MAKIKITA SI MARIA C. NA NAKAANTABAY MULA SA HQ SA


PAMAMAGITAN NG KANYANG KAPANGYARIHAN UPANG GABAYAN ANG PAGIIMBESTIGA SA FTCA.

MARIA C.: (pipigilan ang pagsasalita ni kidlat at kakausapin ang FHL sa kanilang isipan sa
pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan) sandali! malakas ang kutob ko na sa
laboratoryong iyon nagtatago ang ilang bata na apektado ng virus, diba mula sa mga
pahina kung bakit nagbago ang pag-uugali ng mga bata, baka mula sa library na iyon nila
nakukuha ang mga pahina na iyon.
FLASHLIGHT: Humanda kayo! Mukhang may operasyong nagaganap sa loob.
KIDLATKID: e! kung ganon pala tara na puntahan na natin.
MARIA C: Maghanda kayo ng mabuti!

PUPUNTAHAN NILA ANG DIREKSYON NG MGA NAKAKALAT NA PAHINA NA MULA SA KABILANG FRAME ANG
ISA LIBRARY NA MAY MGA NAKASULAT NA “NO READ OF THE BOOK, NO ENTRY” , “BULONG NG KABATAAN” ,
ATBP. PAPASUKIN NILA ITO.
MARIA C : (nangangamba) magiingat kayo hindi maganda ang kutob ko sa loob library na iyan.
KIDLATKID: (payabang) leave it to me! Baka Kidlatkid to.
INVISIBOY: oo maria, mag-iingat kame salamat sa paalala.

AGAD AGAD SILANG DADAKO SA LIBRARY NG FTCS. HABANG PAPALAPIT SILA SA LIBRARY MAKIKITA NILA NA
ANG LUMANG LIBRARY AY MAY MGA NAKAINSTALL NA COMPUTER KAGAYA NG ISANG COMPUTER SHOP.
FLASHLIGHT: Maging alerto kayo. May nararamdaman akong masama dito.

KIDLATKID: Sabi ko sayo tumae kana kanina eh.

FLASHLIGHT: Tahimik! Kid ikaw ang unang papasok. I’ll back you up. Vis use your invisibility
Ikaw ang bahala saming dalawa kapag nagkatalo talo na.

INVISIBOY: Copy that! Roger that!

38
KIDKIDLAT: Sino si Roger? Vis Ready?
INVISIBOY: Labanan na!
KIDKIDLAT: Flashlight ready?
FLASHLIGHT: Let’s do this guys!

KIDKIDLAT: Roger ready? 3... 2...1... (mabilis na papasok sa pinto at susunod naman ang
Dalawa *Superhero posing*)

MAKIKITA NILA INVISIBOY, KIDLATKID AT FLASHLIGHT NA PARANG NORMAL NA LIBRARY LAMANG ITO MAY
MGA TAONG NAKAAUPO NAGBABASA NG LIBRO. PUNO ANG COMPUTER AREA WALANG BAKANTE.
KIDKIDLAT: (mabibigla) What the?! Parang wala namang infected dito mukha lang silang mga nag
aaral ng mabuti parang ako.

FLASHLIGHT: Magtigil ka tandaan mong hindi na ito isang eskwelahan... Invisiboy mag masid-masid ka
sa paligid at tignan mo kung may nangyayaring kakaiba gamitin mo ang kapangyarihan
mo.

MAG IIKOT IKOT SA PALIGID SI INVISIBOY AT MARIRINIG NIYA ANG USAPAN NG MGA BATANG NAG-AARAL AT
MAKAKARAMDAM SIYA NG KAKAIBA DITO.
BATA1: Ang alam ko ang English ng sabon ay Soap hindi ba?
BATA2: Safeguard. Safeguard ang English ng sabon nakasulat siya dito sa wikepedia oh basa.
BATA1: English translation. Sabon in English is Safeguard. Ang English ng sabon ay Safeguard.
Safeguard ang English ng sabon. (tatahimik ng konti at Biglang sasangyayon) Tama ka!
(mag papatuloy sap ag search sa internet)

MAPAPATIGIL SI INVISIBOY.
INVISIBOY: (sa sarili) Tama ang kutob ko! Isa din sila sa infected at dinadamay pa nila ang ibang
estudyante ng hindi nila nalalaman. Makikita dito sa likod ng mga Computer na parang
nagtatransmit sila ng maling impormasyon sa mga utak ng bata. ( Isa-isang oobserbahan
ang mga bata) Ung isa may wire ung karamihan wireless! Tama! Sa internet … Internet
ang nagkakalat ng maling impormasyon!

TATAHAMIK ANG BUONG LIBRABY. SABAY SABAY MAGTITINGINAN ANG MGA ESTUDYANTE SA KANILANG
TATLO. MAG IIBA ANG MGA ASAL NG MGA ESTUDYANTE AT POPORMANG AATAKE SA TATLONG SUPERHERO.
FLASHLIGHT: (titingin sa paligid at mag-iisip. Makikita niya ang switch ng ilaw) Vis! Maghanda ka!
Patayin mong switch ng ilaw sa ay dulo! Dating gawi! Kidkidlat ang mga bintana
saraduhan mo ng dumilim ang paligid. On your Marks! Let set! GO!

SUSUGOD ANG MGA BATA KINA FLASHLIGHT, KIDLATKID AT INVISIBOY. AGAD AGAD MAWAWALA SI
INVISIBOY UPANG PUMUNTA SA MAIN SWITCH NG ILAW SA DULO NG KWARTO KASABAY NITO ANG MABILIS
NA PAGSARADO NITO SA MGA BINTANA NI KIDLATKID AT PAG CHACHARGE NI FLASHLIGHT SA MGA KAMAY
NITO NA UNTI-UNTING NAG IIPON NG LIWANAG NA PARANG SASABOG.
FLASHLIGHT: KID! VIS! Isa! Dalawa! Tatlo!

MAGTATAKIP NG MATA SINA VIS AT KIDLATKID. MAGKAKARON NG PAGSABOG NG LIWANAG NA WALA KANG
MAKIKITA KUNDI KULAY PUTI. PAGKAWALA NG LIWANAG AY MAKIKITA NILANG NATAYO LAMANG ANG MGA
BATA AT NAKATINGIN SA IBAT IBANG DIREKSYON NA PARANG NAKATULALA LAMANG.

39
FLASHLIGHT: KID mag madali ka ipunin mo lahat ng mga estudyante dadalhin natin sila sa
Headquarters.

XIV. SA LUMANG HQ NG FHL, PLUS 2 MINUS 1

AALIS SILA VIS AT KIDLATKID KASAMA ANG MGA BATANG NAHULI NILA NA APEKTADO NG VIRUS MULA SA
ENTABLADO AT KASABAY NITO ANG PAG-LABAS NI MARIA C. UPANG MAGKARON NG TRANSISYON NG
PAGBALIK SA HQ, MAGBABAGO ANG ILAW NA MAGMUMUKANG HQ ANG BUONG ENTABLADO.

MARIA C. : (sasalubungin sila vis at kidlatkid kasama ang mga bata) Ayos lang ba kayo?
VIS: (titingin kay maria at ngingiti na parang kinikilig) oo ayos lang kame.
KIDLATKID: (payabang) apkors! We are alright! Sabi ko naman sayo kanina baka kidlat to.
FLASHLIGHT: (babatukan si kidlat) apkors apkors kapa dyan e wala ka naming ginawa! nagsara kalang
ng bintana.
MARIA C.: osya! Dalhin na natin sila sa lugar na hindi sila makakatakas!.
BATA: (tatawa) lagot kayo!! Hahaha! Di nyo siya kaya hahaha!
KIDLATKID: (maiinis) aba! Di ka pa din pagod ahh, pag itong kamao nagalit n anaman sayo Malalagot
ka! (aamba ng nakaporma ng pangkotong)
MARIA C.: wag mo na patulan yan kidlat alam mo namang apektado lang sila ng virus e.
KIDLATKID: E! Nang-aano siya e!
VIS: (maapektuhan ulit ng virus) tama siya di niyo kaya ang aming panginoon (tatawa)
KIDLATKID: (magkakamot ng ulo at agad maghahanda sa pagpigil kay vis) ayan na naman siya
maghanda ka maria at sir don.
MARIA C.: (NANGAGAMBA) hindi maari ito! (poporma sa pag-pigil kay vis)
FLASHLIGHT: ay nako vis! Wag ngayon! (poporma din sa pag pigil kay vis)
KIDLATKID: (pabulong kay flashlight) ako di ko alam kung pinagtitripan tayo nito ni vis minsan e
namumuro na to sakin eh
FLASHLIGHT: (sasang-ayon at pabulong na sasagot kay kidlat) ako din e, patikimin ko kaya to ng hand
of God (poporma ang kamay ng pangkaltok) ko feeling ko talaga nangtitrip to eh.

PAGTUTULUNGAN NILA SI VIZ UPANG MAITALI MULI SA ISANG MONOBLACK PARA HINDI MAKAGALAW AT
MAKAPANLABAN
MARIA C.: (titingin lamang kay viz at ngingiti)

MAKIKITA SA ENTABLADO NA NAILAGAY NA NILA ANG MGA BATA SA ISANG FRAME AT KANILA ITONG
IKINULONG.
KIDLATKID: (TATANUNGIN ANG ISANG BATA) oy! Ikaw sino nag-uutos sa inyo ha!?
BATA: gusto mo malaman?
KIDLATKID: oo malamang kaya ko nga tinatanong e!
BATA: kain ka gulaman (magtatawanan ang mga bata)
(BATA ALL): wahahahahhahahahhaha!
FLASHLIGHT: kain ka daw gulaman (paasar)
KIDLATKID: (maiinis) kupal tong batang to ah! (Kay maria c.) sige na oh pagbigyan mo na ako isang
kutos lang!
VIS: (sa kinauupuan) sandali! Ako kakausap. (Payabang)
MARIA C.: (pipigilan si vis) Dyan ka lang Jaime!
VIS: (magtataka) bakit? Kalagan nyo ako! Okay ako…

40
MARIA C: nababasa ko ang mga nasa utak nila at nakikita ko na madali ka nilang mapapasumpong
sa impeksyon. Nababatid ko na alam nila na may impeksyon ka rin.
FLASHLIGHT: (serious mode) napansin mo din pala yun maria, napansin ko kanina yan habang buhat
nya ang isang bata ay nanghihina iyang si jaime bago siya sumpungin. At ngayon ko lang
rin napagtanto na kapag malapit sya sa mga batang iyan ay palagi syam sinusumpong.
VIS: Lintik! (Tatawa ng malakas) Hindi ninyo kaya ang aming panginoon! (Mamumula na ang
mata at magbabago ang pagsasalita) Lalasunin ang isip nang buong syudad at kayo FHL
ay wala ng magagawa!
MARIA C: (lalapit at hahawakan ang sintido ni Vis) Jaime lumaban ka! Kaya mo yan. Nababasa ko
sa utak mo na nariyan ka pa! Sumigaw ka ng malakas!
INVISIBOY: (sisigaw ng malakas) (manlalambot)
MARIA C: Kailangan na yata natin siyang Ilayo sa mga apektadong mga bata.
INVISIBOY: Huwag Maria C. Kaya ko pa… kaya kung labanan ito. (hihilig ang ulo sa mga kamay ni
Maria C.) Maria C may sasabihin ako.

MARIA C: Huwag mo nang sabihin(sabay tanggal ng mga kamay at nakangiti)(singit ng awit ng


Laman ng isipan)
Laman ka ng aking isipan,
iisa lamang ang ating landas
Nababasa ko ang iyong gawi,
Gusto buhay at balak sa bukas

INVISIBOY: Kapwa tayo ay nagmamahal,


MARIA C: kapwa tayo ay naglalakbay
Tayo ay iisa at magkasamang
haharapin natin ang laban

KIDLATKID: (biglang sisingit sa pagitan ni maria c at vis) ehem! Ehem! Mga bata oh!
Nagwawala sila oh! Galling oh! (Sarkastiko na pagsasalita para mapigilan
kilig scene ng dalawa).
MARIA C.: (babaling ang tingin sa mga bata) asan? Asan yung nagwawala?
KIDLATKID: (tatawa) biro lang! nilalanggam na kayo e, lugi ako wala ko partner e.
FLASHLIGHT: kawawa ka naman buti pa ako I HAVE A LOTS OF THEM! Do you want some?
(Tatawa)
MARIA C: Sigurado na ba kayong wala nang takas ang mga batang iyan!
KIDLAT KID: Silyadong silyado! Di na makakatakas yan!

LALAPIT SI MARIA C SA FRAME NA KINALALAGYAN NG MGA BATA AT SISIMULANG GAMITIN ANG


KAPANGYARIHAN. BABASAHIN NIYA ANG MGA UTAK NITO UPANG MAKAKALAP NG IMPORMASYON NA
MAKAKATULONG SA KANILA SA PAG LUTAS NG KASONG ITO.

MARIA C: (serious mode) Ang mga bata, (iiling lamang)nagiging biktima sila ng ganitong kasamaan.
Bakit sila pa? (Gagawa ng gestures na magpapakita ng pag gamit nito ng
kapangyarihan sa mga bata) ok kids! Let’s see what you’ve got on your head!
INVISIBOY: Ang mga bata... hindi sila apektado ng kanilang nabasa.
MARIA C: Hindi sila apketado ng kanilang nabasa mula sa Pahina
INVISIBOY: Hindi sa pahina
MARIA C: (magugulat tatakbo papunta malapit sa tatlo)

41
INVISIBOY AT MARIA C: Ang Internet!
MARIA C: Kailangan may magawa tayo para pigilang ang internet!
FLASHLIGHT: Bakit ngayon mo lang sinabi Jaime?
MARIA C: Nabasa ko naman sa isip ng mga bata.
INVISIBOY: Parang sinasadya na makalimot ako sa bagay na yun.
MARIA C: Kailangan makapaghanda tayo dahil mabilis ang pagkalat nito sa internet. Sa punto
ngayon ay hindi lamang mga bata ang maapektuhan kundi ang buong syudad.
FLASHLIGHT: magandang bagay parin na nalaman natin ito .
INVISIBOY: (sisigaw ng malakas at mawawalan ng malay)
MARIA C: hayaan muna nating makapagpahinga si Jaime, maya-maya ay darating ditto ang
kanyang kapatid na si Inigo
KIDLATKID: (naeexcite dahil nakakita siya ng exposure sa mangyayaring ito) Ganun pa man excited
na ako sa mga aksyon na magaganap (nakangiti)
FLASHLIGHT: Ano pang impormasyon ang nakuha mo sa mga bata?
MARIA C.: ok ganito yun, nabasa ko sa mga isipan nila na nagmumula sa Information and
Communication Technology System ng deped ang mga maling impormasyon na
nababasa ng mga bata at ito ay kumakalat pa hindi lamang sa libro pati sa mga sites sa
internet. Naiupload na ito at naka auto-run na maaring mabasa sa mga ads at social
media sa nakakaakit na paraan. Nakita ko rin na may kinalaman ang RH sa
pagpapalaganap ng mga problemang ito.
FLASHLIGHT: wala ka bang nakuhang impormasyon sa kung sino ang puno nito?

BIGLANG PAPASOK SA ENTABLADO ANG ISANG ROBOT NA YAPOS YAPOS SI SLICK NA HINDI MAKAGALAW.
SUSUNDAN AGAD NG PAG PASOK NI THE MAKER NA PARANG BATANG NAG-AANGAS.

THE MAKER: May isang akyat bahay na mukhang may balak na gawin sa inyo...
SLICK: Anong magnanakaw? May kakausapin ako ditto.
MARIA C: (nakatingin sa bata) Iho, ikaw siguro si Bhoy Ramirez. (tingin naman kay slick) At ikaw
naman si Inigo.
KIDLAT KID: Mukhang namumukhaan ko nga... yan ang madulas na kapatid ni Jaime.
THE MAKER: (tugon kay maria c) Ako nga po. At Miss mukhang ikaw ang boses na naririnig ko kanina.
MARIA C: oo iho... maaari mo na bang utusan ang iyong robot na pakawalan si Inigo.
THE MAKER: (sa robot) botbot pakawalan mo na sya... Pasensya na kayo... sabi nyo kasi sakin dapat
walang makaalam sa pagpunta ko ditto. Eh nakita ko siya parang may masamang balak.
PAKAKAWALAN NG ROBOT SA PAGKAKAHIGPIT SI SLICK. MAGKUKUNWARING OKAY LANG SI SLICK NA HINDI
KINAKAPOS NG HININGA.
SLICK: (nauubo ng konti) Okay yang robot mo ha. Malakas! Muntik ko ng bigyan ng madulas.
MAPAPANSIN NA NI SLICK ANG KANYANG KAPATID NA SI INVISIBOY.
SLICK: Tol? (lalapitan ang kapatid)
MARIA C: Yan ang isa sa dahilan kung bakit kita pinapunta dito.
SLICK: Tol? Bakit nyo sya itinali?
MARIA C: Kailangan syang itali dahil nanlalaban siya. Apektado ang utak nya ng halimaw. Lumalala
na ngayon sapagkat nawawalan na sya ng malay at mas madalas na siyang sumpungin.
SLICK: Matapang yang kuya ko. Sya ang nagturo sakin na matutong mag-isa.
MARIA C: Kailangan ka naming sa aming grupo... hindi mo kailangang mag-isa ngayon. Kailangan
ka ng kuya mo.
SLICK: Iba ako sa kuya ko. Hindi ako mabuting tao. Makakasira lamang ako.
MARIA C: pero nakita mong kailangan ka ng kuya mo.

42
INVISIBOY: (sisigaw muli ng malakas)(muling mawawalan ng malay)
MAPAPATINGIN LAMANG SI SLICK SA KUYA HABANG LUMALAPIT SA KAPATID.
MARIA C: Sige, samahan mo muna ang kuya mo habang nag-iisip ka. Maiwan ko muna kayo diyan.
Kausapin mo lang siya ng kausapin para hindi sya matalo ng halimaw sa utak nya.
LALAYO MUNA SI MARIA C SA MAGKAPATID AT TUTUNGO SA BAHAGI NG ENTABLADO PARA PAUNLAKAN SI
THE MAKER.
MARIA C: Ikaw ba ang lumikha ditto sa robot na ito? (turo sa robot)
THE MAKER: oo ayos ba! (pagyayabang)
KIDLATKID: Ang gara mo namang bata ka! (manghang mangha)
FLASHLIGHT: Tamang-tama ang mga inbensyon mo na panlaban sa mga masasama
THE MAKER: Marami pa akong gustong gawin, bakit nyo ba ako pinapunta dito.
MARIA C: Gaya ng sinabi ko sa kanina pi-(puputulin ni Flashlight)
FLASHLIGHT: Ok sige, andito ka para maging bahagi ka ng FHL
THE MAKER: Bakit ko kailangan sumali ng fhl? Baka maipahamak ko lamang ang sarili ko dito.
MARIA C: Hindi ka ipapahamak ng FHL... tumingin ka sa mga kaharap mo ngayon. Ditto ka
nababagay. Isang kang bata na may kagilagilalas na kapangyarihan. Huwag mong
sarilinin ang iyong laban. Tutulungan ka namin at tutulungan mo kami. Magtutulungan
tayo iho. The Maker, tulungan ka namin para mas lalo mo pang mapaunlad ang sarili
mo.
THE MAKER: Hindi naman talaga ako dapat nag-iisa kung walang mga taong pumatay sa Nanay ko,
Ang tistser ko na nag ampon sa akin.
MARIA C: (ngingiti) tingnan mo ulet ang nasa paligid mo... hindi ka na mag-iisa... andito
ako...sumali ka na sa fhl, kailangan ka namin…. (yayakapin si the maker)
THE MAKER: (ngingiti na parang kakilala nya ng matagal si maria c.) ah sandal lang po!
LILIBUTIN ANG PALIGID NG HEADQUARTERS NA PARANG BUMUBUO NG PLANO. ISA-ISANG PAPALIBUTAN
ANG ANG MIYEMBRO NG FHL. IIKUTAN ISA-ISA SA HARAP AT LIKOD. IAANGAT ANG MGA KAMAY NA PARANG
MANGUNGULIT.
THE MAKER: Oh sige!
KIDLAT KID: Sasali ka na sa amin?
THE MAKER: Opo Pero sa Isang Kundisyon!
LAHAT: (sigaw lahat) Ano?!!!
LALABAS NG ENTABLADO SI THE MAKER AT ANG LAHAT SA ENTABLADO AY PALAISIPAN AT SA MULING
PAGPASOK NI THE MAKER MAY HIHILAHING MALAKING KAHON NG MAY LAMAN NG MGA KAGAMITAN AT
MGA LUMANG BAGAY.
MUSIKAL 2: AWIT NG MGA KAGILAGILALAS NA MGA BAYANI
THE MAKER: Ang kondisyon sa akin ay itinuro
Ng aking nanay at mapagmahal na guro
Sa Lahat ng lumang bagay natin itutuon
Dapat ay pakinabangan at hindi lamang itapon
Iyan ang kondisyon upang kapangyarihan
Maging bukas-payapa kamtin ang kalayaan

Kayang kaya ba natin FHL?

INSTRUMENTAL. ISA-ISANG SASAGOT NA KAYA NILA. MARTSA AT GAGAWA NG FORMATION. HIHIKAYATIN SI


SLICK NA MAKISALO. HABANG SI THE MAKER AY TINITINGNAN ANG MGA KASUOTAN NG FHL HABANG
INIIKUTAN ISA-ISA.

43
FHL: Kayang kaya ko! Kayang kaya mo!
Kayang kayang kaya nating lahat
Kayang kaya mo! Kayang kaya ko!
Kayang kayang kaya nating lahat

THE MAKER: Kaya kong gumawa ng may kwentang bagay


Tatalab-kapangyarihan patay man o buhay
Kaya kong lumikha ng kahit anong makulay
Gilas, puso at diwa lahat ay may saysay
Kung kayang kayang ko ay kaya nyo
Kayang kayang kaya nating lahat

FHL ano ang kaya nyo!

HABANG NAGSASAAD NG MGA KAKAYAHAN NG BAWAT ISA. SI THE MAKER AY TILA GUMAGAWA NG KUNG
ANONG BAGAY SA KANYANG MALAKING KAHON.

FLASHLIGHT: Kaya kong magningas ng matinding sikat


Liwanag na bakas na sa kalaban ay bubulag

KIDLAT KID: Kayo kong higitan segundo at galaw


Bilis ng kidlat na sa laban ay tutunaw

LALAPIT SI FLASHLIGHT AT SI KIDLAT KID KAY INVISIBOY PARA IPUPPET

INVISIBOY: Kayang kong magawa ng nawawala


Lumusob sa kalaban ng walang kamalay-malay

SLICK: Sasali na ako!

FLASH AT KID: Ikaw ? Anong kaya mo!

SLICK: Ako ba?

FLASH AT KID: oo ikaw!

SLICK: Kaya kong maglabas ng lubhang dulas


Katas sa katawan na kagilasgilas
Ngayon ay handa na akong ipaglaban
Kapatid na kailangan at bagong kasamahan

Kaya sasali na ako!

THE MAKER: Ano naman ang kaya ng nag iisa nating dilag?

MARIA C: Ako ang inyong gabay sa lahat ng husay


Mula umpisa hanggang dulo ng galaw

44
Sa talas ng isip binabasang walang sablay
Kaya inyong mga lihim ay mahahalukay

MULA SA MGA GINAWA NI THE MAKER AY IPAPAMAHAGI ANG GAWANG MGA BAGONG KASUOTAN SA FHL.
ISUSUOT NG FHL.

THE MAKER: Kaya kong gumawa ng may kwentang bagay


Tatalab-kapangyarihan patay man o buhay
Kaya kong lumikha ng kahit anong makulay
Inyong mga kasuotan at kapangyarihang taglay
Kung kayang kayang ko ay kaya nyo
Kayang kayang kaya nating lahat

FHL ano ang kaya nyo!

FHL: Kayang kaya ko! Kayang kaya mo!


Kayang kayang kaya nating lahat
Kayang kaya mo! Kayang kaya ko!
Kayang kayang kaya nating lahat

Ito ang aming awit na sa inyo ay inaalay


Sa inyong harapan ipagtatanggol ang bayan
Ngayon ay handa na para kayo ay ipaglaban
Andito na kami sa inyong harapan

Ito an gaming awit...


Ito ang awit ang mga Kagilagilalas na Bayani ng Bayan!

ISUSUOT KAY INVISIBOY ANG KANYANG KASUOTAN. MAGIGISING SI INVISIBOY NA NAMUMULA ANG MATA
NA TUMATAWAG NG PAGSAMBA. SISIGAW NG MALAKAS AT MAGPAPAKITA NG BUONG LAKAS NA HINDI
MAKAKAYA ANG PAGWAWALA AT TATAKBO PALABAS.
INVISIBOY: Humanda kayo sa aming panginoon! Hindi nyo kami matatalo!

FLASHLIGHT: Maging alerto kayo! Maria C, gamitin mo ang telepath mo para hanapin mo si Vis! Scan
the place.
MARIA C: (gagamitin nya ang kanyang powers para hanapin si Vis) hindi ko siya madetect ng
telepath powers ko parang merong kung anong nag boblock sakin.
MANANAHIMIK ANG LAHAT AT AGAD-AGAD KOKONTAKIN NI MARIA C SI MR. X UPANG HUMINGI NG
TULONG LALABAS SI MR. X MULA SA PROJECTION NG ISANG MONITOR.
MARIA C.: Good day Mr. X nakahanap na po kami ng lead para masugpo ang mga kaguluhan na
nangyayari dito sa ating lipunan. Pero si Jaime ay tuluyan ng nasakop ng halimaw ang
buong isipan.
MR. X: Magandang impormasyon yan. Hayaan nyo muna si Invisiboy. Isama nyo nalang sa plano
mabawi siya sa mga kalaban. Ano ba ang maari kong maitulong sainyo?
FLASHLIGHT: Siguro Mr. X unang una kakailanganin naming ng suporta ng pinansyal upang
makakatulong sa paghahanda namin sa paglusob sa DepEd, pangalawa konting
impormasyon pa na maaring magamit upang maayos naming mapasok ang loob ng
DepEd. Malaki na ang naitulong sa amin ng bago naming kasamahan.

45
MARIA C: Siya nga pala Mr. X narito ang bago naming kasamahan. Si Slick, siya si Inigo ang kapatid
ni Jaime.
THE SLICK: Ikinagagalak ko kayong makilala Mr. X. Maasahan nyo po ang tulong ko. Kailangan nyo
rin po kaming tulungan na mabawi ang kuya ko.
MARIA C: At siya pala ang batang si Bhoy Ramirez, Si The Maker... Siya ang may gawa ng aming
bagong kasuotan at mga bagong sandata.
MR. X: Mabuti naman at napaunlakan ninyong dalawa ang FHL.
THE MAKER: tutulong po ako Mr. X... lalo na at ditto ko nakita ang tunay na kapakinabangan ng aking
mga gawang inbensyon.
MR. X; Kung ganun ay agad agad ko kayong padadalhan sa inyong account ng tulong Pinansyal,
at ang mga impormasyong maari nyong magamit sa pag-pasok ng Deped.
FLASHLIGHT: Maraming salamat po Mr. X.
BUBUKSAN NI MARIA C. ANG ACCOUNT NA IPINADALA NI MR. X KASABAY NG IMPORAMSYON GAMIT ANG
PAG PROPROJECT SA SCREEN AT MAKIKITA ITO NG BUONG FHL
MARIA C.: Eto na po Mr. X nakuha na po namin ang tulong na pinadala ninyo.
MR. X: Ok sige, nawa’y patnubayan kayo ng malikhaing may lalang sa misyon na inyong
gagawin. (Turn off ng pag fluflush sa screen ng mukha ni mr.x)
THE SLICK: (Mas lalong matutuwa) Magkakaroon na tayo ng perang pansarili?
THE MAKER: (Kay slick) Mukha ka talagang pera!
FLASHLIGHT: Tumigil kayo diyan! Gagamitin natin ang pera para sa ibang bagay na makakatulong satin
upang mapadali ang pagpasok natin sa loob ng deped.
KIDLAT KID: Sorry na nag suggest lang naman yung tao.
THE SLICK: (Maiinis kay flashlight) Okay… sige!
MARIA C.: (TATAWAGIN ANG ATENSYON NG MIYEMBRO) Ok guys eto na yung information na
kailangan natin para makapasok sa deped. Pag-aralan na natin
THE MAKER: Ano pang inaantay natin? Iplano na natin ang pagpasok dito upang matapos na ito sa
madaling panahon. Handa akong magpaiwan para sa isang malaking back up!

XV. SA KAMPO NI WHISPER. KABILANG PLANO

SA KABILANG DAKO NG FRAME AY MAKIKITA NAMAN ANG PAGHAHANDA NG GRUPO NILA WHISPER NA
BINUBUO NG RH BILANG PAGHAHANDA SA PAGPROTEKTA NG DEPED DAHIL NAKIKITA NI WHISPER ANG
BUONG PAGPAPLANO NG FHL DAHIL NASA ILALIM NG KAPANGYARIHAN NYA SI VIS.
INVISIBOY: Asahan nyo po panginoon na anumang oras mula ngayon ay lulusob FHL.
WHISPER: (Tatawa ng malakas) Ang tatanga nila! Hindi nila alam na planado ko lahat ng ito (evil
laugh)(tatawagin niya ang RH sa pagsigaw)
WHISPER: Republicans madali kayo!
RH: yes master!
WHISPER: Isama ninyo si Invisiboy sa inyong grupo. Maghanda kayong lahat dahil magkakaroon
tayo ng panauhin (evil laugh) paghandaan ang pagdating ng FHL at makakamit na ang
ating tagumpay. At ikaw Invisiboy... inaasahan ko na ibabahagi mo ang buong tiwala sa
amin.
INVISIBOY: Masusunod
RH: Masusunod po amo!

MAKIKITA SA ENTABLADO NA MAGUUMPISA NG KUMILOS SI WHISPER SA PAMAMAGITAN NG


PAGPAPAKILOS SA MGA TAO SA KOMUNIDAD NA SIYANG NAHAWAAN NA NG VIRUS AT ITO AY KANIYANG
INUTUSAN NA MAGDULOT NG ISANG MALAKIHANG SIGALOT SA BUONG KOMUNIDAD.

46
WHISPER: (kokontrolin na parang puppet) sige pa! Wasakin niyo silang lahat (tatawa) walang
ititirang hindi kaalyado! Lahat ng tumaliwas papatayin! (pabulong sa sarili) unti unti na
nating nakakamit ang pag asa panginoon (tawa ng malakas)

MAKIKITA SA IBAT IBANG FRAMES ANG PAGBABAGO NG ANYO NG MGA TAO AT NAGSISIMULA NA SILANG
MAGWALA AT KASABAY DIN NITO ANG PAGTUBO SA MGA KATAWAN NILA NG IBA’T IBANG PARTE NG
HARDWARE NG ISANG COMPUTER NA SIYA MAGPAPAMUKA SAKANILA NA ISA SILANG MALA HALIMAW NA
KINAKAIN NG INTERNET ANG BUONG PAGKATAO, MAGMAMARTSA SILA SA BUONG LUGAR NANG TEATRO AT
SA ENTABLADO. MAGLALABASAN DIN ANG MGA SUNDALONG NAGING APEKTADO NARIN AT DITO
MAGSISIMULA ANG KIOSK NA HINAHANGAD NI WHISPER NA MANGYARE. MAGIIBA ANG ILAW AT MAG
FOFOCUS LAMANG ITO KAY VIS. SASAKIT ANG ULO NITO AT TILA MAY NILALABANAN SIYA SA KANANG SARILI.
HIHINTO NG BAHAGYA SI VIS AT BIGLANG AATAKE SA KAPWA NIYA HFL. SA PAGPASOK NG FHL. ANG LAHAT
NG NILALANG AY HIHINTO AT WARING SASAPI SA DISENYO NG ENTABLADO NA BAHAGI NG CIRCUIT PARA
MALINLANG ANG BUONG FHL.

MUSIKAL 3: LABAN NG MGA KAGILAGILALAS NA BAYANI


(tensyonado pero handa na sa bakbakan)
FLASHLIGHT: Andito na tayo!
Buksan ang inyong mata sa paligid
SLICK: Walang kakaiba nakikita sa paningin
KIDLATKID: Ganyan manahimik ang handang kalaban.
FLASHLIGHT: Alerto ka lang! Kaibigan

(maglalakad na sila sa entrance ng deped

MARIA C.: Kutob at dama sa akin ay kakaiba


FLASHLIGHT: Kilos-tapang kailangan hayo at tara na.
MARIA C: Buo naman ang isip humandang isa-isa
KIDLAT KID: Galak sa paglusob kaya’t rock en roll na!

FLASHLIGHT: (pasalita)Slick ikaw ang bahala sa paghahanap kay Jaime. Kailangan mong maisuot sa
kanyang ulo ang kanyang sandata para manumbalik sya sa atin.
BAGO PA MAN NILA MAPASOK ANG ENTRANCE NG DEPED AY AGAD SILANG HAHARANGIN NG RH.
(Tatawa ng malakas)
REPUBLICAN: Maligayang pagdating sa aming panauhin
FHL saan ang punta, kayo’y aming lilipulin
RED: oh bakit litaw ang kaba huwag damdamin
Matatapos na ang takot kayo’y papaslangin

MAPAPALIBUTAN SILA NG RH PERO NAPAGHANDAAN NA NILA ANG MGA ITO, HAHARAPIN NI FLASHLIGHT SI
REPUBLICAN, SI MARIA KAY RED, MAGKAKASAMANG HAHARAPIN SLICK AT KIDLATKID SINA CUTTER GRIPPER
AT OBSCURO.
MARIA: (Kinakabahan) Ang republicans!
(sa Republicans)
FLASHLIGHT: Inyong alalahanin kahit saang palabas
Nagagapi sa isip ng konsenya ni hudas
Walang masasama ang nananalo sa patas
Sarili nyo parin ang sa inyo ay totodas

47
REPUBLICAN: Huwag kayong magpaloko sa planong dehado
Sa hina ng pwersa tumba kayo sigurado
Sa aming porma simula palang kayo ay talo
Tanggapin ang kamatayan tiyak at pihado

Simulan ang Laban! Ano ang kaya nyo?! (evil laugh)

UMPISAHAN ANG LABAN.


FHL: Kaya namin gumawa ng may kwentang bagay
Tatalab-kapangyarihan patay man o buhay
FHL ang lilikha ng panibagong kulay
Gilas, puso at diwa lahat ay may saysay
Kung kayang kayang nyo mas kaya namin
Kayang kayang kaya naming lahat

REPUBLICAN: (magtatangkang maglabas ng baril mula sa kaniyang braso)


Gutling Stra- (Mapuputol agad angkaniyang pag-atake dahil naunahan siya ni
flashlight)

FLASHLIGHT: sun rays!


Kaya kong magningas ng matinding sikat
Liwanag na bakas na sa kalaban ay bubulag
Ikaw na syang puno ang napaghandaan
Lahat ng liwanag ko ay sa iyo ilalaan

TATAMA SA BANDANG BALIKAT AT BABAGSAK MULA PAGKAKALIPAD SI REPUBLICAN PERO MAKAKALABAN


PA SIYA AT HINDI GANUNG KALUBHA ANG SINAPIT NIYA.
REPUBLICAN: (NGINGISI AT TATAYO) nagsisimula palang tayo!
MAGLALABAN NG MANO-MANO ANG DALAWA SA PAMAMAGITAN NG KANILANG PISIKAL NA LAKAS. AT
KASABAY NITO MAKIKITA SA KABILANG DAKO NG FRAME ANG LABANAN SA PAGITAN NI RED AT MARIA C.
RED: (mataray) ano tatayo ka lang diyan? (Pasugod kay maria c.)
AGAD NIYANG MATATALI SI MARIA C SA PAMAMAGITAN NG KANIYANG LASONG PULA
MARIA C.: (ngingiti at palaban na sasabihin) bakit akala mo panalo kana diyan?
Ako ba ang iyong kapantay sa lahat ng husay?
Mula umpisa hanggang dulo ng galaw
Sa talas ng isip binabasang walang sablay
Kaya inyong mga lihim ay mahahalukay

LILIKHA NG GESTURES NA MAGPAPAKITA NG KANIYANG KAPANGYARIHAN NA MAGKOKONEKTA SA UTAK NI


RED. MABABASA ANG KAHINAAN NI RED. MAGLALABAS NG ALINGAWNGAW SI MARIA C AT MAI-IMOBILIZE SI
RED. BAHAGYA RING MABIBINGI ANG BUONG REPUBLICAN. AGAD MATATALO NI MARIA SI RED NGUNIT
MALAKING BAHAGI NG KANIYANG LAKAS ANG NAWALA DAHIL KAPANGYARIHAN NA GINAMITA NIYA, SA
KABILANG DAKO NAMAN NG FRAME AY MAKIKITA ANG PAGHAHARAP NINA VIS KIDLATKID AT SLICK KINA
CUTTER GRIPPER AT OBSCURO.
GRIPPER: (agad susugurin sa slick) (habang nakagripsa buong katawan ni slick)
Nakakita ka na ba ng tiniris na pulgas at kuto?
O surot na piniit at siniit ng matitigas na kuko

48
Ganyan ko dudurugin nakakaawa mong buto
Dito ka matutudas at puksa kang totoo
(tatawa at at hihigpitan pa ang hawak sa buong katawan ni slick)

SLICK: oops! Easy dude (tatawa at maglalabas ng madulas na likido sa buong katawan nito
upang upang dumulas ang hawak ni gripper)

Kaya kong maglabas ng lubhang dulas


Katas sa katawan na kagilasgilas
Ngayon ay handa na akong lalaban
Kahit ano pang tatag mo higpit ay lilipas

GRIPPER: gaganahan din pala ako sayo (tatawa)


SLICK: anong sayo? Samin tanga!
Maglalabas siya ng madulas na likido sa buong kalapagan na tinutungtungan ng rh at agad agad susugod sila
kidlat.
KIDLATKID: patay na kayo mga boy (tatakbo ng mabilis at aatakihin niya si obscura)
MAKIKITA SA ENTABLADO ANG PAGLALABAN NG APAT GAMIT ANG KANILANG PISIKAL NA LAKAS NGUNIT
MATATALO AGAD ANG RH DAHIL NAPAPALIBUTAN SILA NG MADULAS NA LIKIDO NA SIYANG
NAGPAPABAGAL SA KANILANG KILOS DAHIL SILA AY NADUDULAS KAPAG MALI ANG KANILANG KILOS, AGAD
SILANG MAGUGULPI NINA SLICK VIS AT KIDLAT.
KIDLAT KID: Kayo kong higitan ang segundo at galaw
Bilis ng kidlat na sa kasamaa’y tutunaw
Lalabanan ang dilim na sa kalaban ay sisilaw
Lapit mga isip halimaw ng kayo’y aking mahataw

(lalabas ang anino niya sa likod ni kidlatkid habang papalapit itong aatake at hindi ito makakagalaw si kidlat)

OBSCURO: Hindi ka pa ba nadala sa karipas at bilis


Kagaya ng liksi’t lipad na duwag na ipis
Kahit anong bilis anino mo din ay tatalilis
Na aking kakampi at susunod ng hapis

KIDLATKID: Slick! Madali!


AGAD AGAD SUSUGOD SI SLICK KAY OBSCURO UPANG MAPAKAWALAN SI KIDLATKID NGUNIT HAHARANGIN
SIYA NI CUTTER AT GRIPPER.
GRIPPER: hindi kana makakawala sapagkat hawak na kita!
CUTTER: Huli ka! Alam na naming ang mga galaw mo!
SLICK: Ang sabihin mo basang basa ako!
Sa lapot ay hindi papahuli sa mga kamay nyo

HAHAWAKAN NG DALAWA SI SLICK NGUNIT MAKAKAPIGLAS ITO SA SOBRANG DULAS NIYA MAA-UPERCUT NI
SLICK SI OBSCURO AT MAPAPATUMBA NIYA ITO AT MAKAKAWALA SI KIDLATKID
OBSCURO: (tinitiis ang sakit) paano nang... (mawawalan ng malay)
KIDLATKID: Hinding-hindi mo na kame kayang maiisahan
Napansin ko ang kahinaan mo noong huling laban
Sa dami ng iyong aninoy isa lang kayang tapatan
At noon pa sana kaming FHL ay lubos ng talunan

49
(pasalita)
Kaylangan ko lang ng isang taong aatake sayo na makakalusot sa depensa mo. Yung
parang palos.
SLICK: Parang ako! Kayong dalawa? Handa naba kayo?
POPORMA SI KIDLATKID NG PARANG KASALI SA ISANG MARATHON AT SI SLICK NAMAN AY NAKAPORMA NA
PARANG REFEREE SA ISANG MARATHON.
SLICK: (habang nakataas ang isang kamay na may imaginary na baril) 3.. 2.. 1.. GO!
SUSUGOD SI KIDLATKID AT PAGBALIK NYA KAY SLICK AY NAKATUMBA NA ANG DALAWA. ISA-ISANG
MAKOKORNER ANG LAHAT NG RH SA GITNA NG ENTABLADO AT MAKIKITANG PAGKAPANALO NG BUONG FHL
PARA SA HULING SABY-SABAY NA ATAKE
FHL: Kayang kaya ko! Kayang kaya mo!
Kayang kayang kaya nating lahat
Kayang kaya mo! Kayang kaya ko!
Kayang kayang kaya nating lahat

Ito ang aming awit na sa inyo ay inaalay


Sa inyong harapan ipagtatanggol ang bayan
Ngayon ay handa na para kayo ay ipaglaban
Andito na kami sa inyong harapan

Ito an gaming awit...


Ito ang awit ang mga Kagilagilalas na Bayani ng Bayan!

KASABAY NG PAGKAPANALO NG MGA FHL LABAN SA RH AY ANG PANGHIHINA NG KANILANG KATAWAN


DAHIL SA SOBRANG LAKAS NA KANILANG IBINIGAY SA LABAN NA IYON, MAARING MAIPAKITA ANG LABANAN
NA ITO SA PAMAMAGITAN NG PAG –SAYAW O IBA PA. LALABAS SI INVISIBOY AT ISA-ISA NILANG LALAKUAN
UPANG MULING MAPABALIK SA KANILA.

SLICK: (makikita ang silhouette kuya) Kuya? (mawawala)


MARIA C: lumapit ka sa amin?

MAPAPANSIN NG FHL NA GUMAGALAW ANG MGA RH. UNTI-UNTING TUMATAYO NA WARING MAY
TUMUTULONG SA KANILA. NANG ISA-ISA NANG NAKATAYO ANG RH AY TATAGO LAMANG SI INVISIBOY SA
LIKOD UPANG HINDI MAKITA NG MGA MANONOOD. WARING PINAPUPPET NI INVISIBOY ANG RH NA
WALANG MALAY.

FLASHLIGHT: Jaime, Invisiboy, magpakita ka!


KIDLAT KID: Kami ang kakampi mo!
SLICK: Kuya andito na ako... kasali na ako sa grupo gaya ng pangarap mo.
FLASHLIGHT: Kami ito ang katulong mo.... ang kakampi mo! Kami ang mga kaibigan mo.

IPUPPET NI INVISIBOY ANG RH.

RH SABY-SABAY: Hindi kayo ang dapat kong sundin. Nag-iisa lamang ang aking panginoon. Isa lamang an
gaming pupuksain... Kayo FHL at aming babaguhin ang mundo!
MARIA C: Invisiboy,hindi ikaw yan! Lumaban ka!

50
UNTI-UNTING NAGHIHIWAHIWALAY ANG RH NA WARING PASUGOD SA FHL

FLASHLIGHT: Humanda kayo FHL... wala ng magagawa ng RH kaya iwasan nyo sila ng hindi masaktan
si Jaime.
KIDLAT KID: Sige nakikita ko nang lumalabas ang aninag ni Invisiboy!
FLASHLIGHT: Slick, Ihanda mo ang Kasuotan ni Invisboy... Unahan nating maisuot nya sa ulo ang
upang malabanan nya ang eimpeksyon sa utak. Ikaw Maria C. Kausapin mo lang ang isip
ni Jaime.
UNTI-UNTING AATAKIHIN NG FHL ANG RH UPANG MAIWASAN.

MARIA C: (pasalita)Invisiboy, nararamdaman ko na malakas ka pa.

Batid ko ang takbo ng iyong isipan,


lungkot man o saya ng buhay
Batid ko rin ang nais at pagpapasya
ng iyong isipan ay katarungan

(pasalita) Tutulungan ka naming labanan ang halimaw sa isip mo.

Taglay ko at ng iyo ang laban,


ang bigat at hirap sa kalooban
Ninanais kong tayo ay kapwa,
iisa lamang sa ating mga pangarap

(pasalita) Jaime, ako ito lumalapit sayo... hindi mo na kailangan sabihin... mahal din kita!

Laman ka ng aking isipan,


iisa lamang ang ating landas
Nababasa ko ang iyong gawi,
gusto at balak sa bukas

MASASAKAL NI INVISIBOY SI MARIA C NGUNIT MAIPUPUTONG NAMAN AGAD NI SLICK ANG KASUOTAN SA
ULO NI VIZ. TULONG TULONG ANG LAHAT NG FHL KAY VIZ UPANG MASAGIP. SISIGAW NG MALAKAS SI
INVISIBOY UPANG TULUYANG MALABAN ANG HALIMAW SA UTAK.

MARIA C: Kapwa tayo ay nagmamahal,


INVISIBOY: kapwa tayo ay naglalakbay
Tayo ay iisa at magkasamang
haharapin ang laban

MATUTUMBA SI INVISIBOY AT AGAD NA IRIREVIVE NG MGA KAIBIGAN HANGGANG MULING MAGKAMALAY.


IPAPAKITA NA UBOS ANG LAKAS NG LAHAT.

FLASHLIGHT: Invisiboy, Ayos ka na ba?

SLICK: Kuya!

KIDLAT KID: Jaime

51
MARIA C: Kasama na nati sya! (nagingiti ngunit mawawalan ng malay)

FLASHLIGHT: (iyuyogyog ng bahagya) Jaime!

INVISIBOY: Maraming salamat!


SLICK: (aapuhapin ang kamay at magyayakapan) Mabuti na man Kuya!

INVISIBOY: Kasamahan ka na talaga namin Inigo. (haplos sa ulo) (sa FHL) napanood ko ang lahat!
Kitang kita ko ang lahat ng nagyari! Naramdaman ko ang Halimaw sa utak ko. Nilabanan
ko ang lahat. Alam ko na ang lahat kaso hindi ko magawa ang iniisip ko...ang masama
may hawak ng mga kamay ko kanina. Sugurin na natin si The Wispher! (makikita si
Maria C pupuntahan) Maria C!

MARIA C: Okay lang ako Jaime! (itatayo ni Invisiboy)

FLASHLIGHT: Kulang ang lakas natin! Pero kailangan natin maghanda at lumaban.

KIDLAT KID: Lalaban parin ako!

SLICK: Ako rin!

INVISIBOY: Kasama nyo ako sa laban na ito.

HALATA ANG PANLALAMBOT AT KAWALANG LAKAS NG FHL. NGUNIT BUO AT MATATAG NA IPAPAKITA ANG
POSITIBONG PAGHARAP SA LABAN. PAGPASOK NILA SA ICTS MAIN HALL BUBUNGAD SA KANILA ANG MGA
ESTUDYANTE, PULIS, MGA SUNDALO, MGA PILING TAONG BAYAN NA INFECTED NG VIRUS AT SILA
MAGTATRANSFORM BILANG ISANG MALAKING HALIMAW (PUPPET)

BAHAGI NG AWIT MULA SA BULONG

WHISPER: Ang idinudulot ng katahimikan ay nakabibingi!


Ibubulong ko nalang sa maingay na katahimikan ang sakdal ng kadiliman!

Ibubulong ko sa hangin
Nang inyong marinig ang silakbo ng aking pagbabalik
Ibubulong ko sa mga tulog ninyong isipan
Nang ang kasamaan ay manuot sa diwang naghihilik
Ibubulong ko rin ang galit
Nang mamunga sa tagal kong pagkakahimlay ang ganti
Ibubulong ko rin ang pait
Nang sumiklab ang kasamaan laban sa mabubuti

KORUS Ito ang aking bulong na mas malakas pa ingay ng kulog


Ako ang alingawngaw na dudungis at lalason sa puso at isip
Sigaw ng katahimikan na sa kaliwanagan ay dudurog
Pasisinungalingan ang katotohanang patuloy na pumapait.

52
Tanggapin nyo ang aking bulong!

FLASHLIGHT: Simula palang, alam ko nang ikaw ang may kagagawan nito The Wispher. Hindi ako
nagkamali sa kasaysayan. Ferdinand Talisay!

INVISIBOY: Hindi ka na makakapagtago Kalihim Luis Tamayo. Ang naglason ng Utak ng Bayan!
Mananagot ka sa batas!

KIDLAT KID: Labanan natin sya!

SLICK: Nakahanda na ako!

THE WHISPER: Hindi ako lumalaban sa mahihina!

MARIA C: Hindi mo maiitago sa akin ang iyong pangamba The Wispher!

THE WHISPER: Papanoorin ko lamang kayo mga inutil. Ipapakain ko sa aking mga alagad ang inyong
utak at mamaya ay kasalo nyo na ako sa kadiliman!

FLASHLIGHT: FHL! Sa inyong posisyon!

TUNOG NG KORUS NG AWIT 1

Andyan na kami! Andyan na kami!


Kami ang FHL
Kami ang nariyan at handang maiwan
Kami ang natitirang handang lumaban
Mga superhero walang dulo ang hangganan
Andyan na kami! Andyan na kami!
Sino ba ang FHL?
Kami ang Filipino Heroes League

SA LUBOS NA KAHINANAAN NG GRUPO AY HINDI NA ITO MAKAKALABAN. HINDI RIN TATALAB ANG
KANILANG KAPANGYARIHAN. IISA-ISAHIN SILANG MASASAKOP NG MGA GALAMAY NG ISANG MALAKING
HALIMAW NA PUPPET! TILA NAKAPIIT NA SILA NA HALOS TAGUMPAY NA ANG KADILAMAN.

THE WHISPER: KORUS Ito ang aking bulong na mas malakas pa ingay ng kulog
Ako ang alingawngaw na dudungis at lalason sa puso at isip
Sigaw ng katahimikan na sa kaliwanagan ay dudurog
Pasisinungalingan ang katotohanang patuloy na pumapait.

INVISIBOY: Hindi kailaman natatalo ang FHL!

SLICK: Hindi ako papayag kuya... Unang laban ko to para sa kabutihan!

FLASHLIGHT: Ipunin nyo ang inyong lakas mga kasama. Huwag muna kayo lumaban.

53
KIDLAT KID: Huwag ninyong tatanggapin ang transmisyon sa utak... labanan nyo

MARIA C: Sa ngalan ng mga Matatandang FHL! Kamatayan lamang ang pupuksa sa atin!
(mawawalan ng malay)

INVISIBOY: MARIA C! Mahal ko! (makakapiglas at makakawala sa galamay at matutunguhan ang


kinaroroonan ni Maria c!) Lalaban tayo Maria C! Magpahinga ka lang sa braso ko!(muli
silang mapapalibutan ng Galamay)

MAGSISIMULANG LUMIWANAG ANG SITWASYON MAY MGA PAHE, GURO AT MARURUNONG ANG
ALINGAWNGAW ANG PAGSIGAW PAPASOK SA KINALULUGARAN NILA. MARIRINIG ANG SIGAW NG
PAGLABAN. LALABAS SI THE MAKER.

THE MAKER: Mga Kasama! Andito na ako at kasama ko ang buong lakas na pwersa at back up!

The WHISPER: At sino na man itong batang paslit sa harapan ko? Isang pitik ko lamang ay isa nay an sa
galamay ko.

THE MAKER: (buong yabang) Ah ganoon ba? Kung sino ko mang hinayupak na halimaw ka Manood
ka na lamang. (sigaw sa mga kasama) Mga minamahal kong guro Pasok! (bubungad ang
isang tila malaking FLASHDRIVE)

AWIT 6: (MARTSA) GURO NG BAYAN

Gurong dakilang may pananagutan


Busilak ng puso ang nagsisinsin
Kabayanihan ay hindi usapan
Ang sakripisyo ang magtuturan

Sa tama at mali, sa dunong at payapa na buhay


May tiyaga sa hirap ang layon sa paglaya ng bayan
Sa loob at labas ng paaralan, tuloy ang pagmamahal
Ang aral ng kasaysaya’y kailaman pa may di maliligaw

Katotohanan laban sa katiwalian


Dakilang layon sa katuwiran
Aming pag-asa’y ang bayan ay magagamot
Guro ng Bayan ang sasagip sayo

Kami ang Guro para sa tamang Edukasyon!

MAGTATRANSFORM BILANG ISANG MALAKING ROBOT (PUPPET) NA LALABAN SA ISANG MALAKING


HALIMAW(PUPPET) DALA-DALA NI THE MAKER ANG USB NA NAGLALAMAN NG TAMANG EDUKASYON AT
IMPORMASYON NA KUNG SAAN AY ISASAKSAK NILA PARA MATIGIL NA ANG PAGLAGANAP NG MALING
EDUKASYON MAISASAK SA PUSO NG ISANG MALAKING HALIMAW NA NAKAUGNAY KAY THE WISPHER

54
MATATALO NILA AT MABUBUWAG NILA ANG MALAKING HALIMAW AT BABALIK NA SA KATINUAN ANG
LAHAT NG NA APEKTUHAN NITO KASAMA ANG ESTUDYANTE, PULIS, SUNDALO, AT PILING TAONG BAYAN.

MARARAMDAMAN NA NILA ANG MATAMIS NA TAGUMPAY AT IPAGPUPUYANGI NILA ANG FHL. LALABAS SI
THE WHISPER AT TATAWA NG MALAKAS.

INVISIBOY: (sarkastiko) Parang nanunumbalik na ang lakas ko.

SLICK: Kuya... Parang ako rin

KIDLAT KID: eh di ako na bahala sa halimaw na to? Tapusin na natin ito.

THE WHISPER: magdiwang na kayo dahil ang pagbabalik ay isang mas malakas ng pwersa na lulukob sa
lakas! (lalabas na entablado)

SLICK: Nakatakas ang loko!

MARIA C: Pabayaan muna natin sya. Kailangan natin gumawa ng mas magaling na plano. At isa pa
Kailangang managot ni Kalihim Luis Tamayo sa Batas.

FLASHLIGHT: The Maker, maraming salamat sa malakas na back up!

THE MAKER: Wala pong anuman. Sinabi ko naman pos a inyo na darating ako.

INVISIBOY: (Lalapit kay Maria C) Ma... Ma... Mahal... (natotorpe)

MARIA C: Huwag mo nang sabihin alam ko na!

MAGHAHALIKAN SILANG DALAWANG AT SISIGAW ANG BUONG PAMAYANAN NG TAGUMPAY!

TAONG BAYAN: MABUHAY ANG MGA LIGA NG MGA KAGILASGILAS NA BAYANI!

MABUHAY!

MABUHAY ANG FHL!

MABUHAY

SA ISANG SULOK NA MAY CIRCUIT SYSTEM AY LALABAS ANG ISANG VIDEO.

MR X: Binabati ko FHL sa Inyong Tagumpay! Ngunit Kailangan kayong Magmadali para sa isang
malaking pagpupulong! Oo, Kasama ang mga ibang Pioneer upang mabigay ng gabay!

MAGPAPATULOY ANG TAONG BAYAN SA KANILANG KASIYAHAN AT TULOY ANG PAGPUPUNYAGI NILA SA
FHL( PEOPLE POWER)

55
AWIT 7: KATOTOHANAN ANG KALAYAAN

Ang mundo ay likas na Malaya


Pantay pantay ang lahat ng kulay
Walang bakod at nagmamay-ari
Lahat ng karapatan ay nananatili

Ngunit nang ang pagtuklas ay nagsimula


Bato ay naging trono ng taong tinitingala
Ginto ay pinutong upang sundin ang dila
Ang wika ay nagturo ng mabuti't masama

Ngunit kung mundo ay malayang likas


Muling kulayan at padaluyin ang ningas
Iwaksi ang kasinungalingan ng diwa 
Katotohanan ang sati'y magpapalaya

Nalikha ang lipunan ng itaas at ibaba


Wala na'ng kahulugan ng layon sa kapwa
Napalitan ito ng pansariling diwa
Nagkaapak-apakan bumaha ng luha

Namayani ang kasamaan at bawal na gawa


Tama na ang mali at mali na ang tama
Lumikha ito ng halimaw na bahid ng katiwali
Tao ang naipit kung saan-saan pumipili

Ngunit kung mundo malayang likas


Muling kulayan padaluyin ang ningas
Iwaksi ang kasinungalingan ng diwa
Katotohanan ang sati'y magpapalaya

(LIGHTS CROSS FADE)


PUPUNTA SI THE WHISPER NA KANILANG HEADQUARTERS AT ISA ISANG MAGPAPAKITA SI THE TOUCH NA
ISANG PARI, VECTOR NA PNP CHIEF DIRECTOR, AT 101 NA KONGRESISTA.

THE TOUCH: Batid na naming ang iyong pagkagapi

THE WHISPER: Ipagpatawad panginoon!

THE TOUH: Magplano ng higit sa kanila. Iyon ang kailangan nating gawin... Vector at 101 sumunod
kayo sa aking dalawa. (maiiwan si the whisper)

THE WHISPER: (sa mga manonood) Humanda Kayo sa Susunod na Laban!

LIGHTS FADING OFF!

****************WAKAS***************

56

You might also like