You are on page 1of 3

Wika Natin ang Daang Matuwid

Sir Poy

Rebolusyon! Rebolusyon!
Natatanging tugon!
Rebolusyon! Rebolusyon!
Ang sa atiy humahamon!

Namumuhay sa banwang nooy sakdal laya


Sa bulawan ay saganat pamumuhay ay payapa
Inalipin ng nagkunwang inang mapagkalinga
Binusabos ang lahit tinatag enkomyenda

Unti-unting pinamukhang bayan natiy kawawa


Nilingap at binigyan ng mga santot santa
Hinubdan ng kulturat binihisan ng barot saya
Upang tayoy magmukhang negritang espanyola

Rebolusyon! Rebolusyon!
Natatanging tugon!
Rebolusyon! Rebolusyon!
Ang sa atiy humahamon!

Di-tumigil sa panulat mga bayaning propagandista


Sa buong Europa akda nilay nilalathala
Ikinalat, isiniwalat mga likot maling gawa
Pambubusabos, pandudusta sa bayan nating dakila

Nagngalit, nag-aklas bayaning katipunero


Sumugod, lumusob kahit sandatay buho
Hinarap ang kanyon at pistola ng mga mestizo
Sa hangaring kalayaan, kapalit man ay dugo

Rebolusyon! Rebolusyon!
Natatanging tugon!
Rebolusyon! Rebolusyon!
Ang sa atiy humahamon!

Bayan koy Ibinenta ng Espanya sa Amerika


Nagbunyi silat nagpista sa huwad na giyera
Pansamantalang nakatikim ng inaakalang paglaya
Sa ugat natiy pinadaloy, pagiging utak kolonya

Edukasyon ang instrumento nitong bagong bandido


Nilason ang pusot binihag ang pagkatao
Sunud-sunuran sa lahat ng kanilang ingunguso
Pinagpapalit-palit mga tutang pangulo

Rebolusyon! Rebolusyon!
Natatanging tugon!
Rebolusyon! Rebolusyon!
Ang sa atiy humahamon!

Ngayon nga ay nadako sa panahon ng pagbabago,


Daang Matuwid ang sigaw ng namumuno
Binago ang kalakaran sa tanggapan ng gobyerno
Mapagdudahang mga likoy pinatatalsik sa pwesto

Daang matuwid ang isinisigaw, pilit na inihihiyaw


Sa wika ba ay naibibigay o tunog lamang ng alingawngaw
Bakit sa pamantasan at ibat ibang tanggapan
Wikang itoy di mahagilap, hanapin mo kung saan-saan

Rebolusyon! Rebolusyon!
Natatanging tugon!
Rebolusyon! Rebolusyon!
Ang sa atiy humahamon!

Ngayon na ang panahon, panahon ng rebolusyon


Rebolusyon sa paggamit ng wikang tunay na makatutulong
Sa ehekutibo, lehislatibo at Hudisyaryoy isulong
Wikang Filipinoy gamitin, simulan sa edukasyon

Wika natin ang daang matuwid, ipakalat, ipabatid


Wikang magbubuklod sa atin itoy isang lubid
Maghihila sa pag-asa at pagbabagong ipinipilit
Magpapalayang ganap sa banyagang nanggigipit

Rebolusyon! Rebolusyon!
Natatanging tugon!
Rebolusyon! Rebolusyon!
WIKANG FILIPINOY ISULONG!

You might also like