You are on page 1of 1

WIKANG PILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAAN

AT PAGKAKAISA.
NI PAT VILLAFUENTE
Sa bawat panahon. Sa bawat kasaysayan. Sa bawat henerasyon. May palawakan ng isip
May palitan ng paniwala May tagisan ng matuwid Maging ito’y magbunga ng tuwa, ng lungkot,ng
ngiti,ng galit sila-sila’y nagtatagpo,kayu-kayo’y nagpapangkat

Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginagamit Wikang Pilipino! Wikang maka Diyos, makabayan
at
s makatao. Wikang naglalaos sa isipang makabansa Wikang nanunuot sa damdaming makalupa
At paisa isang dila pararaming labi, sama samang tinig
Bumubulong, sumasatsat, humihiyaw nagngangalit
Hinihiling Kalayaan! Katarungan! Kalayaan!
Katarungan!

Hanggang saan susukatin? Hanggang kalian bubuhayin? Hanggang kalian maaangkin? Layang
mangusap, layang sumulat, layang mamuhay, layang manalig, layang humalakhak, layang mangarap,
layang Maghimagsik! Maghimagsik! Maghimagsik! At, parang isang pangarap parang isang panaginip
Kasaysaya pala’y magbabago isang saglit Sa dakong silangan… sumilip,sumikat umiinit Sari-saring
mukha,magkakabalat,magkakadugo,magkakapatid Sama-samang gumigising, magkakapit-bisig,
nag-alsa’t timindig Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig Laban sa tirano, sa gahaman, sa
mapanupil, sa Mapagtupig

Bata’t matanda, propesyonal o di propesyonal Manggagawa, kawani, guro, mangangalakal


Mangingisda’t mabubukid, pari, madre, iskolar Sundalo, pulis, drayber, estudyante, istambay
At, lahat lahat na Sa sama-samang tinig, sa sama-samang lakas
Nagkakaisa, nagkakasama, nagkakasam, nagkakaisa
Mga bagong bayani ng bansang Republika
At...Wala nang dapithapon, Wala nang takipsilim

You might also like