You are on page 1of 2

WIKANG PILIPINO SA PAMBANSANG KALAYAAN AT PAGKAKAISA.

Ni Patrocinio Villafuerte
Sa bawat panahon
Sa bawat kasaysayan
Sa bawat henerasyon
May palawakan ng isip
May palitan ng paniniwala
May tagisan ng matuwid
Maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit
Sila-silay nagtatagpo, kayu-kayoy nagpapangkat
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
Wikang Pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan, makatao
Wikang naglalagos sa isipang makabansa
Wikang nanunuot sa damdaming makalupa
At paisa-isang dila, parami-raming labi, sama-samang tinig
Bumubulong, sumasatsat, humihiyaw, nagngangalit
Hinihingiy Kalayaan! Katarungan! Kalayaan! Katarungan!
Hanggang saan susukatin?
Hanggang kailan bubuhayin?
Hanggang kailan maangkin?
Layang mangusap, layang sumulat
Layang mamuhay, layang manalig
Layang humahalakhak, layang mangarap,
Layang maghimagsik
Maghimagsik! Maghimagsik! Maghimagsik!
Ah, parang isang pangarap, parang isang panaginip
Kasaysayan palay mababago sa isang saglit
Sa dakong silangan doon sa silangan
Ang sikat ng araw sumilip, sumikat, uminit
Sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugo, magkakapatid
Sama-samang gumising, magkakapit-bisig, nag-alsat tumindig
Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!
Laban sa tirano, sa gahaman, sa mapanupil, sa mapanlupig
Batat matanda, propesyonal at di propesyonal
Manggagawa, kawani, guro, mangangalakal
Mangingisdat magbubukid, pari, madre, iskolar
Sundalo, pulis, drayber, estudyante, istambay
At, lahat-lahat na
Sa sama-samang tinig, sa sama-samang lakas
Nagkaisa, nagkasama
Nagkasama, nagkaisa
Mga bagong bayani ng Bagong Republika
At
Wala nang dapithapon
Wala nang takipsilim
Wala nang lungkot, takot, luha, dusat hinagpis
Walang nang tanda, ng dustang pagkalupig
Bagwis ng ibong datiy pinabayaan sa tinig ng galit
Ngayoy nakalipad na umaawit, humuhumi, umaawit
Dahil Malaya

Dahil sa Wika
Dahil sa Lakas
Bagong kalayaay naririto ngayon
At nakamit natin nang buong hinahon
Ni walang digmaat pinapanginoon
May mabuting nasang taga sa panahon
At kung sakaling magbalik muli
Ang kasaysayang hininog ng isang madilim na kahapon
Muli, ang paisa-isang dila, ang parami-raming labi
At sama-samang tinig
Ang sari-saring mukha, magkakabalat, magkakadugot magkakapatid
Sama-samang gigising, magkakapit-bisig aalsat titindig
Lakas ng tao! Lakas ng bayan! Lakas ng daigdig!
Bawat buhay, masayat malungkot,
Magulot makulay, ay nakalimbag sa pahina ng kasaysayan.
Mula sa pagkakasilang, patungo sa kamusmusan,
Maging sa paglaki hanggang kamatayan.
Isa-isahin, isa- isahin, ang buhay ng mga dakilang tao sa daigdig:
Ng mga paham, siyentipikot mananaliksik, o ng mga guro,
Doktor, abogado, Mangingisdat magbubukid,
Bawat isa, may mithiin, may pangarap na nais makamit,
At isama, sa mga bituing, di masungkit-sungkit.
Iisa ang diwang kanilang pinapanday,
Iisa, ang mithiing sa puso nilay bumubukal,
Iisa rin, ang himig ng kanilang hinihiyaw:
Ang Pilipino ay, Kamiy PALAYAIN! Kamiy PALAYAIN!
O bayan kong minamahal! A, oo nga pala. Bilanggo sila ng sariling bayan!
Bilanggo!!! Bilanggo ng sariling bayan!
May piring ang mata, may busal ang bibig, may gapostanikala,/////
Silay mga buhay, ngunit, di humihinga,
Sila ang larawan ng masang hinahamak,
Lumuluha, nagdurusa sa bawat panahon, sa bawat kasaysayan,
Sa bawat henersayon,may palawakan ng isip, may palitan ng paniniwala,
May tagisan ng matuwid,
Maging itoy magbunga ng tuwa, ng lungkot, ng galit.
Sila-silay nagtatagpo kayo-kayoy nagpapangkat,
Tayo-tayoy nag-iisip, nagsusurit bumabalangkas.
Isang diwang nagpapasaya,
Isang wikang ginagamit,
Anong wika ang ginagamit?
Wikang Filipino!FI-LI-PI-NO!
wika, isang bansa.

You might also like