You are on page 1of 1

WIKANG FILIPINO SA PAMBANSANG PAGKAKAISA

Bawat buhay, masayat malungkot, magulot


makulay
Ay nakalimbag sa pahina nang kasaysayaan.
Mula sa pagkakasilang patungo sa kamusmusan
Maging sa paglaki, hanggang sa kamatayan.
Isa-isahin ang buhay ng mga dakilang tao sa
daigdig
Ng mga paham, siyentipiko, mananaliksik,
O ng mga guro, doctor, abogado, magingisdat
magbubukid;
Bawat isa, may mithin, may parangarap na nais
makamit
At isama sa mga butiun di masungkit-sungkit.
Sa bawat panahon
Sa bawat kasaysayan
Sa bawat henerasyon
May palawakan ng isip
May palitan ng paniniwala
May tagisan ng matuwid
Maging itoy mabunga na tuwa, ng lungkot, ng galit
Sila-silay natatago, kayu-kayoy nagpapangkat
Tayu-tayoy nag-iisip, nagsusuri, bumubalagkas
Isang diwa ang nagpasya, isang wika ang ginamit
Wikang pilipino! Wikang maka-Diyos, makabayan,
makatao
Wikang naglalagos sa isipan makabansa
Wikang nagnunuot sa damdamin makalupa
Kasaysayan palay mababago isang saglit
Sa dakong silangan doon sa silangan
Ang sikat ng araw sumilip, sumikat, uminit
Naantig ang diwang inaliping higit
tuminok ang pusong dating di pumipintig
Nagising ang ugat ng hapong mga bisig
Bawat isay nagkaisang mailantad sa daigdig
Ang mga pang-aaping sugat niyaring dibdib
Pangkat-pangkat, sama-sama, kapit-bisig bawat isa
Kilalat di-kilala, kaaway at di-kaaway
Mayamat mahirap, matalinot mangmang,
aktibistat militar
Nagkaisang ganap sa isang mithing kapanga-
pangarap
Propesyonal at di-propesyonal
Mangagawa, kawani, guro, mangangalakal
Estudyante, iskolar, istambay
Sundalo, pulis, drayber, pari, madre, mangingisdat
magbubukid
Nagkaisa, nagkasama
Nagkasama, nagkaisa
Ang wikang ginamit? Wikang Pilipino
Wika ng paglaya ng lahat ng tao
Wika ng pagkakaisa, kabayan mat dayo
Wikang tagapagtanggol ng lakas ng tao

FILIPINO: WIKA NG PAGKAKAISA
Jennifor L. Aguilar

Pagkakaisa ano ba ang iyong diwa?
Ito bay para sa ibat ibang lahi at bansa?
Wika, ano ba ang iyong makakaya?
Matibay ka bang sandata sa pagbibigkis ng diwa?

Wika ng pagkakaisa ang isinisigaw mo
Habang ang bayan ay nagdidiliryo
Ninakawan ng kampon ng mga manggagantso
Una sa Hudisyaryo, Lehislatibo at ngayoy Ehekutibo

Nalilito, nahihilo, utak ay gulong gulo
Saan ba nagmula wika ng tao sa mundo?
Ibat ibang teorya sa kaisipay nabubuo
Wika kot wika mo, saan nga ba hinango?

Panawagan ng pagkakaisa sa bawat Pilipino
Wika raw ang magbubuklod, ikaw oh, Wikang Filipino
Ito nga bay katotohanan o itinusok lang sa palaso
Upang pagtakpan, pagkitil sa wika ng bayan ko?

Nagbabadya ang kaunlaran sa 2015 ASEAN
Unti-unting ginagapang, pagiging sandaigdigan
Natatangi umanong solusyong maiahon, maliliit na
bayan
Magsasama-samat magbubuklod, itatakwil sariling
pagkakakilanlan

Preparasyon ito sa malawakang globalisasyon
Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao, Malaysia,
Singapore,
Myanmar, Thailand, Vietnam at Pilipinas ay nagtipon
Binuo ang ASEAN upang gawing matatag na rehiyon

Globalisasyon at Rehiyonalisasyon natatanging
solusyon?
Ito bay maka-Diyos at sa bawat bayay mag-aahon?
O itoy preparasyon ng diyablot kaniyang kampon
Na sukat pang naitala sa aklat ng rebelasyon?

Noon pa mang una, batid na ang kalooban ng
Maylikha
Iniutos kay Adan at Noah na punuin ang buong lupa
Maging sa tore ng Babel sangkatauhay sinawata
Nais nilang maging isa ngunit binigyan ng ibat ibang
wika

Pagkat bawat wikay kinapaloloban ng sariling kultura
Kailangang pagyamanin sa sarilit angking lupa
Likas na tumutubot nililinang sa kaugaliat
pakikipagkapwa
Tunay na hanguan ng diwang epistemolohiya
Nagbabadya ang pagkitil sa pagkataot pagkakakilala
Unti-unting tatabunan kalikasan ng bawat bansa
Pipintahan ng mapagkunwang kaunlaran at pag-asa
Nang maisakatuparan pagwawakas at pagkawasak na
naitala

Wika ng bawat bansa, dapat na dinadakila
Minamahal, ginagamit, nililinang, inaaruga
Natatanging sandata sa preserbasyon ng kultura
Na tunay na diwa at kasangkapan ng pagkakaisa!

You might also like