You are on page 1of 4

KUNG NAIS LUMAYA SA PAGKAALIPIN

Sabayang Pagbigkas
Joel Costa Malabanan

Wikang Filipino ngayo'y sinasakal


Ng mga bathalang may diwang kolonyal
Maging sa kolehiyo, asam ipatanggal
Ng nagdisenyo ng adhikaing hangal.

Ang mga makata, mga manunulat


Na nagkapangalan, kumita't sumikat
Ang hagdan ay wikang dapat na itanghal
Ngayon ay tahimik, yakap ang pedestal?

Silang nangagkamal ng salapi't dangal


Bakit walang imik, at walang pag-angal?
Hangad maging global, dunong ang kapital
Sa bansa ng dayo, magpapatiwakal?

Makitid ang tingin kung kabuhayan lang


Ito ay usapin ng kinabukasan
Di lang nitong guro, kundi nitong bayan
Na pinaiikot lamang ng iilan!

Ang wika'y sandata sa pakikihamok


Tanging kasangkapan sa pakikisangkot
Kung nais langgasin, edukasyong bulok
Wikang Filipino ang lunas at gamot

Intelektuwalisasyon ay ating abutin


At sa bawat disiplina ay gamitin
Diwang watak-watak ating pagbuklurin
At ang ating lahi ay pagkaisahin.

Ito ang panahon ng pagbabalikwas


Upang manindigan sindihan ang ningas
Ang Filipino ay di dapat tanggalin
Bagkos sa kolehiyo, ating pagyamanin

Sabay-sabay nating ngayo’y bibigkasin


Ang Filipino ay di dapat alisin
Sambitin, bigkasin, gamitin, paunlarin
At sa mga paaralan payabungin!

Kung nais lumaya sa pagkaalipin


Ang pagkatao ay sa wika buuin!
Kung nais lumaya sa pagkaalipin
Ang pagkatao ay sa wika pandayin!
Pamana ng Lahi
ni Patrocinio V. Villafuerte
(Sabayang Pagbigkas)

Di mo man sabihin, aking nababatid,


Ikaw'y naglalakbay sa Bagong Daigdig;
Paraisong dati'y hinanap, inibig,
Alaala na lang na di magbabalik

Sabay sa pagsikat ng Bagong Umaga,


Naglaho nang ganap ang pangungulila;
Hungkag na buhay mo'y mabigyan ng pag-asa,
Ang Bagong Lipunan, may handog na ligaya.

Ngunit ang lipuna'y hindi nagwawakas,


Sa mga pangako at mga pangarap;
Damdaming dakila at diwang matalas,
Siyang magbubukas sa malayang pugad.

Pag-unlad ng bansa'y may hatid-pangako,


Na ang kalinanga'y dapat na mabuo;
Kulturang pambansa'y di dapat isuko,
Hayaang magbunga't mabusog sa puso.

Ngunit tila yata nalilimutan mo,


Mga kaugaliang buhay-Pilipino,
Ang lahat ng ito ay pagyamanin mo,
Ay nasyonalismo'y mapapasaiyo.

Ang pagkakaisa'y pagbabayanihan,


Nag-usbong sa diwa't lahing makabayan,
Kung sasariwain at pagbabalikan,
Ang pagkakabuklod ay masisilayan.
Sa pistang-bayan masasaksihan mo,
May perya't pabitin saka palo-sebo,
At ang santakrusan ay pinagdarayo.
Sa mga tahana't pook na dakila,
Ang tanging biyaya'y moral na adhika;
Payo ng magulang ay banal na wika,
Sa mabuting anak ay buhay na nasa.
Ang lahat ng ito'y pamana ng lahi,
Gabay nitong bansa't dangal nitong lipi;
Kaya't magsikap ka, tuwa'y magbibinhi,
Ikaw'y Pilipinong dapat na maghari.
Kalayaaan ni Patrocinio V. Villafuerte

sa balintawak ang gumising ay isang sigaw bumalik ang sagot na tila alingawngaw KALAYAAN

at sa bawat lugar ay mauulinig ang dala ng hanging may saliw na awit KALAYAAN

narinig namin doon sa taniman narinig namain sa mangangalakal narinig namin hanggang doon
sa karagatan KALAYAAN

bawat makata awit ang nalilikha at ang mga titik apoy ang ibinabadya KALAYAAN

narinig namin sa manggagawa ng niyugan narinig namin sa mangingisda ng karagatan naring


namin sa manininda ng pondohan KALAYAAN

lahat ng Tao iisa ang sigaw kahit ang kapalit ay kanilang buhay KALAYAAN

sa puntod ng alipin at punong mga angkan iisa rin ang tinig na itinitighaw KALAYAAN

sa ituktok ng bundok hanggang sa kapatagan palakas ng palakas palakas ng palakas ang


mapapakinggan KALAYAAN

Narinig naming sa magwawalis na dukha Narinig naming sa mgahahabing maralita Narinig


naming sa panday nsa yaman ay wala KALAYAAN

Mula sa Templo,Mula sa Pook dalangina Ang Kris at Gulok nagtagis parang kidlat Kasabay ang
sigaw na ang Hudyat KALAYAAN

Narinig namin sa mga hikbi,hinagpis at panaghoy Narinig naming sa Pulong di matalunton Narinig
naming hanggang sa Dakong Paroroon KALAYAAN

You might also like