You are on page 1of 48

Pagbabalik-aral:

•Ano ang dula?


•Magbigay ng kahalagahan ng dula.
Indibidwal na Gawain:

I-ACTING MO TO!
- Gayahin ang mga artista ayon sa mga
kilalang linya nila sa pelikula.
“Akala mo lang meron. Pero wala!
Wala! Wala!”

- Carlo Aquino
Anong emosyon ang naipakita ng
gumanap sa pelikula?
“Ayoko ng tinatapakan ako, ayoko ng
masikip, ayoko ng mabaho, ayoko ng
walang tubig, ayoko ng walang pagkain,
ayoko ng putik!”

-Maricel Soriano
Anong emosyon ang naipakita ng
gumanap sa pelikula?
“Kung hindi tayo kikilos, sino ang
kikilos? Kung hindi ngayon, kailan
pa?”

-Vilma Santos
Anong emosyon ang naipakita ng
gumanap sa pelikula?
“Para kang karinderyang bukas sa
lahat nang gustong kumain.”

-Vilma Santos
Anong emosyon ang naipakita ng
gumanap sa pelikula?
Tanong:

•Ano ang masasabi mo sa mga


tauhan ng mga pelikula o ibang
anyo ng pampanitikan?
Tanong:

•Bakit napakahalaga ng mga


tauhan sa dula o ibang anyo ng
pampanitikan?
Tulad ng ibang anyo ng
pampanitikan, ang dula ay
mayroon ding tauhan.
Maaaring maging tauhan ang kahit
na anong bagay, o kahit sinong tao.
Nakadepende ito sa lawak ng
imahinasyon ng mga manunulat.
Pangkatang-Gawain:

•Pumili ng dalawang tauhan mula


sa mga nakalista.
*Multo ng bata *Payasong iyakin
*Kabit na lalaki *Pusang ligaw
*Puno ng balete*Aswang
*White lady *Isnatser
*Matandang dalaga
Tanong:
1. Bakit siya ang bida? Bakit siya ang
kontrabida?
2. Saan at kailan mangyayari ang
kanilang tunggalian?
Tulad ng nabanggit, maaaring
maging tauhan ang kahit na anong
bagay, o kahit sinong tao.
May talambuhay ang lahat ng tao,
kahit anong klasing tao pa siya o
saang uri ng lipunan siya nanggaling.
Hal: taong grasa, prosti, etc…
Ang pagbubuo ng tauhan para sa
isang dula ay parang paglalagay ng
mga impormasyon sa isang “slum
book”.
Sa simula pa lang ng dula, dapat
malinaw na sa mandudula kung sino
ang kaniyang magiging pangunahing
tauhan at kung anong klaseng tauhan
ito.
Halimbawa:
Ang isang autistic
- Kung alam ng mandudula kung paano
magsalita, kumilos, mag-isip, mas
magiging madali ang pagbuo ng tauhan.
May paraan upang mabuo ang
katauhan ng tauhan, bida man siya
o kontrabida, ang ilan sa mga
paraang ito ay:
1. Pangalan at edad.

-Kahit sinong tao, kailangang may


pangalan at edad.
-Bata ba o matanda?
2. Pisikal na anyo.
MATABA o
MATANGKAD MAKOLORETE
PAYAT

HINDI SEKSI o
UNANO NAGSUSUKLAY LOSYANG
3. Kaligiran/personal na
kasaysayan
URI NG
PINAGMULAN
May asawa o Tindera ng
Mayaman o Probinsyana o wala? isda o
mahirap? taga siyudad? Hiwalay? grocery?
4. Kilos ng tauhan, pag-
uugali/mannerism
Hindi Mabilis
Mayabang
mapakali magsalita

Pinaiikot sa
Mali-mali Maarte daliri ang
buhok
5. Mga salitang madalas
niyang sabihin

-ekpresiyong palaging nababanggit ng


tauhan tulad nga “something like
that”, “ganon”, “totoo yun”, etc…
TAGPUAN

- Ang tawag sa panahon at


lugar na ginaganapan ng dula.
Ang lugar at panahon ay
“milieu”. Ito ang daigdig na
gagalawan ng tauhan at dito
magaganap ang istorya.
Pangkatang-Gawain:
Gumawa ng mga tauhan para sa eksenang
nasa ibaba. Ilarawan ang mga tauhang ito.
Pagkatapos ay gumawa ng tagpuan kung
saan magaganap ang paghaharap ng
dalawang tauhan.
Eksena: Nanggagalaiti sa galit ang
isang matandang babaeng may dalang
rosary at dasalan. Nadukutan siya sa
jeep. Natatandaan niya ang mukha ng
dalawang gumitgit sa kaniya.
Pangkatang-Gawain:
Pag-usapan kung paano bubuuin ang mga
tauhan at tagpuan batay sa mga
konseptong nakalista sa ibaba. Ibahagi sa
klase ang mga nabuong tauhan at tagpuan.
PAMANTAYAN:
Kaangkupan – 5 pts.
Kaayusan – 5 pts.
Boses – 5 pts.
Nilalaman – 5 pts.
Kabuuan – 20 pts.
Konsepto 1: Isang guwapong ama na
naglalakad at naghahanap ng trabaho,
sa nadadaanan niya ay may mga paskel
ng mga trabaho: gasoline boy, driver, call
center agent, macho dancer, painter,
tubero, at iba pa.
Konsepto 2: Isang dalagang nakahubad na nakatayo
sa tuktok ng tore. May hawak na siyang Barbie doll na
nakahubad rin at magulo ang buhok. May bitbit din
siyang isang maliit na basket na may mga lantang
bulaklak, katulad ng mga bulaklak na inilalagay sa
mga mesa sa restoran. Nakatingala siya. Sa ibaba
may nakatingalang mga nag-uusyoso, may isang
matandang naglalakad at nagtitinda ng balut.
Konsepto 3: Batang babae at lalaki,
naglalakad na magkahawak ng kamay.
May dalang tinapay ang batang lalaki,
may dala namang tubig ang batang
babae. Sa likod nila, may nagaganap na
digmaan.
Konsepto 4: Matandang lalaking nakahiga
sa isang hospital bed. Naka-dextrose.
Nakanganga at nakatitig sa kisame.
Nakaayukyok sa tabi niya ang isang
matandang babaeng magulo ang maputing
buhok. Luma ang damit, nakatsinelas. May
hawak na manual ventilator.
Ang aking natutunan
ngayong araw ay …
PAGSUSULIT
Indibidwal na Gawain: Sagutin ang
sumusunod na tanong.
1. Ano-ano ang elementong dapat isaalang-alang ng
mandudula sa pagbubuo ng kaniyang tauhan?
2. Paano gumawa ng tagpuan? Ipaliwanag ito sa
dalawang pangungusap.
KARAGDAGANG GAWAIN
Manood o magbasa ng balita. Tungkol saan ang balita? Sino-
sino ang taong sangkot sa balitang ito? Kunin mo sila at
gawing mga tauhan para sa isang dula. Sino ang kontrabida?
Sino ang bida? Saan at kailan nangyari ang balita? Ilarawan
ito bilang tagpuan ng dula.

You might also like