You are on page 1of 44

Panitikan Hinggil

sa Kahirapan
Sosyedad at Literatura (SOSLIT)
Mga Taga-panayam

Ella Mae Raine Sheirlaine


Balistoy Prieto
Layunin
Nasusuri ang pangyayari o mahahalagang kaisipan mula sa
akdang binasa
Nairerebisa ang borador ng akademikong papel na
nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng isang akda
Nakakasulat ng tula na tumatalakay sa suliraning
panlipunan
Paano mo masasabing
mahirap ang isang tao?
Kahirapan
Isang kalagayan o katayuan ng
isang tao na walang isang
halaga ng mga pag-aaring
materyal o salapi
Kahirapan

Absolutong Relatibong
Kahirapan Kahirapan
Absolutong Kahirapan
Kalagayan o katayuan ng hindi pagkakaroon
ng paraan o pamamaraan upang
makayanan, makapagdulot, o magkaroon ng
payak o basikong mga pangangailangang
pantao
Relatibong Kahirapan
Kalagayan ng pagkakaroon ng mas
kakaunting mga mapagkukunan o mas
kakaunting kitang salapi kaysa ibang mga
tao sa loob ng isang lipunan o bansa
MGA SANGKAP NG KAHIRAPAN

Kawalang-Kaalaman
Sakit
Kawalang Pagpapahalaga
Hindi mapagkakatiwalaan
Pagiging Palaasa
Kawalang-Kaalaman

Kakapusan sa impormasyon o kahibalo


Iba sa pagiging bobo (kakapusan ng talino) o
tanga (kakapusan sa karanasan)
Sakit

Kapag ang isang pamayanan ay may mataas


na antas ng pagkakasakit, mas madalas ang
pagliban sa trabaho, mas mababa ang
produksiyon, at mas maliit na kita ang
nagagawa
Kawalang-Pagpapahalaga

Nangyayari sa tao kapag:


Nawalan sila ng pakialam
Pakiramdam nila na wala silang
kapangyarihan upang mabago ang mga
bagay sa paligid nila, itama ang isang
kamalian, o gawing mas mainam ang
ayos ng kanilang pamumuhay
Hindi Mapagkakatiwalaan

Kawalan ng tiwala sa mga taong dapat ay


binibigyan ng tiwala (mga taong nasa poder
at kapangyarihan)
Pagiging Palaasa

Nagiging bunga ng pagtanggap ng limos o


awa
Isang ugali o paniniwala na ang kung ang
isang tao ay napakahirap at walang
kakayanan tulungan ang kanyang sarili,
kailangang umasa na lamang siya sa tulong
mula sa ibang tao
MGA SANHI NG KAHIRAPAN

Kakulangan sa Edukasyon Populasyon

Kawalan ng Trabaho Kawalang Disiplina

Korupsyon Kolonyal na Kahirapan

Kasakiman Imperyalismo

Pyudalismo (Feudalism)
Kakulangan sa Edukasyon

Dahil sa kahirapan, hindi sila


nakakatanggap na sapat na kaalaman upang
matulungan ang kanilang pamilya
Ang kawalan ay nakakapagdulot ng
kamangmangan sa mga kabataan
Kawalan ng Trabaho

Ukol sa ekonomiya at overpopulation; hindi


na sapat ang bilang ng trabaho sa dami ng
mga nagtatapos
Dulot nito ay wala silang pagkakakitaan
upang masuportahan ang kanilang mga
pamilya sa pang araw-araw na
pangangailangan
Korupsyon

Ang Pilipinas ang isa sa mga pinakakurap na


gobyerno sa mundo kaya hindi komportable
ang ibang bansa na mamuhunan o tumulong
sa bansa dahil kadalasan ay ibinubulsa
lamang ito ng mga politiko
Kasakiman

Nandadamay at humahatak sila ng ibang tao


pababa upang yumaman at umakyat sa taas
Populasyon

Dahil sa paglaki ng populasyon mas lumalaki


rin ang mga taong walang trabaho at hindi
nakakatanggap ng sapat na benepisyo mula
sa gobyerno
Kawalang Disiplina

Sa panahon ngayon, 'opsiyonal' na lang ang


pagsunod sa mga batas
Lahat ng tao ay gustong makamit ang
pagbabago pero iilan lang talaga ang
handang magbago
Kolonyal na Kahirapan

Mga ugali ng mga Pilipino na pumipigil sa


pag-asenso ng mga mamamayan nito ay ang:
crab mentality, procrastination, bahala na,
pagiging ipokrito, ningas kogon, Filipino
time, pagiging tsismoso, paninisi sa ibang
tao, pagsasawalang-bahala ng mga
patakaran, at pagiging balat-sibuyas
Imperyalismo

Ang pananakop ng ilang bansa noong mga


nakaraang panahon tulad ng Espanya,
Hapon, at US na nagpahirap sa Pilipinas (hal.
ang patuloy na pakikialam o pagdikta ng US
sa pamalaan ng Pilipinas, ang pagpasok ng
'globalisasyon')
Pyudalismo (Feudalism)

Matinding kapabayaan ng likas na yaman ng


bansa
Malalang pagpapalit nang mga lupang
agrikultura upang gawing industriyal
EPEKTO NG KAHIRAPAN
SA KABATAAN
Maagang Pagbubuntis
Kagutuman at di Payak na
Kalusugan
Langaw sa Isang
Basong Gatas
Ni Amado Vera Hernandez
AMADO VERA HERNANDEZ

Ipinanganak noong Septembre 13, 1903 sa Sagrada Familia sa


Hagonoy, Bulacan ngunit lumaki sa Tondo, Manila.

Nag-aral sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong


Paaralan ng Pakikipag- ugnayan (American Correspondence
School).

Isang makata at manunulat sa wikang Tagalog.


Noong 1932, napangasawa niya ang Pilipinang aktres na si Atang
de la Rama.

Tinaguriang "Manunulat ng mga Manggagawa"

Nagturo siya sa Pamantasan ng Pilipinas.

Nakulong siya dahil sa pakikipag-ugnayan niya sa mga kilusang


makakomunista. Ipinakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa
bintang na sedisyon at pagiging mapanghimagsik.

Binawian siya ng buhay noong Marso 24, 1970 sa edad na


animnapu't anim.
IBA PANG MGA AKDA NI
AMADO V. HERANDEZ
Isang Dipang Langit (1961)
Luha ng Buwaya at Ibong Mandaragit(1969)
Bayang Malaya (1969)
“Muntinglupa” (1957)
“Hagdan sa Bahag hari” (1958)
“ Ang mga Kagalang-galang ”(1959)
“Magkabilang Mukha ng Isang Bagol” (1960).
MGA TAUHAN

1. Bandong- isang ordinaryong mamamayan na kinmankam ang


kanyang lupain ng korporasyon.
2. Ana-mabait at ulirang asawa ni Bandong
3. Pinuno ng Royal Lanes- lider ng korporasyong kinakamkam
ang lupain ng mamamayan.
4. Mga Miyembro ng Samahan- kasamahan nina Bandong at Ana
na inagawan ng lupain.
TAGPUAN

Bahay ni Royal Lanes


Bandong Talipapa
BUOD

Nabasa ni Bandong ang El Fili ni Rizal na natutungkol kay Kabesang


Tales, ito ang nagpatatag sa kanyang loob na ipaglaban ang kanyang
mga ari-arian na ipinamana pa ng kanyang mga ninuno. Hindi na
pumunta si Bandong sa Kabesa sapagkat alam niyang siya ay
ikukulong. Natatakot siya na walang mag-aalaga sa kanyang asawa at
sa kanilang mga anak.
Hanggang dumating ang isang araw na gumulantang sa mundo ni Bandong.
Nagising silang ginigiba ang kanilang bahay at pinuputol ang mga
matatandang punongkahoy. Nakipag-away si Bandong sa mga gumigiba sa
kanilang bahay ngunit tuluyan pa rin silang pinaalis ng mga armadong pulis
dahil wala siyang titulo na magpapatunay na siya ang may-ari ng lupa at
matagal na ring hindi nagbabayad ng buwis.

Nakitira ang pamilya ni Andong sa kapatid ni Ana. Nang sila ay nakaluwag-


luwag bumuo sila ng samahan at pinamunuan nila ito, ang mga miyembro ay
ang mga kapit-bandy nilang kapwa rin nila inagawan ng lupain. Ang grupo
ay laging nagrarally sa Royal Lanes na isang pribadong korporasyon.
Hanggang sa isang araw ay napuno ang nakaupo sa pinakamataas na
posisyon ng korporasyon, nagbanta ito sa mag-asawa na itigil ang kanilang
ginagawa kung ayaw nilang mapahamak.
Isang araw nagtungo si Ana sa talipapa para bumili ng kanilang pananghalian.
Dinakip siya sa daan at dinala sa malaking bodega. Hinalay siya ng anim na
kalalakihan. Makalipas ang tatlong araw siya rin ay kinitlan ng buhay. Ang
nag-utos ng lahat ng ito ay ang pinuno ng korporasyon.

Dumating ang balita kay Bandong na ang katawan ng kanyang asawa ay


natagpuan sa damuhan. Agad na kumaripas sa takbo si Bandong at nadatnan
ang malamig a bangkay ng asawa sa damuhan. Alam na niya agad na ang
pinuno ng korporasyon ang responsibilidad sa pangyayaring ito.
Agad na gumawa ng aksyon si Bandong nang di nalalaman ng grupo. Araw-
araw niyang minanmanan ang pinuno ng korporasyon. Hanggang sa isang
araw, nang naglakad ang pinuno ng korporasyon ay agad na sinunggaban ni
Bandong at sinaksak ito sa tadyang. Pagkatapos, agad siyang kumaripas sa
takbo at isinigaw ang, "Naipaghiganti na kita, Ana!"

Naging WANTED si Bandong at malaki ang perang nakapatong sa kanyang


ulo. Nagpalipat-lipat ng taguan si Bandong. Ang mga anak niya ay nasa
pangangalaga ng kapatid ni Ana samantalang ang panganay ay nasa bayan na
walang kamalay-malay sa mga pangyayari maging ang pagkamatay ng
kanyang ina.
Ipinadakip ang mga anak ni Bandong at ipinalabas sa media, radyo at diyaryo
upang mapilitang lumabas ito. Walang magawa si Bandong kaya't siya ay
sumuko na.

Makalipas ang isang araw ay agad na binitay si Bandong sa salang pagpatay.


Isinalibro ng panganay ni Bandong na nakapag-aral sa bayan ang buhay ng
kanyang itay. Nabasa ito ng mga Pilipino at nabuhayan sila ng pag-asa na
ipaglaban ang kanilang karapatan.
MGA ISYUNG 2. KAWALAN O MATAGAL NA PAGKAMIT

PANLIPUNAN
NG HUSTISYA NG MAHIHIRAP
Hindi nagkaroon ng hustisya ang
pagkamatay ni Ana.
1. PAGKAMKAM NG LUPAIN
Pag-agaw ng pribadong 3. KAWALAN NG EDUKASYON AT
korporasyon ng Royal Lanes KAALAMAN SA MGA KARAPATAN
sa lupain nina Bandong na Hindi alam ng mga mamamayan ang
ipinamana pa ng kanyang kanilang karapatan para ipaglaban ang
mga ninuno kasama rin ang kanilang lupain dala ng kawalan ng
lupain ng kanilang mga edukasyon. Hanggang sa isinalibro ng
kapit-bahay na sumapi sa panganay ni Bandong na nakapagtapos ng
samahang pinamunuan pag-aaral na nagbigay sa kanila ng pag-asa.
nina Bandong at Ana.
PAG UUGNAY SA
KASALUKUYAN AT REALIDAD

A. Mahigit isang libo at pitong daang kilometro ang


nilakad ng mga magsasaka ng Sumilao, Bukidnon sa
loob ng animnapu't siyam na araw mula Mindanao
papuntang Malacanang bilang protesta sa pag-angkin
sa kanilang 144 ektaryang ancestral lands. (2016)
PAG UUGNAY SA
KASALUKUYAN AT REALIDAD

B. Minasaker ang mga magsasaka ng hacienda sa Sagay,


Negros Occidental Habang naghahapunan ay
pinagbabaril ng lima hanggang anim na admadong
lalake ang mga magsasaka. Siyam, kabilang ang tatlong
babae at dalawang menor de edad ang nasawi dahil sa
mga tama ng bala at sinunog pa ang mga katawan.
(Oktubre 22, 2018)
TEORYANG PAMPANITIKAN
A. TEORYANG SOSYOLOHIKAL
Nais ilantad ni Amado V. Hernandez ang bulok na sistema ng lipunan sa
kanyang panahon. Gamit ang tauhan at mga pangyayari sa kuwento ay
hangad niyang pukawin ang pansin ng mamamayang Pilipino.

B. TEORYANG HUMANISMO
Ipinakita sa akda sa tulong ng tauhang si Bandong a gamit ang kanyang
pananaw at prinsipyo sa buhay ay magiging payapa at tahimik ang
kanyang pamumuhay kasama ang kanyang pamilya.
TEORYANG PAMPANITIKAN

C. TEORYANG SIKOLOHIKAL
Ang dating payapa at tahimik na Bandong ay ginimbal ng masalimuot na
pangyayari. Siya ay dating tahimik na tao ngunit naging mapanghimagsik
dala ng dalawang salig :
(1) pagkamkam sa kangang lupain at
(2) pagpaslang sa kanyang asawa
SANGGUNIAN

http://tinyurl.com/nmkn9rxn
MARAMING SALAMAT
SA PAKIKINIG!

You might also like