You are on page 1of 41

Ikatlong Markahan: Kasarian sa

Iba't Ibang Lipunan


(Ikalawang Linggo)
Ikatlong Markahan: Gampanin ng
Kasarian sa Iba't Ibang Lipunan

Natatalakay ang mga uri


ng kasarian (gender), sex
at gender roles sa iba't
ibang bahagi ng daigdig.
Pag-aaral sa Kasarian sa
Iba’t Ibang Lipunan
Layunin:
1.Natatalakay ang gender roles sa
Pilipinas sa iba’t ibang panahon; at

2.Nakasusuri ng gender roles sa


iba’t ibang panig ng daigdig
Balik-Aral:
Paano nagbago ang iyong pang-unawa sa mga sumusunod na
terminolohiyang tinalakay noong nakaraang linggo?
Ibigay ang sariling pagpapakahulugan.
1. Sex at Gender
2. Homosexual at
Heterosexual
3. Sexual Orientation
at Gender Identity
Panuto: Basahin ang tula at sagutan
ang mga pamprosesong
katanungan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng tula?
2. Ano-anong gampanin ng kalalakihan at kababaihan ang
inilalarawan sa tula?
3. Makatwiran ba ang paghingi ng pantay na karapatan ng
kababaihan at LGBTQIA+? Bigyan ng maikling paliwanag.
4. Sa iyong palagay, dapat bang maging batayan ang kasarian
sa pagkakapantay-pantay ng gampanin sa ating lipunan?
5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita na pantay
ang iyong pagtingin sa lahat ng tao? Ipaliwanag
Panahong Pre-Kolonyal
Panahon ng Espanyol
Panahon ng Amerikano
Panahon ng Hapones
Kasalukuyang Panahon
Panahong Pre-Kolonyal

Ang kababaihan sa Pilipinas noon,


maging sila man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring
timawa sa kanilang lipunan, ay
itinuturing na pagmamay-ari ng
mga lalaki.
Panahong Pre-Kolonyal

Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa


ang isang katutubong pangkat sa isla
ng Panay. Ang binukot ay itinuturing na
itinagong pinakamagandang anak ng
datu. Hindi siya maaaring tumapak sa
lupa at masilayan ng mga kalalakihan
hanggang sa magdalaga.
Panahong Pre-Kolonyal

Ang mga babaylan ang katuwang ng


datu atpanday sa pagpapatakbo ng
sinaunang lipunang Pilipino. Sila ang
tagapayo sa komunidad sa larangan ng
espiritwalidad at ekonomiya. Ang mga
babaylan din ang namamahala sa mga
ritwal gaya ng sa panggagamot at sa
agrikultura.
Ang mga karapatan noong
pre-kolonyal pagdating sa
pag-aasawa
Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari
niya itong gawin sa pamamagitan ng pagbawi sa ari-ariang ibinigay
niya sa panahon ng kanilang pagsasama.

Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa,


subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang
babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki.

Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang


asawa, wala siyang makukuhang ari-arian.
Panahon ng Espanyol

Ang mga kababaihan ay nananatili sa


kanilang tahanan at inaasikaso ang
bawat pangangailangan ng kanilang
asawa at mga anak. Gayunpaman,
naging malaki ang bahaging kanilang
ginampanan sa pagkamit ng
kalayaan laban sa mga Kastila.
Panahon ng Espanyol

Ayon kay Dr. Lourdes Lapuz, a pioneer in the field of


psychiatry, sa kaniyang pananaliksik na pinamagatang
“A Study of Psychopathology and Filipino Marriages in
Crises;” Filipinas are brought up to fear men and some
never escape the feelings of inferiority the upbringing
creates”.
Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang
asawa ang kinikita sa paghahanapbuhay.
Panahon ng Amerikano

Sa pagsisimula ng pampublikong
paaralan na bukas para sa kababaihan
at kalalakihan, mahirap o mayaman,
maraming kababaihan ang nakapag-
aral. Nabuksan ang isipan ng
kababaihan na hindi lamang dapat
bahay at simbahan ang mundong
kanilang ginagalawan
Panahon ng Amerikano
Philippine Women's
Suffrage Plebiscite
Isang espesyal na plebesito ang
ginanap noong Abril 30, 1937, 90%
ng mga bumoto ay pabor sa
pagbibigay-karapatan sa pagboto
ng kababaihan. Ito ang simula ng
pakikilahok ng kababaihan sa
mga isyu na may kinalaman sa
politika.
Panahon ng Hapones

Ipinakita ng mga Pilipino ang


kanilang kagitingan sa
pagtatanggol sa bansa sa abot
ng kanilang kakayahan at
maging hanggang kamatayan.
Panahon ng Hapones

Ang kababaihan na nagpapatuloy ng


kanilang karera na dahilan ng
kanilang pag-iwan sa tahanan ay
hindi ligtas sa ganitong gawain.
Parehas na lumaban ang mga
kalalakihan at kababaihan
noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig.
Kasalukuyang Panahon

Patriyarkal man ang paraan ng


pamamahala tulad sa Pilipinas subalit
nagkaroon din ng puwang ang mga
kababaihan at naging lider ng
bansa gaya nina dating Pangulong
Corazon C. Aquino at Gloria M. Arroyo.
Kasalukuyang Panahon
Ang mga babae, may trabaho man
o wala, ay inaasahang gumawa ng
mga gawaing-bahay.
Marami nang pagkilos at batas ang The Pressure Is Real For Working Mothersforbes.com

isinulong upang mapagkalooban ng


pantay na karapatan sa trabaho at
lipunan ang kababaihan, kalalakihan,
at iba pang kasarian o napapabilang
sa LGBTQIA+.
Kasaysayan ng LGBTQIA+ sa Pilipinas
Sa pagtalakay ng kasaysayan mababanggit ang mga babaylan noong ika-16 hanggang
ika-17 siglo. Ang Babaylán ay isang lider-ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon.

Mayroon ding lalaking babaylan, halimbawa nito ay ang mga asog sa Visayas noong ika-
17 siglo. Hindi lamang sila nagbihis-babae kundi nagbalat-kayo ring babae upang ang
kanilang mga panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu.

Dekada 60 ang pinaniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine gay
culture sa bansa. Sa mga panahong ito, maraming akda ang nailathala na
tumatalakay sa homoseksuwalidad.
Gender Roles sa Iba’t Ibang
Lipunan sa Mundo
Taong 1931 nang ang antropologong si
Margaret Mead at ang kaniyang asawa na
si Reo Fortune ay nagtungo sa rehiyon ng
Sepik sa Papua New Guinea upang pag- Tatlong Pangkulturang
aralan ang mga pangkulturang pangkat Pangkat
sa lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon - Arapesh
ay nakatagpo nila ang tatlong
pangkulturang pangkat. - Mundugumor
- Tchambuli
Gender Roles sa Iba’t Ibang
Lipunan sa Mundo
Gender Roles sa Iba’t Ibang
Lipunan sa Mundo
Sa Arapesh (na nangangahulugang ‘tao’) ay walang pangalan
ang mga tao na naninirahan dito. Ang mga babae at lalaki ay
kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak,
matulungin, mapayapa, kooperatibo sa kanilang pamilya at
pangkat.
Samantala, sa pangkat ng Mundugumor (kilala rin sa tawag na
Biwat), ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat.
Gender Roles sa Iba’t Ibang
Lipunan sa Mundo
Tchambuli (tinatawag din na Chambri), ang mga babae at
lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan.
Ang mga babae ay inilalarawan na nakahihigit ang
gampaning pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang
naghahanap ng makakain ng kanilang pamilya. Ang mga
lalaki naman ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at
mahilig sa mga kuwento.
Gender Roles sa Iba’t Ibang
Lipunan sa Mundo
Pinapatunayan ng pag-aaral sa
tatlong pangkat na ito na simula
pa noon ay may kanya- kanya ng
gampanin ang mga kalalakihan
at kababaihan sa lipunan.
Gender Roles sa Iba’t Ibang
Lipunan sa Mundo
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 200
milyong kababaihan (bata at matanda) ang biktima ng Female
Genital Mutilation (FGM) sa 30 bansa sa Africa at Kanlurang Asya.
Tinatayang tatlong milyong kababaihang may edad na 15 ang
sumasailalim sa prosesong ito taon-taon.

Ang FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan


(bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal,
ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa
impluwensiya ng tradisyon
Female Genital Mutilation
(FGM)

Global Citizen
Gender Roles sa Iba’t Ibang
Lipunan sa Mundo
Sa bahagi naman ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa
mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang magbabago ang
oryentasyon nila matapos silang gahasain.

Maging ang paglalakbay ng mga kababaihan ay napipigilan


sapagkat may ilang bansang hindi pinapayagan ang mga
babaeng maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay
nahaharap sa malaking banta ng pang-aabuso (seksuwal at
pisikal).
Pamprosesong tanong:

1. Anu-ano ang mga dahilan ng pagbabago ng gender


roles sa iba't - ibang panig ng mundo? Nakabuti ba ang
mga pagbabagong ito? Ipaliwanag.
2. Paano maitataguyod ang isang pamayanang may
pagglang at respeto sa kapwa tungo sa
pagkakapantay-pantay?
Panuto: Tukuyin kung anong yugto nang
kasaysayan ng gender roles sa Pilipinas ang
ipinahahayag sa sumusunod na pangungusap.
Piliin at isulat sa sagutang papel ang letra ng
tamang sagot.
A. Kasalukuyang Panahon D. Panahon ng Espanyol
B. Panahon ng Arabo E. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapones F. Panahon Pre-Kolonyal

_____ 1. Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang


kinita sa paghahanapbuhay.
_____ 2. Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
_____ 3. Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang
gumawa ng mga gawaing-bahay.
_____ 4. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang
dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
_____ 5. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit, maaring patawan ng parusang kamatayan ang
asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang
ibang lalaki.
Panuto: Suriin ang larawan sa loob ng kahon. Pagkatapos,
ipaliwanag kung paano nagbago ang gampanin ng mga
kalalakihan at kababaihan sa paglipas ng panahon.
Sa aralin na ito, aking napag-alaman na________
____________________________________
___________________________________.
Aking gagamitin ang aking natutunan sa pagtulong
na maitaguyod ang pamayanang may paggalang at
respeto sa kapwa tungo sa pagkapantay-pantay
dahil_________________________________
___________________________________.
Panuto: Natalakay sa aralin ang papel ng mga
babae at lalaki sa iba’t ibang yugto sa kasaysayan
ng Pilipinas. Itala mo sa gilid ng mga gender symbol
ang gampanin ng babae at lalaki sa kasaysayan ng
ating bansa.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mahalagang pagbabago sa papel ng mga babae at


lalaki na napansin mo?
2. Sa anong panahon sa kasaysayan ng ating bansa lubos na
naabuso ang karapatan ng mga kababaihan? Pangatwiranan
3. Aling panahon nagsimula ang pagbibigay ng pantay na
karapatan sa kababaihan at kalalakihan? Bakit?
4. Nakakaapekto ba ang gampanin ng babae at lalaki sa lipunan?
Pangatwiranan.
Source:

Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Manunulat: Celeste Ann S. Abesamis Editor: Rubilita L. San Pedro


Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag, PhD / Elena V. Almario
Bernadette G. Paraiso / Marie Claire M. Estabillo Lorna G. Capinpin

You might also like