You are on page 1of 3

Name: Russel GarciaAduna Year: 4th S.Y.

2023-2024 Course: BSEd-Filipino


Major

“Luha Ng Buwaya” isang nobelang isinulat ni Amando Vera Hernanddez.


Amando Vera Hernanddez- Siya ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya
bilang "Manunulat ng mga Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa
at sa kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa Pilipinas
noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan niya sa mga kilusang
makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-tanging kasong panghukuman na tumagal ng
13 taon bago nagwakas. Ipinanganak siya sa Sagrada Familia sa Hagonoy, Bulacan, ngunit lumaki sa
Tondo, Maynila kung saan nakapag-aral siya sa Mataas na Paaralan ng Maynila at sa Amerikanong
Paaralan ng Pakikipag-ugnayan (American Correspondence School). Noong 1932, napangasawa niya
ang Pilipinong aktres na si Atang de la Rama. Siya ay batang ama at nag ka anak sa maagang edad.
Ang mag-asawa ay kapwa kinilala bilang mga Pambansang Alagad ng Sining si Hernandez para sa
Panitikan, samantalang si de la Rama para sa Tanghalan, Sayaw at Tugtugin.
Ngayon ang tatalakayin nating akda sa araw na ito ay patungkol sa temang ang kasakiman ng
mamayaman sa pagkamkam ng lupang sakahan mula sa mahihirap. Ito ay pinamagatang “Luha ng
Buwaya” ni Amado V. Hernandez.
Ang Luha ng Buwaya ay isang nobelang isinulat ng Pilipinong si Amado V. Hernandez. Mayroon itong
53 mga kabanata, at umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari
ng lupa at ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang
pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa
Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakasyon muna dahil sa
karamdaman.Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Donya
Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang
anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa
Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka, at hindi lamang
ngayongmalapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng
mga nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang
kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawang isang magsasaka dahil hindi
pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang
mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa. Dumating ang mga
pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip nilang magtayo ng
isang union para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Si Tasyo ang hinirang na pinuno ng
unyon. Madalas siyang makipag-away sa mga Grande at kay Dislaw dahil nais niyang protektahan at
ipaglaban ang kanilang karapatan at mabigyan ng hustisya ang mgapang-aabuso sa kanilang mga
mahihirap. Sila ay tinulunganng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang
isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na
umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay
'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap upangmapigilan ang kanilang mga plano.
Di nagtagal at nakarating angmga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na
si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw samagandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng
paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung
sino ang mga may galit sa kanya at tahasan siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga
maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito sa harap ng
hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga Grande. Di naglaon ay
napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay pagmamay-ari ito ng isa
Name: Russel GarciaAduna Year: 4th S.Y. 2023-2024 Course: BSEd-Filipino
Major
nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga inosenteng mahihirap at
nabigyan ng hustisya.
10 Mahahalagang Pangyayari
1. Kung ating mapapansin tila may malaking pagkakaiba ang 'mahirap' sa mayaman, isa na
lamang dito na iba ang trato sa bawat isa ayon sa antas nila sa buhay.Kung ika'y mayaman,
malaki ang iyong kapangyarihan para gawin ang mga gusto mong gawin kahit na sa maling
paraan pa ang iyong ginagawa dahil sa iyong kayamanan.At kung mahirap ka naman ay
talagang mararanasan mo ang maliitin ka ng ibang tao,na kesyo wala kang pakinabang at wala
kang kakayahan dahil isang ka lamang 'tao na walang pera' .
2. Kung ating mapapansin at mapapanood sa balita madalas sa gumagawa ng mali ay ang mga
mayayaman kahit na may ginagawa ding mali ang mga mahihirap pero sino nga ba ang unang
tinutugunan nang aksyon kung may kaso silang kakaharapin syempre ang mga mayayaman
bakit?? "Dahil sa kapangyarihan" at samantalang sa mga mahihirap na mas higit na
nangangailangan ng tulong ito ang mga tugon nila "Bahala ka na jan" o kaya "Next time
nalang" mga salitang nagpaparamdam sa atin na hindi pantay ang bawat trato ng tao sa
atin.Tila ang kayamanan ang kanilang nakikita kaysa sa mga totoong tao sa mundo.Na minsan
pa ay ang mahihirap ang mukhang nagkakamali kapag mayaman ang kanilang mga kalaban.
3. Pero hindi lahat nang mayayaman ay hindi napaparusahan dahil mayroon pa ring mga taong
mas pinipili ang gampanan ang kanilang tungkulin upang pagbayarin sa mga nagawang
kasalanan ang mga taong makapangyarihan at hindi nagpapadala sa tukso mapanagot lamang
ito.
4. Nagagawa nang pera ang lahat pero hindi nito kayang ibigay ang tunay na kasiyahan yan ang
dapat nating pakatandaan.Hindi porket mahirap ka o mayaman ka ay magkaiba na ang
magiging trato sayo at masasabi kong mali ang "Hindi pagkapantay pantay na
karapatan".Nabuhay tayo sa mundong ito para ipaglaban ang ating karapatan, lahat tayo ay
may karapatan at walang makakasira nun dahil nasa atin na iyon, at kung kinakailangang
ipaglaban ang isang karapatan marapat lamang ito kahit na ano pang estado mo sa buhay.
5. Ang sitwasyon ng mga mahihirap ay napakahirap sa kanila mabuhay sa lipunan na puno ng
diskriminasyon. Mula pagkabata hanggang sa pagkalaki ay nararanasan nila ang paghihinagpit
sa buhat at gaano ka hirap mabuhay na may maraming panghuhusgang tao.
6. Makasarili talaga ang mga tao, lalo na ang mga taong may kapangyarihan. Inaapi nila ang mga
mahihirap para lang makuha nila ang mga gusto nila.
7. Hindi kayamanan ang susi sa bawat problema kundi ang karapatan ang dapat manaig sa
katotohanan dahil hindi tayo nabuhay sa mundo para maliitin lamang kundi para maging isang
inspirasyon sa bawat henerasyon.
8. Ang pang-aapi ng mayayaman sa mahirap ay kailangan ng tigilan. Hindi dahil mayroon kang
yaman ay pwede mo nang tapak-tapakan and mahihirap. Bagkus kailangan mo silang unawain
at tulungan sapagkat ikaw ang mayroon at lalo na hindi na dapat pang manggipit.
9. Tigilan na ang pagmamaliit dahil walang mahirap ang humiling na ipanganak sa ganoong
sitwasyon. Bigyan sila nang sapat na oras upang sila ay makabangon at ibalik kung anuman
ang iyong tinulong.
10. Isang paraan upang makatakas sa sistema na ito ay ang pagbutihin mo ang iyong pag-aaral.
Kumilos ka at Ikaw mismo ang humanap ng paraan upang hindi habang buhay na ika’y
tatapak-tapakan.
Name: Russel GarciaAduna Year: 4th S.Y. 2023-2024 Course: BSEd-Filipino
Major

Mga Tauhan:
Bandong Cruz- Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal opunong- guro ng
isang paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isangmagsasaka at maagang naulila, kaya’t siya’y
kinupkop ng kanyangtiya. Siya ay matuwid, matulungin, responsable, atmapagkakatiwalaan kaya’t
palagay sa kanya ang mga mahihirap atordinaryong tao sa Sampilong.
Don Severo at Doña Leona Grande- Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sa kanilang
mgatrabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain.Mayroon silang dalawang anak na
nagngangalang Jun at Ninet.Madalas silang magsimba ngunit sila’y lubhang sakim at
gahaman.Maaaring mahalintulad sa matakawa na buwaya.
Dislaw- Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali atkinamumuhian ng mga
magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong samagandang dalagang si Pina. Palagi siyang may dala-
dalang rebolbernab aril saan man magpunta.
Pina- Ang dalagang iniibig pareho nina Bandong at Dislaw. Siya ay anak niMang Pablo at Aling Sabel.
May kapatid siyang lalaki na nagngangalang Dinong. Tinaka siyang gahasain ni Dislaw pagkat diniya
ito makuha sa santong dasalan.
Andres- Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim napagkatao. Pinagbintangan siyang
magnanakaw ng ulo ng litson nainiabot lamang sa kanya. Siya ang asawa ni Sedes at mayroon
silangapat na anak. Lingid sa kaalaman ng iba na siya pala angtagapagmana ng malaking lupain ni
Kabesang Resong, isangmayaman ngunit mabuting kabesa noon.
Tasyo- Siya ang hinirang na pinuno ng unyon. Madalas siyang makipag-away sa mga Grande at kay
Dislaw dahil nais niyang protektahan atipaglaban ang kanilang karapatan at mabigyan ng hustisya ang
mgapang-aabuso sa kanilang mga mahihirap.
Jun at Ninet- Sila ang dalawang anak ng mga Grande at sige lang ng sige sa paglustay ng pera na ang
mga mahihirap na magsasaka ang naghirap kayat matatawag din silang mga buwaya.

You might also like