You are on page 1of 2

*Bandong Cruz  Siya ay isang gurong hinirang upang maging panibagong principal o punong- gurong isang

paaralan sa Sampilong. Siya ay anak ng isang magsasaka at maagang naulila


 Don Severo at Doña Leona Grande Sila ang mayamang mag-asawa na mapang-abuso sakanilang mga
trabahador at sa mga nangungupahan sa kanilang mga lupain. Mayroon silangdalawang anak na nagngangalang
Jun at Ninet.
 Dislaw  Ang katiwala ng mga Grande na mayabang, may masamang ugali at kinamumuhian ngmga
magsasaka. Siya ang karibal ni Bandong sa magandang dalagang si Pina
 Pina  Ang dalagang iniibig pareho nina Bandong at 
Dislaw. Siya ay anak ni Mang Pablo at AlingSabel.
 Andres  Isang lalaking naninirahan sa iskwater area na may lihim na pagkatao. Pinagbintangansiyang
magnanakaw ng ulo ng litson na iniabot lamang sa kanya.
 Tasyo  Siya ang hinirang na pinuno ng unyon
 

BUOD :
.
Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at
ng kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang
pananakop ng mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz
sa Sampilong upang humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa
karamdaman. Nagkataon naman na magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo
at Doña Leona Grande, ang mga pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa
kanilang dalawang anak na sina Jun at Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong
mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa
kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong malapit na ang piging ngunit kahit
noon pa man. Sila'y lagging walang-awang sumisingil ng mga nagkakapatong-patong na
utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang kalupitan ay, ilang
araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi
pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera
upang mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa.
Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at
naisip nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan.
Sila ay tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang
isipan ng mga tao sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit
patuloy na umiral ang kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang
lupaing kung tawagin ay 'Tambakan' o 'Bagong Nayon' at hinabla ang mga mahihirap
upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di nagtagal at nakarating ang mga balitang ito
sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala na si Dislaw, ang karibal ni Bandong
sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila'y gumawa ng paraan upang
matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni Bandong kung sino
ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at hinanaing ng mga
maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at ayusin ito
sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga
Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa
halip ay pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-
sala rin ang mga inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

You might also like