You are on page 1of 2

I.

Introduksyon

Ang Luha ng Buwaya ay nobelang katha ng isang Pambansang Alagad ng Sining o National Artist
(sa kategoryang Literatura) ng Pilipinas na si Amado V. Hernandez. Ang kwento ay umiikot sa pang-
aapi ng isang mayamang pamilya sa mga maralitang mamamayan ng isang bayan sa probinsya, at
kung papaano nakaisa’t nagsama-sama ang mga nasabing mahihirap upang lumaban at malutas
ang kanilang mga problema.

Isinulat ni Hernandez ang Luha ng Buwaya habang siya’y nasa bilanguan (sa pagitan ng taong 1951
hanggang 1956), at ito’y unang nalimbang noong 1962 ng Ateneo de ManilaUniversity Press. Ang
aklat ay may limampu’t talong kabanata at 334 na pahina.

II. Tungkol sa Manunulat

Si Amado Vera Hernandez ay ipinanganak noong ika-13 ng Setyembre 1903 sa bayan ng Hagonoy
sa Bulacan. Isa siyang tanyag na makata, manunulat at pinuno’t aktibista para sa mga
manggagawa.

Nagsimula siyang magsulat para sa mga pahayagan noong siya’y binatilyo pa lamang. Ilan sa mga
pahayagan kung saan siya’y naging peryodista ay ang Watawat, Pagkakaisa, at Mabuhay. Ang
kanyang mga akda any nakuha ang pansin ng tao at nasama ang ilang niyang mga kwento’t tula sa
mga antolohiyang kagaya ng Parolang Ginto ni Clodualdo del Mundo at Talaang Bughaw ni
Alejandro Abadilla. Noong 1922, naging kasapi si Hernandez ng samahang Aklatang Bayan, kung
saa’y kabilang din sina Jose Corazon de Jesus at Lope K. Santos. Siya’y labinsiyam na taong
gulang pa lamang noon.
Ikinasal si Hernandez kay Honarata “Atang” de la Rama noong 1932. Si Ginang de la Rama ay isa
ring Pambasang Alagad ng Sining, sa kategoryang Teatro, Sayaw at Musika.

Nang sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas noong taong 1941, sumali si Hernandez sa kilusang
guerilla, kung saan siya nagsilbi bilang intelligence officer. Dito’y nakilala niya ang mga miyembro ng
Hukbo ng Bayan Laban sa Hapon o Hukbalahap. Sinasabi na sa pagtatagpong ito nagkaroon ng
simpatya si Hernandez para sa Komunismo o Communism.

Matapos ang digmaan ay tinalaga siya ni Pangulong Sergio Osmeña bilang konsehal ng Maynila.
Siya rin ay naging pangulo ng dati’y Philippine Newspaper Guild. Ngunit ang talaga niyang
mahalagang gawain ay ang pag-organisa ng mga unyon para sa mga manggagawa. Si Hernandez
ay dinakip noong taong 1950 sa salang siya raw umano’y isang lider ng mga rebelyong namumuo
sa Luzon. Sa kulungan niya isinulat ang kayang mga tanyag na nobelang Ibong Mandaragit at Luha
ng Buwaya. Matapos ng limang taong pagkakakulong ay siya’y hinayaang magbayad ng piyansa, at
di kalaunan ay napawalang-sala sa mga kasong kanyang hinaharap.

Si Hernandez ay nagpatuloy magsulat at magturo hanggang sa kanyang kamatayan noong ika-24


ng Marso, taong 1970.

III. Buod

Umiikot ang kwento ng Luha ng Buwaya sa tunggalian ng mayayamang may-ari ng lupa at ng


kanilang mga inaaping magsasaka sa bayan ng Sampilong ilang taon matapos ang pananakop ng
mga Hapones. Nagsimula ang kwento sa pag-uwi ni Maestro Bandong Cruz sa Sampilong upang
humalili sa dating punong-guro na nagbakaston muna dahil sa karamdaman. Nagkataon naman na
magkakaroon ng malaking handaan sina Don Severo at Doña Leona Grande, ang mga
pinakamayaman sa Sampilong, bilang pagsalubong sa kanilang dalawang anak na sina Jun at
Ninet. Ang magkapatid ay umuwi sa Sampilong mula sa kanilang pagtatapos sa Maynila. Ang
pamilya Grande ay lubhang mapang-api sa kanilang mga magsasaka , at hindi lamang ngayong
malapit na ang piging ngunit kahit noon pa man. Sila’y lagging walang-awang sumisingil ng mga
nagkakapatong-patong na utang ng mga mahihirap na magsasaka. Isang halimbawa ng kanilang
kalupitan ay, ilang araw matapos ang handaan, namatay ang asawa ng isang magsasaka dahil hindi
pinagbigyan ng mag-asawa ang hiling ng lalaki na huwag munang kunin ang kanilang pera upang
mayroon siyang maipambili ng gamot para sa kanyang maysakit na asawa.

Dumating ang mga pangyayari sa puntong napuno na ang mga mahihirap na magsasaka at naisip
nilang magtayo ng isang unyon para mapangalagaan ang kanilang mga karapatan. Sila ay
tinulungan ng butihing punong-guro na si Bandong. Sa tulong nito ay namulat ang isipan ng mga tao
sa Sampilong at gumanda ang kalagayan ng mga mamamayan. Ngunit patuloy na umiral ang
kasakiman ng mga Grande at tinangka nilang kamkamin ang lupaing kung tawagin ay ‘Tambakan’ o
‘Bagong Nayon’ at hinabla ang mga mahihirap upang mapigilan ang kanilang mga plano. Di
nagtagal at nakarating ang mga balitang ito sa mga Grande sa pamamagitan ng kanilang katiwala
na si Dislaw, ang karibal ni Bandong sa panliligaw sa magandang dalagang si Pina, at sila’y
gumawa ng paraan upang matanggal si Bandong sa pagkapunong-guro sa paaralan. Nalaman ni
Bandong kung sino ang mga may galit sa kanya at tahasa na siyang nakiisa sa mga plano at
hinanaing ng mga maralitang tao ng Sampilong. Sinubukan nilang dalhin ang problema sa korte at
ayusin ito sa harap ng hukuman ngunit nagkaproblema sila dahil sadyang maimpluensya ang mga
Grande. Di naglaon ay napabalitang ang lupaing iyon ay hindi pala sa mga Grande, at sa halip ay
pagmamay-ari ito ng isa nilang kasamahan na si Andres. Sa huli ay napawalang-sala rin ang mga
inosenteng mahihirap at nabigyan ng hustisya.

You might also like