You are on page 1of 49

Awit ng kabataan

Natatawa sa atin kaibigan


At nangangaral ang buong Maririnig and dasal
mundo Ng kabataang uhaw
Wala na raw tayuong mga
kabataan Sa tunay na pagmamahal
Sa ating mga ulo Nawawala,nagtatago
Kung gusto niyo kaming sigiwan Naghahanap ng kaibigan
Bakit hindi niyo subukan? Nagtataka, nagtatanong
Lalo lang kayong hindi
maiintindihan Kung kailan kami mapakikinggan

CHORUS: Kung gusto mo akong subukan


Ang awit ng kabataan Bakit hindi mo subukan
Ang awit ng panahon Subukan mo akong pigilan
Hanggang sa kinabukasan Subukan ninyo kami
Awitin natin ngayon
CHORUS:
Hindi niyo kami mabibilang Ang awit ng kabataan
At hindi rin maikakahon Ang awit ng panahon
Marami kami ngunit iisa lamang Hanggang sa kinabukasan
Ang aming pasyon Awitin natin ngayon
Kabataan...
CHORUS: Panahon...
Ang awit ng kabataan Kabataan...
Ang awit ng panahon Ngayon na ang ating panahon
Hanggang sa kinabukasan
Awitin natin ngayon
At sa pag-tulog ng gabi
Bahay Kubo

Bahay kubo, kahit munti


Ang halaman doon ay sari-sari.
Singkamas at talong, sigadilyas at mani
Sitaw, bataw, patani.
Kundol, patola, upo't kalabasa
At saka mayroon pang labanos, mustasa,
sibuyas, kamatis, bawang at luya
At sa paligid-ligid ay puno ng linga.

Pen pen de Sarapen

Pen pen de sarapen,


de kutsilyo de almasen
Haw, haw de carabao batutin
Sipit namimilipit ginto’t pilak
Namumulaklak sa tabi ng dagat.
Sayang pula tatlong pera
Sayang puti tatlong salapi
Ako ay Pilipino

Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kay ganda

Sa Pilipinas na aking bayan


Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan ng Maykapal
Bigay sa 'king talino

Sa mabuti lang laan


Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal

Chorus:
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Isang bansa isang diwa
Ang minimithi ko
Sa Bayan ko't Bandila
Laan Buhay ko't Diwa

Ako ay Pilipino,
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino,
Ako ay Pilipino
Taas noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako!

Magtanim ay di Biro
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di man lang makaupo
Di man lang makatayo

Braso ko’y namamanhid


Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimitig
Sa pagkababad sa tubig.

Sa umaga, paggising
Ang lahat, iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

Halina, halina, mga kaliyag,


Tayo’y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas

(Bisig ko’y namamanhid


Baywang ko’y nangangawit.
Binti ko’y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.)

Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak.
Ang Tahanang Daigdig

May isang tahanang malaki't marikit,


Langit ang bubungan at lupa ang sahig.

Bawa't silid nito'y may bundok na dinding,


Dagat at batisan ang siyang salamin.

Palamuti naman ang tanang bulaklak,


Tala at bituin ang hiyas na sangkap.

Maraming laruang nakapagtataka:


Isdang lumalangoy, ibong kumakanta...

May tanging laruang isang bolang apoy,


Aywan ba kung sino ang dito'y nagpukol.

At sino rin kaya ang tagapagsindi


Ng parol na buwang pananglaw kung gabi?

A, Siya ang ating mabait na Ama -


Kay bango ng hangin na Kanyang hininga!

At tayo? O, tayo ay magkakapatid


Sa buhay na itong ang ngala'y Daigdig!
Araw Ng Kalayaan

Sa araw na ito ating gunitain


Itong kalayaang matagal nang atin;
Mayroon pang higit na sasaya kaya
Kaysa isang bansang malayang-malaya?

Itong kalayaan, atin ngang isipin


Kung nasusunod mo ang mga tuntunin;
Sa pag-iisip mo, ikaw ba'y malaya?
Malaya ka rin ba sa iyoang paggawa?

Kung may gagawin kang isang kamalian


O may masama kang pinag-iisipan,
Ang tanong ko'y ito - ikaw ba'y malaya
Sa pagsasagawa ng maling adhika?

Kaya't pakinggan mo, payo ko sa iyo -


Itong KALAYAAN, pakaingatan mo
Iyong gamitin lang sa gawang mabuti
Upang kapayapaan ang s'yang manatili.
ANG TALAMBUHAY NI PRES. RODRIGO DUTERTE

Si Rodrigo "Rody" Roa Duterte ay ipinanganak noong ika-28 ng Marso


taong 1945. Siya ay isang Pilipinong abogado, politiko, at ang ika-16 at
kasalukuyang Presidente ng Pilipinas. Kilala rin siya sa pangalang Digong,
Siya ang unang pangulo mula sa Mindanao at ang pinakamatandang
naging presidente sa kasaysayan ng Pilipinas sa edad na 71 (dating
rekord na hawak ni Sergio Osmeña sa edad na 65).
Talmbuhay ni Digong Duterte, Talmbuhay ni Duterte
President Rodrigo Duterte in Malacanang

Nag-aral si Duterte ng Political Science sa Lyceum of the Philippines


University at nagtapos noong taong 1968. Tinapos naman niya ang
kanyang abogasiya noong taong 1972 sa San Beda College of Law.
Pagkatapos nito ay nagtrabaho siya bilang abogado at taga-usig ng
Davao City, isa sa pinakamalaking lungsod ng Pilipinas. Si Duterte ay
naging bise mayor ng Davao City bago naging alkalde ng lungsod noong
1986. Isa siya sa mga alkalde ng Pilipinas na may pinakamahabang
nagugol sa serbisyo, umabot ito ng pitong termino at higit na 22 na taon.

Noong May 9, 2016, nanalo si Duterte sa halalan bilang pagkapangulo.


Nakakuha siya ng 39.01% ng mga boto laban sa katunggali na si Mar
Roxas mula sa Liberal party. Sa kanyang kampanya, ipinangako niyang
mababawasan ang krimen sa pamamagitan ng pagpatay sa libu-libong
mga kriminal. Ang kanyang domestic policy ay nakatutok sa paglaban sa
iligal na droga sa pamamagitan ng pagtugis sa mga pinaghihinalaang
nagbebenta at gumagamit ng droga. Noong Abril 2017, tinatayang higit
7,000 katao ang namatay mula sa mga lehitimong operasyon ng pulisya
at vigilante-style killings. Si Duterte na binansagang "The Punisher" ng
Time magazine, ay iniuugnay rin ng Amnesty International at Human
Rights Watch sa ekstrahudisyal na pamamaslang sa higit 1,400 na
pinaghihinalaang kriminal gamit ang vigilante death squads sa panahong
ito ay alkalde pa ng Davao.
ANG TALAMBUHAY NI SERGIO OSMENA
Si Sergio Osmeña ang naging ika-4 na pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Siya ay isang estadista at tagapagtatag ng Nacionalista Party. Isinilang
siya noong Setyembre 9, 1878 sa Cebu City. Nagtrabaho si Osmeña sa
panahon ng Rebolusyong Pilipino bilang isang courier para kay Emilio
Aguinaldo bago niya natapos ang kanyang pag-aaral sa abogasiya sa
Unibersidad ng Sto. Tomas noong 1903. Si Osmeña ay kilala sa paglaban
para sa kalayaan at tumulong sa labanan gamit ang pagsusulat bilang
editor ng El Nuevo Dia, isang pahayagan sa Cebu. Ang kanyang trabaho
bilang isang politiko ay nagsimula noong 1904 nang italaga siya ng
kolonyal na administrasyon ng US bilang gobernador ng Cebu at siya ay
naging abugado ng distrito ng nasabing lalawigan at ng Negros Oriental.
Sa pagitan ng 1907 at 1916, siya ay pinili bilang kinatawan sa Philippine
National Assembly at naging speaker ng Kapulungan ng mga Kinatawan.
Siya rin ang tagapag-organisa ng Nacionalista Party na kinokontrol ang
arena pampulitika. Nanatili ang pagiging lider ni Osmeña hanggang 1921
at sinundan ni Manuel Quezon.
Nagtagumpay ang tambalang Osmeña at Quezon sa paglaban para sa
kalayaan ng Pilipinas. Ang kanilang pinakamalaking laban ay lumitaw sa
panahon ng pagtatapos ng Hare-Hawes-Cutting Independence Act ng
Kongreso ng Estados Unidos noong 1933. Ang koponan ay hindi nagtagal
sapagkat hindi magkasundo sina Osmeña at Quezon ukol sa
pagpapanatili ng baseng militar ng US pagkatapos magkaroon ng
kalayaan ang bansa. Habang tinatrabaho ni Osmeña ang mga kondisyon,
hinarang naman ni Quezon ang kumpirmasyon nito sa Pilipinas. Nang
mapasa ang bill, nakuha ni Quezon ang Tydings-McDuffie Act of 1934 na
may katungkulan sa paggawa ng republika ng komonwelt.
Noong 1935, si Osmeña ay inihalal na bise presidente ng Komonwelt at si
Quezon ang kanyang pangulo. Siya ay naging matapat na tagasunod ni
Pangulong Quezon at sumama sa kanya noong si Quezon ay napatapon
sa Washington, DC noong 1942. Pinalitan ni Sergio Osmeña si Quezon
bilang pangulo noong siya ay namatay noong Agosto 1, 1944. Bumalik
siya sa Pilipinas kasama ang partido ni Douglas McArthur noong Oktubre
20, 1944.
Tumakbo siya muli para sa pagkapangulo noong Abril 23, 1946 ngunit
natalo kay Manuel Roxas, na naging unang pangulo ng independiyenteng
Republika ng Pilipinas. Nagretiro siya sa Cebu pagkatapos nito at
namatay noong Oktubre 19, 1961 sa edad na 83.
ANG TALAMBUHAY NI JOSEFA LLANES ESCODA

Si Josefa Llanes Escoda, kilala bilang lider ng sibiko, tagapagturo at


tagapagtatag ng Girl Scouts of the Philippines (GSP), ay isinilang sa
Dingras, Ilocos Norte noong Setyembre 20, 1898. Siya ay kasal kay
Antonio Escoda, na nakilala niya bilang isang reporter mula sa Philippine
Press Bureau. Mayroon silang dalawang anak. Si Escoda, na nakuha ang
kanyang degree sa pagtuturo noong 1919 sa Philippine Normal School sa
Maynila, ay isang social worker para sa Philippine Chapter ng American
Red Cross.

Talambuhay ni Josefa Llanes Escoda


Ipinadala siya upang sumailalim sa pagsasanay sa Girl Scouting sa
Estados Unidos sa ilalim ng sponsorship ng Boy Scouts ng Pilipinas.
Nakakuha rin siya ng isang master's degree sa Social Work noong 1925
mula sa Columbia University, sa pamamagitan ng Red Cross Scholarship.
Sa kanyang pagbabalik sa bansa, sinimulan niya ang pagsasanay sa mga
kababaihan upang maging mga lider ng Girl Scout at sa huli ay
inorganisa ang Girl Scouts of the Philippines.

Noong Mayo 26, 1940, nang pinirmahan ni Pangulong Manuel L. Quezon


ang GSP Charter, siya ang naging unang Pambansang Tagapagpaganap
ng grupo.

Sa panahon ng pananakop ng Hapon, siya ay pinapatay noong Enero 6,


1945 sa edad na 46 sa hinala ng pagiging isang taga-simpatya ng mga
gerilya. Ang kanyang asawa, si Colonel Antonio Escoda, ay pinatay din
noong 1944, kasama si General Vicente Lim. Ang isang kalye at isang
gusali sa Maynila ay pinangalanan sa kanyang karangalan at isang
monumento ay nakatuon sa kanyang memorya. Inilalarawan din siya sa
kasalukuyang 1000-peso bill bilang isa sa tatlong Pilipino na pinaslang ng
mga armadong pwersa ng Hapon.
MGA SALAWIKAIN
1. Ang ampalaya kahit anong pait, sa nagkakagusto’y matamis.
2. Kung may tinanim, may aanihin.
3. Malaking puno, ngunit walang lilim.
4. Kung ano ang puno, siya ang bunga.
5. Aanhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.

MGA KASABIHAN
1. Dapat lahat tayo ay magpakabuti, sapagkat ang kamatayan ay
nakasunod parati.
2. Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nagmula.
3. Ang buhay parang gulong, minsan sa ibabaw, minsa sa ilalim
4. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
5. Magsipag tayo hanggang bata, para puro biyaya sa ating
pagtanda.

MGA KAWIKAAN
1. Mas mabuti ang mahirap na marangal ang pamumuhay,
kaysa taong masalita ngunit walang nalalaman.
2. Masugid man kung mangmang, walang mapapakinabang;
ang kawalan ng tiyaga'y magbubulid sa kaguluhan.
3. Ang kayamana'y umaakit ng maraming kaibigan,
ngunit ang mahirap ay tinatalikuran ng dating kasamahan.
4. Marami ang lumalapit sa taong mabait, at sa taong bukás-palad,
lahat ay malapit.
5. Kung ang mahirap ay tinatalikuran ng mismong kapatid, wala na
itong magiging kaibigan, kaninuman lumapit.

MGA BULONG
1. Ingat lagi.
2. Tabi tabi po apo, alisin mo po ang sakit ng pamilya ko.
3. Lumayo kayo, umalis kayo, at baka mabangga kayo.
4. Huwang kayong maiinggit, nang hindi kayo magipit.
5. Pagaling ka, amang, mahirap ang may karamdaman.
Alamat ng Araw, Buwan at mga Bituin

Noong unang panahon ang paligid ay pawang kaliwanagan. Wala pa


noong gabi sapagkat laging magkasama ang Araw at ang Buwan.
Bilang mag-asawa, pala-utos ang Araw sa Buwan. Hindi nito binibigyan
ng kapantay na karapatan ang Ina ng Tahanan. Sobra naman sa bait si
Buwan. Lahat ng utos ni Araw ay sinusunod niya. Kahit na ang ipinag-
uutos ay dapat na suriin at pabulaanan.

Minsang magbalak mamasyal si Araw ay inutusan niya si Buwang


ipaglaga siya ng mga dahon ng gabi.
"Kailangang puno ng nilagang dahon ng gabi ang palayok pagbabalik
ko!" utos ni Araw sa nahihintakutang si Buwan.
"Pe... pero tiyak na uurong ang mga dahon ng gabing ilalaga ko,"
marahang paliwanag ng Buwan na mistulang sunud-sunuran sa kaniyang
asawang naghahari-harian.
"Basta tiyakin mong puno ng dahon ng gabi ang palayok pagbabalik ko!"
pasigaw na diin ng Araw sa nanginginig na maybahay.
Nag-iiyak nang nag-iiyak ang Buwan. Alam niyang hindi mapupuno ang
palayok kapag nilaga sa kalan. Sapagkat lubos na mabait ang Buwan,
pinagtiyagaan niyang lutuing mabuti ang mga dahon ng gabi. Pero kahit
sikaping mapuno ang palayok ay hindi niya ito magawa. Lagi at laging
may bakante pa ring lugar sa loob ng palayok na pinagpapakuluan.
Nang magbalik ang Araw at itanong ang mga dahon ng gabi ay napaihng
ang Buwan.
"Gi...ginawa kong lahat ang makakaya ko pe....pero hindi ko mapunu-
puno ang palayok sapagkat umuurong ang mga dahon ng gabing
inilalaga ko."
"Laging ganiyan ka!" panumbat ng Araw. "Noong isang linggo pinapalitan
ko sa iyo ng ibang kulay ang asul na karagatan pero di ka man lang
nakasunod sa aking kautusan! At hindi ba pinakiusapan din kitang
pantayin ang lahat ng burol at bundok sa kanluran pero ano ang ginawa
mo? Ipinagkibit balikat mo lang ang utos ko!"
"Asawa mo ako at di utusan!" ngumatal ang boses ng galit na galit na
Buwan. "Pantay lang ang ating karapatan. Kung utusan ang turing mo sa
akin, mabuti pang tayo ay maghiwalay."
"Aba, kung yan ang gusto mo ay susundin ko," taas noong sagot ni Araw.

"Ako ang ina ng mga bata kaya kailangang sa akin sila sumama."
"Para mamatay sa lamig mo?" nanghahamong tugon ng Araw.
"Paano kung isasama mo sila? Tiyak na mamamatay sila sa sobrang init
mo!"

"Sa akin dapat sumama ang mga bata. Ako ang ama nila!"
"Ako ang ina na laging kayakap nila!"

Nag-away ang dalawa. Sa paghahatakan nila sa mga anak ay nahulog


ang mga bata sa kalawakan. Mabilis na hinabol ng Buwan ang mga anak
na naging kumpol ng Bituin sa kalangitan. Ang Araw ay kuntento namang
naghihintay na lamang sa kaniyang makinang na trono sa kalangitan.
Hinihintay pa rin niya ang pagbabalik ng asawa at mga anak.
Mapapansing sa umaga at katanghalian matatanaw natin ang
mapagmalaki at magagaliting Araw sa kalangitan.
Sa gabi naman, makikita natin ang malamlam na liwanag ng Buwan at
kikislap-kislap na mga Bituin sa kaitaasan.
Alamat ng Bulkang Kanlaon
Ang mga taga-Negros sa Bisayas noong araw ay namumuhay na tiwasay
at mariwasa. Ang pangalan ng kanilang hari ay Laon, isang taong may
magandang kalooban. Ang mga tao roon ay nagsisigawa sa kanyang
bukid at sila'y kahati sa ani.
Isang araw ay umuulan, at ang ulan ay lumakas ng lumakas hanggang sa
bumaba sa bukid; anupa't ang tubig ay umapaw hanggang tuhod, at
tumaas hanggang baywang, at nagpatuly ng paglaki hanggang liig.
Ang mga tao ay natigatig at naisip nila na masisira ang kanilang mga
pananim. Palibhasa'y mahal ng hari ang mga taoat naisip niyang nawala
na ang aanihin huwag lamang mawala ang mga tao. Tinipon ng hari ang
lahat ng kampon niya at sinabi, "Gumawa kayo ng mataas na bunton ng
lupa." Sumagot ang mga kampon, "Kami po ay walang mga
kasangkapan."
Iwinagayway ng hari ang kanyang birang at pagdaka'y nagkaroon na
ngmga piko at pala. Sinabi ng mga kampon, "Wala po kaming mga bato.
Ang bunton po ng lupa ay kaylangan naliligiran ng mga bato."Sa hulung
wagyway ng birang ay nagkaroon na ng lahat ng kailangan. Sa sikap at
tiyaga ng mga kampon ay nagkaroon ng malaking bundok. Ang nagging
taas ng taluktok ng bundok ay 6,000 talampakan. Duon sila tumahan
hanggang sa humupa ang tubig. Nagpatuloy pa rin sila sa paggawa,
nagsihukay sila ng bambang na tungo sa dagat upang siyang lagusan ng
tubig ng sa gayon ay humupa ang tubig sa baha.
May isang malaking ahas na tumira sa bundok na yaon. Ang ahas ay may
pitong ulong kakila-kilabot. Ang kulay ng mata ay luntian at ang
ihinihinga ay kakatwa, na kung araw ay usok at kung gabi ay apoy. Isang
araw ay may dumating na isang binata na ang pangalan ay Kan. Siya'y
makisig at mahiwaga. Nalalaman niya ang ligalig sa bayan at sinabi niya,
"Papatayin ko ang ahas. Hindi ako natatakot." Sinabi ng hari. "Patayin mo
ang ahas at paglkakalooba kita ng mga gabok nag into at ang aking anak
ay ipagkakaloob ko rin sayo upang maging asawa."
Inihanda ng binata ang plano sa pagpatay sa ahas. Dahil sa may
kapangyarihan siya sa mga hayop, tinawag niya ang mga langgam at
iniutos niya, "Magsigapang kayo sa buong katawan niya at inyong
kagatin."
Tinawag niya ang mga putakti at iniutos niya sa kanila, "Pupugin ninyo
ang kanyang mga mata hanggang sa mabulag."
Tinawag niya ang mga uwak at iniutos, "Inyong kamutin at tukain ang
kanyang ulo at katawan hanggang sa mamatay."

Sila'y sumunod.Ang ahas ay kanilang napatay. Pinugot ni Kan ang pitong


ulo ng ahas. Ang mga ulong iyon ay inialay sa haring Laon, at mula noon
ay matiwasay na namuhay muli ang mga taga-Negros. Ang binatang si
Kan ay nagkamit ng yaman at napangasawa ang anak ng hari.
Inaalala ng mga taa roo ang binata at ang hari. Ang bundok ay
pinangalanang Kan-Laon at ng magtagal ito'y nagging Kanlaon, bilang
parangal kay Kan at Haring Laon.
Alamat ng Bundok Arayat

Ang Bundok sa Arayat na nakapatungo sa mga lalawigan ng


Kapampangan at Nueva Ecija ay may iniingatang mga kahiwagaan na
nagkasali-salin na sa mga maraming paniniwala. Sa maraming
kapaniwalaang iyan ay lalong bansag ang mga talang nababanggit sa
lathalang ito, dahil sa pagkakatanim sa diwa ng napakarami nang salin
ng lahi sa Arayat at kanonog-bayan.
Sang-ayon sa matatanda sa Arayat, ang bundok n nasabi ay ari ng isang
napakaganda at mapaghimalang babae, si Mariang Sinukuan. Di-umano
kapag mabili ang mga paninda, ang araw ng lingo sa pamilihang bayan
na Arayat, si Maria ay lumulusong sa bayan upang magtinda at mamili.
Subali't ang engkantada ay hindi mo raw makikilala dahilan sa iba't ibang
paraan ng pagbabalatkayo na kanyang ginagawa. Naroon daw ang mag-
ayos siya na tulad sa isang matandang magbubukid, bukod sa pagiging
maitim, ay pango pa ang ilong at sungal sunagl ang mga labi
pinatutunayan din ng marami taga-Arayat na maraming kagila-gilalas na
pangyayari ang mararanasan ng sinumang dadalaw sa bundok na iyon.
Ang kabundukan ay totoong masagana sa mga bungang-kahoy at ang
sinumang aabutin ng kagutuman doon ay malayang makakpipitas at
makakain ng bungang maibigan niya, subalit ang sinumang
magtangkang mag-uwi ng mga bungang-kahoy mula roon ay hindi
matututuhan ang landas pauw. At ang lalong kahima-himala ay ang
pagbuhos ng ulan kasabay ang paglakas ng ihip ng hangin. Ngunit sa
sandaling ilapag ng taong iyon at iwan ang mga bungang dala niya, ang
landas sa pauwi ay madaling matututuhan. Ang malaking tipak ng
batong-buhay sa ituktok ng bundok ay batyang pinaglalabhan ng
engkantada.

Dahil sa paniwalang napakaganda ni Mariang Sinukuan at dahil rin sa


magaagndang tugtugin maririnig sa kabundukan, wala sinumang
namamlagi roon sa pangambang baka magayuma sila at hindi na muling
makabalik sa kanilang tahanan.
Alamat ng Durian

Ang ninuno ng tribo ng mga Bagobo na ngayo'y naninirahan sa


kagubatan ng Mindanao ay mga sakop ni Datu Duri. Ang kahulugan ng
duli ay tinik pagka't siya ay laging nagbibigay ng ligalig sa kanyang mga
kaaway.
Iilan pang taon ang nakalilipas sa kanyang pagka-Datu nang siya ay
nagkaroon sa kanyang kabiyak ng isang tagapagmana ng kaharian. Ang
bata'y pinangalanang Durian, na ang gustong sabihi'y munting tinik.
Nagpakita sa Datu ang Dakilang Bathala at ipinaalam sa ama na ang
kanyang anak ay mabubuhay ng labingsiyam na taon lamang.
Lumakad ang mga araw. Nag-ugat sa puso ni Durian na mahalin ang
sakop ng kanyang ama. Sa di-kawasa ay dumating ang malungkot na
sandali. Ang sinabi ng Dakilang Lumikha ay natupad. Si Durian ay
nagkasakit. Sinuman sa kaharian ay walang makapagbigay ng lunas. Ang
Datu ay nalungkot at nawalan ng lakas na harapin ang katotohanan.
Hiniling ni Durian sa kanyang ama na kapag siya'y namatay ang kanyang
bangkay ay doon ilibing sa ilalim ng durungawan ng kanyang ina upang
maipagdasal ang kanyang kaluluwa sa lahat ng sandali. Ito ay natupad.
Sa ikasiyam na araw ay napansin sa libing ni Durian na may halamang
sumisibol.
Nagtumulin ang mga taon. Lumago ang halaman, yumabong ang sanga
hanggang sa ito'y namulaklak at namunga.
Isang araw, tinikman ni Datu Duri ang isang hinog na bunga. Nagsisunod
ang mga kawal sa palasyo pati ng mga nasasakupan. Nakita nilang ang
balat ng bunga ay manipis at maliit ang buto. Ang laman ay malasutla at
matamis. Naniwala ang mga taong ito'y ibinigay ni Bathala bilang isang
alaalang tagapagpagunita hinggil kay Durian noong nabubuhay pa siya.
Si Datu Duri ay matandang-matanda na. Isang taksil ang naggulo sa mga
alipin upang pag-imbutan ang kanyang kapangyarihan at kayamanan.
Ito'y si Sangkalan. Sa huli'y siya ang naging datu. Kanyang dinigma at
pinasuko pati ang mga Bilaan at Manobos.
Napag-alaman ng Dakilang Bathala ang kasakiman ni Sangkalan. Kanya
itong pinarusahan. Pinawalan ang kidlat at kulog. Nakatutulig na putok
ang arinig pagkatapos ng ilang saglit may nakitang mahiwagang liwanag
na nakabalot sa punong-kahoy na nakatayo sa libingan ni Durian.

Siniyasat ni Sangkalan at ng mga tao ang puno. Ang mga bunga ay


nagkaroon ng malaki at maraming tinik na katulad ng rimas. Nagalit si
Sangkalan at isinumpa ang Diyos. Pinagpalaluan ang Kanyang
karunungan.
Noon di'y nangalaglag ang lahat ng mga bunga ng punong-kahoy at
natabunan ang katawan ni Sangkalan. Nadurog ang kanyang bungo at
nalamog ang buong katawan. Noon di'y itinanghal na bangkay si
Sangkalan. Ang mga tao ay nasiyahan sa nangyari.
Nang buksan ng mga tao ang ilang bunga ng punong-kahoy, kanilang
nakitang ang balat ay makapal at ang buto ay malaki, ngunit ang laman
nama'y matamis. Nakatawag ng pansin ang masama nitong amoy.
Iyan ang kauna-unahang puno ng Durian.
Alamat ng Ilog Pasig
Payapa ang gabi noon,nagningningan ang mga talasa langit.
Nagsisislbing ilaw ang liwanag sa buwan sa kapaligiran. Isang binata't
dalaga ang nagpapalamig sa simoy ng hangin sa gabi. Nagawian na
nilang mamangka tuwing kabilugan ng buwan. Napagkasyahan ng
magkasintahan na mamangka sa ilog. Dayuhang Kastila ang nasabing
binata at mayuming dalagang Pilipina ang isa. Magiliw na nanonood sa
kumikinang na tala ang dalaga habang sumasagwan ang binata.

Masayang nagkukwentuhan ang dalawa sa gitna ng gabi na pumalaot sa


ilog. Ngunit may napansin ang dalaga. Sa gitna ng dilim ay may
magandang bulaklak ang nakita ang dalaga na nakalutang sa tubig. Agad
niya itong inabot. Subalit sa pag-bot niyang iyon, ang bangkang kanilang
sinasakyan ay nawala sa balance at nahulog ang binata. Sa di inaasahan,
ang binata ay hindi marunong lumangoy. Sa bawat paglutang ng binata
mula sa pagkalubog , tinatawag niya si Paz na tulungan siyang
makaahon.

"Paz sigueme! Paz, sigueme!" Ang salitang ito ay Kastila na ang ibig
sabihin ay sagipin mo ako. Sa kasawiang palad, hindi natulungan ng
dalaga ang binata. Ang huling salitang nabanggit ng binata ay "Paz sig!"
Hindi na muling lumutang ang binata at tuluyan na itong nalunod. Dahil
sa pangyayaring ito ang ilog ay tinawag nang "Pasig" o Ilog Pasig.
Ang Kalabasa at ang Duhat

Noong unang panahon nagtanim si Bathala ng kalabasa at duhat. Gusto


niyang makita kung papano magsilaki ang mga ito.
Dahil si Bathala ang nagtanim, kaydali nilang lumaki. Si Duhat ay lumaki
pataas na ang itinuturo’y kalangitan, at ilang araw pa ay nakahanda na
itong mamunga.
Sabik na sabik na akong mamunga, wika ni Duhat.

Si Kalabasa naman ay humaba, ngunit hindi tumaas. Gumapang lang ito


nang gumapang, hanggang sa ito’y nakatakda nang mamunga.
Ngunit hindi malaman ni Bathala kung anong uri ng bunga ang
ipagkakaloob niya sa dalawang ito.
Matamang nag-isip si Bathala.

Ang duhat na nilikha ko’y malaki, nararapat lamang na malaki rin ang
kanyang bunga. At si Kalabasa naman ay gumagapang lamang, at
walang kakayahang tumayo, nararapat lamang na ang mga bunga nito’y
maliliit lamang. Wika ni Bathala.

Ganyan nga ang nangyari. Si Duhat ay namunga ng sinlaki ng banga.


Agad niyang nakita na hindi tama ito, sapagkat nababali ang mga sanga
nito dahil sa bigat ng bunga. Si Kalabasa nama’y hindi bagay dahil maliit
ang bunga. Di pansinin ang mga bunga nito lalo’t natatakpan sa
malalapad na dahon.

Muling nag-isip ng malalim si Bathala. Tunay na hindi siya nasiyahan.


Napagpasiyahan niyang ipagpalit ang mga bunga ng mga ito. At
napatunayan niyang tama ang kanyang ginawa, sapagkat ang kalabasa,
mahinog man ito’y hindi malalaglag dahil ang puno ay gumagapang
lamang. Samantalang ang duhat, malaglag man ay magaan, hindi
masisira at ginawa naman niyang kulay berde ang kalabasa sa dahilang
ito’y malayo sa araw. At kulay itim naman ang duhat. Pagkat ito’y
malapit sa araw. At sa kanyang ginawa’y nalubos ang kasiyahan ni
Bathala.

ANG BATIK NG BUWAN


Mag-asawa ang araw at ng buwan. Marami silang mga anak na bituin.
Gustung-gusto ng araw na makipaglaro sa kanyang mga anak at ibig na
ibig niyang yakapin ang mga ito ngunit pinagbawalan siya ng buwan
sapagkat matutunaw ang mga bituin sa labis na init ng araw.
Kinagagalitan ng araw ang mga anak kapag lumalapit sa kanya.
Isang araw, nagtungo sa ilog ang buwan upang maglaba ng maruruming
damit. Ipinagbilin niya sa asawa na bantayan ang mga anak ngunit
huwag niyang lalapitan ang mga ito. Binantayan nga ng araw ang mga
anak. Buong kasiyahan niyang pinanood ang mga ito habang
naghahabulan. Nakadama siya ng pananabik at hindi siya nakatiis na
hindi yakapin ang mga anak. Bigla niyang niyakap ang lipon ng maliliit na
bituin nang madikit sa kanya ay biglang natunaw.
Hindi naman nagtagal at umuwi n ang buwan. Nagtaka siya sapagkat
malungkot ang asawa. Naisipan niyang bilangin ang mga anak ngunit
hindi nya nakita ang maliliit kaya't hinanap niya ang mga ito kung saan-
saan. Hindi niya matagpuan ang mga anak. Sa gayo'y sinumabatan niya
ang asawa. "Niyakap mo sila? Huwag kang magsisinungaling!”
Hindi na naghintay ng sagot ang buwan. Mabilis niyang binunot ang
isang punong saging at tinangkang ipukol sa asawa na nakalimutan na
ang kanyang kasalanan. Ang tanging nasa isp niya ay kung paano niya
maipagtatanggol ang sarili sa asawang galit na galit. Dumampot siya ng
isang dakot na buhangin at inihagis sa nukha ng buwan at dahilan sa
nangyari ay nagkaroon ng batik ang mukha ng buwan. Hinabol ng buwan
ang araw upang makaganti sa ginawa nito sa kanya at hanggang ngayon
ay hinahabol pa rin ng buwan ang araw.
Nagsimula sa Panahon ng Yelo
May Akda : Alvin B. Yapan
Buod :
Si Nene ay anak ni Aling Selya at nanay ni Boboy . Si Nene ay
bumili ng isang refrigerator noong nagmura ito , at kanya itong
pinagipunan . Nagsimula syang magtinda ng Yelo na dalawang piso ang
halaga . Nagtinda rin sya ng Ice Tubig na piso't singkwenta sentimo ang
halaga .Ng malaman nya ito ng mga kapit bahay gumaya rin sila kay
nene.Kaya ice candy naman ang naisip nyang ibininta tulad ng
inaasahan,ginaya rin nila sya na magbinta ng ice candy na many flavor
na abocado ,munggo at buka.sumunod nya namang pagkakitaan ay ang
poultry at piggery na ginaya naman ng kanyang mga kapit bahay kaya
bumaho ang kanilang daraanan sa sagrada,nakakalanghap sila ng
mabangong hagin tuwing umuulan lamang.pero ito ay pansamanta lang.

Naging guro rin sya sa Mababang Paaralan ng Sagrada. Kaya


doon sya nagtayo ng kanyang sari-sari.Nagbenta sya ng mga rekados at
mga laruan.Subalit nagalit ang mga nanay ng mga estudyante dahil baka
mabulag ang mga mata ng mga naglalaro ng baril barilan na may bala

Hanggang sa dumating si Mr. Edwards.Sya ay isang


Amerikano.Gusto nyang lumangoy sa Daro- Anak upang malagay ang
kanyang pangalan sa Guiness Book of World Records ,kaya pumunta sya
sa Sagrada.Kaya tinilungan nya si Nene sa kanyang sari-sari store
hanggang ito ay maging isang boutique dahil imported at galing sa ibang
bansa ang mga tinda nya.Kaya ang tinda nyang baril barilan na may
pulang tubig,parang duguan daw agad ang kalaban.At natatangal agad
ang pulang tubig para hindi magalit ang mga nanay.Pero may tsismis
daw na hindi talaga Guiness Book of World Records ang pinunta nya sa
Sagrada, kundi ang mag negosyo dito.Pero hindi naman daw ito totoo
sabi ni Mr.Edwards. Hanggang sa magpakasal sina Mr.Edwards at Nene.

Noong pumunta sila sa Maynila,inamin ni Mr. Edwards ang lahat


lahat kay Nene. Hindi naman daw talaga imported at galing sa ibang
bansa ang mga binibigay nyang tinda kay Nene,kundi ay bibila nya lang
ito sa Dibesorya sa Maynila.Makalipas ang ilang araw, bumalik ng
Amerika si Mr.Edwards,at babalikan nya daw si Nene.Pero ilang taon na
ang nakalipas, hindi pa rin bumabalik si Mr.Edwards.
Kaya pumunta ng Amerika si Nene para hanapin si Mr.Edwards
doon.Kaya ngayon,hindi nila alam kong nasaan na si Nene.Kung ito ba ay
nakatuloy sa Amerika o hindi.Pero nagdadala pa rin si Nene ng sulat sa
kanyang anak na si Boboy,subalit wala itong nakalagay na address.
“Ang karanasang hindi ko malilimutan”
(Isang Anekdota)
Lahat ng tao sa mundo ay may karanasan. Mga karanasang nagdulot sa
atin ng kasiyahan, kalungkutan, pighati at kabiguan.Habang tumatakbo
ang panahon lahat ng mga karanasan natin ay nag iiwan ng ng marka sa
ating buhay. Minsa ito ay masaya at minsan ay malungkot. Ano nga ba
ang karanasang hindi natin malilimutan ? Ako marami na at hindi ko
kayang i sulat dito sa dami ng karanasan ko. Minsan nga naalala ko ang
mga iyon at habang lumipas ang mga araw ang mga masasakit na
karanasang iyon ay tinatawa ko nalang. Ganito talaga ang buhat ng tao,
lahat ng masasakit na pangyayari sa iyong buhay ay tatawanan mo
nalang kahit masakit.

Ako po si John Vincent M. Arco also known as JV. Ako ay simpleng tao
lang. Ang aking pamilya ay malaki pero simple lang ang aming
pamumuhay hindi naman kami mayaman hmm sakto2 lang. Lage kami
magsasama nuon. Nag tatawanan at nag kukulitan kahit may
problemang naranasan, kinakaya namin kahit ano ang unos ang
dumating sa buhay namin basta magsamasama pa din kami. Sabi pa nga
ng mama ko nga “Okay lang na mag dildil kami ng asin basta kumpleto
at magkakasama pa din kami.” dahil sa hirap nuon. Bata palang si mama
naranasan na niya ang hirap ng buhay noon. Kaya para sa akin siya ang
pinaka magaling na mama sa buong mundo, dahil napalaki niya kami ng
maayos .

Pero lumipas ang mga ilang taon na masaya lagi ang aking pamilya.
Nguni’t ang di namin inaasan-asan ay isang malaki na problema ang
darating sa buhay na ganap na susubok sa aming katatagan. Labing pot
dalawang gulang pa ako nuon (12 years old) ( Ewan ko sakto ba) at nasa
2nd year high school pa ako. Nang malaman ng doktor na may sakit pala
ang aking lolo kami ay nagulat sa aming nalaman. Pero pinilit namin
maging masaya para sa aming lolo kasi dahil ayaw naming makita niya
na nalulungkot kami para sa kanya upang kahit papano ay mabawasan
ang naranasan niyang paghihirap at kalungkutan.

Ilang buwan ang lumipas lumala ng lumala ang sakit ni lolo, bumagsak
ang dating masigla na katawan ni lolo at nangayayat na ng husto. Ika-
apat ng hunyo 1923. Ito ang araw ng pag silang ni lolo. Pero hindi namin
inaasan-asan na kukunin na pala ng diyos ang aming lolo . Sobrang
lungot namin ng aking pamilya noon, kasi di naman namin alam na
mawawala pala si lolo ng araw na yun. At hindi namin alam na yun na
pala ang huling araw ng lolo namin. Kahit papano nararamdaman namin
ang lungot ang sakit na nadanas namin noon. Napaluha nalang ako
habang tinitingnan ko si lolo na wala ng buhay . Sabi ng lolo ko na
magpakabait daw ako at hindi ako magpapasaway sa aking pamilya at
hindi rin ako magbibigay ng sakit sa ulo sa pamilya ko yan ang sabi ng
lolo sa akin yung araw na nawala siya. At ng inilibing na si lolo noong ika
dalawang pot isa ng desyembre 2014. Umiyak ako ng sobra at tinanggap
na wala na ang aming lolo. At kung saan man siya naroon ay masaya na
siya sa piling ng dakila nating Ama.

Labing anim na ako ngayon (16 yrs old). Nalaman ko walang permanente
sa mundo. Lahat tayo ay lilisanin ang mundong ginagalawan natin
ngayon. Hindi man tayo sabay-sabay sa ating pag lisan, masakit man,
aksidente man o biglang kamatayan ang dahilan. Maikli lang ang buhay.
Dahil sa ating pag lisan ay wala tayong materyal na panghahawakan.
Masaya man o malungkot. Ito ang dahilan kung bakit tayo nabubuhay
dahil ang karanasang ito ang ang bubuo sa ating pagkatao.
Akasya o Kalabasa
(Isang Anekdota)
Ni Consolation P. Conde

Isang pamilya ang nagnanais ipasok sa isang kilalang eskwelahan ang


kanilang anak. Nang umagang iyon maagang bumangon si Aling Irene
upang ihanda ang mga pangangailangan ng kanyang anak na si Iloy na
tutungo at mag aaral sa Maynila. Si Mang Simon ang sasama sa kanyang
anak sa pagluwas sa Maynila. Nang makarating sa paaaralan sila ay agad
na nagtungo sa Tanggapan ng Punong-guro. Sila ay magalang na bumati
sa Punong guro, gayundin naman ito sa kanila. Sinabi nila dito ang
kanilang pakay. Sinabi ni Mang Simon na ang gusto lamang niya ay isang
maiksing kurso para sa kanyang anak na si Iloy. Sumagot ang Punong-
guro ng “Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang
lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung
ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay
magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-
puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang
upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”

Sa sinabi ng guro ang mag-ama ay nagbulungan. Umuwi si Mang Simon


na mag-isa sa kanyang sarili mabuti na nga ang kunin ng kanyang anak
ay isang buong kurso ng sa gayon yumabong ang kaalaman at
kinabukasan.

Kapag Lumaki Na
(Sanaysay)
Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa
mga nilalang na hindi naman natin nakikita. Kapre, tikbalang,
manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga lamang-lupa daw
ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote,
sibuyas at luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.

Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng


gamot para sa sakit mo. Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis
na mantika. Para mapainom ka, kailangang pasinungalingang
pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay
nagkakandangiwi na rin sa simangot. At may batok ka galing kay Tatay
kapag nailuwa mo at naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.

Ipapanood sa iyo sa TV ang mas lalong pinakamalalaking


kasinungalingan. Sesame Street na hindi mga totoong tao ang
gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet na parehong
lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang
hanggang 10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasing
laki ng elephant at elepanteng balbon (saan ka nakakita ng elepanteng
pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang nilalang na mahilig mag-
ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa
Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito,
isang tuso at isang tanga.

Ililipat naman sa ibang channel na ang tampok ay mga magkakaibigang


superheroes. Marami sila sa istorya at lahat ay may angking super
powers. Ipinakikita lamang dito ang kanilang kahinaan, na hindi pala
kaya ng isang superhero lang ang problema ng mundo. Kailangan din ang
tulong ng iba para masagip ang daigdig. Kawawang Superman, walang
sinabi. Hindi kayang tumayo sa sariling mga paa.

Tapos ka nang manood ng kasinungalingan este palabas pala sa TV.


Gusto mong maglaro sa labas kasama ng ibang mga bata sa kapitbahay.
Pero narinig mo ang sinabi ni Nanay. May bumbay na nangunguha ng
bata sa kalsada. Tarantadong bumbay ito. Akalain mong pati mga batang
nananahimik ay gustong kidnapin. Pero ang totoo niyan, hindi ka
pwedeng lumabas dahil bagong paligo ka. At magkakalkal ka na naman
ng dumi sa kalye kapag nakipaglaro ka. Tinatamad na si Mommy na
maglinis sa iyo.
Ayaw mong matulog sa tanghali? Lagot ka, andiyan ang “lizard”. Pikit ka
na, bababa na yung “lizard”.

Kaya, kasama sa paglaki ng bata na kahit ang pinakamaliit na


problemang kasing liit ng butiki ay hindi kayang masolusyunan dahil
“lagot ka, kayang-kaya ka ng lizard”.

Sa hapunan, hindi pwedeng hindi mo uubusin ang pagkain. Mabubulag


ka. Kahit magkandasuka ka sa pagsubo, ubusin mo. Hindi dahil sayang
ang inihanda sa mesa. Kung hindi bahala ka, mabubulag ka.

Isasama pa ba natin dito ang mga kasinungalingan tungkol kay Santa


Claus, ang tatlong hari, ang mga pamahiin ni Lolo at Lola, ang pagiging
“disente” (daw) ni Rizal, nakakabungang-araw ang pagkain ng sobra ng
mangga at ang tungkol sa mga alamat ng pinya at Olongapo? Huwag na.
Ayoko nang dagdagan ang mga kasinungalingan dito.

Lumalaki ang bata sa kasinungalingan. At sa kaniyang pagtanda, pag-


aasawa at pagkakaroon ng sariling mga anak, uulitin niyang muli ang
istoryang ito ng mga kasinungalingan. Mga Sanaysay sa Filipino 2011.
Global Warming sa Pilipinas
(Sanaysay)

Maraming isyu ang kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan. Ngunit


kung ako’y bibigyan ng pagkakataon na maging bahagi ng mga isyung
ito, ang una kong pagtutuunan ng pansin ay ang isyu tungkol sa ating
kapaligiran. Ginawa ko ang sanaysay na ito upang mailahad ko ang mga
bagay na aking naiisip na kaakibat ng ating kapaligiran sa kasalukuyang
panahon.

Patuloy na nasisira ang ating kapaligiran, dahilan upang magkaroon ng


negatibong pagbabago hindi lamang dito sa ating bansa bagkus pati na
rin sa buong sadaigdig. Ang lumalalang sitwasyon ay nagiging dahilan
upang magkaroon ng pangyayari na tinatawag na global warming. Ang
global warming ay ang pagtaas ng temperature ng ating mga karagatan
at atmosphere at ang patuloy na paglala nito. Sinasabi ng mga scientist
at mga eksperto na ang dahilan nito ay ang pagsusunog ng mga fossil
fuels na nagiging sanhi ng pagkasira ng ozone layer n gating
atmosphere. At dahil unti-unting nabubutas ang ozone layer, ang init na
galing sa araw o itong tinatawag na sun’s rays na mapanganib sa ating
kapaligiran kung ito’y direktang makapapasok ay siya na ngang
nagyayari sa kasalukuyang panahon. Ang ozone layer ang siyang
nagsisilbing taga-sala nito o filter upang hindi ang mga mabubuting sinag
lamang ang makapasok sa ating atmosphere.

Sa isyu ng global warming, napakahalaga na pagtuunan ng pansin ang


mga bagay na nagiging dahilan ng ganitong pangyayari. Alamin, sa abot
ng makakaya, ang mga sanhi ng global warming. Sa ganitong paraan,
malalaman natin ang mga dahilan ng pagkasira ng ating atmosphere at
magagawan natin ng paraan. Maiiwasan natin ang mga gawaing
nakapagdudulot ng unti-unting pagkabutas ng ating ozone layer gaya ng
pagsusunod ng mga fossil fuels.

Hindi lamang sa ating henerasyon maaaring makaapekto ang global


warming. Higit na mararamdaman ito ng ating mga anak at kanilang mga
pamilya kung hindi natin maaagapan ang pagkasira Ng ating kapaligiran.

Marapat lamang na hanggang maaga ay kumilos tayo upang hindi na


lumala pa ang sitwasyon. Kailangan lamang na magkaisa tayo upang
masolusyunan natin ang problemang kinakaharap. Malaki ang ambag ng
bawat isa sa pagkakaroon ng mabuti at malinis na kapaligiran. Huwag n
asana tayong dumagdag pa sa mga taong patuloy ang pagsira sa ating
kapaligiran.
MGA BALITA

1.PAGKAMATAY NG OPISYAL IGAGANTI NG PNP


NANGAKO si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Archie Francisco
Gamboa na maglulunsad ng mga pag-atake laban sa mga miyembro ng
New People’s Army na nakapatay kay P/Capt. Efren Espanto Jr.

“We will seek revenge, and they (rebels) should hide already because
revenge will be sought by the Philippine National Police and I will be true
to that word,” pahayag ni Gamboa.
Ginawa ng PNP Chief ang pangako sa kanyang pagdalaw sa labi ni
Espanto sa Camp Delgado sa Iloilo City nitong Sabado.

Si Espanto, 29, tubong La Carlota City ang team leader ng Western


Visayas Regional Mobile Force Reconnaissance Company na nasawi sa 15
minutong engkwentro laban sa mga NPA nitong Feb. 12 sa Aglobong
Village, sa bayan ng Janiuay makaraang mapuruhan sa kanang mata.

Gayunman, sinabi ni Gamboa na ipauubaya niya kay P/BGen. Rene


Pamuspusan, Director ng Police Regional Office (PRO 6) ang deployment
ng mga tauhan para maging specific sa kanilang target at hindi
masayang ang kanilang logistics.

2. PAGSASARA NG MGA POGO ITINULAK SA KONGRESO; P20-B


NAGLAHO SA TAX CHEATERS

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas sa mababang kapulungan ng


Kongreso na isara na ang mga POGO o Philippine Offshore Gaming
Operators at pauwiin na ang mga “tax-cheater” na ito sa kanilang bansa
sa China.
Ginawa ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang mungkahi sa
Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Bureau of
Internal Revenue (BIR) matapos lumabas na umaabot sa P50 Billion ang
hindi nababayarang buwis ng mga POGO operator sa bansa noong
nakaraang taon.

“Shut down operations and send home all ‘tax-cheat’ Philippine Offshore
Gaming Operators in the country,” ani Barbers dahil habang walang lusot
aniya ang mamamayang Filipino sa pagbabayad ng buwis ay patuloy
namang nandadaya sa buwis ang mga dayuhang ito.

Lumabas sa Senate hearing na aabot sa P17 hanggang P18 Billion ang


franchise tax na hindi nabayaran ng mga POGO sa bansa noong 2019
bukod sa P30 Billion na withholding taxes.

Hindi rin umano nangyari ang sinasabi ni PAGCOR Chairman Andrea


Domingo na aabot sa P20 Billion ang income tax na makokolekta sa mga
POGO sa bansa bukod sa buwanang P1.25 billion na value added tax
mula sa POGO workers.

Subalit noong 2019 aniya, umaabot lamang sa P5 Billion ang nakolekta


ng gobyerno sa mga POGO. “Nasaan na yung higit sa P20 bilyong piso na
revenues na sinasabi nila,?” tanong ng mambabatas.

Dahil dito, kailangang magdesisyon na umano ang gobyerno at isara na


ang mga POGO sa bansa dahil hindi sumusunod ang mga dayuhang ito
sa batas at patuloy na dinadaya ang mga Filipino.

3. Paglago ng ekonomiya bumagal dahil sa delay sa budget


Bumagal ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa unang 3 buwan ng taon
na isinisi ng gobyerno sa pagkaantala sa pagpasa ng pambansang
budget.
Ito na ang pinakamabagal na paglago ng ekonomiya ng bansa sa loob ng
apat na taon. Budget delay trims GDP growth to slowest in 4 years
Lumago ng 5.6 porsiyento ang gross domestic product o GDP mula Enero
hanggang Marso, kompara sa 6.3 porsiyento noong Oktubre hanggang
Disyembre. Abril lamang nalagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang
budget o ang 2019 General Appropriations Act dahil sa bangayan ng mga
mambabatas sa umano'y mga budget insertions.
"As we had forewarned repeatedly, the reenacted budget sharply slowed
growth," ani Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia.
Papalo sana sa 6.6 porsiyento ang paglago sa GDP kung naipasa sa oras
ang budget, ani Pernia.
Mga 'siningit' kabilang sa natapyas sa 2019 nat'l budget
Dahil sa pagbagal ng paglago sa ekonomiya, maaaring makumbinsi ang
Bangko Sentral ng Pilipinas na babaan ang tubo sa mga utang simula sa
Huwebes. Karaniwang binababaan ng Bangko Sentral ang "benchmark"
na interest rate na ginagamit ng mga bangko para hikayatin ang mga
negosyante na higit na mamuhunan.
Ayon naman kay Finance Secretary Carlos Dominguez, inaasahan ang
pagganda ng galaw ng ekonomiya sa ikalawang quarter ng taon ngayong
pasado na ang budget. Aapurahin na aniya ng gobyerno ang mga
naantalang proyektong impraestruktura sa pagpirma ni Duterte sa
budget.
Edukasyon: Susi sa Tagumpay
Edukasyon, isa ito sa karapatan ng bawat tao. Bata pa lamang tayo ay
alam na natin na ito ay pinakamahalagang bahagi ng ating buhay. Bakit
nga ba? Mula sa pang-araw-araw nating gawain ay kaakibat na ang
edukasyon na kung saan parte na ito ng ating pamumuhay. Habang tayo
ay lumalaki, nadaragdagan at lumalawak ang ating isipan at kaalaman.
Mula dito, nag-uumpisa tayong makihalubilo sa ibang tao o kapwa na
ating makikilala sa paaaralan. Ang ating guro ang nagsisilbing
pangalawang magulang at mga kamag-aral ay intinutring din na ating
pamilya.
Malaking kasiyahan para sa ating mga magulang ang makapagtapos.
Kayamanan ito para sa kanila dahil ito lang ang maipamamana nila sa
atin. Ito ay mahalaga dahil dito nakasalalay ang
kinabukasan ng bawat tao at para magkaroon ng magandang hinaharap.
Hindi hadlang ang kahirapan para sa pagtatagumpay. Kung mahirap ka
man, maraming paraan para makamit mo ang
iyong tagumpay. Kailangan mo lang ipakita ang iyong katatagan,
pagiging maabilidad at pagkakaroon ng lakas ng loob upang makaisip ng
paraan upang ikaw ay makapagtapos ng pagaaral.
Ipakita ang pagtitiyaga, pagsusumikap at pagtitiwala natin sa ating
Panginoon para makamit natin ang ating tagumpay.
Sa mundong ito, hindi ganoon kadaling mamuhay lalo na kung wala kang
sapat na kaalaman. Habang tumatagal, nagiging kumplikado ang lahat.
Nagkakaroon ng problemang hindi madaling solusyunan. Ngunit kung
mayroon kang mabisang sandata, malalampasan mo ito. Pangalawa sa
Diyos, Edukasyon ang mabisang panlaban sa problema at pagsubok.
Ayon kay Enriquez (2012), ang edukasyon ay hindi lamang susi sa
tagumpay kundi sa marami pang bagay. Ang kaalamang natututunan
natin sa paaralan ang nagbubukas at nagmumulat sa ating kaisipan
tungkol sa mga bagay-bagay na nangyayari sa ating kapaligiran at
nagbibigay sa atin ng pagkatuto. Edukasyon din ang nagdadala sa atin sa
mga lugar kung saan tayo nararapat na magbanat ng buto. Edukasyon
din ang magbubukas ng daan upang ating malaman ang ating mga
karapatan at ang kaakibat na mga pananagutan. Ang pagkakaroon ng
isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago
ang takbo ng ating buhay. Matibay ang edukasyon kung ito ay
pinagsamang katalinuhan at pagunawa bunga ng mga pormal na pag-
aaral tungkol sa iba’t ibang asignaturang tinuturo sa atin ng mga guro at
ng ating mga magulang.
Ang edukasyon ay katumbas ng isang imbisibol na susi, tulay, hagdan, at
sandatang panghabambuhay na bitbit ng bawat isang tao na magagamit
nila sa kani-kanilang paglalakbay at mga hakbang na dadaanan sa buhay.
Kung wala ito, mahihirapan ang tao na abutin ang kanilang mga
pangarap at mithiin sa mundong ito.
Susi ang edukasyon sa bawat pinto ng oportunidad. Kung tayo ay
mayroon nito, magagawa nating buksan ang ating puso at isipan na
pagsikapan ang tagumpay na gustong makamtan. Ito ay tulay upang
malalagpasan natin ang lahat ng bagay na humahadlang sa atin na
maabot ang ating kapalaran. Isa itong hagdan upang maakyat natin ang
mga bundok na humaharang sa ating
pagkatagumpay. At ito ay isang sandata laban sa lahat ng kahirapan na
mararanasan sa pagkamit ng pangarap.
Mahalaga ang edukasyon dahil ito ang ugat ng maginhawang buhay.
Gaya ng lagi nating naririnig sa ating mga magulang na edukasyon
lamang ang kanilang maipamamana sa atin. Ito ang dahilan kung bakit
sila ay nagpapakahirap magtrabaho para mabigyan lamang tayo ng
magandang edukasyon o pag-aaral. Kaya naman, huwag natin sayangin
ang kanilang paghihirap, mag-aral nang mabuti at pagsikapang makamit
ang minimithi.
Tunay ngang napakalaking papel ang ginagampanan ng edukasyon sa
buhay ng tao. Subalit ang kaalaman sa pagbasa at pagsulat ay hindi
sapat upang maituring na edukado ang isang tao
kaya’t nararapat na de kalidad ang edukasyon na natatanggap ng mga
Pilipino
Talumpati tungkol sa Droga
Minsan, kaakibat ng pag-unlad ng isang lipunan ang pagtaas ng datus ng
mga krimen na kanilang kinakasangkutan, isa na rito ay ang paglala ng
paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nagdudulot ng maraming
hindi kanais-nais na epekto lalo na sa pisikal at mental na kalusugan ng
isang tao.
Walang pinipili ang mga nagiging biktima ng droga – mayaman, mahirap,
bata matanda, ang lahat ay napapariwara.
Marami ang itinuturong dahil kung bakit marami ang nalulong sa
pinagbabawal na droga. Kahirapan ang isa na rito.
Dahil sa labis na kahirapan sa buhay ay ginagawa na nila itong paraan
para pansamantalang makalimutan nila ang kanilang mga suliranin.
Ang mga iba naman ay ginagawa na nilang hanap-buhay ang pagtitinda
ng bawal na droga.
Kahit ang kanilang mga asawang iniibig ang kanilang napagbubuhatan
ng kamay kapag wala na sila sa tamang pag-iisip.
Ang pinakamasaklap pa sa ating lipunan ay kabataan ang karamihan sa
mga nasasangkot at nabibiktima sa bawal na droga. Marami na ang mga
namatay at marami na rin ang mga nakulong, pero wala pa ring
pagbabago.
Talamak pa rin ito sa ating lipunan. Mistulang kanser na ito sa ating
lipunan.
Karamihan sa mga karumal-dumal na krimen na naitatala ay nag-uugat
sa pagtutulak or paggamit ng droga. Lulong at bangag ang karamihan sa
mga salarin.
Sa kasawiang palad, kahit pa nakukulong ang mga salarin ay hindi pa rin
tuluyang nakakamit ng mga biktima ang kanilang pamilya ang totoong
hustisya. Ito ay sa dahil ang mga buhay at kinabuksan na nasira ng mga
adik na kailanman ay hindi na maibabalik pa.
Ang suliranin sa bawal na droga ay hindi lamang isang ordinaryong
pambansang suliranin. Ito ay suliranin nating lahat dahil hindi posibleng
isang araw ay maging biktima rin tayo ng mga adik sa ating lipunan.
Bilang isang mapagmalasakit na mamamayan umpisahan natin ang
pagtuturo at pagbabatid sa ating mga pamilya at mga kamag-anak ang
mga kasamaan na idinudulot ng paggamit ng bawal na gamot.
Maging alerto tayo lagi at huwag matakot magsuplong sa kinauukulan
kung kinakailangan.
SIPAG O TALINO

LAKANDIWA:

Ako itong lakandiwang nagbuhat pa sa Bulacan.


Buong galang na sa inyo’y bumabati’t nagpupugay.
Taglay ko din ang pag-asang, naway maging matagumpay.
Patimpalak sa bigkasang, kung tawagi’y balagtasan.
Paksang aking ilalatag, pakiwari’y mahalaga.
Pagkat nasasangkot dito’y bayan nating sinisinta.

Sa pag-unlad nitong bayan, puhunan ay ano baga,


Ang SIPAG ba o TALINO, alin ang mas mahalaga?
Kaya’t inyong lakandiwa ay muling nag-aanyaya
ng dalawang mambibigkas na mahusa’y at kilala.
Ang hiling ko’y, salubungin ng palakpak ang dalawa.
Panig nilang ihaharap ay suriin at magpasya.

SIPAG:
Kapag baya’y umunlad. Ang pagko’y pinupukol.
Sa gobyerno at mga tao, sama-sama’t tulong-tulong.
Kung ang lahat ay tinatamad, bayan nati’y ano ngayon?
Wala na ngang pagbabago. Kabuhaya’y urong-sulong.
Kasipaga’y puhunan nating lahat sa gawain,
Maliit man o malaki, mahirap man ang gampanin.
Kung ang ating kasipagan, itatabi’t magmamaliw.
Maunlad na Pilipinas, di natin masasalapi.

TALINO:
Akong aba’y inyong lingkod, isinilang na mahirap,
at ni walang kayamanan, maaaring mailantad.
Pamana ng magulang ko ay talinong hinahangad,
Pamanang magtatanghal, puhunan sa pag-unlad.
Sa gobyerno at lipunan, mga tao’y may puhunan
Na kanilang tataglayin, habang sila’y nabubuhay.
Ang talino’y nagbubuklod, sa pambansang kalayaan,
Nagbibigkis sa damdamin, makayao’t makabayan.

LAKANDIWA:
Matapos maipahayag ang panig ng magtatalo,
Ngayo’y aming ihahanda, tayog ng inyong talino
Bawat isa’y papalaot sa napapanahong isyu
Kaya’t inyong timbangin upang inyong mapagsino.

SIPAG:
Sa tuwing may magaganap na halalan sa’ting bayan,
Sinusuring kandidata, may nagawang kabutihan,
Kung anong kursong natapos ay hindi na inaalam.
Kakayahan n’ya at sipag, tanging pinag-uusapan,
Aanhin mo ang talino kung di naman nagagamit,
Mga tao’y umaasa, lalo’t sila’y nagigipit.
Matalinong naturingan, tamad naman walang bait.
Kawawa lang itong bansa, mga luha ang kapalit.

TALINO:
Nalimutan ng kantalo, mga bayaning namatay,
Na nagtanggol sa ‘ting bayan , ng laya ay makamtan.
Kung di dahil sa talino, taglay nila nung araw,
Hanggang ngayon, tayong lahat, alipin pa ng dayuhan.
Mga naging presidente o senador at kongresman.
Lahat sila ang talino ay di natin matawaran.
Mga batas na ginawa’t pinatupad sa ‘ting bayan,
pinuhunan ay talino , kaya’t sila’y naging gabay.

SIPAG:
Sa dami ng matalino, namumumuno sa ating bansa,
Ibat-ibang pagpapasya at maging paniniwala.
Utos ditto, utos doon, sila’y di gumagawa,
kaya’t laging nababalang kapakanan naming dukha.
Samantalang kung masipag itong mga punong halal,
Sa problema’t kalamidad, sila’y laging naririyan,
Hindi na kailangang tawagin sila kung saan,
Sapagkat pagtulong nila ay kambal ng kasipagan.

TALINO:
Tila yata nalimutan nitong aking katunggali,
Sa pagtulong ay talino ang gamit palagi,
Pag mayroong kalamidad, manloloko’y nariyan lagi,
Kaya’t anong mahalaga, Talino’y ipagbunyi.
Matataas na gusali, Super market, public mall,
Fly overs, sky ways, at ibat-ibang komunikasyon.
Lahat ng yan ay nagawa, talino ang naging puhon,
Kaya’t bayan ay umunlad, ang biyaya’y tuloy-tuloy.

SIPAG:
Sipag ang kailangan!

TALINO:
Talino ang puhunan!

SIPAG:
Matalino nga, tamad naman!

TALINO:
Ang taong tamad ginagamit ang talino para sumipag.

SIPAG:
Sipag!

TALINO:
Talino!

LAKANDIWA:
Saglit munang pinipigil, inyo itong lakandiwa.
Pagtatalo nitong dalwang mahuhusay na makata,
Pagkat tila nag-iinit, at kapwa di masawata.
Inilahad na katwiran, nakatatak sa ating diwa,
Ang talino ay biyaya’t kayamanang handog ng Dyos,
Lagi nating nagagamit, sa mabubuting gawa’t loob.
Kasipagan at talino, pagsamahing walang toos,

Kaya’t dapat ng magsanib, pag-isahing lubos-lubos.


Ang talino’y siyang utak sa balangkas ng paggawa.
Ang sipag nama’y s’yang bisig sa planong binabadya.
Kung ang isa’y mawawala, walang silbing magagawa.
Kaya’t kapwa mahalaga.
Panalo silang kapwa.
Edukasyon o Kayamanan?
Lakandiwa:
Ang dalawang mahusay na makata ay itatampok
Haharapin nila ay napakahirap na pagsubok
'Pagkat ang mga katuwiran nila ay magsasalpok
Sino kaya ang lalabas na matalino at bugok.?
Sa panahon ngayon ay ano ba ang mahalaga
Edukasyon ba o ang kayamanang tinatamasa?
Alam kung lahat ng tao'y naghahangad ng ginhawa
At ng karunungang nagpapapaunlad sa diwa.

Kanina pa sila nakatayo rito sa may gitna


Kung baga sa sundalo ay nakahanda na sa digma
Kanino kayo papanig dito ba o sa kabila?
Makinig nang husto at buksan ang inyong pang-unawa.
Ang titindig sa edukasyon hangad niya ay talino
'Pagkat ito ang pinili niya't talagang ginusto
Kaya't karangalan niyang matawag na isang henyo
Karunungan ay kasama na ng kanyang pagkatao.

Ang tingin ko sa kanyang katalo ay isang praktikal


'Pagkat itong kayamanan ang higit na minamahal
Kung mayroon kang kayamanan para na ring may dangal
Marahil ito ang nasa isip niya't iaaaral.
Nararapat lang na ang bagay na ito'y mapag-usapan
'Pagkat ang lahat ng tao ay mayroong kinalaman
Dahil tayong pinakasentro't pinatatamaan
Dapat lang makialam at huwag isara ang isipan.

Edukasyon:
Ang kailangan ng lahat ng tao ay edukasyon
Ito'y isang tulay upang maabot mo ang ambisyon
Kailangan nating sumabay sa takbo ng panahon
Mahirap maging mangmang at ituring na 'sang patapon.

Ang edukasyon ay masasabi na ring kayamanan


'Di mauubos dahil nakalagay sa iyong isipan
Kaibigan, maganda ang mayroong pinag-aralan
Para magkaroon ka ng magandang kinabukasan.
Ang literal na kayamanan ay mapapasaiyo
Dahil magkakaroon ka rin ng magandang trabaho
Kahit maralita lang balang araw ay aasenso
Lahat ay posible kung ikaw ay isang edukado.

Kung nakapag-aral malayo ang iyong maaabot


Ang mahahawakang salapi ay 'di lang kakarampot
Maaari ka ring maging among nakakapagpaikot
'Di isang tauhan na tila sunud-sunurang robot.
Walang imposible sa taong may isipang malawak
Naghahatid sa tagumpay dahil isa itong pakpak
Habambuhay na dala-dala't nasa likod ng utak
Daragin man sa apoy ay 'di rin mawawasak.

Ano ang kabuluhan ng kayamanang nauubos?


Baka kapag nawala na'y kasama ka ring matapos
Huwag mananalig sa kayamanan mong dinidiyos
Ibigin mo ang edukasyon ito ang aking utos!

Kayamanan:
Ang mahalaga sa daigdig na ito ay kayamanan
'Di ba't mas mainam kung maraming perang nahahawakan?
Ang sobrang pag-aaral ay pahirap lang sa katawan
Pinahihirapan nang husto ang sarili 'di naman yayaman.

Ang kayamanan ay 'di isang librong isinasaulo


Kundi magagamit sa araw-araw na pamumuhay mo
Dahil sa kayamanan magagawa lahat ng gusto
Malakas ang impluwens'ya mo't kapit sa gobyerno.

Ang diploma't medalya ay palamuti lang sa dingding


Nag-aral ka nga pero ba't tila mayroong tililing?
Samantalang ang kayamanan magagamit sa magaling
'Di maghihirap nang husto kagipitan ma'y dumating.

Ang edukasyon ba ay agad mo nang makakain?


Magagastos ba 'yan sa tindahan kung may nais bilhin?
Kung mayroong kayamanan 'di maaaring gutumin
'Di na kailangan na ang isip mo ay pigain.
Kapag masaganan marami ka ring matutulungan
Mga kapatid na dukha at nangangailangan
Na 'di man lang makapasok sa matinong paaralan
Tapos ngayon ay itinuturing n'yo pang mga mangmang.

Paano sila makakapag-aral kung walang pera?


P'wera na lang kung iskolar na may sumusuporta
Alam mong taun-taon tumataas ang matrikula
Kaya't sa edukasyon ay 'di na ako aasa pa!

Edukasyon:
Ang edukasyon ay malaki rin ang naitutulong
Huwag solohin ang karangalan, pilantropong gungong
Kung wala itong edukasyon tayo kaya ay dudunong?
Baka sa walang hanggang kamangmangan pa'y nakakulong.

Kapag walang tinapos 'di ka igagalang nang husto


Mamatahin ka lang ng kung sino'ng impakto't demonyo
Kaya nasapawan si Bonifacio ni Aguinaldo
Nang maliitin s'ya noon ng isa sa mga Magdalo.

Kung may likas na talino pero 'di naman binungkal


Walang kabuluhan para ka na ring nagpatiwakal
Sayang lamang ang kaloob kung 'di marunong magmahal
'Pagkat ang talino'y kinukulob at 'di pinabubukal.
Edukasyon ay mahalaga alam 'to ng gobyerno
Kaya't inilagak nila rito ang malaking pondo
Kung lahat ay nakapag-aral walang magiging bobo
Magiging matatag ang pamumuhay mo sa mundong ito.

Karamihan sa namumuno'y pawang edukado


Kapag mahina ang namumuno saan patutungo?
May maganda bang naiisip ang tulad mong utak ginto?
Kung puro kayamanan lang ang laman ng 'iyong puso.

Malaay mo balang araw maging pinuno ako ng bansa


Kaya't pakaiingat ka sa iyong pagsasalita
Kilalanin mo na ang edukasyon ay mahalaga
Huwag sabihing dunong-dunungan 'to, mangmang na bata!
Kayamanan:
Ano' nangangarap ang isang 'to na maging lider
Paano nasasarapan kang tawagin na boss at sir
Kung 'di ko pa alam gusto mo lang gayahin si Hitler
Ingat sila sa 'yo baka manira ka ng rebolber.

Kailangan pa bang maging propesor at senador


Upang maging tanyag at isang magaling na orador?
Ako kahit sa bahay lang mag-aral dahil may tyutor
Sa pag-aaral mo baka ako pa ang mag-isponsor.

Bakit si Presidente Erap drop out sa Ateneo?


Samantalang high school gradweyt lang ang lider na si Suharto
'Di ito nakukuha sa taas ng pinag-aralan mo
Nasa yaman at hangaring makapaglingkod sa tao.

Alamin mo ang datos maraming walang trabaho


Mga nakatambay kahit nakatapos ng kolehiyo
Ang iba ay 'di nagamit ang pinag-aralang kurso
Kaya't nasayang lang ang apat na taong binuno.

Kung magsalita ka akala mo'y napakatalino


Ba't alam mo ba ang lahat ng bagay sa mundo?
'Yan ba ang natutunan sa paaralan, ang maging idealistiko?
Baka sa sobrang pagbabasa nasira na ang ulo.

Huwag sanang akalain na mukha akong salapi


Nakamtan ko ito dahil sa aking pagpupunyagi
'Di nakapagtapos pero may talinong nakakubli
At nahihigitan pa kita sa aking pakiwari.

Edukasyon:
Karamihan talaga sa mayayaman ay mayayabang
Ang dating ng salita ay nasobrahan sa anghang
Napakakitid ng isip mo dahil utak-alamang
Akala mo ay dakila wala namang pakinabang.

'Di ako naniniwalang yaman ay bunga ng pagsisikap mo


May nakapagsabing namana lang sa nasira mong lolo
Paano ka uunlad lalo kung mahina ang iyong ulo?
Baka ang makinabang ng kayamanan mo ay ibang tao.

Marami ngang kayamanan 'di naman marunong humawak


Kahit katiwala lolokohin ka dahil walang utak
Baka matulad ka sa kuwento ng Alibughang Anak
Walang pagpapahalaga sa bukas at 'di nagbabalak.

'Di ba't ang malaking kayamanan ay nakakasilaw?


Kung ganoon ba't ang tao dito pa ililigaw?
Edukasyon ang kailangan natin sa mundong ibabaw
'Di ang kayamanang 'di madadala kapag pumanaw.

Ang paniniwala mo'y tulad sa ibang salesman


Sabi nila ang edukasyon ay 'di na kailangan
Mas malaki raw ang kinikita nila sa bentahan
Nasa husay mag-sales talk at networking lang ang paraan.

Ang karunungan na dulot ng edukasyon ay 'di napaparam


Samantalang ang kayamanan ay para lang hiniram
Ayokong matulad sa 'yo na walang kaalam-alam
Ang kapal ng apog mo na sa akin ay makialam!

Kayamanan:
Hoy! Bakit sinasabing mahina ang aking kukote?
Kung totoo umatras na sana ako sa debate
Wala namang kabuluhan ang mga pinagsasabi
Paikot-ikot lang, 'di pa gaanong makaatake.

Sa panahon ngayon may makikita ka bang libre?


D'yan nga sa edukasyon mo ay ang taas ng tuiton fee
Sa buong bansa halos pribado ang nagmamay-ari
Pero wala sa akin 'to dahil sa maraming salapi.

Ipinagmamalaki mo ang edukasyong komersyal?


Ang karunungang para sa lahat, ipinangangalakal
Sobrang daming gastos, ang bayad ay pagkamamahal
Ito ba ang tinitindigan mo, kuno'y intelekwal?
Kung gusto n'yo na maging mahalaga ang edukasyon
Baguhin ang maling sistema na pinaiiral n'yo ngayon
Tayo ay magbigayan 'yan ang sabi ng Panginoon
Kabig kayo ng kabig parang 'yung ibang relihiyon.

Marami ang nagsasabi na sila raw ay nakatapos


Ngunit kung tanungin mo ay 'di makasagot ng maayos
Kung kuto lang sila marahil ay akin nang pinulbos
Kung nakapag-aral ba't sa talino'y kapos?

Ang kayaman ay ayokong magamit lang sa luho


Bagama't sinasabi ng iba na ito ay isang tukso
Nais kong ituring ito na isang dalisay na ginto
Na nararapat lamang sa may malilinis na puso.
Lakandiwa;
Sa aking narinig tila ang isip ko'y tinutuhog
Sa init ng pagsasagutan n'yo para kayong mambubugbog
Baka sa gitna ninyo ay biglang may bombang sumabog.

Maganda ang katuwiran n'yo na naibigay


Sa katotohanang aral ay 'di kayo suminsay
Ngunit pareho kayong tama sa aking plagay
Magagamit ito sa araw-araw nating pamumuhay.

Huwag sanang sasama ang loob n'yo sa akin


Kung sasabihin kong kayo ay may kahinaan din
Bilang lakandiwa igalang ako at huwag batikusin
Nais ko lang kayong maging mabuti sa aming tingin.

Ikaw Edukasyon, 'di ba't ikaw ay para sa lahat?


Ba't mapepera lang ang nakakapag-aral ng sapat?
Paghusayin rin ang turo mo ito ang nararapat
Kapag naganap 'to ibabantog ka ng walang puknat.

Ikaw Kayamanan, huwag kang masyadong magpasikat


Tama na, sa sariling bangko huwag nang magbuhat
Ang biyaya ay ibahagi sa iba't iyong ikalat
Kung ganoon habambuhay ang aking pasasalamat.

Sa oras na ito nais ko munang maging neutral


Paumanhin kung naghintay kayo nang napakatagal
Ang paghuhusga'y maaaring bawat indibidwal
Yamang napanuod na ninyo ang aming pagtatanghal.
ANG GININTUANG ASAL

May isang mag-asawang may anak na batang lalaki. Kasamang


naninirahan ng pamilyang ito ang ama ng Tatay. Noong una, maligayang
nakakatulong ng mag-asawa sa paghahanapbuhay ang ama at
masayang nakakasama ng bata ang kanyang Lolo sa paglalaro. Ngunit
dumating ang sandaling tuluyan nang inagaw ng katandaan at madalas
na pagkakaroon ng karamdaman ang lakas ng matandang lalaki. At dahil
dito, hindi na ito napakinabangan sa bahay.
Sa tuwing kumakain sa hapag-kainan, parating nakakabasag ng pinggan
ang matandang lalaki nang dahil sa panginginig ng kamay.
Sa buwisit ng mag-asawa sa matanda ay ginawan na lang nila ito ng
pinggan na gawa sa kahoy, na animo isang aso.
Ang pinggan nga naman na gawa sa kahoy ay hindi na mababasag nito.
Naging saksi ang batang anak ng mag-asawa sa ginawa nila sa matanda.
Isang araw, nagtungo sa silong ang bata at kumuha ng magandang uri
ng kahoy.
Nang makita siya ng kanyang ama ay kaagad nilapitan at tinanong.
Ano ang ginagawa mo?
Tumingin ang bata sa kanyang ama at sinabing, Gumagawa po ako ng
pinggan na gawa sa kahoy. Upang sa inyong pagtanda ni Nanay ay
mapagkalooban ko rin kayo ng ganitong kainan.
Biglang natauhan ang ama sa narinig.
Dali-dali niyang kinausap ang kanyang asawa. At magmula noon,
nagbago na ang pakikitungo nila sa matanda.
Ang Pulubi
Minsan may dalawang pulubi na nasa lansangan na namamalimos ng
barya sa mga nagdaraan. Isang gabi, sila'y ginising mula sa
pagkakahimbing ng isang nakasisilaw na liwanag. At mula sa liwanag na
iyon ay may namataan silang isang pambihirang nilalang.
Maganda ang damit at gawa sa mamahaling bato ang kasuotan nito.
Natuwa ang dalawang pulubi. "Ito na marahil ang hari ang mga hari," ang
sabi ng isa. "Tama! Pagkakalooban niya tayo ng kayamanan, at hindi na
uli tayo kailangan pang mamalimos!" Lumapit nga sa kanila ang hari at
sila'y kinausap. "Ano ang maaari ninyong ihandog sa akin?" ang tanong
nito. Nagtaka and isang pulubi. Bakit sila pa ang magbibigay? Ang
naisaloob niya.
Samantalang ang ikalawang pulubi ay nagmamadaling nagbukas ng
kanyang sako at kumuha ng pinakamalaking piraso ng tinapay na
mayroon siya. "Anong gagawin mo?" ang tanong ng naunang pulubi dito.
"Iaalay ko sa kanya ang pinakamalaki kong tinapay." "Nababaliw ka na
ba? At papaano ka?" "Karapat-dapat lamang ipagkaloob sa hari ang
nararapat para sa kanya at ito ang aking gagawin!"
Inalay nga ng pulubing yaon ang malaking piraso ng tinapay. "Ito lang po
ang aking maipagkakaloob," ang sabi pa nito sa hari." Ngunit ito na po
ang pinakamalaking bagay sa buhay ko. Nawa'y tanggapin ninyo."
Tinanggap ng hari ang tinapay na alay ng pulubi.
Nang balingan nito ang isa pang pulubi ay nakita nitong nagkukumahog
ng naghahagilap ang pulubing iyon sa paghahanap ng maipagkakaloob.
Sa wakas, nakakita rin ito ng pinakamaliit na butil ng mais. Inalay nito sa
hari ang naturang butil ng mais. "Heto lang ang maaari kong ipagkaloob
sa inyo," ang sabi pa nito. Iyon lang at tinanggap iyon ng hari. At bigla
ngang naglaho ang liwanag at nawala na rin ang hari. Maya-maya'y may
napansin ang isang pulubi sa buhat-buhat niyang sako. Animo bumigat
iyon. Nang buksan niya iyon, laking gulat niya sa nakita! Sa loob ng sako
ay may nakalagay na ginto! Isang malaking piraso ng ginto na 'sing laki
ng tinapay na ipinagkaloob niya sa hari! Napalunok ang isa pang pulubi
nang makita iyon. Nang bisitahin din niya ang kanyang sako, hindi siya
nagulat nang makita niyang nakalagay na ginto doon. Gintong 'sing liit
ng isang butil ng mais na ipinagkaloob niya.

BUGTONG
1. Maraming paa, walang kamay, may pamigkis sa baywang ang
ulo’y parang tagayan, alagad ng kalinisan.
Sagot: Walis
2. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: Paruparo
3. Nakakaluto’y walang init, umuusok kahit na malamig.
Sagot: Yelo
4. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: Kandila
5. Halaman ng dunong, walang dilig maghapon, araw-araw kung
bilangin isang taon kung tapusin.
Sagot: Kalendaryo
PALAISIPAN
1. Sina Singko ay limang magkakapatid. Kung ang panganay ay si
Uno, sino ang bunso sa kanila?
2. Ate mo, ate ko, ate ng lahat.
3. Sinampal muna bago inalok.
4. Baboy ni Pedro, balat ay pako.
5. Nang aking bilhin ito ay parisukat, nang aking buksan ito ay
naging pabilog, At nang aking kainin ito ay naging tatsulok.

ANG MGA SAGOT


1. Si Singko
2. Atis
3. Sampalok
4. Langka
5. Pizza Pie

NIEZY S. CADUSALES
BACHELOR OF SCIENCE IN RADIOLOGIC TECHNOLOGY-1

You might also like