You are on page 1of 7

Para kay Pepe mula sa mga PiPe

(Pilipinong Perwisyo DAW)

(Group 1)

Kamusta? Ikaw ba ay natutuwa?

Sa mga bagay na iyong namamasdan mula sa kaitaasan?

Ikaw siguro’y napapaisip? Nagtataka?

Nasan na ba ang bansang buwis buhay mong ipinaglaban?

Heto na. Amin ng sisimulan

Ang boses ng mga taong walang bibig ay iyong pakinggan

Aming titingnan

Ang mga taong takip mata at nagbubulagbulagan

Aming kakausapin

Ang mga taong para sa ikabubuti at tama ay ayaw dinggin

Aming gigisingin

Ang mga taong natutulog ang pagmamahal at malasakit sa Inang bayan natin.

Gracen Anne Asuncion : “Pagiging makabayan”

Mula pagkabata , iyo nang ipinakita

Pagmamahal sa bayan na iyong sinilangan.

Hindi alintana ang kamusmusan ng isipan,

Sa mga pampaaralang paligsahan, bandera ng bansa ay iyong pinararangalan.

Hindi man pisikal na makalaban sa mga dayuhan,

Ginamit ang natatanging talino upang mananakop ay maisahan.


Nagpakadalubhasa sa iba’t ibang larangan ng kaalaman

Upang karamdaman ng bansa ay iyong malunasan.

Sumulat ng mga akda na patungkol sa inang bayan

Tungo sa pagkakaisa at paninidigan ng ating mga kababayan

Hayaan mong aming ipakita’t patunayan

Na tama ka, kami nga ang pag-asa ng bayan.

Meirelle Alvarez: “Edukasyon”

Kami’y bulag, bulag sa katotohanan

Dahil sa kadiliman ng ating kapaligiran

Mga letra at libro’y iyong iniwan

Na nagsilbing ilaw, upang kami’y maliwanagan

Bala’t baril, ika’y nagsakripisyo satin

Papel at lapis, dapat nating gamitin

Di sagot ang pulbura’t basyo ng bala

Solusyon dito’y kaalaman naman talaga

Ikaw ang puno at kami ang magsisilbing bunga

Ng edukasyon na ikaw ang nagpatamasa

Gagamitin ang natatamong kaalaman

Upang ang pagbabago sa bulok na sistema’y makamtan ng ating bayan.

Jamaica Alfaro: “Larangan ng Pagsulat”

Ang pagmamahal sa bayan ang iyong naging sandigan

Lapis at papel ang naging sandata sa mananakop na dayuhan


Ginamit ang katalinuhan upang ipaglaban ang sambayanan

Iyong nagawa sa bayan ay 'di matutumbasan

Mga akdang inilimbag na tumutuligsa sa mga dayuhan

Nagmistulang natatanging bala ng perlas ng silanganan

Na siya ring nagmulat sa mga mata ng mamamayan

Upang ang kalayaan ay ganap naming makamtan

Bilang kabataan ikaw Rizal ang aking naging huwaran

Ang iyong katangian ay hindi mapapantayan

Ikaw ang inspirasyon ng mga kapwa ko kabataan

Kaya’t patuloy na nagkakaisa para sa ikauunlad ng ating lipunan

Ian Clintton Agregado: “Larangan ng Isports”

Nagsimula na tila patpat o balinkinitanag katawan,

Marurupok na mga braso at binti tila walang kalaban-laban.

Husay sa paggawad ng mga gawaing intelektwal,

Estilo na ginagamit upang mapagtibay ang kalooban.

Mga panahon ang nagdaan tila hinubog ng mga karanasan,

Matipunong katawan at kisig ng kalamnan.

Sinanay sa pisikal na gawain, paglakad at pag banat ng mga buto,

Hinasa sa iba’t-ibang estilong arnis na kayang ipagmalaki ang kulturang Pilipino.

Iba-ibang larangan pwedeng panggalingan,

Pagensayo sa pagsibol ng mga kakayahang pangsabayan.

Sa laban ng buhay tiyak na makakamtan,

Bawat patak ng pawis katunayang hirap ang naranasan.


Jalen Aguilar: “Larangan ng Musika”

Di man batid sa industriya ng musika;

Sinubukan naman ang lahat upang dito'y makilala;

Ginamit ang isipan at malagong imahinasyon;

Upang dito'y makamalas ng magiging inspirasyon;

Ginugugol ang oras at nag ubos ng panahon;

Upang ang mga letra, sa musika ay umayon;

Lahat na'y ginawa, pinagbuti sa gayong propesyon;

Naibigay sa iyo'y karangalan, sa bayan nama'y leksyon;

Tulad mo'y minsan ding' nangarap na maging musikero;

Pinag isa ang nilalaman ng isip at binubulong puso;

Ngunit ang pinakamahalaga, liban sa salita at tono;

Ang paglikha ng musika bilang isang Pilipino;

Lorna Baclig: “Larangan ng Sining”

Sa larangan ng sining, husay mo’y di maikakaila rin

Mula sa pag-ukit ng imahe ng kaibigan mong si Blumentritt

Hanggang sa mga peguring may mensaheng nais mong ipabatid

Na mistulang nilalagyan mo ng saysay ang mga bagay na wala namang buhay

Sa pagguhit at pagpinta ng mga senaryong iyong nakikita

Mistulang mo kaming idinadala at sa paglalakbay mo’y isinama

Kapit kapit ang pambura at lapis sa pagsasapapel ng mga larawan sa ‘yong gunita

Mga dilag na iyong inibig, at mga lugar na iyong binisita


Bilang isang kabataan na hanap-hanap ang karapat-dapat puntahan

Ang iyong mga likhang sining ang dapat naming maging basehan

Na sa kabila ng pag-abot ng mga pangarap na aming inaasam

Aming mga hilig at talento’y dapat di kaligtaan.

Kurt James Alorro: "Paglalakbay"

Nasanay kang maglakbay nang mag isa,

Walang maasahan kundi sariling mga paa,

Sariling sikap, sariling ipon, sariling aksyon,

Masaksihan lamang ang Inang bayan sa pagbangon .

Huwarang kang Pilipino sa ating bansa,

Hinding-hindi kailanman nagpabaya.

Ilang bansa man ang iyong napuntahan,

Hinding hindi mo ipinagpalit ang bayang iyong pinagmulan.

Sa iyong malawak na paglalakbay,

Buhay mo’y kasabay na inialay.

Asahan mo’t kami ri’y maglilingkod ng tunay

Kahit saan mang bansa, watawat nati’y iwawagayway

Richard Avellanoza: “Pagmamahal”

Ikaw si Lolo Pepe

Minsang umibig sa isang babae at sa marami pang babae

Ngunit may isang naninirahan sa kontinente ng Asya

Ang iyong katangi-tanging sinisinta.


Ginamit mo lolo ang iyong pluma

Upang alayan ng mga akda ang iyong sinisinta

Natapos ang tatlong daan at tatlumpu’t tatlo taon

Siya’y iyong tinulungan at muling iniahon

Mas mainit pa nga ang iyong pagsinta

Sa mga balang dumampi sayo kung ikukumpara.

Pinagtanggol mo lolo ang babae.

Ngunit ang mga Indio ngayo’y wala ng pake.

Ending:

Ang mga boses ng mga taong walang bibig ay iyong napakinggan

May nakikita pero nagbubulagan

May naririnig pero nagbibingihan

May nararamdaman pero nagsasawalang bahala lang

Iyan ang mga kabataan ngayon sa kasalukuyan

Lorna: Ngayon atin ng tapusin ang dapat tapusin

Kurt: Simulan ang dapat simulan

Jamaica: Ihakbang ang dapat ihakbang

Jalen: Gawin ang dapat gawin

Meirelle: Ipaglaban ang dapat ipaglaban

Ian: Tanggalin ang dapat tanggalin

Grace: Baguhin ang dapat baguhin

Richard: Itama ang mali at ang mali ay itama

ALL: Dahil yan ang dapat ng bansa natin ay matamasa!

You might also like