You are on page 1of 6

CODE: TARA-LABAN-002 BUHÁY ANG NOBELA Sa paglapág ng karton ay sʼya namang paghimbing

Tumahimik ang kalám, namayapà sa libing. Ginising ng pagsiyáp ang gutóm na kalamnan, Inihasík ang
butil—yaó’y hulíng hapunan. Hangad ay rebolusyón Sa nalimbag na aklat— Pag-asa yaríng layon,
Tangláw ay sumambulat. Oʼ bayang liyág, TALAK ng mga aliping saguiguilid ay umalpás! Bulók na ang
KALAT ng mga prayle—tuluyan nang naagnás. Sa hulíng sagitsít ng kanyang plumaʼy kasarinlan ang
PAKAY; YAKAP ang pithayà sa ginahasang bayan, mga Indiyo ay inakay. Mamamayang mahihirap—
maghíhimagsík! Muling mamulat munting mga matá, Masibàng mamumunoʼy mawawalâ; Mga
maralitâʼy malayang mabúbusóg. #TARATULAANFINALROUND

Enter

Jose Protacio

CODE: TARA-LABAN-003 “Bagwis ng Pagkandili” I. Espirituwal na Ambag Sa taglay na pigurang busilak


ang pandamá, Ang ibinahagi ko’y bukod-tanging Bibliya. Iring Salita ng D’yos na Dugo N’ya’t Katawan,
Alay sa kap’wa ko ring nalublob sa putikan. II. Pagkakawanggawâng Ambag Bayaniha’y sumibol doon sa
aming búkid. Tahanan ay nalipol— pagtulong, walang patid! III. Kaalamáng Ambag Mula sa punlâng
kamyas na pinatamis ng pulót-pukyutan ang LASA, ang dambuhalang pigíng ng pagkatuto ay pinagsalu-
saluhan. Mabuting ASAL, inalay sa mga nangagútom at nangaúhaw sa prutas ng kaalamáng may
Dakilang Gabay ng Maylalang. Maging sa pagdidildil ng asin, ang ALAT ay pinatamis din ng pagsuyo ng
isang simpleng Pilipinong buong-pusong nagmamalasákit. Walang bayad noon ang mumunting mga
TALA na niyayapos ko ang pagkinang ng mga ngiting umaábot hanggang langit. IV. Ambag sa mga
Namamalimos Pakpak; pumagaspas, pumailanlang— pamamalimos, pumalahaw. Piniringang pagbabatá,
pagdurusang pumaimbabáw. Pusong Pilipinong pasirkulong pumaimbulog, pabarya-baryang
pinakakalansing. Pinipintakásing pagbibigay, pagkandiling pinagniningning. #TARATULAANFINALROUND

Enter

Jose Protacio

CODE:TARA-LABAN-004 Sagisag ng Pagka-Pilipino Kilos ko'y nakaangkla sa luma't bagong tipan. Kusa
kong alalayan bulag na kalooban; Landas ay itutuwid—mananalig kay Hesus; Sama-samang buuin
sambayanang Maka-Diyos. Tanga'y mabuting asal, baon lagi'y respeto. Pagtulong ko'y may dangal,
Tunay na Maka-tao. Ang mga puno't halamang itinanim ko nama'y nagbubunga at yumayabong ang
SANGA; Buong puso kong ipinapamahagi kapalit ang mga AGNAS na basura. ISIP nila'y hihikayating
pangalagaa't mahalin ang pangunahing pinagkukunan ng pangangailangan; Dudugtong-dugtongin ang
PISI ng pagiging Makakalikasan. Paalabi't patatalasin pa ang pluma, patuloy pagsisilbihan pambansang
pagkakakilanlan sa pagbabahagi ng pag-asa. Pilit paaangatin Pilipinong paghihirap ang pangunahing
problema; Pagkakaisang pagsulong puso'y pupunoin ng pagiging Makabansa!
#TARATULAANFINALROUND
Enter

Jose Protacio

CODE:TARA-LABAN-005 Ang Bendaheng Litanya Bitbit ko ang litanyang binasbasan ng langit; itong
patabang rima’y 'di daragdag ng pait. Nang lumagô ang ani ng letrang pansakahan, alimbukad ng daan
kapara’y bulaklakan. Likido ng paghilom sa sinugátang súgat na dulot ng taggutom, ang dadaloy sa ugat.
YAKAP na mahigpit siyang tungkod mula sa karalitaan, simpleng PAKAY na lumunod sa mga dangkang
pusikit. SANGA akong umalalay sa mga nalugsong sampayan, ang AGNAS na bangkay ng pag-asa’y
muling aaho’t babalik. Litanya’y laging lalapit, lasong lumagi’y lalagain. Laglag-luksang lagim, lulusawi’t
lilisanin. Larong luksong lubid, lalayong lilingap; latigong lumilibot, lumilikhang liwanag.
#TARATULAANFINALROUND

Enter

Jose Protacio

CODE:TARA-LABAN-006 Titulo: Ako: Dukhang Ehemplo Kawangis niring mga maralitang nilalang,
naranasan ko ring ulamin ay asin lamang. Minsa’y isang tabong tubig sa ‘sang basong bigas, siyang
tanging paraan masilip lang ang bukas. Matutulog pang basa, t'wing tag-ula’y sasapit; sa katreng
mahiwaga, siksik at dikit-dikit. SALAT man sa karangyaan ngunit ‘di naging sagabal upang iahon mismo
ang pamilya at abutin yaring pangarap. TALAS ng isipan, tatag ng loob, at pagmamahal ang puhunan sa
kabila ng mga bahid niring kapalarang nagaganap. PAKAY ay yaong pagputol sa tanikala ng dusa’t
magsisilbing inspirasyon sa kapuwang labis-labis ang paghihirap. YAKAP lagi ang pinanghahawakang
katagang, “Ipinanganak tayong mahirap, ngunit hindi mamatay ng mahirap.” ‘Pagkat pawang pasakit,
pagdurusa’t pagdarahop— paraang pagdaraanan, piliing pumatuloy pa’t pag-asa’y piliting pakahigpitang
panghawakan. Pakahalagaha’t pangalagaa’ng perlas, putulin pagkataong pithaya’y pagiging pain.
Padayon! Panalangi’y pakahigpita’t pangarap pakaabutin— paghihirap punti-unting paslangin.
#TARATULAANFINALROUND

Enter

Jose Protacio

CODE:TARA-LABAN-007 NITONG LUPA'Y HINIRANG Nitong lupang hinirang, dukha akong 'sinilang, Sa
sakahan 'ginapang, binungkal maski pampang. Sa guhit ng araro'y 'tinanim ang pag-asa, Buhay ng
gerero'y sa uhay ng magsasaka. Sikap ang ibininhi Sa pagbutil ng ginto, 'Dinilig ng pagtangi, Pawis ma'y
kulay tanso. Mapuputik kong mga YABAG ay 'di dungis kung 'di kadakilaan sa paraiso kong sakahan;
Inspirasyong GABAY ng katatagan sa tulad kong kabalyerong maghapong sa arawa'y nakikipaglaban,
Mapagal man ako'y 'di titigil ang pusong ginintuan sa layuning magpunla ng ginintuang PAKAY; At yao'y
ang matanggap nilang maharlikang 'di dugong bughaw ang aking YAKAP sa pamamagitan ng mala-
gintong butil ng palay. Sapagka't 'sinasapuso't 'sinasaisip silang sa sinasaka'y sanhi, Sinasalami't
sumasaakin siyang simple, sinsero't sumasampalatayang sarili, Sariling 'sinisimbolo't 'sinasagisag siyang
simulaing sinag sa silangang sakahan; Sumasabuhay sa sumisiglang saliw sa sumasalin-saling salinlahing
sinilangan. #TARATULAANFINALROUND

Enter

Jose Protacio

CODE:TARA-LABAN-008 “MUKHA NG PAGTULONG” I. BUKAS-PALAD Ako si Nene, pamilya ko'y salat sa


yaman, Walang ginto't pilak sa loob ng aming tahanan. Subalit sa munting biyaya'y bukas ang palad, Sa
dukha't luha yaring inaani sa hapag. II. MAPAGPAYO Sa umuusbong na hirap, Sagana ang depresyon, Sa
payo'y naapuhap, Ang limot na direksyon. III. NAGMAMAHAL Hindi sa kalakihan ng salapi
makapagsasaboy ng tulong, sa YABAG ng pinagkait na karangyaa'y kasalatan ang dumadantay. Habang
GABAY ang dilim sa pusod ng kahirapan, habang walang-wala rin sa pamumuhay, Inililimbag ang ALAB
ng katiting na sentimong makapapawi sa kumakalam na tiyan. Hindi na lamang tulong yaring BALAng
inihahasik, kundi ang pagmamahal sa gitna nang nanghihina at kumakalas na bulsa't laman. IV.
MASIGASIG Mulat matang maghahatid, magsasaboy— magandang mailalatag, Malayang
magmamalasakit, munting mamamayan ma't marangyang mundo'y mailap. Maliit mang maiaabot
mahalaga'y makatutulong; mamumukadkad mitsang makatao, Markadong masigasig, magpupunla'y
makasaysayang magpapabago. #TARATULAANFINALROUND

Enter

Jose Protacio

CODE:TARA-LABAN-009 Apat Na Gintong Limos I. Gintong Limos Sa Kaawa-awang Sarili Maging ako'y
nagdusa sa mundong mabagabag, Namalas ma'y pigura kong s'yang kahabag-habag, Limos ko sa 'king
diwa, bukalin yaring awa, 'Pagkat sarili muna kung layo'y kawang-gawa. II. Gintong Limos Sa Pulubi Ng
Lipunan Silang pinagkaitan Ni mugmog panlaman t'yan, Limos ko'y gintong butil, 'Di asing dinildildil. II.
Gintong Limos Sa Pagal Na Manggagawa Silang katawa'y napapagal sa ginagapang na bukas, sasakahin ni
ang ektaryang lupang tigang 'pagkat SALAT, Silang napupudpod sa TALAS ng tadhana, tuloy sa
pagpapalaot sa pangisdaang yaman sa pag-angat, Silang ang PAKAY ay masaganang buhay, ngunit sa
hilahil ng kahirapa'y patuloy na nilulubog, Limos ko'y gintong YAKAP sa kadakilaang marapat lamang
gawaran ng pagkilala, 'pagkat dapat hinuhubog. IV. Gintong Limos sa Bayang Naratay Pilipinas, pilit
pinapagapang patungong putikan; pintakasing pinagtaksilan, 'Pagkat pinipilas, patuloy pang pinipira-
pirasong parang papel —pumapalahaw. Puspusang pinahihirapan; pinipilayan, pinararatay, pakiwari'y
pinagsasamantalahan. Pusong Pilipino'y pupula-pulandit, pagkarakang pagtulong, paghahandog pag-
asang papawii'y pamamanglaw. #TARATULAANFINALROUND

Enter

Jose Protacio

Pa up ng mechanics

Enter

Jose Protacio

SCORE SHEET FINAL ROUND SCORE SHEET FINAL ROUND CODE:TARA-LABAN-001


SCORE SHEET FINAL ROUND CODE:TARA-LABAN-001- CODE:TARA-LABAN-002- CODE:TARA-
LABAN-003- CODE:TARA-LABAN-004- CODE:TARA-LABAN-005- CODE:TARA-LABAN-006- CODE:TARA-
LABAN-007- CODE:TARA-LABAN-008- CODE:TARA-LABAN-009-

Enter

Wappy

Taratulaan wricon theme: "Learn to give, and you'll be Blessed" Last and Final Round. Isang maagang
pagbati ang nais naming ipaabot sa inyo. Buhat sa 153 na bilang ng mga kalahok, at ngayon ay 10 na
lamang na matitibay ang natira. Sinubok ang hamon ng patimpalak at nakapagbigay inspirasyon at pag-
asa sa mga kapos-palad nating kababayan. At ngayon, ito na ang huling mekaniks na paglalabanan n‘yo.
Ito‘y naaayon pa din sa tema ng ating patimpalak. Nais naming subukin ang tatag ng inyong imahinasyon
at kaisipan batay sa ilalapag na makaniks ng patimpalak. Ang gagawing pagsubok ay (4 in 1). Na ang ibig
sabihin, ay nahahati sa bawat saknong ang ilang kategorya at ilang istilo. PAKSA: “Ako‘y Simpleng
Mamamayang Pilipino, May Malaking Naiambag Sa Mga Naghihirap Na Mga Tao“ Paraan: UNANG
SAKNONG: Tradisyunal na Tula, may sukat at tugma at malalim na kahulugan. 14 na pantig bawat
taludtod at apat na taludtod sa isang saknong. May tugmaang AABB. PANGALAWANG SAKNONG:
TANAGA. may sukat na 7 pantig bawat taludtod at apat na taludtod sa isang saknong. May tugmaang
KDKD or gaya ng nakasanayang CDCD. IKATLONG SAKNONG: Tulang MALAYA, subali‘t gagamit ng
Istilong ANADROME. Kailangan sa ikatlong saknong na ito ay maglalagay kayo ng dalawang salitang may
ANADROME. Binubuo lamang ng 4 na taludtod sa saknong na ito at malaya sa tugmaan at bilang ng
pantig. Anadrome - ito ay salita na kapag binaliktad at binasa pabalik ay may panibagong salita at
kahulugan. Halimbawa: Gabay - Yabag Lakas - Sakal Tabas - Sabat Salat - Talas Kapit - Tipak “GABAY ko sa
dilim, ang liwanag mo Ama; ‘Di alintana ang takot, sa YABAG ng mga paa. TIPAK man ng bato ang
daanan, malakas ang pananalig sa Kan‘ya; KAPIT lamang sa Diyos Ama, lahat ay makakaya.“ IKAAPAT
NA SAKNONG: TAUTOGRAM. May 4 na taludtod sa saknong na ito, malaya ang tugmaan at bilang ng
pantig. Halimbawa; “Pinarisang pagmamahal, panaho’y pinababagal. Puso’y pinasalamatan,
pagsumamo’y pinakinggan. Pag-ibig pinayabong, pagsasama’y pinatatag. Patungong paraiso, ’pagkat
pinagtagpo’ng puso.“ Ang bawat saknong ay dapat nakaangkla sa nasabing Paksa. Isang PAMAGAT
lamang po sa isang buong piyesa. 1-3 salita lamang ang bilang ng pamagat. Paalala: Pagnilayang mabuti
ang Paksa at Mekaniks. Meron kayong sapat na panahon upang bigyan ng pansin at irebisa ang inyong
mga pyesa. Ito ay magsisimula ngayong oras na inilapag at magtatapos sa September 15 ganap na
11:59pm. Mangyari na ipasa ang inyong pyesa sa ating facilitator na si Jose Rizal
https://www.facebook.com/profile.php?id=100069981414371 Paraan ng Pagsusuri. Titulo - 5%
Nilalaman - 40% Pagkamalikhain - 20% Teknikalidad - 20% Mekanismo - 15% Mga papremyo na maaring
makamit: 1st place/Champion - 1,500 pesos + Certificate 2nd place - 1,000 pesos + Certificate 3rd place -
500 pesos + Certificate 4th - 10th place - 100 peso load + Certificate. Special Award - 10 peso Load
Goodluck sa inyong lahat. H‘wag n‘yo sanang hangadin ang premyo, palamuti lamang iyan at
appreciation. Legasiya ang manaig. Maraming salamat.

Jose Protacio Rizal

Enter

Wed 4:22 PM

Jose Protacio

Maraming salamat po
1

Enter

Jose Protacio

CODE:TARA-LABAN-010 "Propesyon ng Pagsuloy" I. MANGINGILAK NG PAGSISIKAP Pagyukod sa lupa'y


prinsipiyong ipinunla, Pagsupang ng mga ugat ay tanging alagata. Pagáng man ang baya't inamag ng
pagdarahop, Sa pinilakang layo'y patuloy ang pagsinop. II. HURNERO NG INSPIRASYON Sa hurno ng
pangarap, Silang abâ'y didilat. Iring pawis na sangkap, Edukasyo'y sasapat. III. APARATISTA NG PAG-ASA
"Kumpunihin ang nasyong hirap sa pagsagwan sa dunong”—ang bansag ng hangaring kong pagsuhay; Ng
maralita't itinaboy na “binhi” na minsang pinagkaita't matisod ang karapatan sa bartolina ng laylayan.
Hanggang patulo'y pang umiimbulog ang SINGAW mula sa matabang lupa't WANGIS ng aking
uniporme'y masisilayan, Mga YABAG kong pagmulat sa iliteratong lipuna'y magsisilbing GABAY sa
minimithi nilang bukas. IV. MEDIKO NG PAGBABAGO Pilipiti'y paghihikahos, punlang pag-asang
itinakda'y preserbahin, Pandayi'y pagbabatá, pundasyong pagsasakripisyo't púrong paglilingkod ay
pagtibayin. Pasimula'y pagtaguyod: “Pag-aaral ay pantaong patentado,” “Pag-unlad at pagbabago'y
pagbigkisin, payabungi'y pristinong pagtuturo.” #TARATULAANFINALROUND Kabawasan: 4pts

You might also like