You are on page 1of 4

MATALINO VS.

MAYAMAN

MATALINO

(Pagpupugay)Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbasKaya sa matalino ang mariin kong sagot
na ihahayag

Pero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawadMaligayang pakikinig, magandang gabi po sa lahat.

(Pagpupugay)Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinigAko po ay bumabating buong galak, kinikilig!


Sa kalaban ko po namang madilim din yaong kutisKung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y bilib.

MATALINO

(Unang tindig)Musmos pa man tayong bata'y pangaral na ng magulangAng talino'y kabahagi sa


magandang pamumuhayIto'y isang katangiang tataglayin habang buhayKarunungan ay hagdanan sa pag-
abot ng tagumpay.Ang bansa ay umuunlad kung dito'y nanunungkulanMalawak ang nababatid, di kapos
ang kaalaman Ngunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit mangmangMagagapi ang pag-asa ng
kanyang sinasakupan.Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino?

Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado?At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guroDunong nila ang
sandata nang tayo ay mapanuto.Sariwain naman natin sa gunita ang lumipasSa dayuhang mananakop
lumaya ang PilipinasIto'y dahil sa utak ng isang henyo at pantasKay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang
itinumbas.Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugonAng marapat na hangaan ay yung mga
marurunongKahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurolKasikatan ay mailap, salapi man ay igugol.

MAYAMAN

(Unang tindig)Kalaban kong paraluman ay masyado pong seryosoBaka labis pong magdamdam kapag
dito ay nataloYamang paksa nami'y tungkol sa mayama't matalinoHayaan nyong sa inyo po ako muna ay
magkwento.Ang pulubing matalino at mayamang di marunongIsang araw ay nagtagpo sa labas ng
MandaluyongMayaman ay walang kaya sa diskurso at diskusyonPagsapit ng tanghalian, matalino ang
syang gutom.Sa byahe ng Continental Airlines, minsan, nagkatabiMatalinong contract worker at
mayamang negosyanteAng bitbit ng matalino'y diploma at pasaporte,Ang mayaman, pasalubong na
pinakyaw sa Duty Free.Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirapMayaman din, nag-aabroad, para
naman magpasarapSino nga ba sa dalawa ang mas lamang at mas sikat?Kahit sa tulad kong mangmang,
ang sagot po'y maliwanag.May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y makaatras

Balutin na ang dila mo habang di pa nagkakalatBalagtasa'y hindi laging labanan ng mauutak Kung
minsan din, nagwawagi'y ang makatang may pambayad!
MATALINO

(Ikalawang tindig)Malabo po ang pananaw sa tunay na nagaganap Nitong aking katunggaling panalo ang
siyang hangadMagagawa bang gutumin ang may utak at ng lakas?O baka po nagbibiro dahil siya ang
babagsak!Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng mayamanUpang lalo pang lumago sa panahon mang
daratalAno kayang mangyayari kung wala yaong may aral?Baka itong masalapi'y hahantong sa
basurahan.Ang dalawa'y naisipang mag-aplay patungong langitAng marunong ay pumasa sa ginawang
pagsusulit Nang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro iginiitLimpak-limpak niyang salapi, sa impyerno
siya'y napiit.Yaman ba ang magdadala sa tugagog ng pangarap?Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay
pambihag?Dahil yata puro pera sa katalo'y nasa utak Pati yaong baluktot na'y tuwid pa ring sinusulyap.

MAYAMAN

(Ikalawang tindig)Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y 'kinumpisalInamin pong ang may aral, lingkod
lamang ng may yamanPag nagsara ng negosyo ang mapera't may puhunanAng kawawa'y ang marunong
na kawaning swelduhan lang!Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't AdanParaiso'y nakamtan na, wala
pa ring kasiyahanSa hangad na magmarunong, nilabag ang kautusanPati dunong ng Maylikha ay nais na
mapantayan!

Kahit ubod ka ng galing at nuno ng karununganYagit ka ring ituturing hangga't di ka yumayamanAng


taginting ng salapi ay musika sa lipunanPag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang superstar!Kayamanan,
pag labis na, marami ang natutuwa,Matatag ang ekonomiya, masagana itong bansaAng dunong ng isang
tao, pag sumobra ay masama,Sa mental po humahantong, nagbibilang na ng tala!

MATALINO

(Ikatlong tindig)Mahirap pong umunawa ang makatang mukhang peraAng sabi ko, ang may aral, sa
mayaman ang nagdadalaKung sa mental humahantong ang may dunong na sumobraSa walang alam
pagkat tanga, may ospital nga ba kaya?Sobrang silaw sa salapi ay malaking kapintasanPagkat walang
itatangi kundi yaong kumikinangDahil dito'y nalilimot sa puso ang kabutihan Nang dahil din po sa pera,
nandyan ang kapalaluan.Ang buhay natin sa mundo, kung inabot ng finished contractKaluluwa ng may
dunong sa langit ay natitiyak Dahil sinamba ng mayaman, ginto, salapi at pilak, Na-cancel ang entry
permit, inabot ay hanggang ulap.

MAYAMAN

(Ikatlong tindig)Wala nga pong pagamutan sa mapurol ang isipan

Dahil hindi pa po sira, pwede pa ring pagtyagaanAng malungkot ay sila pang ignoranteng kababayanAng
madaling naloloko ng rekruter na maalam!Hindi lahat ng may pera'y sumasamba sa salapi,Tulad ni Job,
mas maraming sa D'yos Ama'y nagpupuriKalulwa ng may talinong sa kapwa ay nanduhangiMade-deport
sa impyerno pagkat passport pala'y peke!Tigilan na ang pagsabing matalino'y syang may dalaSa
mayaman, pagkat baka makulitan ang balanaPasalamat ka na lamang, kaydami ng may
diplomaKinakalawang ang utak, walang trabahong makita!
MATALINO

Katunggali ang nagsabing ang tanga ay nalolokoMatuwid ang kahulugang dapat magpakatalinoSi
Abraham at Isaac maging si Job ay may uloKaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga bobo.Hindi ka ba
nagtataka? Sikat ka't hinahangaan,Kahit ikaw ay mahirap, talino mo'y sa bigkasanTalo mo pa si Ayala,
Sarmiento at Lardizabal,Marami sa 'yong nakikinig dahil sa iyong kaalaman!

MAYAMAN

Bakit ko ba hahangaring ako'y maging marunong paGayong halos lahat naman, nabibili na ng peraTalino
ng abugado, duktor, hilot, kumadronaAy may presyong kagaya rin ng kakaning tinitinda!Sa labanang
pasikatan, sino'ng unang papansinin?Sino nga ba'ng hahangaan kung dalawa'y pagtabihin?Matalinong
mukhang engot dahil pobre at gusgusin?O mayamang mukhang "genius", pagkat porma'y mamahalin?

MATALINO

Di katumbas ng halaga ang magandang kaloobanIyan namang salapi mo'y palamuti lang ng katawanDi sa
panlabas na anyo nakikita ang katinuan

Kundi sa gawa ng taong may inaangking kaalaman.

MAYAMAN

Ako yata ay naligaw sa labanang napasukanAkala ko, paksa dito'y sino'ng sikat, hahangaan?Kayamana'y
panlabas nga, sapagkat ang kaloobanAy di tayo ang hahatol, yan ay D'yos lang ang may alam!

MATALINO

Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang ay naliligawAng paghanga sa marunong, maingat sa


daraanan!

MAYAMAN

Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng kalabanSa marunong versus mangmang napalihis ang
usapan!

MATALINO

Kamangmangan ng mayaman ang siya kong tinutukoyMahirap makaintindi, kalaban ko'y nagmamaktol!

MAYAMAN

Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y kinukulangMagkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na lamang!

MATALINO
Katalo ko'y di lang bobo, abusado pa rin pala!

MAYAMAN

Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket money ka pa!

MATALINO

Marunong ang hahangaan, di mayamang walang alam!

MAYAMAN

Sa gobyerno ay kaydaming matalinong magnanakaw!

You might also like