You are on page 1of 1

Saint Mary’s University

Senior High School


Bayombong Nueva Vizcaya

Bayang Estado

Ang mga palatawang salita ay mga biro at hindi sineseryoso. Ang jokes ay mga
katuwaan at hindi iniiyakan. Ito ay isang laro lamang at walang halong personalan. Mga
salitang akala mo’y nakakatawa. Mga salitang ginagamit sa pagpapatawa. Nakakatawa ba
talaga ?

Sa mundo nating kay daming mga problema, at pagkakamali, malamang ay normal


na sa atin ang mga ganitong eksena, sanay sa mga away at insulto, sigawan at patayan.
Kahit sino ka man, lahat ay naaapektuhan, gaya ng unti-unting pagsira sa kalikasan at
ekonomiya, gayun din ang nagaganap sa pagkatao ng isang tao, o nang kanyang dignidad.
Pag maganda, pokpok, pakarat, malandi, paganda lang alam wala namang utak, make-up
nagdala, may bisyo, sipsip. Pag pangit, tao ba yan? di ka mahal ng nanay mo, kadiri,
nakulangan sa retoke, pinaglihi sa sama ng loob. Pag pandak, pinaglihi sa unano, kala mo
naman cute, sa unahan ka wag sa likod, san ka na? pag matangkad, higante, ilang vitamins
ba nilaklak mo, kasya pa ba? walang postura, bakulaw. Pag mahirap, dukha, pulubi, nu
bayan pekeng sapatos? kawawa ka naman, tamad ka kase, mabaho. Pag mayaman, Spoiled
brat, binabayaran yung mga guro para makapasa, mayabang, kulang sa aruga, gastador. Pag
matalino, pabibo, masipag lang yan, kala mo naman alam lahat, sige kaw na, agkokopya. Pag
hindi matalino, walang utak, saan na ba napunta utak mo, bobo, walang alam, inutil.

Kahit anong antas mo sa lipunan, lahat na lang may masasabi sayo. Kahit gaano mo
kagustong maging mabuting tao, pananakit lamang ang maigaganti sayo. Kahit gaano mo
gustong maging ikaw, hindi parin maiiwasan ang mga kutya ng mga tao. Ito pa ba ang
tinatawag na kalayaan, kung lahat na lang ay parang mali?. Paano nga ba magiging totoo
kung may mga balakid sa buhay mo, paano nga bang maging totoo sa sarili mo kung hindi
ka tanggap ng madlang tao, at paano nga ba magpapakatao kung baboy na ang trato sayo?

You might also like