You are on page 1of 6

westernized ang ating pamantayan.

By so doing, hindi tayo magiging uncivilized sa


western standards.”

Utos ng Hari
Nang tanungin niya ako, sabi ko’y mas basic ang dapat na pamamaraan sa pagtingin sa
problema. Halimbawa’y bakit hindi umpisahan sa economic condition ng bansa. Kung
kuntento ang mga tao, normal ang takbo ng pamahalaan. Pero kung maraming dissatisfied,
natural na abnormal ang sistema. Hindi basta effective communication process, hindi rin
basta mataas na literacy rate. Mga manipestasyon lang ito ng talagang problema. Nabigla
siya. Doon na kami inabutan ng bell.

Ay kunsumisyon sa buhay gusto akong lagnatin. Kay layo ng kahapon sa kasalakuyan. Pag
nasa bahay ako. ako ang bida. ‘Pag ang mga kababayan ko ang magkukuwento, ako ang
Isinulat ni: sikat. Pero dito sa eskuwelahan, walang isko-scholar ng bayan.

Jun Cruz Reyes Talagang gusto ko nang huminto, pero ayaw ni Tatay. Kung sa bagay sino bang ama ang
matutuwang magka-anak ng drop-out? Talagang sawa na akong nakatali sa sintas ng
sapatos ng teacher ko na kasama nila sa bawat hakbang. Ipaling kung saang sulok gustong
dalhin, ikaliwa kahit kanan ang gustong puntahan, ilakad-kaladkarin kahit gustong
“SEE YOU in my cubicle after lunch.” Pahabol sa akin ni Mrs. Moral Character kanginang mamahinga. At isipa kahit ako ang masaktan.
matapos ang klase. Si Mrs. Moral Character ang teacher namin sa Social Science. Siya rin
ang adviser namin. Ay buhay estudyante, Maka-uno lang, kahit lulunin ang sariling dila. Kumontra ka sa
kanila, singkong maliwanag. Tumangutango ka naman para maka-uno, ibig sabihin noo’n
Para naman akong si gago na isip nang isip kung ano na naman ang sasabihin nito sa akin. sarili mo na ang kailangang lokohin. Pakisama lang talaga. Konting kompromiso, konting
Nawawalan tuloy ako ng ganang mananghalian. Halos tiyak ko nang sermunang tango at “yes ma’am” lang. Dos na ‘yon o tres. Kung bakit naman kasi nauso pa sa mundo
umaatikabo na naman ito. Kamakalawa lamang ay halos ilabas niya ang kanyang calculator ang diploma. Kung wala akong diploma, sino naman ang maniniwalang may kinabukasan
para ipakita kung gaano ako ‘katanga’ at kung gaano katama ang kanyang pagsuma sa nga ako. Sana’y hindi nauso ang grade, di sana’y hindi ako mahihiyang pumasok kahit
aking mga “5.” Isinunod niya ang mga absences ko tapos, ang aking mga lates. Hindi Metro Manila Aide. Kung graduate naman ako’t hingan ng experience sa pag-aaplayan ko,
naman maikatwirang “Paano ako di masisingko, kung kailan ako absent ay saka ka dedo pa rin. At kung tapos nga, nakakahiya namang pati trabahong pangmahirap ay
magbibigay ng quiz. Kung kelan tinatamad mag-recite, saka namimilit. Saka pag sinabi ko pagtiyagaan ko.
naman ang gusto kong sabihin kakapain na ‘yung pulang ballpen.
Grade lang naman, problema ba yon? Uno kung uno. Singko kung singko, tapos ang
Pero tipong maganda naman ang kanyang mood sa klase kangina. Katunaya’y yung usapan, bakit kailangan pahabain pa? Bagsak kung bagsak. Kick-out kung Kick-out. Pero
paborito niyang paksa ang pinagusapan namin. ‘Yung kanyang dazzling Malaysian at ang hindi naman talaga ako dapat bumagsak. O.k. matigas daw ang ulo ko, rugged at medyo
kanyang paboritong pabango. Nag-tsismis din siya (tulad ng dati). Kesyo si Mr. Espejo bastos pa raw pero bakit kailangan isali pati conduct at ayos ng katawan sa usapan? Hindi
raw, kaya tumandang binata, dahil dalawang beses niyang binasted noong dalaga pa siya. naman ito military school, hindi rin naman seminaryo; bakit panay “Yung conduct mo” at
Si Miss Kuwan daw, kaya wala sa eskuwelahan, hindi dahil nag-study leave, kundi nagpa- “appearance” ang panakot nila
abort sa Amerika. Magbi-bell na nang maalala niya ang leksiyon namin, ang normalization
process sa gobyerno. Ano ba ang masama nang bumagsak? Kung si Recto, bar flunker pero isa sa kinikilalang
constitutionalist ngayon. Si Einstein, bumagsak sa Physics at grammar school pero bigtime
Sabi niya kangina, “Para tayo maging fully democratic kailangan mataas ang literacy rate.” scientist. Kahit teacher niya noon hindi alam ang theory niya ng relativity. Kung sa bagay,
(Sinabi na yon ni Rizal.) “May sapat na communication system ang pamahalaan at may hindi naman ako si Recto o si Einstein. Si Jojo lang ako, ang walang sinabi kung teachers
mataas na moralidad ang mamamayan. At hgit sa lahat, kailangan hindi tayo magiging ko ang tatanungin. Sa pamilya marunong daw ako lalo’t si Tatay ang tatanungin. Sa mga
kapitbahay namin, pambihira daw ako, biro mong sa probinisiya namin ay ako lang ang
nakarating ng Maynila para mag-aral ng libre. Kung malalaman lang nila.
1|Page
itanong kung nagdaan din siya sa pagkabata, kung noong araw ay gago rin siya, dahil ang
Aral nang aral. Aral sa umaga, aral sa tanghali at aral pa ulit sa gabi. Hindi ko naman isasagot nito’y “kaya nga ayaw kong matutuhan n’yo ang bisyo dahil pinagdaanan ko na
maintindihan kung para ano ang pinag-aaralan. Hindi na naubusanng ipari-research. yan.”
Walang alam itanong kung hindi “what is our lesson today?” Parang mga diyos na sila
lamang ang may monopoliya ng tama. Kaya hindi pwedeng tanungin at lalong hindi Sa amin sa barkada, dalawa kaming mag-gu-goodbye-my-school goodbye. Kickout ako
pwedeng pagsabihan ng mali. dahil sa kagaguhan daw. Si Minyong nama’y sa kabobohan daw.

Ay, mga teacher sa mundo, bakit ba ginawa pa ng kung sinong hayupak. Tulad ni Mrs. Kung paano nila natiyak na dapat nga kaming palayasin sa pinakamamahal naming
Moral Character, bago magumpisa ng leksiyon, magsesermon muna ng virtue of honesty, paaralan, ganito raw ang naging takbo ng usapan nina Mrs. MOral Character (Eraser), Mrs.
kesyo masamang mandaya, kasalanang mortal ang magturo sa kaeskuwelang nakalimutan Gles-ing, Mr. Mathematician, Miss Spermatozoa, Mr. Discipline at iba pa.
ang sagot dahil sa pagkataranta, krimen ang magkodigo at kung anu-ano pa. Lahat na yata
ng masama at bawal sa mundo ay alam. Pero ang kaniyang lihim ay nabuko na namin. “Hindi naman korum, say quorum, Kuwow, quo-rum. I feel though he is brilliant, only my
Noon daw nakaraan referendum ang teacher naming morally upright ay biglang nabulag at reservations is that….”
nabobo. Nang mag-watcher daw ito sa presinto, tatlong letra lang ang kabisadong basahin,
katwiran daw nito’y “Anong sama doon, kahit matalo, panalo pa rin. Bakit me magagawa “Only he is stubborn. Papasok ‘yan sa klase ko nang nakainom, para pang nang-iinis na
ka ba? “Kaya naman ngayon hindi na siya si Mrs. Moral Character sa amin, Mrs. Eraser na lalapitan ka. Ipapaamoy sa iyo ang hininga.”
lang.
“How true, how true, I swear to God that’s true.”
Tapos magtataka pa kung kangino kami nagmana sa mundo.
“Hindi lang yan, minsan gusto pa mandin akong kulitin sa klase na akala mo’y mahuhuli
E sino naman kaya sa kanila ang pwedeng gawing idolo? niya akong hindi prepared sa lesson ko. Tambakan ko nga ng research work, di atras siya.”

‘Yung teacher ko sa English, walang pakialam sa mundo. Basta magamit lang niya ‘yung “And he is always absent. Sometimes I don’t want to give him an excuse slip anymore.”
nalalaman niya sa voice and diction, maligaya na siya sa buhay. Basta kami ang papel lang
namin, tagapakinig sa kanyang asides. Para tuloy Kaming pang therapy lang niya. At ang “So what is the verdict of the group?”
kanyang paboritong paksa, yung kanyang nuno na purong kastila raw na nagpapatayo ng
simbahan sa kanilang bayan. Antique s’yempre ‘yung simbahan (tulad niya at ng kanyang “I cannot pass him.”
lolo). Ibig lang niyang palabasing may dugo siyang bughaw. Sarap sanang bukuhin na ang
mga kastilang napunta rito noong araw ay mga butangero at kriminal sa Espanya. Kesa nga “Ako rin.”
naman maging problema sila ng gobyerno nila, di Pilipinas na ang bahalang magtiis ng
konsumisyon. ‘Yung ganong sistema ang namana niya sa kanyang lolo, ang mangunsumi “I second the motion.”
ng mapagtiis. Yun namang teacher namin sa Math iba ang gimmick, ‘pag nabuko mong
hindi naghanda sa lesson namin lagot ka na. Pagsasabihan ka nito ng “What? Iyon lang “God will punish his naughtiness.”
hindi mo pa alam hanggang ngayon? O.k. that’s your assignment for tomorrow.” Saka niya
sasabayan ng bura ang maling nakasulat sa blackboard “I will report the matter to his parents immediately.”

Kunsumihin ka ba naman araw-araw, pag naging gago ka nagtataka pa. Hindi ka na nga Ang masama ay ang akusasyon nila kay Minyong. Nababaliw daw. Tuwang-tuwa silang
pwedeng magwala, hindi ka pa rin pwedeng maglibang. Kung sa pagtitiis ng kunsumi ay pagtsismisan ito, yon ay kung hindi sila ang tinatamaan ng mga pinagsasabi ni Minyong.
sigarilyo at beer ang mapiling pagbuntuhan ng sama ng loob, ayun at “Sinabi ko ng nga Pag medyo kinabubuwisitan nilang co-teacher ang tinamaan “Hi-hi-hi-hi” lang ang sagot
bang masama sa pag-aaral ang bisyo,” ang agad ikakatuwiran ng mga ito. nila. Pag-bull’s-eye si Minyong, “My God, baliw talaga, hindi alam ang sinasabi,” ang
katwiran nila.
Kung bisyo naman ang pag-uusapan, masama raw sa katawan ng tao ang alkohol at
nikotina. Para na ring sinabing, pag teacher ka na ay pwede na. Dahil estudyante ka pa
lang, tiis. Itanong mo kay Mr. Discipline at alam na alam niya ang sagot. Huwag mo nang
2|Page
Si Minyong kasi ay “cultural minority.” Hindi naman nagprisinta sa kanila ‘yung tao na Tapos ang kaso ni Minyong bago pa man pasimulan ang deliberasyon.
dito sa Maynila mag-aaral. Kinuha-kuha nila sa bundok, tapos pilit pinaniwalang dito nito
matututunan ang paghango sa kahirapan ng kanilang tribo, saka ngayon, basta na lang Hindi naman sila parating ganoon kabilis magbaba ng hatol. Paminsan-minsan nama’y
sisipain. Bobo ang sabi nila. Binigyan ng isang pagkakataon. Pinagsalita, para raw mahasa “humane” sila ‘ika nga. Tulad halimbawa sa kaso nina Osias at Armando, mga kaiskwela
nang gayo’y mawala ang inferiority complex nito. Ayon, nang matutong magsalita ang tao, rin namin.
na-shock silang marinig ang katotohanan.
“Ipasa na natin si Osias.”
Sabi ng pangkat ng hari.
“Pero mababa ‘yan sa Physics.”
“I find him kinda weird lately.”
“Sus naman ito, e talaga namang mahirap yang klase mo.”
“Definitely I cannot pass him.”
“Thoughtful ‘yang batang ‘yan. Kahit saan ka makita ay panay ang good morning.”
“Oo nga naman. Gagawa tayo ng masamang precedent. Mauuso ang bobo sa eskuwelahan.
Remember Philippine School for Science and Techonology ito, tapos magpapasa tayo ng “Talaga. At prisintado agad ‘yan pag nakasulubong ka na maraming dala.”
estudyanteng bo-bo? Hindi pwede.”
“Talaga.”
“Pero cultural minority ‘yan.”
“How about Armando? Another cultural minority?”
“And so?” “kailangan babaan natin ang standard sa kanya.”
“Excuse me. he is not a thoroughbred minority. It is only the mother. The father is an
“Excuse me, mayroon lamang isang standard ang excellence at wala nang exception pa.” Ilocano who migrated to Mountain Province.”

“What now?” “Ang sweet-sweet ng batang yan. Manang-mana sa Tatay niya.”


“Pogi talaga.”
“Ano pa, di bagsak.” Saka sila nagkorus ng “ibagsak.” “You bet. Doctor pala ang ama n’yan.”

Kung sa bagay nang mabalita ang kaso ni Minyong sa eskuwelahan, humigit-kumulang ay “Ipapasa ko ‘yan. Kaya lang naman ‘yan mababa, kasi matagal umabsent. Nagkasakit
nakapagpasiya na sila sa magiging dulo ng istorya. Ganito raw iyon. kasi.” “Ano, pasado na ‘tong dalawa?”

“Have you considered his case lately?” “Approve.”


“Anong gagawin natin sa kanya? Meron ba tayong policy sa ganyang kaso?”
“Mabuti siguro pauwiin na natin sa kanilang tribo.” Mahirap talaga sa mundo ang walang amang pogi o duktor.

“Dapat nga, baka manakit pa yan at maraming madamay.” “COME ON IN. Sit down, sabi ni Mrs. Moral Character matapos akong kumatok at
papasukin sa kanyang cubicle. Inabutan ko siyang nagsasalansan ng mga libro.
“Oh, how I abhor violence.”
“I called you for two reasons. Regarding our lesson and your attitude.” Heto na naman
“Baka ‘ka mo manunog pa ‘yan. Uso pa naman sa Maynila ang sunog ngayon.” kami sa loob-loob ko. Kung bakit kasi hindi na lang ako nagkasakit. Sana’y natuloy na ang
lagnat ko para pwedeng huwag magpakita sa kanya at tuloy maiwasan ang sermon na nag-
“E kung ipa-confine natin sa mental?” aabang.
“At sinong magsu-shoulder ng bill?”

3|Page
“Jojo, ang tao’y hindi-pulos tiyan tulad nang gusto mong palabasin,” sabi niya habang
nakataas ang isang kilay. Wala akong dapat ipaliwanag sa kanya. Hindi ako sasagot.
“Speak up, I said.”
Huwag kang kikibo, paalala ko sa aking sarili. Konting tiis, Mahirap makipagtalo sa
teacher, ngiti ka lang basta. Titigil din ‘yan pag nagsawa. Pero tipong wala siyang balak “Seventeen.
mag-short cut ng sermon.
“Seventeen and already you are… “Sa ayaw at sa gusto niya, tama na ang narinig ko.
“Walang essence ang pinagsasabi mo kangina, iyon ay isang halimbawa ng a priori Tumayo ako para umalis. Bago ako nakahakbang, dinugtungan pa niya ang kanyang
statement. Do you get me?” Tumango naman ako. sermon.

“Good. Now alam mo sigurong wala kang pinanghahawakan data, which I happen to have. “I’ll let your mother know about this.”
Panay speculations lang ang pinagsasabi mo at walang katuturan ito sa scientific world. Gusto ko na talagang magwala. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong isambulat sa mukha
Our lesson is more complicated than you thought. What you mean probably is the role of niya ang lahat ng hinanakit ko sa mundo. Sana’y kasing tapang ako ng gusto kong
economic determinism in contemporary Philosophy, which is altogether wrong. Bakit hindi mangyari. Ano bang masama sa ginawa ko sa chapel. Magkahawak lang kami ng kamay ni
mo gamitin ang power o elite approach? Behaviorlism ang trend ngayon sa west. Bakit Tess. Masama ba yon? Siguro ang masama’y kung bakit biglang napasyal si Mrs. Glesing
hindi ka makigaya?” sa chapel ng ganoong oras ng gabi. Kawawang Tess. Halos natitiyak ko nang gagawin na
naman itong halimbawa ni Mrs. Moral Character sa kung ano ang hindi dapat maging ang
Huwag mong pansinin, ngiti lang. Paala ko ulit sa sarili ko. Hayaan mo lang siyang isang babaeng estudyante. Si Mrs. Glesing, tiyak na halos pumasok ang dila sa ilong sa
magsalita nang magsalita. Pasasaan ba’t, mauubusan din iyan ng sasabihin. Pasok sa pagmamando ng kanyang scoop.
kanang tenga, labas sa kaliwa. Siya ang teacher kaya ang pakiramdam niya’y siya lang ang
puwedeng tama. Ano pa ang magagawa ko, di suntok na lang ulit sa hangin at magbulong ng balang-araw.
Kung mababaliw ako tulad ni Minyong, siguro’y hindi nila ikatutuwa, pero natitiyak kong
“Do you get me?” ipagtataka rin nila kung bakit.

Tango pa rin ako. At ngayon. ang part-II ng kanyang sermon. Nasa lobby ang mga barkada kong alaskador.

To be honest with you, I don’t like your attitude in class. “Jo, balita nami’y bida ka na naman.”

Smart aleck!” Yuko na lang ako. Saka ako bumulong ng “I’m soory, ma’am.” “Hayaan mo ang mga hayupak na ya’t magsasawa din yan,” sagot ko naman.

Kahit hindi ko siya tingnan, alam kong tatango-tango siya sa tuwa. Lihim na namang “Kung magmu-motel kayo, di wala sana silang alam.”
pumapalakpak ang kanyang tenga sa tuwa. Napaamo niya ang suwail ng eskuwelahan.
Sana’y kasing ‘honest’ din niya ako, di sana’y nasabi ko ring, “The feeling is mutual. I also “Tigil,” sabi ko.
dont like you, ma’am.” Sa halip, ang nasabi lang ay “Can I go now, ma’am?”
“Ano ba talaga ang ginawa ninyo’t nagpuputok ang butsi ni Mrs. Glesing sa klase namin
“I’m not yet through.” Ibig sabihi’y may part-III pa ang usapang ito. kangina?”

“They saw you in the chapel last night.” “Isa pa ‘to, anong magagawa ko sa chapel? Kahit ka may madyik, walang himalang
mangyayari roon,” sabi ko.
Diyos me, pati pala personal life ko’y pinakikialam na rin nila ngayon, sa loob-loob ko.
Nararamdaman ko ang init ng kanyang titig sa aking mukha. “Ligawan mo kaya si Mrs. Glesing?”

“How young are you, Jojo? Speak up.” Tarantado, Isa ka pa.” Buwisit na buhay ito, alaskado na naman ako.

4|Page
Si Kristo kaya kung mabubuhay ulit at magpunta sa Science? Maestro daw siya kahit
“Malay mo baka may lahing Mrs. Robinson ‘yon.” Saka sila nagtawanan. Nakitawa na rin walang M.A. at Ph. D. Papasukin kaya sa gate pa lang? Hindi pwede, kung makasalubong
ako kahit nabuburat na ako sa buhay. siya roon ni Mrs. Moral Character o ni Mrs. Glesing, baka ma-shock pa ang mga ito.
Palagay ko, ganito ang sasabihin nila. “Imagine kay lakas ng loob ang bastos naman ng
“Tara na lang sa Cubao,” yaya ko sa kanila. appearance. Long hair, hindi nag-aahit, tapos nakasandalyas pa. Maano kung anak siya ng
‘YUNG ISANG ROUND ng beer ay nasundan ng isa pa nga at isa pa ulit. Saka Diyos, wala naman siyang sense of de-quo-rum.” Saka kung magsermon dito si Christ,
pinabuntunan ng one-for-the-road. Kung gaano kabilis ang bote ay ganoon din kabilis ang baka mabuko lang siya ng “Who is your authority, where is your data, behavioralism na
oras. ang trend ngayon sa West, bakit hindi ka makigaya.” Siguro kaya sa sabsaban na lang ang
napiling birth place niya, dahil kung sa science siya ipapanganak, mababago ang
“Ano ba talaga ang ginawa mo sa chapel?” kasaysayan ng Kristiyanismo sa mundo.

“Ano pa, di holding hands. Masama ba yon? Para nagsumpaan lang kami sa harap ng altar Ay, sense of propriety at de-quo-rum, talagang nakatataranta. Clean cut (pagsuklayin mo si
ng hindi maghihiwalay kahit ako ma-kick-out kabastusan na ba yon? Bakit kasi ang Einstein). White polo shirt at black pants (pagdisentihin mo si kristo). Naiisip ko tuloy
dudumi ng isip nila. Akala mo’y hindi nakipag-holding hands noong mga bata.” kung propriety din ‘yung tawag sa mga teacher kung nakadamit civilian sila kapag
Miyerkules. ‘Yun bang parang a-attend sila ng party. ‘Yun bang ang tipo ng tela ay
“Sila kaya, paano naging tao?” mapapansin agad at mapapagsabihang “Ay, ang ganda, saan mo mabili? Siguro ang mahal
ano?” Na sasagutin naman ng kausap ng “Mura ‘lang yan, siento isang yarda (walong
“Nagtinginan lang, nabuntis na.” dolyar na ang katumbas ng piso). Christian Dior, original yan, hindi gawang Rustan’s.” At
para talaga mapansin, kailangan humahalimuyak din sila sa bango. ‘Yun parang painting
Saka sila nagtawanan. Buti pa sila, kahit paano’y masaya. Ako yata, kahit sa paglilibang ay (pa-surreal). At saka tatambakan ng brilyante ang tenga, leeg, dibdib, braso at mga daliri.
mga teachers ko pa rin ang nakikita. Sobra na ‘to. Bakit ba ayaw nilang makakita ng Sa kanilang “ganda” at “ningning” para kang nakakita ng X’mas tree sa isang mahal na
katotohanang iba kaysa sa kinagisnan nila. Bakit ba kasi gusto nilang maging kamukha araw. ‘Yun ang proper sa kanila.
nilang lahat ang tao sa mundo. Dahil ba sa kanilang palagay ay sila ang nakadiskubre ng
mina ng talino at tama, kaya wala nang natira sa amin para diskubrihin? Pero hindi ba yung Kung sa bagay, hindi na nila maaanino ‘yon. Noong gabing nahuli kami ni Tess ni Mrs.
tinatawag nilang expertise, yung dalawampung taon sa serbisyo, ang ibig lang sabihin, English, noon ko lang napansin ang ayos ni Kristo. Ininsulto raw ito ng mga Hudyo kaya
isang taon karanasang pinatagal ng dalawampung taon? ipinako ng hubo sa krus. Pero naiinsulto sa hubo ang mga Mrs. Moral Character, Mrs.
English, Mr. Mathematician at Mr. Discipline at kanilang mga katribo. Kaya siguro nila
Ngayon ko lang naisip, kung buhay siguro si Beethoven at kukuha ng eksamen sa tinakpan ang kahubdan ni Kristo ng pelus na nangingintab sa dami ng borloloy. Si Virgin
eskuwelahan, kahit bilang estudyante o teacher ay tiyak na hindi siya tatanggapin. Mary ay asawa daw ng isang hamak na karpintero, pero sa bikas niya ngayon ay mistulang
Philiphine School for Science and Technology ito, ang eskuwelahan ng mga magiging peacock at X’mas tree na rin siya. Pati nga ang kanyang luha ay ginawang perlas.
scientist balang araw, tapos pakikitunguhan at ituturing na tao ang isang kung sinong
bukod sa tamad magbihis, madalang pang maligo? Ang hindi nila maging kamukha ay agad nilang pinapansin. Ang taong naniniwala sa sarili
ang gusto nilang lapastanganin. Sino nga ba naman si Jojo sa kanila na “isang kung sino
Si Einstein? Henyo ‘yon, kaya lang hindi nagsusuklay. Kick-out din siya. Bawal sa school lang.” Noon kayang mga estudyante pa sila, nakapasa kaya sila sa Science? Scholar din
ang mahabang buhok. Tiyak na pagsasabihan siya Mr. Discipline ng “Comply with school kaya sila? Pero bakit naging teacher lang sila sa loob ng mahabang panahon? Iyon lang
requirements. Maximum tolerable haircut please.” Ibig sabihin noo’y ahitan ang batok. kaya ang alam nila sa buhay, ang magturo? Para silang hindi naging bata. Para bang nang
Gawing korteng kutsarita ang tuktok. ipanganak sila’y alam na nila ang lahat ng bagay. Baka akala nila’y biru-biro ang maging
estudyante. ‘Yun kayang conduct nila sa klase noong araw ay panay uno? Kung talagang
Si Hemingway kaya? Hindi rin pwede, mabisyong tao ‘yan. Bawal ang lasenggo sa klase. hindi sila nagkakamali, dapat itong ireport agad sa Santo Papa sa Roma. Nasa Pilipinas
E Si Maximum Gorky, ang greater Russian writer para kay Chekhov at Tolstoy, pwede lamang pala ang mga living saints.
kayang magturo ng comparative literature dito? Sa palagay ko’y hindi rin. Bukod sa wala
silang unit sa English ay wala rin silang diploma sa Education. Alin na lang kaya ang pwedeng pakialaman? Saan kaya puwedeng maging bida sa mundo?
Buti pa sa referendum, kasali kami. Alin kaya ang mahalaga, ang kapalaran ng Pilipinas

5|Page
pwedeng isugal, pero kung sino ang mas seksi, si Alma Moreno o si Elizabeth Oropesa ay
hindi namin pwedeng pagpasiyahan. “For adults” lang kasi yon.

Ops. Nakadi-jingle mag-isip. ‘Yung barkada, iba na ang usapan

“Lagyan kaya natin ng thumbtacks ‘yung upuan ni Mrs. English?”

“Di aaray ‘yun, pero pag naalala ‘yung poise n’ya, sasabihing, oh, I mean outch!”

“HI hi hi hi.”

Buti pa sila at nakukuhang ngumisngis. Ako kaya, kangino puwedeng magreklamo?


Sulatan ko kaya si Valencia? Baka naman sagutin ako nito ng “Uminom ka na lang ng
kape.” Si Marcos kaya? Santambak ang problema nito sa buhay, biro mong problemahin
nito pati kapalaran ng pilipinas, tapos ipasasagot pa ito sa kanya sa kasaysayan balang
araw, paano ako nito mapapansin? Magreport kaya ako kay Carter, issue rin ito ng human
rights, ang kapalarang ng mga sinadistang estudyante, pero mahirap namang umingles.
Saka interesado lang ito sa giyera na naluluma sila.

Sa Diyos na lang kaya ako susulat? Pero nasa lahat ng lugar at sulok daw ito, kaya tiyak na
alam na niya ang problema ko. Bakit nga pala sa sermon on the mount, wala ‘yung Blessed
are the poor students for they shall inherit….” Siguro dahil wala na siyang langit o lupang
pwede pang ipamana sa iba.
Ayaw kong maging Minyong. Kailangang magsalita na ako baka ako mabaliw. Ayaw kong
maging robot, ayaw kong maging bato. Hindi baleng drop-out, basta tao lang ako. Maliit
ang comfort room kung doon ko isusulat ang aking mga sumbong. Marami na noong
nauna. “What you’re holding now is the future of the Fatherland.” “if you can reach this
high, you shall be great.” Ibagsak ang pasismo.” “LABAN.” Putang ‘na n’yo.” “Alpha Phi
Omega.” Wanted pen pal.”

Magrereklamo rin ako sa pader kung kailangan, hanggang may makabasa at makarinig ng
aking sumbong. Pero sa ngayon, idi-jingle ko na lang muna ang sama ko ng loob.

6|Page

You might also like