You are on page 1of 3

Bea: Magandang umaga sa inyong lahat.

Ako si Bea Delos Reyes

Natasha: Ako naman si Natasha Dimara

At aming ilalahad ang paksang nakatalaga sa amin.

“Para sa mga kababatang pinoy, alin ang dapat ituro ng mga magulang,
ang pag-iimpok sa banko o pag-iimpok sa alkansiya?”

INTRO:

Bea: Ang banko at ang alkansiya ay parehas na imbakan ng pera. Ito ay parehas na 
may benepisyo sa atin at parehas na napapakinabangan. Makatutulong ang 
pag-iimpok ng pera sa ating sarili, pamilya, at sa iba pa nating mga
pangangailangan.

Natasha: Para sa mga magulang, kung kinokonsidera niyong magbigay-kaalaman sa mga 


kabataan tungkol sa wasto at tamang pag-iipon, maaaring iniisip niyo kung alin 
ang mahusay na paraan upang itago ang inyong mga pera. 

Bea: Kaya ngayon, ilalahad namin ang aming pangangatwiran tungkol sa dalawa;
ang  
pag-iimpok sa banko at sa alkansiya.

BANKO:

Natasha: Una sa lahat, ang pag iimpok ng salapi sa bangko ay mahalaga sa katayuan at 
pagpapaunlad ng buhay ng mga tao, lalo na sa mga kabataang tulad natin 
sapagkat nagkakaroon ito ng tamang direksyon at layunin sa kung saan 
inilalahad ang ating mga salapi.

Isa sa mga kagandahan nito ay madali nating mabibilang ang ating mga ipon o
balanse

Dahil sa mga ATM machines at mobile banking apps, naging awtomatiko na ang
pagbibilang ng mga perang naiipon sa ating mga savings account. 

Pangalawa ay ang pagkakaroon ng karampatang seguridad

Ang pagkakaroon ng savings account ay isang ligtas dahil lahat ng mga deposito na
isinasagawa ay ginagarantiyahan ng FDIC o ang Federal Deposit Insurance Corporation.
Dito, ang mga pondo ay laging mananatili sa banko maliban lamang kung ito ay i-
wiwithdraw natin o gagamitin para sa mga transaksyon. Iniiwasan din nito ang ilan sa mga
posibleng pagkawala ng pera tulad ng pagnakaw, hold-up, o sariling kapabayaan.

Pangatlo, posibleng magkaroon ito ng interes o tubo 

Bagama’t naging mababa ang interest rate mula noong 2007. Subalit ngayon, mayroon
pa ring mga banko na may mga ilang porsiyento na interest rate, kaya’t tutubo pa rin ang
pera sa paglipas ng panahon. Ibig sabihin, kung mas malaki ang perang iimpok, mas malaki
rin ang tubo nito.

Higit sa lahat, nagbibigay ito ng mga karagdagang serbisyo 

Ang ilan mga banko sa kasalukuyan ay nag-aalok ng mga discounts sa mga merchants,
cashbacks, o rewards points sa mga ATM cards tuwing ginagamit ito. Maliban diyan, ang
iba rin ay namimigay pa ng ilan sa mga pangunahing insurance tulad ng medical insurance,
foreign travel insurance, at iba pang mga uri nito depende sa mga benepisyo ng banko.

ALAKANSIYA

Bea: Marahil ang ilan sa atin ay patuloy na gumagamit ng alkansiya. Ito ay pinakamahusay
na paraan para sa mga magulang na ipamahagi sa kanilang mga anak ang kahalagahan
ng pag-iipon kaysa sa paggastos. Higit sa lahat, ang alkansiya ay nagsisilbing isang
kapaki-pakinabang na paalala para sa mga magulang at teenager kung gaano kahalaga
ang pag-iimbak ng pera.

 Edukasyonal para sa mga kabataan. 

Naturuan tayo ng ating mga magulang na mag-ipon bata pa lamang. Maraming


kabataan ang kinagigiliwan na maghulog sa alkansiya sapagkat nakikita nila na mayroon
silang naiipon. Dito ay natututo maging masinop sa pag-imbak ng salapi ang mga
kabataan.

Convenient at madaling magamit sa mga panandaliang pangangailangan.

Alkansiya ang nagtuturo sa atin paano magtipid at gumastos, kapag ito ay hindi pa puno
ay nilalagyan natin ito, kapag naman ito ay puno na, ibinibili natin sa mga bagay na
gusto. Tayo ay may madaling access sa ating alkansiya sapagkat may kontrol tayo sa
paghawak ng ating pera. 
Kapag may agarang pangangailangan o agarang bibilihin ay pwedeng kumuha mula sa
salaping inipon. 
 
 

Seguridad ng salapi
Ang alkansya ay nakatago lamang ito sa loob ng iyong bahay kaya malayo ito sa mga
pandaraya katulad ng scam, hack, phishing, o budol, lalo na sa mga online.

You might also like