You are on page 1of 9

 Ang pag-iimpok ay

pag-iipon, pagtatabi,
pagtitipid,pagsisinop na maaring
tumutukoy sa mga bagay katulad
ng salapi o ari-arian.
 Ang pag-iimpok ay tumutukoy
din sa pagsisikap ng isang tao
makaipon ng sapat na salapi o
ariarian para sa kanyang
magandang kinabukasan
Bakit Mahalaga Mag-Impok?
Alam naman nating lahat na tayo ay nasa
panahon ng pandemya. Kaya naman,
malaking oportunidad ito para mag-impok
ng pera. Hindi tayo sigurado sa mga
posibleng mangyari sa atin, kaya naman,
mas mabuti na lagi tayong handa.
Heto ang mga dahilan kung bakit
mahalaga ang mag impok:
1.Para sa ating pamilya – kapag tayo’y nag
iimpok, maaari nating matugunan ang ating
mga pamilya. Samantala, kung ikaw naman
ay estudyante lamang, ang mga naimpok
mong pera ay makakatulong sa pamilya sa
panahon ng emerhensya.
2. Para sa ating kinabukasan – kung
dumating ang oras na tayo ay magigipit may
mahuhugot tayo.
3. Para sa ating pagtanda – kung hindi na
natin kayang mag trabaho ay may pera
tayong madudukot para sa ating mga
pangangailangan, dito rin pumapasok ang
pag-invest.
Dalawang Uri ng Pag-iimpok:
PAG AALKANSYA PAG BABANGKO
 Ang pag aalkansya ay isang uri ng taguan o impukan ng salapi sa
karaniwang gawa sa kahoy, karton, kawayan, plastik o luad. Noong
mga panahong hindi pa uso ang banko, passbook at atm, ito ang
paraan natin para makapag-impok. Kapag may mga bagay tayong
gustong bilhin at wala tayong sapat na pera para bumili, automatic
ay naiisip natin ang mag-impok sa alkansya.
 Ang pag-babangko naman ay isang institusyong pinansyal na
tumatanggap ng mga deposito mula sa publiko at lumilikha ng
kredito. Kung saan dito natin iniimpok ang malakihang pera at
maaring mapalago sa pag papautang at pamumuhunan ng mga
negosyante.
FROM GROUP 6:

Heart M. Bordeos
Lil Zhayen C. Enriquez
Lhean Shajira K. Maderazo

THANKYOU!

You might also like