You are on page 1of 4

Paraan Upang Makalaya sa Kakapusan sa Financial at Magkaroon ng Mas

Maginhawang Buhay
1. Magsimulang patabain ang iyong bulsa sa pamamagitan ng pagtatabi ng 20%
mula sa iyong bawat kinikita Ito ay bilang pasimula ng pagpapadami ng iyong
sariling salapi o pagpapataba ng iyong bulsa. Pagkaraan ng ilang panahon, 1 o 5 o
10 taon, ang naitabing pera ay siguradong lumalaki o patuloy na nadadagdagan.
Sa pamamagitan nito ay masasanay mo ang iyong sarili sa pag-iipon at may
kakayahan ka na upang mamuhunan.
2. Kontrolin ang iyong gastos. Matutong mamuhay o pagkasyahin ang natitirang
80% mula sa iyong kinita gaano man ito kaliit upang maging disiplinado sa
paggastos at bilhin lamang kung ano ang pangunahing kailangan.
3. Mamuhunan at kumita. Matutong palaguin ang mga naipong pera mula sa iyong
itinabi at hayaan lamang itong lumago at dumami. Gamitin ito kung may nakitang
magandang opurtunidad upang ito ay lumago, o sa pamamagitan ng paglagak
nito sa mga ibat-ibang uri ng pagkakakitaan o negosyo.
4. Pangalagaang huwag mawala ang inipong pera. Pagkatapos matutong mag-ipon
ay dapat ding pagsikapang huwag mawala ito. Ingatan ang naipong pera na
katulad ng isang anak na ayaw mong mawala sa iyo at ang bawat naipon mong
pera ay dapat manganak at ang mga anak nito ay dapat ding manganak hanggang
sa maging napakarami na nito, matatag na at hindi na mawawala sa iyo, at mula
dito kunin ang mga bagay na nais mo sa iyong buhay katulad ng magandang
bahay at malawak na lupa, sasakyan, magagarang kasuutan, at mga bagay na
gusting-gusto mo. Siguruhin na ang papasuking negosyo ay maibabalik ang
puhunan, at kung maaari ay kumita o madagdagan pa ang naipon. Dahil sa
pagsisikap na mag-ipon dapat ding pagsikapang huwag mawala ang naipong pera.
5. Magkaroon ng sariling bahay at lupa. Ito ay investment na kung saan magbibigay
sa iyo ng labis na kasiyahan, maging sa iyong asawa, at mga anak. Habang
lumalaki na ang naimpok na pera at unti-unti ng dumarami ay maaari ng simulang
mag invest na kumuha ng sariling bahay at lupa dahil ito ay pangunahing
pangangailangan ng isang tao at napakahalagang investment. Ang puhunan ay
hindi dapat gagamitin bagkus ay yun lamang kinikita mula sa naging puhunan.
6. Huwag bumili ng mga bagay na bumababa ang mga halaga at hindi naman
tunay na kailangan. Anumang luho katulad ng magandang cellphone,
magagarang kasuutan, mamahaling kagamitan, ay maaari lamang bilhin sa
pamamagitan ng kinita mula sa mga naitayong negosyo. Huwag gamitin ang pera
na nagmula sa mismong trabaho na iyong pinagpaguran at pinagpawisan para
lamang sa mga luho na maaaring hindi naman tunay na kailangan.
7. Protektahan ang iyong sarili. Kailangan mong protektahan ang iyong sarili sa
pamamagitan ng pagkuha ng Life Insurance o SSS, pension plan na magbibigay ng
karagdagang financial sakaling ikaw ay hindi na makapagtrabaho dahil sa
katandaan o biglaang pagkapinsala ng katawan dahil sa aksidente. Maari ka ring
kumuha ng Health Insurance at Philhealth na tutulong sa iyo sa Financial na
gastusin sa hospital kung sakali namang ikaw ay nagkasakit at nagkaroon ng
masamang karamdaman.
8. Magtanong at matuto sa mga taong marunong. Sumali sa mga association
katulad ng mga business association o sumali sa mga kooperatiba. May mga
bagay na hindi nagagawa ng isa ngunit nagagawa ng marami na nagsasama-sama.



5 Batas ng Pera

1. Ang Pera ay masayang pumupunta at patuloy na dumadami sa sinumang
nagtatabi ng 20% mula sa kaniyang bawat kinikita upang lumikha ng
kayamanan para sa kaniya at sa kaniyang pamilya sa hinaharap.

2. Ang Pera ay masayang nagsisikap at kontentong nagtatrabaho kapag ito ay
naihanap ng mapagkakakitaang trabaho, at kayang lumago ng kayamanang
hindi kayang mabilang.


3. Ang Pera ay nananatili lamang sa pangangalaga ng maingat na may-ari na
hindi niya hahayaan itong mawala, at marunong magtanong sa mga maaalam
sa Pera bago ito gamiting puhunan sa pagpapadami.

4. Ang Pera ay umaalis sa mga taong namumuhunan sa negosyo na wala siyang
sapat na kaalaman, at hindi marunong kumunsulta sa mga taong marurunong,
at lalong-lalo na sa mga taong labis-labis sa paggasta na nagiging dahilan
upang tuluyang umalis sa kaniya ang Pera.


5. Ang Pera ay umaalis sa mga taong pwersahang gumagamit ng Pera sa mga
negosyo na hindi siguradong kikita, o negosyo na iminungkahi ng mga
manggagantso, mandaraya, o dahil sa kaniyang kakulangan sa karanasan sa
pagnenegosyo.

Priority to Accomplish for 1 Year Work in LIBYA
Pay Kuya Venus for Placement Fee Loan of P 15, 000.00 and add P 1, 000. 00 as an
incentive and make it P 16, 000.00.
Pay Ronald Abdullah of my loan P 15, 000.00.
Pay Ayyub of my loan P 5, 500.00.
Pay Carlos SSS Loan P 22, 500.00.
Pay Len SSS Loan P 7, 500.00 (estimate)
Pay Carlos SSS Contribution P 6,000.00 for 2014
Give Carlos mother a part of Carlos income as a gratitude and appreciation.
House Improvements: Installation of Ceilings, Kitchen Cabinet,
and TV LED for entertainment.
Ang trabaho ko sa Libya ay isang taon lang kaya kinakailangan na bayaran ang mga
dapat bayaran, at mag-ipon para sa ating kinabukasan. Ayoko na muling maranasang
magtrabaho bilang laborer pagbalik dahil sobrang napakahirap, at hindi na muling
makaranas mangutang sa mga taong sobrang mahal ko at nakakahiyang utangan. At
ayoko ng maranasang mawalan ng trabaho at nasa bahay lang at naghihintay ng
opurtunidad dahil sobrang nahihiya ako sa aking sarili, sobra ding nakakainip at sayang
ang panahon kung hindi gagamitin sa ibang mas makabuluhang bagay. Dapat nating
tanggapin sa ating mga sarili na tayo ay mahirap lamang, walang sapat na edukasyon,
walang sapat na kaalaman, at ilang panahon na lamang ay masasabi nating tayo ay may
edad na at hindi na rin maaaring makapag-apply sa ibang trabaho na may age
requirements maliban na lang kung mayroon tayong sariling hanap-buhay. Kung kaya
dapat tayong mag-isip na palawakin pa ang ating nalalaman at kakayahan, at higit sa
lahat ay magkaroon ng sapat na salapi upang isakatuparan ang anumang binabalak natin
upang paunlarin ang ating mga sarili at maranasan ang maginhawang buhay. Alamin
lang natin ang ating tunay na pangangailangan at malalaman natin kung paano ito
sasagutan.
Huwag na huwag magpautang sa iba. Sabihin mo lang na ako ang humahawak ng ating
ipon. Napakahirap kitain ng pera kaya hindi dapat basta na lang itong pakawalan lalo na
kapag hindi maibabalik. At lalong lalo na hindi na natin maranasan ang mangutang sa
iba.


Principle of 80-20 rules: Dapat nating isabuhay habang tayo ay kumikita na
magtabi ng 20% mula sa ating kinita habang tayo ay malakas pa at may kakayahan pang
kumita. Halimbawa, kung ikaw ay kumikita ng 327/day sa loob ng 26 days ito ay P8, 500.
Kunin mo ang 20% nito na P1, 700 at itabi mo sa iyong savings deposit. Sa isang taon ay
aabot na ito ng P20, 400 na hindi mo namamalayan. Kung ako naman ay kikita
halimbawa ng P30, 000/month ang 20% nito ay P6, 000 at itabi sa aking savings deposit.
Sa loob ng isang taon ito ay aabot ng P72, 000. Ang 20% ay kabayaran mo sa iyong sarili
bilang pagpapakahirap sa pagtatratrabaho at ito ay iyong karapatan para sa iyong
pagsisikap na guminhawa. Dapat mong unang bayaran ang iyong sarili bago mo bayaran
ang iba katulad ng kuryente, tubig, pagkain, damit, appliances, tulong sa ibang tao, at
napakarami pang gastusin na mas inuuna mong bayaran kaysa sa iyong sarili. Matutong
pagkasyahin ang natitirang salapi pagkatapos mong itabi ang 20% dahil sa katunayan
napagkakasya naman ang pera malaki man ito o maliit depende na lang kung paano mo
ito gamitin. Ang 20% na itinabi ay hindi dapat galawin maliban na lang na ilagay sa
negosyo o anumang paraan na ito ay madadagdagan o kikita. Gawin ito buwan-buwan o
kada kumikita, hanggang ilang taon na ikaw ay nakapagtatratrabaho pa hanggang sa
masanay ka ng mag-ipon at mag-isip kung paano ito paparamihin. Hinding hindi ito
gagalawin at ituring itong anak na mahal na mahal mo at ayaw mong mawala sa iyo at
paramihin ito ng paramihin hanggang sa matatag na ito at hindi na mawawala. Mula sa
kinikita nito ay maaari ng bilhin ang mga bagay na magpapasaya sa iyo at sa iyong mahal
sa buhay. Tanging sa pamamagitan lamang nito magkakaroon ng mas masaganang
buhay financial at mas marangyang buhay.

You might also like