You are on page 1of 9

Pangalan______________________________________________ Seksyon ______________

Kahulugan ng Ekonomiks
AP
AP
Kasanayang Pampagkatuto
mula sa MELCs

Kasanayan sa Pagkatuto: Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-


araw-araw bilang isang mag-aaral at kasapi ng pamilya at lipunan.

Mga Tiyak na layunin:


1. Nabigyang kahulugan ang Ekonomiks;
2. Nasuri ang konsepto ng kakapusan bilang pangunahing batayan sa pag-aaral ng
ekonomiks; at
3. Nakabuo ng matalinong desisyon hinggil sa apat na pangunahing katanungang
pang-ekonomiya.

Overview/
Pangkalahatang Ideya

Marahil kabilang ka sa mga estudyanteng


may ganitong hugot ngayong panahon ng
pandemya. Dahil daw kasi sa online o
modular class, nawala ang inyong nag-iisang Sana may baon
source of income – ang baon. Himutok pa ng ilang
estudyante sa social media, wala na ngang baon puro pa rin kahit
pa plato ang kasama! Ok lang yan, at least ngayon
hindi ka mamomroblema kung paano pagkakasyahin online o
ang baon mo. Di ba noong face to face pa ang klase
problemado ka kung paano pagkakasyahin ang baon? modular class
Minsan nga tinatanong mo ang iyong sarili; Kailangan
bang pumila sa kantin? Sabay kapa sa laman ng
bulsa. Bakit hindi maibigay ni Nanay ang cellphone na
pinangako sa akin?

Ang mga suliraning kinakaharap mo sa araw-araw bilang mag-aaral ay hindi lamang


dahil sa konti ang baon mo o maliit ang kita ng iyong magulang. Meron pang mas malalim na
dahilan nito at iyon ang ating tutuklasin sa learner’s packet na ito. Inaasahan na sa pagtatapos
ng modyul na ito ay iyong lubos na mauunawaan ang kahulugan ng ekonomiks sa
pamamagitan ng pag-uugnay nito sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

RO_AP_Grade9_Q1_LP1
1
Mga Gawain

Kung isyu sayo ang maliit o kawalan How a P14M lotto winner lost it all
ng baon sa araw-araw, huwag kang
mag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Taong 2008 nang maging instant
Ang totoo malaking isyu ay pera. milyonaryo si Dionie Reyes. Si Dionie ay 42 noon at
nagtatrabaho bilang isang utility worker nang
Kaya nga karamihan ay umaasam na manalo ng 14 na milyong piso.
manalo sa lotto upang magkaroon ng
maraming pera. Subali’t ano ba ang ibig Ayon kay Dionie, matapos makumpirma na
sabihin ng MARAMING PERA para saiyo? nanalo siya ay agad niyang kinuha ang pera.
Ito ba ay ang dami ng pera na parang hindi
na mauubos? Kung manalo ka kaya sa lotto “Magwiwithdraw ako ng P1 million para
ng malaking halaga, sa palagay mo sapat maexperience kong makahawak ng P1 million at
na ito para mabili mo lahat ng gusto mo at saka issue-han niyo ako ng tseke, bibili ako ng
di-agad maubos? Fortuner,” sabi ni Dionie

Basahin ang kuwento ni Dionie Reyes, na Isang bahay na nagkakahalaga ng P4


nanalo sa lotto noong 2008. Maaaring milyon ang binili ni Dionie sa kanyang mag-ina.
panoorin ang balita ukol dito gamit ang link Namigay siya ng balato sa mga kamag-anak at
sa ibaba. kaibigan na umabot ng P2 milyong.

Maganda na sana ang kanyang buhay


hanggang sa unti-unting naubos ang pera sa alak,
babae at sugal. Napilitan na ring ibenta ang kanilang
dream house para ipambayad sa ilang utang.

Maluwag na naikuwento ni Dionie ang


kanyang istorya. Sana raw ay magsilbi itong aral sa
mga tatama sa lotto.

Pinagkunan: https://youtu.be/Hib4MNAzqiQ Pinagkunan: https://tinyurl.com/jee7ntxd

Gawain 1. Experience is the


best teacher!
Pagbubudget
Pamprosesong tanong/gawain:
1. P14 na milyon sa loob lamang ng 3 buwan?
Saiyong palagay, bakit kaya madaling naubos
ang malaking perang napanalunan ni Mang
Dionie? ______________________________ Aral sa
_____________________________________ kuwento
_____________________________________ ni Mang
_____________________________________ Dionie
_____________________________________

2. Kumpletuhin ang mind map sa kanan ukol sa


mga aral na maaari mapulot mula sa naging
karanasan ni Mang Dionie. (Gawin ito gamit
ang isang salita lamang, tulad ng ibinigay na
halimbawa)
RO_AP_Grade9_Q1_LP1
2
Ang mga aral na iyong isinulat sa mind map sa itaas ang siya ring mga aral
na matututunan mo sa pag-aaral ng ekonomiks: pagtitipid, pag-iipon, pag-
iimpok (magkaiba ang pag-iipon at pag-iimpok), pamumuhunan, pagiging pro-
active (yung iniisip ang kahihinatnan ng isang gawain bago pa man ito gawin,
sa madaling salita advance mag-isip) at higit sa lahat kung paano ang
matalinong paggamit ng pera o anomang resources meron tayo. Sa pamamagitan ng
asignaturang ito higit mong mauunawaan ang mga salik o puwersang nakakaapekto saiyong
mga pangangailangan at kagustuhan na siyang magbubunsod upang matalino mong
mapamahalaan ang limitadong yaman na meron ka. Nakakalungkot isipin na kailangan pang
dumaan sa napakasakit na karanasan ni Mang Dionie bago niya mapagtanto ang mga aral
na ito.

Gawain 2. Bakit laging


kulang?

Unang aral na ituturo sayo ng Ekonomiks: Walang perang sobra o sapat, lagi
itong kulang! Paano nangyari ito? Paano mo ba ginagasta ang iyong baon?
Ipagpalagay natin na mula sa halagang P50.00 na baon sa isang araw, dinagdagan
ito ng magulang mo hanggang sa umabot sa P300.00 bawat araw. Magbabago rin
kaya ang mga pagkain o bagay na binibili mo tuwing recess? Ilista sa loob ng bubble cloud
sa ibaba ang mga bagay na iyong pagkakagastusan sa oras na madagdagan ang iyong
baon.

…sa baon na P150.00


________________ …sa baon na P300.00
________________
Mga bibilhin o pagkaka- ________________ _______________
gastusan ko sa baon na ________________ _______________
P50.00 _______________
________________ _______________
________________
________________
________________

Pamprosesong tanong:
1. Ano ang napansin mo sa iyong gastusin habang tumataas ang halaga ng iyong
baon? Ipaliwanag
___________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, bakit kasabay ng pagtaas ng iyong baon ang pagtaas rin ng iyong
gastusin? ___________________________________________________________
___________________________________________________________________
3. Sa baon mo na P300.00, kuntento ka na ba at hindi na hihingi ng ano pa mang
dagdag? Pangatwiranan. ________________________________________
___________________________________________________________________
RO_AP_Grade9_Q1_LP1
3
4. Kung ganun, bakit laging kulang ang pera na meron tayo? _____________________
___________________________________________________________________

Kung iyong susuriin, balewala ang anumang pagtaas ng baon mo dahil sinasabayan
ito ng pagtaas rin ng iyong pangangailangan at kagustuhan. Sa dati mong baon na
Php50, maaaring kuntento ka na sa banana que tuwing recess. Pero kakain ka pa
ba nito kapag naging Php300 na ang baon mo? Maaaring oo, pero tiyak maghahanap
ka na ng mas masarap at mas mahal na meryenda kaysa babana que.
At kahit gawin pang Php1000 ang baon mo araw-araw, magrereklamo ka pa rin kinalaunan
dahil hindi mo parin mabibili lahat ng gusto mo.

Samakatuwid, gaano man kalaki ang pera o resources, ito ay palaging kulang o
limitado dahil ang ating pangangailangan at kagustuhan ay unlimited o walang
katapusan. Ito ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng suliranin sa Kakapusan o
Scarcity.

Limitadong Walang katapusang


Pinagkukunan
Scarcity pangangailangan at
kagustuhan
needs

Ang suliranin sa kakapusan o scarcity ang pangunahing dahilan kung


bakit may asignaturang Ekonomiks. Lahat ng tao, pamayanan o bansa,
mahirap man o mayaman ay hindi ligtas sa suliranin ng kakapusan.
Suliranin ito ng lahat! Ito ang dahilan kung bakit araw-araw tayong
gumagawa ng desisyon na may kaugnayan sa pagtugon sa ating
pangangailangan at kagustuhan. Ibibili ko ba ng load o project ang tira sa
baon ko? Banana que o burger?
Sa mas malaking konteksto tulad sa ating bansa, ano ba ang kailangang bigyang prayoridad;
edukasyon ba o imprastraktura? kalusugan ba o sandatahang lakas? Ito’y sa kabila ng
napakalaking budget ng ating bansa ngayong taon na aabot ng mahigit 4 na trilyong piso. Ilan
lamang ito sa mga maliliit at malalaking desisyon na ating ginagawa bilang pagtugon sa
suliranin ng kakapusan na ating kinakaharap. Kaya ang malaking tanong ngayon, paano ba
ang paggawa ng tamang desisyon? Dito papasok ang ekonomiks!
Sa Ekonomiks, lahat ng desisyon na may kaugnayan sa paggamit ng anomang
resources ay nakabatay sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiya. Tingnan
ang pigura sa ibaba.

Kakapusan

Ano ang Paano Para Gaano


gagawin? gagawin? kanino? karami?
RO_AP_Grade9_Q1_LP1
4
Gawain 3. Matalinong
Pagtugon sa pandemya

Ang huling gawain na ito ang magsisilbing performance task. Bago magsimula,
unawaing mabuti ang task at maging ang rubrik sa pagmamarka ng output.

SITUATION: Ipagpalagay na ikaw ay isang Brgy Captain sa inyong lugar na patuloy


na nakapagtatala ng mga bagong kaso ng COVID-19. Dahil dito, ipinag-utos ang isang
linggong lockdown sa iyong barangay.

TASK: Gumawa ng matalinong pagpapasya kung paano gagamitin ang natitirang pondo ng
iyong barangay na nagkakahalaga ng P5 milyon, sa pamamagitan ng pagsagot sa 4 na
pangunahing pang-ekonomikong katanungan. Isulat ang iyong sagot sa blangkong chart sa
ibaba.

Ano ang gagawin? Paano gagawin?

Php 5 milyong pondo


Para kanino? Gaano karami?

TANDAAN!

P5 milyon man ang pondo ng iyong barangay, maliit na pera pa rin ito
kung ikukumpara sa pangangailangan. Kaya’t kailangan nating pumili
at magdesisyon kung para saan natin ito gagamitin. Halimbawa, plano
mong mamigay ng relief goods dahil sa inaasahang pagpapatupad
ng lockdown. Ito ang tugon sa unang tanong na, “Ano ang gagawin?
Ngayong alam mo na kung ano ang paggagamitan ng pera, ang sunod
na tanong, “Paano mo ito gagawin? Direkta ka bang bibili ng mga
relief goods sa manufacturer o sa supermarket na lamang dahil
kailangan na. At dahil limitado ang budget, sino lang ba ang
makakatanggap ng relief goods at magkano ba ang halagang
matatanggap. (Para kanino at gaano karami?)

RO_AP_Grade9_Q1_LP1
5
RUBRIK SA PAGMAMARKA NG IYONG OUTPUT:
Batayan ng pagmamarka 5 4 3 2 1
Ang sagot o mga planong inilahad ay naaayon sa
hinihingi ng 4 na pang-ekonomikong katanungan
Matalino at makatotohanan ang planong inilahad sa
paggamit ng P5 milyong natitirang pondo
Ang output ay nagpapahiwatig ng malalim na
pagkaunawa hinggil sa paksang tinalakay
Ang sagot ay nagpapahiwatig ng pagiging mulat sa
kasalukuyang dinaranas ng bansa kaugnay ng
pandemya
Gumamit ng mga halimbawa upang maayos at
kongkretong maipaliwanag ang sagot o plano
Kabuuang puntos

Samakatwid, ano ang kahulugan ng Ekonomiks at bakit ito mahalaga?

Punan ang dialogue box sa ibaba ng sariling pagkakaunawa tungkol sa paksang


tinalakay.

Ang ekonomiks ay ______________________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

Mahalaga ang asignaturang ito dahil ________________________________

_____________________________________________________________

_____________________________________________________________

Rubrik sa
Pagpupuntos
Ito ay para sa lahat ng gawain maliban sa gawaing pagganap o performance task. Maaaring
makakuha ng 5 puntos sa bawat aytem bilang pinakamataas, ayon sa hinihingi ng rubrik sa
ibaba.
1 2 3 4 5
Blangko o walang Ang ibinigay na Hindi tumpak ang Tumpak ang Tumpak at
ibinigay na sagot sagot ay walang sagot subali’t sagot bagama’t maayos ang
kaugnayan sa maayos na hindi maayos ang pagkakalahad ng
hinihingi ng naipaliwanag ang pagkakalahad at sagot at
aytem o tanong sinasaloob ukol pagpapaliwanag nagpapahiwatig
sa paksa ukol dito ng malalim na
pagkaunawa sa
paksa
RO_AP_Grade9_Q1_LP1
6
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1. Experience is the best teacher


1. Hindi kailangan maidetalye ang pinagkagastusan ni Mang Dionie sapat na ang mga sagot na:
Hindi pinag-isipan kung paano ito gagamitin, hindi naging matalino sa paggastos, hindi
isinaalang-alang ang kinabukasan, pagkakaroon ng bisyo atbp. Bigyang pagkilala ang sagot
na: “gaano man kalaki ang pera madali itong mauubos dahil walang katapusan ang ating
pangangailangan at kagustuhan.
2. Tumpak ang sagot basta’t may kaugnayan ito sa wastong paggamit ng pera (pagtitipid, pag-
iimpok, puhunan, negosyo) at matalinong pag-iwas sa luho at mga kagustuhan (matalino,
disiplina, simple atbp)

Gawain 2. Bakit laging kulang?


1. Tumataas din ang gastusin. May kakayahan na akong bilhin yung mga bagay na gusto ko.
2. Sa pagtaas ng baon, tumataas din ang lebel ng kagustuhan na gustong mapunan lalo pa’t
nagkakaroon tayo ng kakayahang bilhin ito.
3. Hindi pa rin kuntento dahil kulang na kulang pa rin ito kung ikukumpara sa dami ng gusto kong
bilhin
4. Palaging kulang ang pera dahil sa bawat pagtaas o paglaki nito, sumasabay ang ating mga
pangangailangan at kagustuhan
Note: Walang itinakdang sagot. Ang mga sagot sa itaas ay pawang assumptions o inaasahang
sagot. Maaaring taliwas rito ang sagot ng mag-aaral dahil hindi pa sila nalalagay sa totoong
sitwasyon. Kapag nangyari ito, gabayan sila patungo sa punong ideya ng pagsasanay:
palaging kulang ang kung ano mang pera meron tayo dahil walang katapusan ang ating
pangangailangan at kagustuhan.

Gawain 3. Matalinong pagtugon sa pandemya


1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang
kakapusan o ang tila walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang
limitadong pinagkukunang-yaman. Mahalaga ang asignaturang ekonomiks dahil ang mga
kaalamang matututunan dito ay mabisang sandata upang makaagapay sa mga suliraning hatid
ng kakapusan (Maaaring ang sagot ng mag-aaral ay ispesipiko tulad ng tuturuan sa wastong
paggamit ng pera, pagbubudget at iba pa, tumpak ang mga ito basta’t may kinalaman sa
matalinong paggamit ng yaman.

SANGGUNIAN:
Bernard R. Balitao, Martiniano D. Buising, Edward DJ. Garcia, Apollo D. De Guzman, Juanito L.
Lumibao Jr., Alex P. Mateo, Irene J. Mondejar. 2015. Ekonomiks Araling Panlipunan Modyul
para sa Mag-aaral. Pasig: Vibal Group Inc.

News, GMA. 2012. YouTube. March 15. Accessed August 2, 2021.


https://m.youtube.com/watch?v=Hib4MNAziQ&feature=youtu.be.

Webb, Pinky. 2012. ABS CBN NEWS. March 16. Accessed August 13, 2021. https://news.abs-
cbn.com/video/-depth/03/15/12how-p14m-lotto-winner-lost-it-all.

Inihanda ni:
JUNROY Z. VOLANTE
MT I, Camarines Sur National High School

Validator: JARME D. TAUMATORGO


Education Program Supervisor- SDO Naga City

RO_AP_Grade9_Q1_LP1
7
NOTE: ito lang ang ipapasa sa itinakdang araw ng pasahan)
ANSWER
SHEET ARALING PANLIPUNAN 9
Unang Markahan – Learner’s Packet 1
KAHULUGAN NG EKONOMIKS

Pangalan: _______________________________ Seksiyon____________


Iskor

GAWAIN 1. Experience is the best teacher


1. Saiyong palagay, bakit kaya madaling
naubos ang malaking perang
napanalunan ni Mang Dionie?
_____________________________
_____________________________ Aral sa
____________________________ kuwento
ni Mang
Dionie
2. Anong mga aral ang itinuro sa atin ng
naging karanasan ni mang Dionie?
Kumpletuhin ang mind map sa kanan.

GAWAIN 2. Bakit laging kulang?


1. Ano ang napansin mo saiyong gastusin habang tumataas ang halaga ng iyong
baon? Ipaliwanag __________________________________________________
________________________________________________________________
2. Saiyong palagay, bakit kasabay ng pagtaas ng halaga iyong baon ay ang
pagtaas rin ng iyong gastusin? __________________________________
________________________________________________________________
3. Sapat ba ang baong P300.00? Pangatwiranan.
_____________________________________
________________________________________________________________
4. Kung ganun, bakit laging kulang ang pera na meron tayo? ___________________
________________________________________________________________
_

RO_AP_Grade9_Q1_LP1
8
GAWAIN 3. Matalinong pagtugon sa pandemya
Ano ang gagawin? Paano gagawin?

Php 5 milyong pondo


Para kanino? Gaano karami?

Ang Ekonomiks ay_______________________________________________________


______________________________________________________________________
____________________. Mahalaga ito dahil__________________________________
______________________________________________________________________

RO_AP_Grade9_Q1_LP1
9

You might also like