You are on page 1of 2

Bakit mahalaga maging wais sa paghawak, paggasta at pagtipid?

Dahil ito ay isa


sa mahalagang asset natin ngayon dahil nagtataas na mga bilihin kaya maging
wais sa paggastos ng pera at kailangan nating tipirin ang pera dahil ang pera ay
hindi napupulot kung saan-saan at ito’y pinaghihirapan natin bago natin makuha,
Ilagay mo ito sa alkansiya o sa bangko upang ma-protektahan, Huwag mo gastusin
ang iyong pera kapag hindi mo naman kailangan ang bagay na iyon at kailangan
din natin magtipid. Ang kahalagan ng pagtitid ay lubos dahil dito ay hindi ka
naguubos ng pera sa mga hindi mahahalagang bagay at dahil rin sa pagtitipid mo
kapag may darating na biglaang sakuna ay may magagastos ka dahil may ipon ka.
Sa pagtitipid mababawasan ang iyong bayarin sa bahay at may mabibili ka pa ng
sobra dahil mura at wais ka sa pagbili. Kung ikaw ay wais sa paghawak ng pera at
hindi mo ito ginagamit sa mga bagay na hindi mo naman kailangan at sanay ka
mag budget ng iyong pera mas mapapadali sayo ang paggamit ng pera dahil ito ay
naka budget na. Sa panahon natin kailangan natin maging wais sa paggamit ng
pera bagkus Sa panahon ngayon na kung saan patuloy na tumataas ang presyo ng
mga pangunahin natin pangangailangan mula sa mga produktong pagkain ihahain
sa hapag kainan, damit, tubig, kuryente, renta ng bahay,gas atbp. Halos lahat sila
nagsisipag taasan ang mga presyo. Walang katiyakan kung kailan baba o patuloy
lang tataas ang presyo nito sa mga susunod pang araw. Mahirap isipin sa
nangyayaring ito eh wala tayo magagawa kundi tangapin na yan ang katotohanan.
Kailangan magtipid, mag impok at iwasan gumastos ng sobra-sobra para
makaipon ng pera. Pero ang tanong nagagawa ba natin ito? Lalo na bilang isang
mag-aaral. May oras na nakakalimutan at hindi na natutupad ito. Kapag
nagkayayaan ang barkada na kumain sa labas o kaya naman ay may biglaang
bayarin sa paarala. bilhin. Sabi nga ng matatanda “Ubos-ubos biyaya, Bukas
nakatunganga“. Naisasantabi na ang mas prayoridad na mga bagay-bagay.

Ngunit kung may gusto kang bilin kailangan mo mag impok ng pera dahil may
gustong bilhin halimbawa ay mga sapatos gaya ng Jordan, Nike, at Adidas pero
pagkatapos mabili ang gusto nakakalimutan ng ituloy ang nasimulang pag iimpok.
Bakit nga ba mahalaga ang pag iimpok? Mahalaga ito sa kadahilanang ito ang
magdadala sayo ng magandang buhay sa hinaharap o sa pagtanda mo. Kung nais
natin umasenso at kalayaan sa pananalapi, mahalagang alamin din natin at pag
aralan ang tamang paraan sa paghawak ng pera. Sa pag iimpok nagsisimula ang
lahat patungo sa direksyon ng kasaganaan. Pero paano? yan ang madalas na
tanong sa mga nagnanais makaipon. Kung tutuusin madaling sabihin,ngunit
mahirap gawin. Sa kadahilanang di natin nakasanayan simula pa nun pagkabata.
Alam naman natin na tumataas talaga ang bilihin dahil sa inflation kaya bilang
isang estudante ay mahalaga na dapat matuto tayo kung paano ang tamang
paghawak ng pera. Makakatulong ito ng malaki sa atin sa ating buhay ngayon at
sa hinaharap. Maraming paraan kung paano tayo hahawak ng pera at hindi ito
basta basta magastos sa mga walang kabuluhang mga bagay. Isipin kung ano ang
mga kailangan sa pang-araw-araw ng buhay. Ilista ang mga ito kung maaari upang
walang makalimutan at hindi magsama ng mga bagay na hindi naman talaga
kailangan. Maglaan ng sapat na pera at huwag ipasosobra upang hindi magastos.
Kung may sobrang ipon na pera, mas maganda kung ilalagay ito sa bangko. Hindi
lang sa mas advisable ng gawin ito, mas sigurado pa tayo na ligtas ang ating pera.
Pairalin natin ang ating pagiging matipid. Makakatulong ng malaki sa atin ang mga
naiipon nating pera dahil kung dadating man ang araw na mangangailangn tayo
ng pera, ay hindi na tayo dapat pang mang-utang sa iba. Huwag ding uunahin ang
ating mga luho at huwag na itong bilhin kung hindi naman talaga ito
makakatulong sa ating buhay. Dahil ako ay estudante pa lamang ang aking pang-
isang linggong baon ay aking binabudget para yung sosobra sa aking baon ay
aking itatabi para kung may kailangan akong bayaran sa paaralan hindi na ako
hihingi sa aking mga magulang.

You might also like