You are on page 1of 1

MAG IMPOK PARA SA ARAW NG BUKAS

Sa panahon natin ngayon, pamahal na ng pamahal ang mga bilihin. Patuloy ang pagtaas ng
presyo lalo na ang mga pangunahin nating pangangailangan katulad ng bigas, karne, gulay at
iba pang pagkain na ating pinagsasalu-saluhan sa hapag kainan. Pati ang kuryente at tubig na isa
din sa ating pangangailangan ay tumataas na. Kaya naman, kailangan natin mag ipon o mag
impok upang magpatuloy ang ating pamumuhay dahil sa ayaw man natin o sa gusto, hindi natin
kayang pigilan ang pagtaas ng mga presyo ng ating pamumuhay. Kailangan natin maging
matalino pagdating sa mga gastusin at sa kung ano lamang ang dapat pagkagastusan.
Sa kasalukuyan nating nararanasan na pandemya, mas kailangan natin mag impok dahil hindi
natin alam at walang nakakaalam kung hanggang kailan magtatagal ang pandemya na ito.
Kailangang laging nasa isip natin ang salitang pag iimpok dahil kung hindi natin mapipigilan ang
sarili natin na gumastos sa mga bagay na hindi naman pangunahin ay walang patutunguhan ang
ating buhay. Kailangan natin mag impok lalo na at maraming nawawalan ng trabaho dahil sa
pandemya kaya naman dapat lamang tayong mag impok dahil walang kasiguraduhan ang mga
bagay ngayon.
Mahalaga na magkaroon tayo ng mga prayoridad pagdating sa pag gastos. May kasabihan nga
ang matatanda na “Ubos-ubos biyaya, bukas nakatunganga” huwag tayong maging ganito
bagkus tayo ay mag impok dahil ito ang magdadala sayo ng magandang buhay sa hinaharap o sa
pagtanda mo. Kung nais natin umasenso at kalayaan sa pananalapi, mahalagang alamin din
natin at pag aralan ang tamang paraan sa paghawak ng pera. Sa pag iimpok nagsisimula ang
lahat patungo sa direksyon ng kasaganaan.

You might also like