You are on page 1of 1

EMNAS, IVAN JORGE T.

Tukuyin ang angkop na klasipikasyon ng pananaliksik na angkop gamitin sa


sumusunod na sitwasyon. Bigyan ito ng karampatang pamagat pagkatapos.

1. Nagpasya kang makisalamuha sa mga kababayan natin na Aetas sa Pampanga upang


maranasan ang uri ng pamumuhay na kanilang kina-kaharap. Nais mo rin sanang
malaman kung anong sistema ng pamamahala ang mayroon sa kanilang komunidad.
Kasama sa iyong pakikisalamuha sa kanila sa loob ng isang Linggo ang pagtuklas sa
antas ng kanilang kaligayahan sa mga biyayang tinatamasa buhat sa Lokal na
Pamahalaan.

 Para sa akin ang angkop na klasipikasyon na angkop sa sitwasyon na ito ay


ACTION RESEARCH sa kadahilanan na nakisalamuha ang mananaliksik sa
isang komunidad upang magsawa ng pananaliksik.
 Sa tingin ko ang pamagat na angkop dito ay “Tugon ng mga Aetas sa mga
biyayang hatid ng Lokal na Pamahalaan ng Pampanga”

2. Naging sentro ng atensyon ng dalubguro ang kakaibang asal ni Miko sa loob ng


kanyang mga pagkaklase. Lahat ng estratehiya sa pagtuturo na kanyang natutunan
bago maging lisensyadong guro ay kanyang ginamit upang mabigyan niya si Miko ng
motibasyon na mag-aral at magpakita ng kooperasyon sa lahat ng mga gawain
pagkatuto. Naisipan ng dalubguro na gumawa ng isang pag-aaral o pananaliksik na si
Miko ang sentro.

 Para sa akin ang angkop na klasipikasyon na angkop sa sitwasyon na ito ay


APPLIED RESEARCH sa kadahilanan na ang uri ng pananaliksik na ito ay
naglalayon na solusyunan ang suliranin ng isang tao.
 Sa tingin ko ang pamagat na angkop dito ay “Mga kaparaanang makakatulong
sa isang mag-aaral upang magkaroon ng interes sa pag-aaral.”

INIHANDA NI:
Bb. MARIA DETH A. ENRIQUEZ
GEN.ED DEPARTMENT

You might also like