You are on page 1of 2

Pangalan: Kurso at Taon:

CN: Oras ng Klase:

Filipino sa Iba’t Ibang Disiplina (FIL2)


Ikalawang Takdang Aralin sa Prelim

Panuto: Tukuyin ang angkop klasipikasyon ng pananaliksik na angkop gamitin sa


sumusunod na sitwasyon. Bigyan ito ng karampatang pamagat pagkatapos. Sundin ang
format sa ibaba sa pagsagot. I-print sa long bond paper. (Format: Font Style – Arial,
Font Size – 12, Margin – 1”)

1. Nagpasya kang makisalamuha sa mga kababayan natin na Aetas sa Pampanga


upang maranasan ang uri ng pamumuhay na kanilang kinakaharap. Nais mo rin
sanang malaman kung anong Sistema ng pamamahala ang mayroon sa kanilang
komunidad. Kasama sa iyong pakikisalamuha sa kanila sa loob ng isang Linggo
ang pagtuklas sa antas ng kanilang kaligayahan sa mga biyayang tinatamasa
buhat sa Lokal na Pamahalaan.

Klasipikasyon ng Pananaliksik:

Pamagat:

2. Naging sentro ng atensyon ng dalubguro ang kakaibang asal ni Miko sa loob ng


kanyang mga pagkaklase. Lahat ng estratehiya sa pagtuturo na kanyang
natutunan bago maging lisensyadong guro ay kanyang ginamit upang mabigyan
niya si Miko ng motibasyon na mag-aral at magpakita ng kooperasyon sa lahat
ng mga gawaing pagkatuto. Naisipan ng dalubguro na gumawa ng isang pag-
aaral o pananaliksik na si Miko ang sentro.

Klasipikasyon ng Pananaliksik:

Pamagat:

3. Nais ni Anna na magsagawa ng pag-aaral patungkol sa relasyon ng sosyo-


ekonomikong kalagayan ng mga mag-aaral sa kanilang pag-uugali sa pag-aaral.
Nais din niyang malaman kung ang dalas ng paggamit ng gadgets ay
nakaaapekto rin sa kanilang pag-uugali sa pag-aaral.

Klasipikasyon ng Pananaliksik:

Pamagat:
Pangalan: Mark Louie Ladac Kurso at Taon: BSCR - 2
CN: 3131 Oras ng Klase: 9am-10am

Unang Takdang Aralin sa Prelim

1. Ang uri ng klasipikasyon ng pag-aaral na ito ay Etnograpiyang Pag-aaral dahil ito ay


isang uri ng pananaliksik na nag-iimbestiga sa mga kaugalian at paraan ng pamumuhay
ng isang komunidad. Ang pinag-aaralan dito ay ang komunidad ng mga Aetas sa
Pampanga.

Ang Antas ng Kaligayahan sa mga Biyaya na Tinatamasa Buhat sa Lokal na


Pamahalaan ng mga Aetas sa Pampanga ay maaaring ang pamagat ng pag-aaral na
ito.

2. Ang pag-aaral na ito ay itinuturing na Action Research dahil ito ay isang uri ng
pananaliksik na nangangailangan ng mabilis na paglutas ng mga isyu. Ang aksyong
pananaliksik ay karaniwang ginagamit sa edukasyon upang malutas ang mga isyu sa
pagtuturo-pagkatuto. Ang pananaliksik na ito ay ginagamit upang matugunan ang mga
isyu sa silid-aralan.

Ang pamagat ng pananaliksik na ito ay maaaring Pagpapaunlad ng Mga Estratehiya


sa Pagtuturo ng mga Dalubguro para sa Pagkatuto ng mga Mag-aaral.

3. Inilalarawan nito kung ano talaga ang mga inaasahan at katayuan ng agham. Ang
pagsusuri ni Ana sa ugnayan ng mag-aaral sa kanilang mga aksyon ay ang naaangkop
na heading para sa pananaliksik na ito.

Ang pamagat ng pananaliksik na ito ay maaaring Epekto ng teknolohiya sa pag-


uugali ng mga mag-aaral.

You might also like