You are on page 1of 1

EMNAS, IVAN JORGE T.

COE 201

GAWAIN 1.2: MAIKLING SANAYSAY ABRIL 8, 2021

Wikang Filipino Bilang Wikang Pambansa, Wika ng Bayan, at Wika ng Pananaliksik na


Nakaugat sa Pangangailangan ng Sambayanan

Ang wika ay buhay ng tao. Ito ang pangunahin mong kasangkapan upang maipahayag ang iyong
kaisipan atsaloobin. Kung may impormasyon ka mang nais sabihin sa iba, o may anumang
pagtutol o reklamong naisipahayag, o may damdaming nais ipagtapat, o may pasalita o pasulat
na pahayag na nais suriin, wika angmagsisilbi mong instrumento. Pangunahing pangangailangan
ng tao ang magsagawa ng maayos na sistema ng komunikasyon upang mapanatili ang maayos
na pakikipamuhay sa kanyang kapaligiran. Ang wika ay isang mahalagang kasangkapan sa buhay
ito’y ginagamit natin upang ihayag ang saloobin, damdamin at kaisipan. Ito’y gamit din natin sa
pakikipagkomunikasyon sa kapwa tao at dahil sa wika, nasasabi natin an gating
pangangailangan; nakagagawa tayo ng mga batas/panuntunan nanailalatag natin upang
magkaroon ng kaayusan ang bayan; namimintina/napepreserba natin ang kultura
sapamamagitan ng paglalagak sa ating utak ng kaisipang makabansa na naisinsay ng mga piling
salita na umuugitng kamalayang maka-Pilipino.

Wika ang ginamit ng mga naunang henerasyo sa kodipikasyon ng mga kaalamang natuklasan
nila at sapagsasalin ng mga ito sa kasunod na salinlahi. Wika ang gamit ng tao sa pagbuo ng mga
batas na kokontrol sakilos at titiyak ng kaayusan. Wika ang gamit sa pakikipagkalakalan upang
maisara ang mga transaksyon; samedisina, upang matukoy ng manggagamot ang sakit ng
pasyente at maipaliwanag dito ang lunas; sa relihiyon,upang maipahayag ng mga sumasamba
ang kanilang pananampalataya; at sa edukasyon, upang mabisangmakapagtalastasan ang guro
at estudyante. Wika ang nagtititik ng panitikan, kasaysayan, sining, at mga agham.Kung wala
ang wika, masasabing marahil ay patay na rin ang daigdig dahil magsasarili lamang ang mga tao
at mawawalan ng paraan upang makipagkomunikasyon sa kaniyang kapwa. Kaya naman
sadyang napakahalaga ng wikang Filipino sa ating mga buhay, ang Wika ay magagamit natin sa
kahit anong yugto or parte ng ating buhay.

You might also like