You are on page 1of 2

GAMIT NG WIKA:

Uri

Ang wikang pambansa ng mundo ay nahahati sa tatlong uri:

 Intellectualized Languages Of Wider Communication(ILWC)


Ito ay ginagamit sa larangan ng eduaksyon, syensya at teknolohiya, kalakakalan, at komersyo,
industriya, mass media mga literature at pandaigdigang pakikipag-ugnayan, na kung saan ito ang
nagsisilbing lenggwahe ng propesyon. Sa pamamagitan nito, ang mga tao ay nagkakaroon ng
ganap na edukasyon.
 Confined, Independent and Intellectualized National Language(CINL)
Ito ang mga ganap na intelektwalisadong wika na hindi lumalagpas sa hangganan ng isang bansa
o national boarders.
 Developing National Languages(DNL)
Ito ang kasalaukuyang estado ng wikang Filipino na kung saan ang wikang pambansa ay patungo
sa intelektwalisasyon. Kadalasan ang wika ang sumasakop sa isang nasyon na gumagamit bilang
pantulong o di kaya ay pangunahing wika.

Kasarian

Ayon sa isinagawang pag-aaral ni Deborah Tannen, isang propesora ng linggwistika sa Georgetown


University. Ang mga babae at lalake ay pinapalaki sa magkaibang kultura, ito ang nagiging dahilan upang
nagiging cross-cultural ang komunikasyon sa pagitan nila.

Pinaniniwalaan ni Tannnen na ang mga babae at lalaki ay mayroong magkaibang estilo ng


komunikasyon. Ito ay ang ‘rapport-talk” sa babae at “report talk” naman sa mga lalaki.

Sa kanyang libro na “You Just don’t Understand” inilahad ni Tannen ang pagkakaiba ng mga lalaki at
babae sa larangan ng paggamit ng wika, sa pamamagitan ng lima na kaibahan:

1. Status vs Support
Sinusubukan ng mga lalaki na makuha ang upper hand upang mapigilan ang iba na dominahin
sila. Samantala, para sa mga babae, ginagamit nila ang pakikipag-usap upang makakuha ng
apirmasyon at suporta.
2. Independence vs Intimacy
Binibigyang halaga ng mga babae ang kalapitan at suporta upang mapanatili ang intimacy. Mas
binibigayang importansya ng mga lalaki ang pagpapahalaga sa katayuan sa buhay, para hindi
umasa sa iba.
3. Advice vs Understanding
Para sa mga lalaki, ang pagbibigay reklamo o hinaing ay hamon upang makahanap ng solusyon.
4. Information vs. Feelings
Ayon sa dating pag-aaral, mas mahalaga ang alalahanin ng mga lalaki kumpara sa mga babae.
5. Orders vs. Proposals
Ang mga lalaki ay gumagamit ng direktong pahiwatif o mg autos habang ang mga babae naman
ay kadalasan nagpapahiwatig ng payo sa hindi direktong paraan.
Etnisidad

Sinasabing maaring na kasapi ng isang partikular na grupong etnologwistiko ang mga tao kung sila ay
kabilang sa isang kabuuan.

Mga batayan sa paghahati ng pangkat:

 Wika
Mahalaga ang ginagampan ng wika sa buhay nating lahat. Lahat ng uri o antas ng tao sa
mundong ibabaw ay ginagamit itong kasangkapan sa iba’t ibang larangan, nangunguna na rito
ang pang-eudusyon, pang-ekonomiya, panrelihiyon, at maging panlipunan.
 Ang wika ay kaakibat sa kultura.
Dahil hindi maaaring paghiwalayin ang wika at kultura sapagkat sa pamamagitan ng wika,
nasasalamin ang kulturang kinabibilangan ng isang tao o isang bansa.
 Ang wika ay susi sa pagkakaisa.
Dahil may iisang wika na ginagamit ang bawat grupo ng tao sa daigdig, nagiging madali na
lang ang daluyan ng komunikasyon na kung saan ito ang nagsisilbing daan patungo sa
pagkakaunawaan at pagbabayanihan.

Lahi

 Ang wika ang pagkakakilanlan ng ating lahi. Wika rin ang nagbubuklod sa mga taong
bumubuo ng lipunan. Tunay na ang wika ang siyang sumasalamin sa ating pagkatao, bahagi
na ito ng ating pamumuhay na kung saan ito ang nagiging tulay upang magkaraoon ng
pagkakaunawaan sa pagitan ng sangkatauhan na nabubuhay sa mundong ating
ginagalawan.Sa kasalukuyan kahit noon pa man, ang wika ay isang napakahalagang
kasangkapan na ginagamit upang maipahayag ng tao ang sarili sa kanyang kapwa at upang
matugunan ang pagkataong dumadaloy sa ating katawan.

Henerasyon

WIKANG FILIPINO SA MAKABAGONG PANAHON

Kasabay ng paglipas ng panahon, ang wika ay sumasabay din sa modernong pagbabago. Sa kasalukuyan
kahit noon pa man, ang wika ay isang mabisang kasangakapan ng tao sa pagpapahayag ng pananaw,
kaisipan, personal na damdamin, saloobin o opinyon.

Wika rin ang nagsisilbing tulay sa pag-abot ng epektobing komunikasyon, at isa sa nagpagpaatibay ng
relasyong sosyal sa pagitan ng bawat indibidwal. Pagdating naman sa larangan ng edukasyon, hindi rin
nagpapahuli ang wika, ito ang nagiging instrumento at sandigan ng literasiya na nakatutulong sa mga
mag-aaral sa pag-abot ng kaalaman.
Naipadarama rin ng wika ang sidhi ng ating mga damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak,
ang kaibuturan ng pasasalamat at iba pang nais na iparating ng sinuman. Kahit sa anumang anyo,
pasulat o pasalita man, hiram o orihinal, banyaga o katutubo, wika ang pinakamabisang paraan sa
paghahatid ng diwa at kaisipan. Samakatuwid, “Ang wika ay isang kumbensiyong panlipunan na
nagbubuklod at nagpapakilos sa ating lahat”.

You might also like