You are on page 1of 1

Ang Ekonomiks sa Pang-araw-araw na Buhay

Ang ekonomiks ay pag aaral ng mga paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao. Sa araw
araw nating pamumuhay, tayo ay laging nakararanas ng samu’t saring problema o sitwasyon na
kailangan nating mamili at kailangan ng magandang desisyon para walang pagsisihan sa huli. Malaki ang
tulong ng ekonomiks sa ating buhay dahil may matututunan tayo dito. Matututo tayong magbalanse ng
mga gastusin at pangangailangan natin. Malalaman din natin ang limitasyon ng bawat isa. Bilang isang
mag aaral at kasapi ng pamilya,masasabi ko na malaki talaga ang naitutulong ng ekonomiks. Una ay
bilang isang mag-aaral, malaki ang maitutulong nito saakin lalo na sa pag-bubudyet ko ng aking pera o
allowance. Ang mga binibili ko lang ay yung mga kailangan ko at magagamit ko. Sa isang linggo, ako ay
binigyan ng aking mga magulang ng pera, pinagkakasya ko iyon at nakakapag ipon din ako. May mga
pagkakataon din na nagtataas ang presyo ng bilihin ngunit hindi iyon hadlang para saakin, nakakatulong
pa iyon dahil natututo akong maging wais sa pagbili at paggastos. Nahuhubog din ang akin ugali,talino at
pag unawa sa kapwa. Nagiging mapanuri at nagkakaroon din ako ng pakielam sa mga nangyayari sa
paligid. Nag susumikap din akong mag aral para makapagtapos at makatulong sa pamilya pati na rin sa
lipunan. Pangalwa ay bilang isang kasapi ng pamilya, sa aming tahanan ay nag bubudyet din kami ng
pera para sa aming pang araw-araw na gastusin. Ang kaalaman sa ekonomiks ay malaking tulong samin
lalo na sa mga mahahalagang bagay na kailangang pagdesisyunan. Kung dati, nabibili naming ang mga
gusto at kailangan namin, ngayong new normal ang mga binibili nalang naming ay yung mga
mahahalagang bagay at talagang magagamit namin. Mahalaga talaga na malaman at mapag aralan natin
ang ekonomiks dahil malaki ang maitutulong nito sa pag unlad ng ating bansa.

You might also like