You are on page 1of 1

SANAYSAY PATUNGKOL SA INFLATION

Ang inflation ay kung saan ang presyo ng mga bilihin particular na sa mga pangunahing pangangailangan
at kagustuhan bilang isang mamimili o consumer o mga bagay na ating kaylangan sa pang araw-araw
upang mabuhay ay tumataas at nagiging mahirap kontrolin mapimilihan ay tuluyang tumataas dulot ng
ibat ibang dahilan na posibleng kontrolado o natural na penomena na hindi na kokontrol ng mga tao.
Napakahalaga talaga bilang mamimili at bilang isang tao na alamin isa-isa ang depinisyon nito upang mas
maging alerto tayo sa ating mga desisyong panlipunan na maaaring makapaapekto sa ating pang araw-
araw na mapupuhay bilang isang tao nakatatak din sa inflation kung ano ang iyong kilos at asal bilang
isang mamamayan at isang tao na namumuhay sa mundong ito. Hindi lang ikaw kundi marami ang
nakakaranas ng inflation lalo na sa panahon na ito na maraming mga kalungkot-lunglot at krisis na
nangyayari sa mundo na tumatalakay rin sa pagtaas ng presyo suplay at iba pa ditto rin nakatuon kung
ikaw ba ay masusi at matalinong mamimili na kung saan maaari mong malaman kung ikaw ba ay
praktikal pag dati sa mga ganitong paksa. Ngayon bilang isa mamamayan at residente ng Pilipinas ating
talakayin at himay-himayin ang mga nakatuong paksa sa inflation at kung paano ito kahaharapan lalot
lalo na sa kapanahunan na tunay na nakakaranas nito sa maraming dahilan. Hindi lang tayo ang
makakaramdam ng inflation kundi na rin sa ibat ibang bahagi ng bansa mapa Europa man yan o Asya
magpikit pikitan ka man o hindi ay tiyak na bilang isang tao na kumukunsumo ng mga produkto ay
makakaramdam nito. Bilang isang ordinaryong mamamayan matindi ang ating nararansan pag inflation
ang usapan maraming tao ang tila bay nakakahawak na sa patalim matugunan lang ang kanikanilang mga
pangangailangan sa buhay na may ginahawa.

Bilang isang estudyante at bilang isang mamamayan ng bansang ito nais ko na patuloy na lumawak ang
aking pang unawa sa mga paksang panlipunan lalot lalo na na ito ay kontrobersyal na isyu at usapan sa
kasalukuyang panahon ditto masusubok ang intres mo kung binibigyan pansin mo ba ang mga paksain na
ito na naiiaaplay sa pang araw-araw na pamumuhay. Isa lamang akong simple at normal na mamamayan
kung kayat wala akong kapangyarihan na kontrolin ang inflation na nangyayari ngunit may mga
kadahilanan at paraan naman ako upang makaiwas at makatipid sa mga bagay na hindi naman
kinakailangan ang epekto rin nito ay nakapag resulta ng pag tigil ng pagiging maluho ng aking pamilya at
mas nagiging masusi na sa pakokonsumo ng mga bagay-bagay sa pamilihan. Sa hirap ng buhay ngayon ay
dapat na tayo ay maging matipid sapagkat hindi makontrol ang pag taas ng mga bilihin sa pamilihan bata
matanda o kahit sino ka man tungkulin mo na palawakin ang idea mo tungkol dito. Sa patuloy na pagtaas
ng presyo tila bay nakakalungkot isipin ang mga taong walang kakayahan na bumili ng mga
pangangangailangan nila sa pamumuhay ng walang pag aalangan at walang kalayaan na bilhin ang mga
bagay na kanilang inaasam asam. Tandaan ordinary ka man ay mayayaring ikaw ay maging susi tungo sa
kaunlaran. Ang aking tungkulin bilang estudyante at anak ay mag tipid at maging matalino sa pag bili ng
produkto at iwasan ang pagiging maluho kung para lamang ikay maging lantad. Bawat isa satin ay may
gampanin at tungkulin pag dating sa mga ganito kung kayat ikaw manaliksik kung paano makakatipid ilan
sa mga halimbawa ay may alternatibo, masusi, hindi basta-basta nag papaapekto sa mga pagaanunsiyo
at matalino ilan sa mga katangian ito ay maaring maiapply sa pamumuhay natin upang makaiwas sa
kapos nap era o badyet. Tayo din ay kumilos at maging bukas kung paano maihihinto ang mga hindi
natural na dahilan ng inflation kinakailangan na maging mulat tayo sa mundo at hindi lamang sa luho.

You might also like