You are on page 1of 3

Buod

Ang libro na may pamagat na “ Diary of a Pulubi” ni Chinkee Tan ay tungkol sa mga
paraan kung paano tayo makikipaglaban sa mundong ating ginagalawan, sa mga pagsubok at
mga pangyayari na maaaring maging sagabal sa ating buhay. Ang librong ito ay punong puno ng
mga aral na maaari nating gamitin sa pang araw-araw na ating pamumuhay, hindi man sa lahat
ay kaya natin itong gawin ngunit maari natin itong gamiting hakbang para sa pagresolba ng ating
mga problema sa araw-araw. Ang Librong itong ay naglalaman ng mga kasabihan, paniniwala at
mga aral sa ating buhay, ang lahat ng mga ito ay maaari nating gamitin sa ating mga problema
lalo’t hindi nauubusan ng problema ang tao. Kaya naman hinihikayat ko kayo na basahin ang
mga dalawampu’t dalawang mga aral na mababasa rito at sana maging magandang halimbawa
tayo sa ating mga kapwa.

Mga Natutunang Aral


Marami akong natutunan sa aking pagbasa ng librong ito at itoy tumatak sa aking isipan
at balang araw magagamit ko ito sa aking pang araw-araw na pamumuhay. Alam kong tayong
mga Pilipino ay mahilig bumili ng kung ano-ano na hindi naman importante o sa madaling salita
tayong mga Pilipino ay mahilig mag sunog ng pera, hindi naman masama ang bumili ng bumili
ngunit dapat alam natin kung ano lamang yung mga importante na dapat ating bilhin at dapat
alam din natin kung ano lang ang kaya ng budget natin. Isa rin sa natutunan ko ang pagiging
simple, hindi lahat tayo ay simple ayon nga sa libro “Extravagance is the measure of success in
life” ayon dito ang pagkakaroon ng higit pa sa sapat ay isang palatandaan an ikaw ay tagumpay,
ngunit masasabi ko rin na ang pagiging simple at may maluwag na puso ang siyang palatandaan
na ikaw ay nagtagumpay sa iyong buhay at hindi ang paghihigit sa iba.

Ang pagiging mayabang ay isa pa sa mga natutunan ko dahil ang pagiging mayabang
natin ay nagiging resulta ng hindi pag karoon ng kontento sa sarili kung kayat naghahangad tayo
ng sobra sobra na nagiging dahilan ng pagiging masama natin sa iba. Isa pa sa mga natutunan ko
ang pagpapakatotoo sa sarili, dahil kung tayo ay magpapakatotoo sa ating sarili Malaya tayong
gumalaw sa ating mga lugar, ngunit kung ikaw ay may tinatagong kasinungalingan maaring ito
pa ang magiging dahilan ng hindi mo pagkamit ng tagumpay sa iyong buhay. Pagkukunwari ito
ay isa sa mga katangian nating mga Pilipino, dahil pinipili natin na malagay tayo sa magandang
paraan ngunit labag sa kalooban alam na nating wala tayo pero pilit parin. Ang pagkukunwari ay
isa sa mga ugali na hindi dapat natin tinataglay dahil maari man na maitago natin sa kanila ang
totoo pero ang konsensya natin nananig sa ating puso at damdamin.
Pagiging magastos at magarbo isa rin yan sa mga katangian nating mga Pilipino hindi
tayo nakokontento sa mga bagay bagay kung kaya’t naghahangad tayo ng sobra at minsan
nagiging dahilan na ito ng pagkakroong ng kumpetensiya sa iba lalo na kung ayaw mong
nahihigitan. At ang masama pa nito ay nakakadamay ka ng ibang tao at ang masakit niyan wala
kang pambayad kaya utang nalang. Ang pagiging matulungin ay hindi masama basta alam mong
may natitira pa sa iyo. Isa sa mga ugali nating Pilipino ang matulunginkung kaya’t tumutulong
tayo kahit tayo ay walang-wala na at ang masakit pa nito tayo ang mas kawawa, hindi naman
masama ang pagiging matulungin basta ang alam mo ay di sila nang aabuso sa iyo dahil lahat ng
bagay may hangganan.

Ang pagkakaroon ng utang sa iba maaring utang na loob o utang na binabayaran, Minsan
madalas ito sa mga taong walang trabaho at mga tambay lang sa kanto, wala silang alam gawin
kundi mangutang ng mangutang kaya sa huli baon sa utang at walang pambayad kaya naman
nauuwi ito sa singilan kung saan mas may karapatan pang magalit ang nangungutang kesa sayo
na naniningil at sa huli ikaw pa ang mag “aadjust” para sa kanila. Ang Pagkakaroon ng utang ay
hindi masama basta alam mong kaya mo naman itong bayaran sa takdang panahon hindi yung
nangutang ka tas tatakbuhan mo lang. Para sa mga may “credit-card” hinay hinay lang po sa pag
swipe kase baka akala natin endless ang laman kaya pag nagpunta sa mall swipe lang ng swipe
sa huli bagsak sa utang ang swipe na yan at magiging problema pa ito sa buhay mo, kaya bago
mag swipe tiyakin muna kung kaya ba ang bagay na bilhin at tiyak kang pasok sa budget mo.

Ang pagiipon ay isa sa mga bagay na dapat nating ginagawang mga Pilipino dahil ang
bagay na ito ay maari nating gamitin para sa ating kinabukasan at kung ikaw ay mayaman hindi
ibig sabihin na hindi kana mag iipon dahil pag ikaw ay marunong magipon may alam mo na sa
iyong sarili na may disiplina ka na sa iyong sarili at alam mo na kung paano mag buget ng sarili
mong pera. Hindi naman kailangan marami ang iipunin mo kundi yung sa tingin mo lang na kaya
ng budget mo at sa tingin mo hindi ito magiging sagabal sa iba mo pang mga kakagastusan, dahil
pag ikaw ay may disiplina sa pag gastos tiyak may patutunguhan ka sa buhay pero kung ikaw ay
magastos, magiging pariwara at puro bahala na wala ang patutunguhan mo sa iyong buhay.

Ang lahat ng mga aral na ito ay patutungo sa pagkakaroon ng maraming utang dahil pag
ikaw ay walang disiplina sa pag gastos maghahangad ka ng sobra at mangungutang ka lalo na
kung wala kang pera makuha mo lang ang isang bagay na iyong gustong-gusto. Isang halimbawa
nito ay kapag gusto mo ng magarbong selebrasyon at kulang kasa “budget” wala kang ibang
“choice” kundi ang mangutang at ang malala pa nito di mo mababayaran. Kaya sa ating buhay
kailangan nating maging alerto sa lahat ng bagay dahil hindi natin alam kung kailan tayo
manghihingi ng tulong. Sana ang mga aral na ito ay maisabuhay ng bawat isa sa atin.
BOOK REVIEW

SA

DIARY OF A PULUBI
-Chinkee Tan-

GONZALES, Mark Daniel O.


9-DARWIN

You might also like