You are on page 1of 5

“KABATAAN; SA MAAGANG

PAGBUBUNTIS’’

KABANATA 1

KALIGIRANG PANGKASALUKUYAN:

Karamihan sa mga kabataan ngayon


ay nahahantong sa maagang pabubuntis.Sa
maagang edad ng kanilang pagdadalawang-tao,
alam na kaya nila ang responsibilidad na kaakibat
nito? Alam natin na ang pagpapamilya o
pagkakaroon ng anak ay hindi basta-basta lang ,
lalo na sa hindi tamang panahon. Ngunit sino-sino
nga ba ang may kasalanan sa mga kaganapang ito?

Bilang magulang , nasisiguro mo bang


nagagampanan mo ang iyong responsibilidad sa
mga anak mo? Hindi kaya dahil sa inyong
kapabayaan kaya malaya nilang nagagawa lahat ng
anumang nais nilang gawin. Bilang mga magulang
responsibilidad niyo na gabayan at payuhan ang
inyong mga anak sa bawat bagay na kanilang
gagawin. Mahalaga rin na kausapin sila tungkol sa
tamang panahon ng pagpapamilya. Higit rin na
makatutulong kung mismong ang ating mga
magulang ang siyang nagbibigay payo sa atin lalo
na sa mga usaping ganito. Mas lalo natin itong
maiitindihan sapagkat alam na natin na
napagdaanan na nila nito. Ngunit sa lahat ng ito,
pinakamahalaga pa rin na maipakita ng mga
magulang ang pagmamahal nila sa kanilang mga
anak. Maging bukas sa lahat ng bagay upang
maramdaman natin bilang mga anak na mawalan
man tayo ng kaibigan, may mga magulang tayong
maaasahan at matatakbuhan s kahit anu pa man.

Sa mga kaibigan, matuturing niyo


bang tunay kayong kaibigan? O di kaya’y kaibigan
na naghahatid lang sa kapahamakan ng isa. Alam
natin na lahat tayo bilang tao ay kailangan
kaibigan, pkaibigan na kasama natin sa bawat
kasiyahan at karamay sa panahon ng kalungkutan.
Ngunit sino nga ba ang tunay na kaibigan? Hindi
lahat ng tao ay mabuting kaibigan, my iba na
kaibigan kalang kapag meron siyang makukua
sayo. Meron din namang iba ang laging sinabi’y
“gawin mo kung ano ang makapagpapasaya sayo,
at kung anu ang nasa puso mo”, kahit alam naman
nilang mali ito. Oo tama nga naman, dapat tayong
maging masaya para sa mga kaibigan natin, ngunit
hindi sa lahat ng pagkakataon. Minsan kailangan
din silang pagsabihan, pagsabihan sila kung ano
ang tama. Bilang kaibigan responsibilidad natin na
isama sila sa tuwid na daan at hindi sangayun ang
kanilang baluktot na katuwiran. Lagi nating
tandaan, na ang mabuting kaibigan ay dapat laging
totoo sa kahit kanino man.

At bilang lalaki sa relasyong ito ikaw


dapat ang nakakaalam ng litimtasyon ninyo.
“RESPETO” yan ang dapat meron ka para sa
babaeng minamahal mo. Dahil kung nirerespeto
mo siya magagawa mong maghintay sa tamang
panahon hanggang sa maging mag-asawa na kayo.

Bilang babae naman sa relasyong ito,


ikaw ang dapat mas nakakaalam ng limitasyon
mo. Sa pag-uasd ng relasyon niyo dapat lagi mong
isaisip na pwedi mong ibigay ang lahat ngunit
huwag lang yang kapirasong nakatago sa katawan
mo. Sapagkat wala namang ibang ahihirapan kundi
ikaw din. Ikaw na nagdadala ng bata sa iyong
sinapupunan, ikaw ang mahihirapang mabuntis at
manganak, at ang mas mahirap ay kung wala kang
maipakain sa inyong mga anak dulot ng kahirapan,
hindi ba’t napakasaklap?

Bilang kabuuhan ng lahat ng ito, nais


naming malaman niyo na sa bawat kilos na ating
gagawin ay laing may kakabit ito na
responsibiidad. Responsibilidad na dapat alam
natin sa sarili natin. Sapagkat tayo rin at walang
ibang sinuman ang magsasakripisyo sa maling
desisyon na ating gagawin. Lagi sana nating
tandaan na ang lahat ng mga bagay ay mas
gaganda at sasaya kung ito ay naayon sa tamang
panahon at sa tamang pagkakataon.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN:

Ang pag-aaral na ito ay may layuning maimulat


ang lahat ng tao lalong-lalo na ang mga kasing edad
naming tungkol sa mga bagay-bagay na hindi
napapanahon sa mura naming edad, tulad na lamang ng
maagang pagbubuntis na magreresulta ng malaking
pagbabago sa aming mga buhay kung sakali mang kami
ay masangkot dito at tiyak hindi naming kayang
gampanan ang aming responsibilidad ng maayos. At ang
mga sumusunod ay ilan lamang sa mga kaanungang
aming ihahanda para sa mga kabatang nasasangkot
ditto.

 Sa anung edad ka nagging aktibo sa seks?


 Naisipan mo bang ipalaglag ang bata sa loob ng
iyong sinapupun?
 Sa pagiging isang batang ina o ama, paano mo
pinaplanong suportahan ang pinansyal na
pangangailangan ng iyong anak?
 Sa iyong palagay, nirerespeto ba ng mga taong
nakapaligid sayo ang iyong sitwasyon sa ngayon, na
sa murang edad mo ay nasangkot ka ditto?

PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA TERMINONG GINAMIT:

You might also like