You are on page 1of 3

Paano mo maipapakita ang pag

papahalaga sa kalikasan?
Madali lang ipakita ang pag papahalaga sa kalikasan una lang nating gawin ay ang pahihiwalay ng
nabubulok at di nabubulok ito ay isa sa magandang paraan na makatutulong sa paligid na mapanatili
ang kaayusan at kalinisan. May iba pa tayong paraan para makatulongisa na dito ay ang paglilinis ng
bakuran at kapaligiran ang madaling paraan ng paglilinis ay ang pag wawalis ang pangalawang
paraan ay ang pag tatanim ng mga halaman minsang pag tanim batin ay makikinabang tayo ng
Malaki.

Maipapakita ito sa maraming paraan pero may mga dapat unahin at taglayin ng isang tao.  Isa na
dito ang ang pagkakaroon ng sariling disiplina at edukasyon sa sarili, tipong naturuan sa tamang
pamamaraan upang alagaan ang kalikasan.  Ito ang higit na kailangan ng bawat tao sa lipunan.  Ang
simpleng pagbabasura sa tamang basurahan lang ay isa sa mga simpleng gawain pero kung hindi ito
naisasagawa sa tamang paraan, malala ang magiging resulta nito, tulad ng nararanasan ng Pilipinas
ngayon.

Isa pa ay ang pagiging responsableng mamamayan.  Kitang-kita ngayon ang resulta nito, halimbawa
dito lang sa Pilipinas.  Lumulubo ang populasyon, at iyan ang isa sa mga pangunahing dahilan ng
pagkasira ng kalikasan.  Maraming pamilya ang may maraming miyembro pero hindi naman sapat
ang kakayahan para buhayin ang mga anak, at idagdag pa rito ang idudulot nitong problema sa
gobyerno.  Kung ganito nang ganito ang buhay ng mga Pilipino, uulit-ulitin lang natin ang
kasaysayang naging bangungot sa ating buhay.

Ipapalaganap ko ang adbokasiya na nagpoprotekta sa Kalikasan at Maipapakita mo lamang ang


kahalagahan ng kalikasan kung hindi ka tatangkilik ng mga produktong nakakasira nito, gaya ng
aerosol o mga pabango at iba pang spray products, hindi paggamit ng insectised sa mga panananim
at ang mababang pagkonsumo ng mga chemical na ginagamit natin sa bahay, sa kusina at sa banyo.
Hindi paggamit ng Airconditioning units kundi ng Natural Ventilation. Paggamit ng eco-bags sa
pamilihan at paggamit ng alternatibong pagkukunana ng enerhiya o kuryente gamit ang Wind
Turbine o Solar Panel
Ang kahalagahan ng disiplina sa ating
buhay
maaaring paluin ng magulang ang anak habang bata pa para pag nagkaisip na eh alam na niya ang
mabuti sa masama. pero matapos paluin ang bata ay ipaliwanag sa kanya ng maayos kung bakit siya
pinalo at ipadama sa bata na mahal niyo siya at ginawa niyo lamang siyang paluin para maituwid
yung mali niyang ginawa. pero wag na wag sosobra sa pagpalo sa bata na aabot sa punto na
masusugatan o matratrauma na ito. maaari ding bigyan ang bata ng something kapag nakagawa siya
ng kabutihan o achivement. pag lumaki na ang bata wag na itong paluin. pagsabihan na lamang. una
sa lahat nakakahiya kung papaluin padin siya sa edad niya. pangalawa siguro naman ay hindi bobo
ang anak para basta basta nalang makalimutan ang tama sa mali. kung may iba siyang nakakaligtaan
ay pagsabihan at sermonan.

hayaan nadin siyang magkamali pero dapat alalayan padin dahil ayaw natin siyang magkaroon ng
pagkakamaling maaari niyang dalhin sa buong buhay niya. kung ang anak naman ay humantong na
sa puntong matigas na talaga ang buto at masasabi na nating isang ganap na dalagingging o binatilyo
at nagkakaroon na ng curiosity sa mga bagay bagay tulad ng bisyo, sex, atbp. mabuting sa atin na
niya unang malalaman kung ano ba ang mga bagay na ito. sa kaso ng sex. ipaliwanag sa bata kung
gaano kasagrado ang sex at kung gaano kahalaga ang virginity niya. ipaliwanag din ang mga
consequences tulad ng std at pms. I may sound conservative here pero wala naman sigurong
masama. sa tingin ko ayaw din naman natin yung idea na mapariwara ang anak natin at makipagtalik
kung kanikanino at baka magkaroon pa siya ng sakit. sa kaso naman ng mga bisyo para sa akin. . . .
kung alak iyan patitikimin ko ang anak ko.

kung yosi yan patitikimin ko yan ng isa. hindi para konsintihin kundi para lamang ipatikim sa kanya
yung curiosity ng isang beses at kasama ako dun sa experience niya. tama nga naman na mas
magandang subukan mo yung curiosity mo ng mas maaga kesa sa pag tumanda ka na. para habang
bata ka pa eh alam mo na yung limitasyon mo sa bisyo kesa sa pag matanda ka na eh baka hindi mo
na mapigilan at maadik ka na ng tuluyan. mahalaga din na kasama ako sa experience na yun ng bata.
may nakapagsabi sa akin na kaya madaming kabataan an nalululong sa bisyo eh dahil sa sila sila lang
din ang nakadiskubre o ang sumubok sa bisyong iyon. maaaring natuto sila sa barkada o sa ibang tao
maliban sa magulang. sabi ng kaibigan ko kung sa magulang unang natuto o magulang ang unang
nagpatikim sa bata ng bisyo mas epektibo mangaral yung mga magulang na iyon tungkol sa bisyo
kesa sa mga magulang na hindi.

nagkakaroon kasi ng psychological sa isip ng bata kapag sa magulang siya natuto. also mas effective
din kung bilang magulang eh ikaw yung magseset ng example sa kanila na hindi ka nagbibisyo. siguro
umiinom ka lang kapag may occasion at hindi nagdrudrugs o naninigarilyo. sa kaso naman ng droga
dun ko lang siya talaga pagbabawalan. para sa akin drug addiction is not merely addiction to drugs
but rather a slow process of suicide. mas magandang hindi niya masubukan. mahirap na. kung mahal
mo ang anak mo hindi mo iririsk yung buhay niya para lamang sa curiosity niya sa droga
Paano masasabeng responsible ang isang
tao?
Nagiging responsable ang tao, kung ang mga bagay ay nagagawa niya kahit Walang sinumang
naguutos sa kanya dahil alam niya na siya ay nakaatas upang gawin ang mga bagay na ito. Masasabi
mong responsable ang mga tao, dahil nakakaya nitong gawin ang mga bagay, at kailanman hindi
tumanggi sa anumang mga bagay na inuutos sa Kanya, at kailanman Hindi nagreklamo dito.

Malalaman natin kung responsable ang isang tao kung ginagampanan niya ang kaniyang obligasyon
sa bahay, paaralan at komunidad. Alam niya dapat na na may pananagutan siya sa kaniyang
ginagawa, Kaya kung magkamali man ay aaminin agad, hihingi ng tawad, at itutuwid ang
pagkakamali. Ang responsableng tao ay may-katalinuhang gumagamit ng kaniyang mga abilidad
kung kaya mas malamang na igalang siya, tratuhing parang adulto, at bigyan ng kalayaan at mga
karapatan.

You might also like