You are on page 1of 3

Cyla Nicaela M.

Garcia
Grade 11 – St. Thomas Aquinas

Bakit nagiging tamad ang mga estudyante?


Katamaran, noon hanggang ngayon
Ang sanaysay ni Jose Rizal na “Katamaran ng mga Pilipino” o mas kilala bilang La
Indolencia de los Filipinos ay tungkol sa pagiging tamad ng mga Pilipino. Ayon sa ating
Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal" ang paratang sa atin bilang tamad ay may katotohanan.
Isa sa mga rason kung bakit nagiging tamad ang mga Pilipino ay dahil sa mainit na klima sa
Pilipinas. Nahihirapan ang mga Pilipinong kumilos dahil sa matinding sikat ng araw na nakakasakit
sa balat ng mga Pilipino. Naging tamad din ang mga Pilipino dahil sa pagsakop ng mga Kastila.
Dati ay malayo tayong nakakapagsaka at ang ani na ating nakukuha ay buo nating nakukuha.
Subalit ng pagdating ng mga Kastila ay makakapagsaka lamang tayo kung may pahintulot tayo at
kung magtatanim naman ay maliit na halaga lang naman ang salaping kanilang nakukuha. Natuto
rin silang maging pabaya dahil sa sapilitang paggawa . Hindi na naging tiyak ang landas ng kanilang
buhay kaya’t hinahayaan na nila ang mga nangyayari sapagkat alam nilang wala naman silang
laban sa mga Kastila. Dahil din sa pagmamalabis ng mga gobernador at encomendero ay namatay
ang sigla ng mga Pilipino na kumilos at gumawang pagkakabubayan. Dati rin ay naniniwala ang
mga Pilipino sa mga Kura Paroko na nagsasabi na ang mga mayayaman ay hindi mapapapunta sa
langit kapag ito’y namatay. Natanim nito sa isipan ng mga Pilipino na hindi dapat sila gumawa ng
paraan para yumaman. Isa pa dito ay inaasa na lang ng mga Pilipino sa swerte ang kanilang buhay
sa pamamagaitan ng pagsusugal kaya’t lalo silang nababaon sa kahirapan. Ngunit ang isang
pinakarason ng pagiging tamad ng mga Pilipino ay ang pagkawala ng nasyonalismo dahil
madaming karapatan ang pinagkait sa kanila.Tinamad ang mga Pilipinong makipag-usap at
makipag-ugnayan sa mga ibang tao na naninirahan sa Pilipinas.
Ilang taon man ang nakalipas, ang sanaysay na ito ay masasabi pa rin nating totoo kahit
nasa bagong henerasyon na tayo. Una dito ay ang ebolusyon ng teknolohiya. Dahil sa magandang
teknolohiya na tinatamasa ng mga Pilipino ngayon maraming kabataan ngayon ang nagiging tamad
na sa pagpunta sa mga silid-aklatan at museo upang magsaliksik ng kanilang mga pag-aaral at
takdang aralin. Mas ninanais pa nilang magbukas ng kompyuter kaysa magbukas at magbasa ng
libro. Naging tamad rin ang mga Pilipino sa paggawa ng telegrama dahil sa panahon ngayon. Isang
text at e-mail lang ay maipapadala na nito ang iyong mensahe. Isa pa dito ang mga makabagong
makinarya. Maraming empleyadong nawawalan ng trabaho dahil kaya na ng mga makinarya ang
kayang gawin ng mga tao. Naging tamad na din ang mga mahihirap na Pilipino na ipaglaban ang
kanilang karapatan sapagkat namulat na sila sa mundo na mayayaman lamang ang kayang
makakamit ng hustisya. Ang mga kadahilanang ito ang nagsisilbing tanda ng pagiging tamad ng
mga Pilipino simula noon hanggang ngayon.
http://www.academia.edu/33205260/Ang_Katamaran_ng_Pilipino

Sanhi ng katamaran
Alamin muna natin ang pangunahing sanhi ng katamaran. Sa ating makabagong panahon
napakadami ang masasabi nating libangan. Hindi natin pansin na ginagawa lang pala tayong tamad
ng makabagong teknolohiya. Kung hindi natin susuriing mabuti ang kabutihan at kasamaang
naibibigay ng high tech na pamumuhay sa kasalukuyang panahon, tayo pa rin ang magdurusa lalo
na kung hindi natin gagamitin sa tama ang mga gamit na ito.
Pangkaraniwang Pinagmumulan ng Katamaran
1. Maraming distraction o mga bagay na umaagaw sa ating atensyon. Nangunguna sa listahan ang
pag usisa sa Facebook, pagtingin sa Twitter, pagkalibang sa mga usong games, at panonood ng
mga drama sa telebisyon.
Ayon sa pag aaral ang utak ay “single channel processor”. Paisa isa lamang ang kayang iproseso
na trabaho. Sa ganitong kalagayan, ititigil mo ang isa mong ginagawa para mabigyang daan ang
panibagong task. Babalikan mo na lang uli ang naunang napatigil na trabaho para matapos mo ito.
Kung mapapansin, nasaan ang katamaran dito gayong multi-tasking nga ang ginagawa. Sa
katotohanan, madalas kapag tinatamad na tayong tapusin ang isang bagay ibinabaling na natin ang
ating atensyon sa mas magaan na gawain. Yung hindi na kailangan na mag isip at mapagod ng
todo. Dito na pumapasok ang pagkatamad. Kapag ayaw na nating ipagpatuloy ang nasimulan o
kung minsan hindi pa nasisimulan ay talagang tinatamad na.
2. Mahilig magpaliban o yung tinatawag na procrastination. Ito ay tumutukoy sa katamaran na
nagmumula sa isip. Kaya hindi masimulan ang isang bagay ay maaaring dahil sa takot na hindi
maging maganda ang kalalabasan o kaya ay hindi alam kung paano mag uumpisa.
3. Nakagawiang maling lifestyle. Napakarami ang tao na tinatamad dahil ang pinag-uugatan ng
katamaran ay ang maling nutrisyon at iregular na ehersisyo. Ang kakulangan sa tamang bitamina
at mineral ng katawan sabayan ng kawalan ng execise ay magreresulta sa mababang enerhiya na
nakadadagdag sa pakiramdam ng kawalan ng gana sa pagkilos.
https://masiglangsijuan.wordpress.com/2015/07/01/bakit-minsan-tayo-ay-tinatamad/
Katamaran: Hindi mabuting kaugalian ng isang estudyante
Kadalasan sa mga estudyante ngayon mas inuuna pa nila ang mga hindi importanteng
bagay. Tulad ng paglalakwatsa, minsan mas pipiliin pa nilang maglakwatsa kaysa pumasok sa klase
dahil agad silang natutukso sa mga bagay bagay. Yung iba naman pumupunta sa computer shop
upang maglaro ng computer games kaysa pumasok sa klase. Inuuna pa nila yung mga ibang bagay
na hindi importante kase di pa sila ganun kaseryoso sakanilang pag-aaral.
Mas pinapairal pa nila ang kanilang katamaran kaysa sa pag-iisip kung ano ang mga
posibleng mangyare sakanila kung hahayaan nalang nila na maging tamad sila. Minsan nasa ugali
rin ng mga nakakasama nila, kung magpapadala sila sa negatibong kaugalian na ito. Isa pang hindi
magandang kaugalian ng mga estudyante ngayon ay ang mahilig nilang ipagpaliban ang mga bagay
na pwede naman nilang gawin ngayon na nagiging dahilan rin kung bakit sila nagiging tamad.
Madali rin silang maimpluwensya sa mga kaibigan nilang may ganitong kaugalian.
Kaya nararapat lamang na hindi natin dapat tularan ang negatibong kaugalian na ito, para
maging maganda ang buhay natin at upang maging matagumpay tayo sa lahat ng ating minimithi
at wala itong maidudulot na maganda saatin. Kaya malaking kawalan saating kung papadala tayo
sa katamaran.
https://jaymeannmiranda.wordpress.com/2016/02/08/katamaran-hindi-mabuting-kaugalian-ng-
isang-estudyante/
Mga dahilan at paraan para labanan ang katamaran
Sa makabagong panahon ngayon, marami ang makabagong libangan. Hindi natin
namamalayan na ginagawa na pala tayong tamad nito. Ang social media ang isa sa dahilan kung
bakit lalong nagiging tamad ang mga tao. Ang pagkauso rin ng mga bagong games sa teknolohiya
ang isa sa nagiging sanhi ng katamaran.
Mahilig din tayo magpabukas o ang tinatawag na procrastination. Imbes na matapos nang
mas maaga ay ipagpapabukas na lang hanggang sa umabot na sa deadline. Nakakahawa rin ang
katamaran.
Isa ring dahilan ay ang mababang self-esteem na pakiramdam mo ay mahina ka, na hindi
mo kaya. Feeling mo na hindi ka magaling at wala kang bilib sa sarili kaya lalong nagiging tamad.
Ang kawalan din ng direksiyon ang sanhi ng katamaran.
Walang nagmo-motivate at walang plano sa buhay kaya nawawalan ng gana o hindi kaya’y ikaw
ay nabigo na at takot ng sumubok ulit kaya tatamarin na lang.
Kaya ito ang solusyon sa iyong katamaran. Tingnan mo kung saan nagmumula ang iyong
katamaran at bigyan ito ng solusyon. Iwasan ang distraksyon at kailangan ang disiplina sa sarili.
Unahin mong simulan ang pinaka-ayaw mo nang sa gayon ay magiging madali na ang mga susunod
na trabaho. Mag-focus sa goal at huwag mag-procrastinate. Gawin na ang mga puwedeng gawin at
huwag na magpabukas upang matapos na. Kumain ng gulay at prutas dahil nakapagbibigay ng
enerhiya sa katawan at kapag nakakakuha ng sapat na sustansiya ang katawan ay tiyak na hindi ka
tatamarin. Ugaliin nating maging produktibo sa araw-araw sa pamamagitan ng paglaban sa
katamaran. Hindi pa huli para magbago.
http://www.abante-tonite.com/labanan-ang-katamaran.htm
Solusyon sa katamaran
Ang pagiging responsible ay mabisang gamot sa katamaran. Ang pagpanuto sa mga oras
ng gawain or “time management” ay makakatulong upang magayak at magampanan mo ang mga
takda.
Sa tingin ko ang solusyon para sa mga Pilipino sa pagiging tamad ay huwag silang
magdahilan sa kanilang ginagawa. Dapat ay huwag silang gumawa ng mga hindi naman
matinong mga rason sa kanilang pagkukulang na nagreresulta sa kanilang pagiging tamad.
Dapat ay matuto ang mga Pilipino humanap at gumawa ng paraan upang labanan ang kanilang
pagiging tamad. Kailangan nila makahanap ng paraan para makausad sila sa mga iba’t ibang
problema tungkol sa kanilang trabaho’t pag-aaral. Kailangan ng mga Pilipino na ibigay ang
kanilang lahat sa kanilang ginagawa para hindi sila maging tamad sa kanilang trabaho. Sa tingin
ko kapag huminto ang mga Pilipino na magdahilan sa kanilang buhay at ibinigay nila ang
kanilang buong atensyon sa kanilang buhay, masosolunusyan nila ang pagiging tamad.
https://mdandal20.wordpress.com/2017/07/02/solusyon-sa-katamaran/

You might also like