You are on page 1of 1

Working Student

Ang pagiging estudyante ay isang malaking gampanin na hindi madaling gampanan.


Pero mas mahirappa, kapag ang estudyante trabahador pa. Yun bang pagod na utak mo sa umaga
tapos pag-uwi mo ang katawan mo mapapagod pa.

Saludo ako sa mga estudyanteng pinagsasabay ang pag-aaral at pagtratrabaho dahil kung
isipin natin , lahat ng pagod hindi iniinda, lahat ng trabaho basta legal pinapasok nila at at lahat
ng paghihirap kinakaya nila para may pantustos sila sa gastusin nila sa paaralan, dahil ayaw
nilang mahirapan ang kanilang magulang.

Lahat ng yan ginagawa nila kasi may pangarap sila, pangarap na nagpapatibay sa kanila,
pangarap na nagpapalakas sa kanila, pangarap na nagbibigay inspirasyon, pangarap na
nagbibigay inspirasyon, pangarap na maabot dahil sa pagsisikap.

Kaya dapat lang natin silang tingalain at ipagmalaki sapagkat wala nang hihigit sa taglay
na inspirasyon upang makamit ang minimithiing pangrap sa abot na kanyang makakaya.

Dexter Rualizo

You might also like