You are on page 1of 2

Mukha ng Pagbabago

Sawa ka na bang lait-laitin ng iba? Nais mo bang mabago ang masamang pagtingin sa iyo
ng ibang tao? Kung gayon, narito na ang solusyon sa problema mo.

Sa ating lipunan ngayon, kapag narinig ang pangalang Xander Ford ay maraming
kumento ang lumalabas sa ating mga bibig. Ngunit ang pinakatumatak sa ating isipan kapag
naririnig natin ang pangalang ito ay ang pagpaparetoke o plastic surgery. Ano nga ba ang plastic
surgery na ito?

Ang plastic surgery ay isang sangay ng surgery na siyang nagsasaayos sa nawawala o


nasirang balat at tissues, na kadalasan ay dulot ng sakit, injury, o abnormalidad sa
pagkapanganak.

Ang pinakalayunin ng plastic surgery ay gawing normal ang tungkuling ginagampanan ng


mga tissue at balat hangga’t maaari. Ang pagpapaganda naman sa panlabas na anyo ng isang
bahagi ng katawan ay mahalaga rin ngunit ito ay ikalawang layunin lamang.

*Kailan nagsasagaw ng Plastic Surgery*

Ang plastic surgery ay ginagamit upang maisaaayos ang:

 Abnormalidad na lumitaw na mula pa nung pagkapanganak gaya ng cleft lip and palate,
birthmarks, at webbed fingers.
 Mga parte na naapektuhan/nasira dahil sa pagtanggal ng mga cancerous tissues, na
halimbawa ay mula sa mukha o dibdib.
 Malubhang pagkasunog, o anumang malalang kapinsalaan tulad ng mga pinsalang
matamo sa mga aksidente sa kalsada.

*Pamamaraan sa pagsasagawa ng Plastic Surgery*

Ang plastic surgery ay gumagamit ng malawak at madalas na ginagamit:

 Skin Grafts – ang parte ng isang malusog at maayos na balat mula sa hindi apektadong
bahagi ng katawan ay tinatanggal upang ipalit sa bahaging nasira.
 Skin Flap Surgery – ang piraso ng tissue mula sa isang bahagi ng katawan ay inililipat sa
iba pang bahagi.
 Fat Transfer or Grafting – ang taba ay inaalis sa isang bahagi at inilalagay sa iba pa.
 Vaccum Closure – ang maliit na panghigop ay inilalagay sa isang sugat gamit ang isang
manipis na piraso ng foam upang lumabas ang mga fluids at bumilis ang panggaling.
*Panganib ng Plastic Surgery*

Sa anumang uri ng surgery, mayroon talagang panganib at komplikasyong inaasahan.


Ang laki ng panganib ay nakadepende sa ilang mga kadahilanan kasama na kung gaano kaliit ng
o kalaki ang bahagi ng tissue na sumailalim sa surgery at ang kalusugan ng taong sumasailalim
sa proseso. Ilan sa mga panganib ay ang pananakit, pagkailang, impeksiyon, at iba pa.

Hindi masamang mag-asam tayo ng mas maayos at mas magandang anyo ngunit padat
ay siguraduhin nating wasto at sakto lamang ang bahagi n gating katawan na ating isinasailalim
sa plastic surgery upang maiwasan ang mga komplikasyon. Siguraduhin din natin na ang
pagbabago sa ating anyo ay hindi magiging sanhi ng pagkagaspang n gating ugali. Lagi nating
tandaan, ang panloob na kagandahan ay mas maganda parin kasysa sa panlabas.

You might also like