You are on page 1of 2

GOODBYE FACESHIELD?

Ang paggamit ng face shield at face mask ay isang mahalagang


dapat isaalang-alang ng mga mamamayan sa panahon ng sakuna, upang maiwasan
ang pagkakaroon ng virus na tinatawag na Covid 19. Sa paglipas ng panahon, unti-
unti ng nagagawan ng paraan at nakakahanap na ng mga posibleng gamot ang mga
eksperto para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito. Malaking tulong ang
paglalabas at paggamit ng mga vaccination sa mamamayan sapagkat magkakaroon
na ng proteksyon ang ating katawan upang labanan ang covid 19. Dahil sa
pagdami ng mga nababakunahang mamamayan at unti-unting pagbaba ng mga
kaso ng covid 19, niluwagan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang polisya sa
paggamit ng face shield, ngunit mananatili pa rin ang pagsusuot ng face mask. Ito
ay batay sa rekomendasyon ng mga eksperto na pwede nang limitahan ang
pagsusuot ng face shield sa high risk activities. Sa kanyang Talk to the People
address nitong Miyerkules, ika-22 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Duterte na
pwede nang hindi magsuot ng face shield kapag nasa labas, bagkus, ia-aplay na
lamang ang naturang polisiya sa 3Cs o close, crowded, close-contact. Partikular na
binanggit ng punong ehekutibo na ang face shield ay gagamitin na lang sa closed
facility, hospital, crowded room, transportasyon, close-contact at iba pang indoor
establishments.

“Let’s begin with the use of the face shield, ‘yung nakatakip sa mukha. I was
informed of the recommendation from the Technical Advisory Group and medical
experts that the use of face shield on top of face mask may be limited to high risk
activities under the “Three Cs”: closed, crowded, pati close contact. This will
include indoor establishments and transport, gatherings, other activities that
promote close contact as applicable.”
Inihayag pa ni Pangulong Duterte na bukod sa naging rekomendasyon noon ng
mga eksperto ang paggamit ng face shield, ay natakot din ang punong ehekutibo na
mas lalong kumalat pa ang COVID-19, kaya iniutos niya ang implementasyon ng
naturang polisiya. “Ngayon, sabi ko takot ako sa — lalo na ‘yung pagdating ng
COVID D. I got so scared that I ordered the reimposition of the face shields. Ang
akin naman nito sabi ko any — maski gaano kaliit ‘yung contributing —
contributing factor niya to avoid COVID, okay na lang. What’s inconvenience?
But I was informed that itong the Technical Advisory Group and the medical
experts on the use of face shields, ah puwede na tanggalin sa labas. No more face
shields outside.”

Photo credits: https://www.philstar.com/opinion/2021/11/17/2141798/editorial-


goodbye-face-shield

You might also like