You are on page 1of 1

DOH, hinimok ang lahat na magpabakuna laban sa COVID-19

Department of Health Officer-in-Charge Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire, hangad na


magpabakuna ang lahat sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Batay sa media conference ni Vergeire sa Philippine Daily Inquirer noong ika-2 ng Mayo,
binigyang diin niya ang pagtaas ng antas ng risk tolerance sa COVID-19.

Nais ding pagtibayin pa ng Kagawaran ng Kalusugan ang wall of immunity ng bansa kontra
COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng mga Pilipino sa lalong madaling panahon.

“Please get the job done, so that you can remain to be protected against COVID-19. Sama sama
po nating pagtibayin ang ating wall of immunity laban sa virus sa pamamagitan ng pagbabakuna,”
paghihikayat ni Vergeire.

Inanunsyo din ni Vergeire ang hindi na kinakailangang pagbalik ng mga restrictions katulad ng
mandatory masking at pagsuot na lamang nito sa mga at-risk na kababayan at high-risk situations batay
sa naging rekomendasyon ng DOH sa Office of the President mula sa kanilang pakikipag-usap sa Inter-
Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

“Piliin natin na mag mask tayo kapag pupunta tayo sa mga high-risk na mga lugar tulad po ng
mga matatao na lugar, enclosed spaces na pangit ang bentilasyon, lalong lalo na kung hindi kayo
bakunado,” dagdag pa niya.

Umaabante na rin umano sa new normal ang bansa ayon kay Vergeire.

You might also like